Pumupuwesto pa lang kami sa O, namataan ko na siya at hindi naiwasang sulyap-sulyapan habang nanonood ng drag show at nakikipag-chikahan sa mga kaibigan. Pilit kong hinuhuli ang kanyang mga mata. Pilit akong nagpapapansin sa kanya.
Nahalata ni Allen ang aking pagka-aligaga. "I wonder who's keeping us interested tonight," ang sabi. Sinundan niya ang direksiyon ng aking tingin.
Agad niyang nahulaan ang kanina ko pa sinisipat. "Yun bang naka-cap?"
BFF ko talaga siya. Alam na alam niya ang aking type. "Ang cute niya, di ba?"
Tumango-tango siya. "Chinito. Moreno. Yung tipo mo."
"Crush ko na siya," ang dugtong ko pa.
Ewan ko naman kung bakit, pero habang pinag-uusapan namin siya, bigla siyang napatingin at nagtama ang aming mga mata. Parang biglang nag-mute at nag-slow mo ang paligid. Para akong napatulala.
I was jolted back to reality nang sikuhin ako ni Allen. "Gurl, he's smiling at you," ang sabi.
Saka ko lang na-realize na, oo nga, nakangiti siya sa akin habang nakatingin. OMG!
And so, nginitian ko na rin siya. The sweetest I could manage.
"Go, gurl!" ang bulong ni Allen na bukod sa nang-e-encourage ay tila nanghahamon din.
***
I saw him head for the back door. After a few beats, I decided to follow. But to my disappointment, natagpuan ko siya sa labas surrounded by his friends. Not the perfect time for me to say hello. Tumayo na lamang ako sa di-kalayuan at uminom-inom ng beer mula sa boteng hawak ko. Nag-yosi na rin ako. Maya-maya, heto na rin ang mga friends ko, sumunod sa akin. Maybe to check on me dahil alam ko, nai-chika na sa kanila ni Allen ang tungkol sa kanya.
After a while, nagkayayaan nang pumasok sa loob ang grupo nila. Nagpatihuli siya. At bago lumisan, pinukol niya ako ng sulyap. Saglit na nag-hold ang aming mga mata. Bago tuluyang nagsara ang pinto, nasilayan ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya.
Tila mas higit pang kinilig ang mga kaibigan ko kaysa sa akin.
"Push!" ang sabi
ni Allen.
***
Muli kaming pumasok sa
loob. Nakasalang na ang mga go-go boys sa stage at kung saan-saan pang sulok ng
bar. Todo sa seksing pagsasayaw na ipinagbubunyi naman ng crowd. Siksikan na sa
loob at sa dami ng tao, muli ko siyang hinanap. Wala na siya sa dati nilang
puwesto. Hindi ko na siya makita. Pati mga kaibigan niya. Parang bigla na lang
silang naglaho. Nalungkot ako. At upang maibsan ito, pinanood ko na lamang ang
pag-indayog ng mga go-go boys. Makikisig, matatangkad, matitipuno. At kahit na
very suggestive ang kanilang mga galaw, hindi ko alam kung bakit parang hindi
ako sa kanila natu-turn on. They are nice to look at. Pero kahit
magpalipat-lipat pa ako ng tingin sa bawat isa sa kanila, wala pa rin akong maramdamang
kakaiba.
***
I may have had too much
beer or umatake ang claustrophobia ko kaya para akong nahilo at nainitan na
hindi ko maintindihan. I needed some fresh air. Kaya nagpasya akong lumabas,
hindi sa back door kundi sa front door ako dumaan. Hindi ko alam kung bakit
doon. Basta’t parang may humihila lang sa akin doon. Posible nga kayang kapag
in tune ang dalawang tao sa iisang wavelength, maaari silang mag-communicate sa
pamamagitan ng isip? Or whatever, nabasa ko lang ‘yun somewhere.
Nabanggit ko ‘yun dahil
paglabas ko, siya kaagad ang namataan ko. Nakaupo siya sa pandalawahang mesa,
mag-isa, umiinom ng beer at nagyoyosi.
Saglit akong napatda.
Nakatitig lang sa kanya. Siya nama’y nakatingin din sa akin na parang inaasahan
niya ang aking pagdating.
Dinala ako ng aking mga
paa sa kanyang kinaroroonan.
Nakalapit na ako sa
kanya’y tahimik pa rin kami. Walang nagsasalita. Patuloy lang na nag-uusap ang
aming mga mata.
