(Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author's imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental.)
Sa muli kong pagtapak sa Club Havana, wala na ang dating mainit na pagtanggap. Wala nang nakakaalala kung sino ako at kung ano ang aking nakaraan.
Sa muli kong pagtapak sa Club Havana, wala na ang dating mainit na pagtanggap. Wala nang nakakaalala kung sino ako at kung ano ang aking nakaraan.
Dumadagundong ang tugtugan. Maharot ang sayawan ng mga kalalakihan
sa tanglaw ng aandap-andap na mga ilaw. Wala silang pakialam at pakundangan.
Nagyayakapan, naghahalikan, naghihipuan.
Wala pa ring ipinagbago, kagaya pa rin ng nakaraan. Pati
ang lungkot na mababanaag sa likod ng kasiyahan. Marami ang naghahanap ng hindi
pa rin matagpuan. Marami ang uhaw na naghahanap ng katighawan.
***
Ang bulwagan ay sentro ng pagpapakitang-gilas. At doon ko
siya napagmasdan. Guwapo, maalindog,
matikas. Mag-isang nagsasayaw sa gitna ng kaguluhan. Sa kabila ng pagiging
mapang-akit, walang ibang nangangahas na siya’y lapitan. O kaya’y landiin.
Maliban sa akin.
***
Sinimulan ko munang hagilapin ang kanyang paningin at
nang magtama ang mga mata namin, nginitian ko siya, sabay padala ng mensahe sa
pamamagitan ng isip: Gusto kita.
Tumugon siya. Ngumiti rin. At tila may mensahe rin akong
natanggap mula sa kanya. Kung kaya nilapitan ko siya. “Hi,” ang halos
magkasabay pa naming sabi.
“Ilang taon ka na?” ang tanong ko.
“Twenty two,” ang sagot niya.
Bigla akong nagkaroon ng pag-aatubili. 44 na ako. He’s
half my age.
“Ang bata mo pa pala,” ang sabi ko.
“Sa tingin ko, magkasing-edad lang tayo,” ang sagot niya.
Saka ko lang naalala na iba na nga pala ang aking itsura
pagkatapos kong dumaan sa procedure.
Ang sinumang nakakita na ng billboard ni Korina sa EDSA
ay magsasabing halos hindi nila ito nakilala.
Pareho kami ng pinagdaanang procedure ni Korina. Ako ang male counterpart niya na best-kept
secret ng clinic. Bago siya, ako muna ang pinagpraktisan ni Doktora. Libre lang.
Inalok ako at napapayag na maging guinea pig. Swerte ko dahil naging matagumpay
din ang resulta. Kagaya ni Korina, bumata rin ako ng twenty years.
Kaya muli akong tumapak sa club dahil pakiramdam ko ay
bagong tao na ako. Hindi na ako ang dating naghahari-hariang nalaos. Bata na
uli ako and this is my rebirth and comeback of sorts.
***
Nagsayaw kami ni bagets na hindi nagbibitiw ang aming mga
tingin. Doon ko siya napagmasdang mabuti. Singkit ang kanyang mga mata, kaytangos ng kanyang ilong at kaypupula ng kanyang mga labi. Kaykinis
din ng kanyang kutis. At dahil nasa uso ang buhok at pananamit, mapagkakamalan
siyang isang K-Pop artist.
Dahan-dahang naglapit ang aming mga mukha at sabay sa
aming pagyayakap ay nagtagpo ang aming mga labi. Nagsalo kami sa isang matamis
na halik.
Dinaluyan ako ng excitement na hindi ko mapigil. Para
akong kinikiliti na nagpahumindig sa aking pagkalalaki. Tingnan mo nga naman
ang nagagawa ng pagbabagong-anyo. Hindi lang kumpiyansa sa sarili ang
ibinabalik kundi pati sigla ng libido.
***
Sa dark room sa itaas ng club, doon kami nag-make out. Nagdukutan,
naghawakan at naghimasan ng mga ari habang ang mga labi’y abala sa
paghahalikan. Maya-maya’y naglakbay ang bibig ko sa kanyang leeg, dumako sa
dibdib at doo’y namalagi sa magkasalit na pagsipsip sa kanyang mga utong. Naglakbay
din ang aking mga kamay sa kanyang puwet. Pinisil-pisil ko iyon, dinakot-dakot,
pinanggigilan ang tambok.
Nang ako’y bumitiw, siya naman ang nagpaligaya sa akin.
Hinimod niya ang aking dibdib, ang aking tiyan. Nagulat ako nang ako ay kanyang
luhuran. Walang kaabog-abog, isinubo niya ang aking paghuhumindig at taas-babang pinaglaruan. Para akong
idinuyan. Napapikit ako habang nilalasap ang sarap. Itinulak ko siya nang
maramdaman kong malapit na akong labasan. Huwag muna, may gagawin pa ako sa
kanya.
At isinubo ko rin siya, mahigpit na kinuyom sa aking
bibig, labas-masok na hinagod ng dila ang ulo at tagdan. Napakapit siya sa
aking buhok, napasabunot. Napaungol, habol ang hiningang tila nagkabuhol-buhol.
Kumadyot siya, pabilis nang pabilis. At nang maramdaman ko ang contraction ng
mga ugat, bumitiw ako sabay sa pagpulandit ng kanyang katas.
At pagkatapos ako naman ang kanyang sinalsal. Muli kong hinanap
ang kanyang mga labi at doon ako ay nanatili hanggang sa sapitin ko ang
sukdulan. Umabot hanggang leeg ang talsik ng aking tamod.
***
“Mag-uumaga na pala,” ang sabi niya nang masulyapan ang
aking relos. “I need to go.”
Magkayakap kami sa sofa, ninanamnam pa rin ang tamis ng
mga nagdaang sandali.
“Do you really have to go?” Gusto ko siyang pigilan
subalit kumalas na siya sa aking mga bisig at nag-ayos ng sarili.
“Hindi ako pwedeng maarawan,” ang sabi niya.
“Bakit, bampira ka ba?” ang biro ko.
“Yes,” ang sagot niya. “May lihim akong nakatago sa dilim ng gabi.”
“Pareho pala tayo. I am not exactly who you think I am.”
Hinagkan niya ako sa labi. “That makes us compatible,
baby.”
Saglit kaming nagkatitigan, figuring out kung seryoso ba
ang isa’t isa sa mga sinasabi.
“I really have to go.” At tumayo na siya.
Tumayo na rin ako. “Will I see you again?”
“Sure,” ang sagot nya.
At tumalikod na siya.
“Wait,” ang habol ko.
Pumihit siya.
“Aris nga pala. Ikaw, anong pangalan mo?”
“Hindi mo ba ako nakikilala?” Ngumiti siya, labas ang mga ngiping porselana.
Nanatili akong nakatingin sa kanya, naghihintay sa kanyang pagpapakilala.
“Ako si Xander. Xander Forbes.”