Saturday, January 20, 2018

Club Havana

(Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.) 

Sa muli kong pagtapak sa Club Havana, wala na ang dating mainit na pagtanggap. Wala nang nakakaalala kung sino ako at kung ano ang aking nakaraan.

Dumadagundong ang tugtugan. Maharot ang sayawan ng mga kalalakihan sa tanglaw ng aandap-andap na mga ilaw. Wala silang pakialam at pakundangan. Nagyayakapan, naghahalikan, naghihipuan.

Wala pa ring ipinagbago, kagaya pa rin ng nakaraan. Pati ang lungkot na mababanaag sa likod ng kasiyahan. Marami ang naghahanap ng hindi pa rin matagpuan. Marami ang uhaw na naghahanap ng katighawan.

***

Ang bulwagan ay sentro ng pagpapakitang-gilas. At doon ko siya napagmasdan. Guwapo, maalindog, matikas. Mag-isang nagsasayaw sa gitna ng kaguluhan. Sa kabila ng pagiging mapang-akit, walang ibang nangangahas na siya’y lapitan. O kaya’y landiin.

Maliban sa akin.

***

Sinimulan ko munang hagilapin ang kanyang paningin at nang magtama ang mga mata namin, nginitian ko siya, sabay padala ng mensahe sa pamamagitan ng isip: Gusto kita.

Tumugon siya. Ngumiti rin. At tila may mensahe rin akong natanggap mula sa kanya. Kung kaya nilapitan ko siya. “Hi,” ang halos magkasabay pa naming sabi.

“Ilang taon ka na?” ang tanong ko.

“Twenty two,” ang sagot niya.

Bigla akong nagkaroon ng pag-aatubili. 44 na ako. He’s half my age.

“Ang bata mo pa pala,” ang sabi ko.

“Sa tingin ko, magkasing-edad lang tayo,” ang sagot niya.

Saka ko lang naalala na iba na nga pala ang aking itsura pagkatapos kong dumaan sa procedure.

Ang sinumang nakakita na ng billboard ni Korina sa EDSA ay magsasabing halos hindi nila ito nakilala.

Pareho kami ng pinagdaanang procedure ni Korina. Ako ang male counterpart niya na best-kept secret ng clinic. Bago siya, ako muna ang pinagpraktisan ni Doktora. Libre lang. Inalok ako at napapayag na maging guinea pig. Swerte ko dahil naging matagumpay din ang resulta. Kagaya ni Korina, bumata rin ako ng twenty years.

Kaya muli akong tumapak sa club dahil pakiramdam ko ay bagong tao na ako. Hindi na ako ang dating naghahari-hariang nalaos. Bata na uli ako and this is my rebirth and comeback of sorts.

*** 

Nagsayaw kami ni bagets na hindi nagbibitiw ang aming mga tingin. Doon ko siya napagmasdang mabuti. Singkit ang kanyang mga mata, kaytangos ng kanyang ilong at kaypupula ng kanyang mga labi. Kaykinis din ng kanyang kutis. At dahil nasa uso ang buhok at pananamit, mapagkakamalan siyang isang K-Pop artist.

Dahan-dahang naglapit ang aming mga mukha at sabay sa aming pagyayakap ay nagtagpo ang aming mga labi. Nagsalo kami sa isang matamis na halik.

Dinaluyan ako ng excitement na hindi ko mapigil. Para akong kinikiliti na nagpahumindig sa aking pagkalalaki. Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng pagbabagong-anyo. Hindi lang kumpiyansa sa sarili ang ibinabalik kundi pati sigla ng libido.

***

Sa dark room sa itaas ng club, doon kami nag-make out. Nagdukutan, naghawakan at naghimasan ng mga ari habang ang mga labi’y abala sa paghahalikan. Maya-maya’y naglakbay ang bibig ko sa kanyang leeg, dumako sa dibdib at doo’y namalagi sa magkasalit na pagsipsip sa kanyang mga utong. Naglakbay din ang aking mga kamay sa kanyang puwet. Pinisil-pisil ko iyon, dinakot-dakot, pinanggigilan ang tambok.

