Monday, October 9, 2017

Baby Boy


Pumupuwesto pa lang kami sa O, namataan ko na siya at hindi naiwasang sulyap-sulyapan habang nanonood ng drag show at nakikipag-chikahan sa mga kaibigan. Pilit kong hinuhuli ang kanyang mga mata. Pilit akong nagpapapansin sa kanya.

Nahalata ni Allen ang aking pagka-aligaga. "I wonder who's keeping us interested tonight," ang sabi. Sinundan niya ang direksiyon ng aking tingin.

Agad niyang nahulaan ang kanina ko pa sinisipat. "Yun bang naka-cap?"

BFF ko talaga siya. Alam na alam niya ang aking type. "Ang cute niya, di ba?"

Tumango-tango siya. "Chinito. Moreno. Yung tipo mo."

"Crush ko na siya," ang dugtong ko pa.

Ewan ko naman kung bakit, pero habang pinag-uusapan namin siya, bigla siyang napatingin at nagtama ang aming mga mata. Parang biglang nag-mute at nag-slow mo ang paligid. Para akong napatulala.

I was jolted back to reality nang sikuhin ako ni Allen. "Gurl, he's smiling at you," ang sabi.

Saka ko lang na-realize na, oo nga, nakangiti siya sa akin habang nakatingin. OMG!

And so, nginitian ko na rin siya. The sweetest I could manage.

"Go, gurl!" ang bulong ni Allen na bukod sa nang-e-encourage ay tila nanghahamon din.

***

I saw him head for the back door. After a few beats, I decided to follow. But to my disappointment, natagpuan ko siya sa labas surrounded by his friends. Not the perfect time for me to say hello. Tumayo na lamang ako sa di-kalayuan at uminom-inom ng beer mula sa boteng hawak ko. Nag-yosi na rin ako. Maya-maya, heto na rin ang mga friends ko, sumunod sa akin. Maybe to check on me dahil alam ko, nai-chika na sa kanila ni Allen ang tungkol sa kanya.

After a while, nagkayayaan nang pumasok sa loob ang grupo nila. Nagpatihuli siya. At bago lumisan, pinukol niya ako ng sulyap. Saglit na nag-hold ang aming mga mata. Bago tuluyang nagsara ang pinto, nasilayan ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya.

Tila mas higit pang kinilig ang mga kaibigan ko kaysa sa akin.

"Push!" ang sabi ni Allen.

***

Muli kaming pumasok sa loob. Nakasalang na ang mga go-go boys sa stage at kung saan-saan pang sulok ng bar. Todo sa seksing pagsasayaw na ipinagbubunyi naman ng crowd. Siksikan na sa loob at sa dami ng tao, muli ko siyang hinanap. Wala na siya sa dati nilang puwesto. Hindi ko na siya makita. Pati mga kaibigan niya. Parang bigla na lang silang naglaho. Nalungkot ako. At upang maibsan ito, pinanood ko na lamang ang pag-indayog ng mga go-go boys. Makikisig, matatangkad, matitipuno. At kahit na very suggestive ang kanilang mga galaw, hindi ko alam kung bakit parang hindi ako sa kanila natu-turn on. They are nice to look at. Pero kahit magpalipat-lipat pa ako ng tingin sa bawat isa sa kanila, wala pa rin akong maramdamang kakaiba.

***

I may have had too much beer or umatake ang claustrophobia ko kaya para akong nahilo at nainitan na hindi ko maintindihan. I needed some fresh air. Kaya nagpasya akong lumabas, hindi sa back door kundi sa front door ako dumaan. Hindi ko alam kung bakit doon. Basta’t parang may humihila lang sa akin doon. Posible nga kayang kapag in tune ang dalawang tao sa iisang wavelength, maaari silang mag-communicate sa pamamagitan ng isip? Or whatever, nabasa ko lang ‘yun somewhere.

Nabanggit ko ‘yun dahil paglabas ko, siya kaagad ang namataan ko. Nakaupo siya sa pandalawahang mesa, mag-isa, umiinom ng beer at nagyoyosi.

Saglit akong napatda. Nakatitig lang sa kanya. Siya nama’y nakatingin din sa akin na parang inaasahan niya ang aking pagdating.

