Friday, September 1, 2017

Pagpipinid


Dahan-dahan kong hinagod ng tingin ang kabuuan ng silid.

Naroroon sa dingding ang larawan namin. Nakatabingi. Puno ng pagkukunwari ang aming mga ngiti.

Sa sahig ay ang basag na plorera. Nagkalat ang mga talulot ng rosas.

Sa hangin ay nakalutang pa rin ang naiwan niyang halimuyak.

We tried our best to patch things up, didn’t we?

Tumayo ako. Dinama ang namamaga at nananakit na mukha. Pinahid ang mga luha.

Dinampot ko ang susi ng kotse.

Tinungo ko ang pinto, mabuway ang mga hakbang.

At nang makalabas, ipininid ko iyon nang marahan.

1 comment:

wanderingcommuter said...

minsan iniisip ko, ano ang mas mainam at talagang makakatulong, ipinid ang damdamin o ibulalas ang nararamdaman?

just wondering aris.