Pagkalipas ng ilang sandali, tumayo siya at ngumiti. “Hi,” ang sabi.
“Hi,” ang sabi ko rin.
Ngumiti na rin ako.
“Care to join me?” ang
kanyang tanong.
“Sure,” ang sagot ko.
Naupo ako.
“Franco nga pala, pare,”
ang kanyang sabi, sabay abot ng kamay niya sa akin.
Na tinanggap ko nang
malugod. “ Aris,” ang pakilala ko rin.
Saglit na nagdaupang ang mga palad namin sa isang pakikipagkamay.
Malambot ang kanyang palad, mainit. Mahigpit kung humawak, parang ayaw bumitiw.
“May I offer you a beer?”
ang alok niya sa akin.
“No, thanks,” ang tanggi
ko. “I‘ve already had so much.”
“Then maybe you can join
me for a smoke?”
“Yeah, sure.” Dumukot ako
ng Marlboro Black mula sa bulsa ko at nagsindi.
Makalawang beses akong
naghithit-buga habang nakatingin sa kanya nang diretso.
“Bakit nandito ka at
mag-isa lang?” ang tanong ko, feeling relaxed na ako, hindi katulad kanina na
parang nahihiya at nag-aalinlangan. Nakahanda na akong lubusang makipagkilala
kay Frank.
***
“Nasaan ang mga kasama mo
kanina?” ang dugtong ko pa.
“Umuwi na. Iniwan na nila
ako,” ang sagot niya.
“Ba’t ka naman nagpaiwan?”
“Dahil ayoko pang umuwi.”
Lumagok siya ng beer at humithit ng yosi. “May gusto pa akong mangyari bago
umuwi.”
“At iyon ay…?”
“Ang makilala ka,” ang walang
gatol niyang tugon. “Na ngayo’y nangyari na kaya pwede na akong umuwi.”
“Oh okay. Bye.”
“Kidding.”
Bahagya kaming natawa at
sabay pang napahithit ng yosi.
“Seriously, I want to know
you,” ang sabi niya pagkaraan.
“I want to know you too,”
ang pag-amin ko na rin.
Patlang. Na para bang
pareho kaming nag-aapuhap ng sasabihin.
“So, how old are you? ”
ang tanong ko, bunsod ng kagustuhang maipagpatuloy ang aming pag-uusap.
“Nineteen.”
“Huwat???” Gosh, ang bata
niya. As in, ang laki ng agwat ng edad namin. I knew he was young but I didn’t
expect him to be this young.
“Why? Ayaw mo ba sa bata?”
“Masyado kang bata for me.
It makes me uncomfortable.”
“Sabihin na lang natin na
bata akong mahilig sa matanda.”
“Ouch.”
“I mean, older,” ang bawi
niya. “Not that you’re old or something. I just like older men. At wala akong
issue sa tatay ko. Na kaya ganon ang preference ko ay dahil naghahanap
ako ng father figure. No. Okay kami ng tatay ko. At hindi father figure ang
hanap ko kundi boyfriend. An older boyfriend.”
“So, we’re talking about
boyfriends now…” ang tukso ko.
“Yeah,” ang tugon niya. “Ikaw,
do you go for younger?”
“No.”
May gumuhit na
disappointment sa kanyang mukha.
“I mean, yes,” ang bawi
ko. “ For every rule, there’s always an exception, right?”
“Uhuh.” Tumango-tango siya.
Muling lumagok ng beer at nag-yosi.
Parang biglang nanuyo ang
lalamunan ko sa tinatakbo ng usapan namin. Parang bigla ring nawala ang amats
ko kanina. “I think I need a drink.”
Inunahan niya na akong
sumenyas sa waiter.
“Red Horse,” ang sabi ko
paglapit ng waiter.
“Dalawa na, Kuya,” ang
sabi niya sa waiter.
Pinatay niya sa ash tray
ang kanyang sigarilyo at nagsinding muli ng panibago. Napagaya na rin ako.
Pinanood namin ang paglutang
at pagsasanib ng mga usok na ibinuga namin.
Nagkatinginan kaming muli.
At nagkangitian. Parang wala na namang masabi.
(May Karugtong)
(May Karugtong)
3 comments:
pagkatapos malasing sa red horse, saan kaya pupunta...
hi aris active ka pa pala sa blogging hihi buti kapa kaaliw na may nababasa pang bago na post mo
I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
liver already present. I started on antiviral medications which
reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.
Post a Comment