Dinala ako ng aking mga paa sa kanyang kinaroroonan.

Nakalapit na ako sa kanya’y tahimik pa rin kami. Walang nagsasalita. Patuloy lang na nag-uusap ang aming mga mata.

Pagkalipas ng ilang sandali, tumayo siya at ngumiti. “Hi,” ang sabi.

“Hi,” ang sabi ko rin. Ngumiti na rin ako.

“Care to join me?” ang kanyang tanong.

“Sure,” ang sagot ko. Naupo ako.

“Franco nga pala, pare,” ang kanyang sabi, sabay abot ng kamay niya sa akin.

Na tinanggap ko nang malugod. “ Aris,” ang pakilala ko rin.

Saglit na nagdaupang  ang mga palad namin sa isang pakikipagkamay. Malambot ang kanyang palad, mainit. Mahigpit kung humawak, parang ayaw bumitiw.

“May I offer you a beer?” ang alok niya sa akin.

“No, thanks,” ang tanggi ko. “I‘ve already had so much.”

“Then maybe you can join me for a smoke?”

“Yeah, sure.” Dumukot ako ng Marlboro Black mula sa bulsa ko at nagsindi.

Makalawang beses akong naghithit-buga habang nakatingin sa kanya nang diretso.

“Bakit nandito ka at mag-isa lang?” ang tanong ko, feeling relaxed na ako, hindi katulad kanina na parang nahihiya at nag-aalinlangan. Nakahanda na akong lubusang makipagkilala kay Frank.

***

“Nasaan ang mga kasama mo kanina?” ang dugtong ko pa.

“Umuwi na. Iniwan na nila ako,” ang sagot niya.

“Ba’t ka naman nagpaiwan?”

“Dahil ayoko pang umuwi.” Lumagok siya ng beer at humithit ng yosi. “May gusto pa akong mangyari bago umuwi.”

“At iyon ay…?”

“Ang makilala ka,” ang walang gatol niyang tugon. “Na ngayo’y nangyari na kaya pwede na akong umuwi.”

“Oh okay. Bye.”

“Kidding.”

Bahagya kaming natawa at sabay pang napahithit ng yosi.

“Seriously, I want to know you,” ang sabi niya pagkaraan.

“I want to know you too,” ang pag-amin ko na rin.

Patlang. Na para bang pareho kaming nag-aapuhap ng sasabihin.

“So, how old are you? ” ang tanong ko, bunsod ng kagustuhang maipagpatuloy ang aming pag-uusap.

“Nineteen.”

“Huwat???” Gosh, ang bata niya. As in, ang laki ng agwat ng edad namin. I knew he was young but I didn’t expect him to be this young.

“Why? Ayaw mo ba sa bata?”

“Masyado kang bata for me. It makes me uncomfortable.”

“Sabihin na lang natin na bata akong mahilig sa matanda.”

“Ouch.”

“I mean, older,” ang bawi niya. “Not that you’re old or something. I just like older men. At wala akong issue sa tatay ko. Na kaya ganon ang preference ko ay dahil naghahanap ako ng father figure. No. Okay kami ng tatay ko. At hindi father figure ang hanap ko kundi boyfriend. An older boyfriend.”

“So, we’re talking about boyfriends now…” ang tukso ko.

“Yeah,” ang tugon niya. “Ikaw, do you go for younger?”

“No.”

May gumuhit na disappointment sa kanyang mukha.

“I mean, yes,” ang bawi ko. “ For every rule, there’s always an exception, right?”

“Uhuh.” Tumango-tango siya. Muling lumagok ng beer at nag-yosi.

Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko sa tinatakbo ng usapan namin. Parang bigla ring nawala ang amats ko kanina. “I think I need a drink.”

Inunahan niya na akong sumenyas sa waiter.

“Red Horse,” ang sabi ko paglapit ng waiter.

“Dalawa na, Kuya,” ang sabi niya sa waiter.

Pinatay niya sa ash tray ang kanyang sigarilyo at nagsinding muli ng panibago. Napagaya na rin ako.

Pinanood namin ang paglutang at pagsasanib ng mga usok na ibinuga namin.

Nagkatinginan kaming muli. At nagkangitian. Parang wala na namang masabi.

(May Karugtong)