Tuesday, February 21, 2017

Books Read In 2016

Okay, I'm back. Two months na walang paramdam. Sorry na. Sobrang naging busy lang sa trabaho at nawalan ng time magsulat. Sobrang naging busy na madalas nagkakasakit na (In fact, naospital pa ako!) kaya sa halip na magsulat ay ipinagpapahinga ko na lamang. Okay, maraming pagsubok ang 2016 pero sa awa ng Diyos, nalagpasan ko lahat. Heto ako ngayon, alive and kicking pa rin. Kating-kating magsulat kahit wala pa ring time. Ang dami nang sinimulan pero walang matapos-tapos dahil interrupted palagi ng mga pang-araw-araw na responsibilidad. Nevertheless, determinado pa rin akong ipagpatuloy ang pagbo-blog. Huwag kayong mag-alala, gagalingan ko na talaga. Promise. Meanwhile, heto muna ang mga librong nabasa ko nitong nagdaang taon. Tradisyon na kasi ang pagpo-post ko nito. Short uli ako sa goal ko. Instead of 40, 30 books lang ang nabasa ko. At sa dami ng poetry books na nasa listahan ko, obvious ba na wala talaga akong time maging sa pagbabasa?