Nang ako’y bumitiw, siya naman ang nagpaligaya sa akin. Hinimod niya ang aking dibdib, ang aking tiyan. Nagulat ako nang ako ay kanyang luhuran. Walang kaabog-abog, isinubo niya ang aking paghuhumindig at taas-babang pinaglaruan. Para akong idinuyan. Napapikit ako habang nilalasap ang sarap. Itinulak ko siya nang maramdaman kong malapit na akong labasan. Huwag muna, may gagawin pa ako sa kanya.

At isinubo ko rin siya, mahigpit na kinuyom sa aking bibig, labas-masok na hinagod ng dila ang ulo at tagdan. Napakapit siya sa aking buhok, napasabunot. Napaungol, habol ang hiningang tila nagkabuhol-buhol. Kumadyot siya, pabilis nang pabilis. At nang maramdaman ko ang contraction ng mga ugat, bumitiw ako sabay sa pagpulandit ng kanyang katas.

At pagkatapos ako naman ang kanyang sinalsal. Muli kong hinanap ang kanyang mga labi at doon ako ay nanatili hanggang sa sapitin ko ang sukdulan. Umabot hanggang leeg ang talsik ng aking tamod.

***

“Mag-uumaga na pala,” ang sabi niya nang masulyapan ang aking relos. “I need to go.”

Magkayakap kami sa sofa, ninanamnam pa rin ang tamis ng mga nagdaang sandali.

“Do you really have to go?” Gusto ko siyang pigilan subalit kumalas na siya sa aking mga bisig at nag-ayos ng sarili.

“Hindi ako pwedeng maarawan,” ang sabi niya.

“Bakit, bampira ka ba?” ang biro ko.

“Yes,” ang sagot niya. “May lihim akong nakatago sa dilim ng gabi.”

“Pareho pala tayo. I am not exactly who you think I am.”

Hinagkan niya ako sa labi. “That makes us compatible, baby.”

Saglit kaming nagkatitigan, figuring out kung seryoso ba ang isa’t isa sa mga sinasabi.

“I really have to go.” At tumayo na siya.

Tumayo na rin ako. “Will I see you again?”

“Sure,” ang sagot nya.

At tumalikod na siya.

“Wait,” ang habol ko.

Pumihit siya.

“Aris nga pala. Ikaw, anong pangalan mo?”

“Hindi mo ba ako nakikilala?” Ngumiti siya, labas ang mga ngiping porselana. 

Nanatili akong nakatingin sa kanya, naghihintay sa kanyang pagpapakilala.

“Ako si Xander. Xander Forbes.”

At tuluyan na siyang umalis. Naiwan akong nakanganga.

18 comments:

Drew Callous Boy said...

Mahusay madam!!

CHRISTIAN said...

tawang tawa ako dito. hahaha
havey! haha

Eternal Wanderer... said...

lolololololol

aboutambot said...

Pasabog hehe. Hudyat ba ito na madami pang susunod na pasabog? Demanding lang hehe.

MkSurf8 said...

Hahahaha. San ba etong club Havana? Serious question po ito, friend!

caloy said...

Hindi ko kinaya ang ending. Hahahaha!

citybuoy said...

Grabe, Aris. This is a new color for you. haha I'm kinda digging it. I still see a slight tinge of sadness but then the best bits of comedy all come with that diba?

Jay Calicdan said...

Hala siya, para akong sinapak sa nguso ng tatay ko pagdating sa dulo huhuhu kainis

Nishi said...

Putangina wait. Hahaha!

Tinitigasan nako eh, biglang umurong sa ending pota hahaha

Nice one, Aris

Aris said...

Thanks, Drew.

Aris said...

Salamat, Christian. :)

Aris said...

Sinubukan lang magpatawa, Ternie.:)

Aris said...

Sana nga magtuluy-tuloy na. Makapagpost ng kahit isang entry every month. Thanks for being always there. :)

Aris said...

Imbento lang ito friend. hahaha! although inspired pa rin ng mga pinupuntahan natin noon na nagsara na. Mishu.

Aris said...

Kaloka di ba? Hahaha!

Aris said...

sabi nga, sa likod ng mga ngiti, naroroon ang luha. charot. Thanks Nyl. Parang may imprimatur na kapag nag-comment ka na. Happy at confident na ako. :)

Aris said...

Kakawindang noh? But have you seen his new look? Charot lang, Jay!

Aris said...

Panira ng moment noh? Hahaha! Thanks, Nishi.