Monday, June 30, 2014

Another Sad Love Song


Patay-sindi ang mga ilaw at bumabayo ang dance music nang makita ko siyang nakatayo sa isang sulok ng club. Lango ako sa Strong Ice at Red Horse kaya pilit ko pa siyang inaninag at kinilala bago nilapitan.

Napangiti siya pagkakita sa akin. Ngumiti rin ako at kaagad ko siyang niyakap. Yumakap din siya sa akin. Binati ko siya at hinalikan sa pisngi.

Nag-usap kami sandali. At dahil masyadong malapit ang mukha namin sa isa’t isa, nagtagpo ang aming mga labi. Humigpit ang yakap niya sa akin.

Habang naghahalikan kami, balisa ang aking isip dahil sa kabila ng aking pagkalasing, very much aware ako na mali ang ginagawa namin.

Saklot man ng pagnanasa, pilit akong kumawala sa kanyang mga bisig.

Nagmamadali akong lumayo sa boyfriend ng aking kaibigan.

***

Umakyat ako sa ledge at sumayaw sa “
Beautiful Nightmare”. I was feeling heady pero nagawa ko pa ring lumandi. Kung kani-kanino ako nakipaghalikan. At hindi katulad kanina, wala akong guilt na naramdaman.

Nakipaglaro ako. Subalit kinalaunan, pakiramdam ko, ako na ang pinaglalaruan. Overpowering na ang mga kahalikan ko at parang hindi na ako makahinga. Bumitiw ako at kaagad na bumaba.

Hinanap ko ang aking mga kaibigan subalit hindi ko sila makita.

Hazy ang kamalayan ko nang mga sandaling iyon. I was drunk and exhausted. Parang umiikot ang aking paningin. I steadied myself. Sumandal ako at pumikit.

***

May kamay na gumagap sa aking pisngi habang nakapikit ako.

Dumilat ako. Isang pamilyar na mukha ang tumambad sa akin.

Si Arthur. Ex ko.

Niyakap niya ako. I was feeling lost and his embrace was very comforting. Yumakap din ako sa kanya.

“Are you alright?” ang tanong niya.

Hindi ako sumagot subalit humigpit ang yakap ko sa kanya.

“I’ll get you some water,” ang sabi niya. Bumitiw siya sa akin at umalis. Kaagad din siyang bumalik with a bottle of mineral water.

Ininom ko ang tubig and I felt better. I smiled at him gratefully.

“Kumusta ka na?” ang tanong niya.

“Nothing has changed much. Katulad pa rin ng dati,” ang sagot ko.

“Masyado ka na namang wild. Kanina pa kita pinagmamasdan.”

“Hindi naman ako laging ganito. Ngayon lang.”

“You shouldn’t be that way.”

“Bakit, wala naman akong boyfriend. So walang masama, di ba?”

“Paano ka magkaka-boyfriend kung ganyan ka. You give people the wrong impression.”

Ouch, pinagalitan ako.

“Alam mo naman na hindi ako bad gurl, di ba?”

“Alam ko. Pero ang tingin sa’yo ng iba, bad ka dahil sa pinaggagagawa mo.”

Tumahimik ako.

“Ok ka lang?” ang tanong niya.

“I am fine,” ang sagot ko.

“Halika, magsayaw tayo.”

Habang nagsasayaw, hindi ko napigilang halikan siya sa lips. Tumugon siya at matagal bago nagbitiw ang aming mga labi.

Hinila niya ako sa isang sulok at doon, ipinagpatuloy namin ang paghahalikan.

Dama ko ang pananabik namin sa isa’t isa. Dama ko na naroroon pa rin ang damdamin ko para sa kanya.

Muli kaming nag-usap.

“Anong nangyari sa atin? Bakit bigla na lang tayong naghiwalay?” ang tanong ko.

“Hindi ko alam.”

“We just stopped communicating. No one bothered to ask why.”

“I guess it was pride.”

“But we loved each other, didn’t we?” ang tanong ko na tila naghahanap ng assurance.

“Yeah, I think so.”

Pause.

“Mabuti na lang we remained friends,” ang sabi ko pagkaraan.

“Wala naman tayong pinag-awayan. Basta nag-drift lang tayo.”

“Maybe we should give it another chance...”

Tumingin siya sa akin. May lungkot akong nakita sa kanyang mga mata.

“I think it’s too late for that,” ang sabi niya.

“Why?”

“Kasi, paalis na ako. And I will be away for a while.”

Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

“Mabuti na lang, nagkita tayo ngayong gabi,” ang sabi niya. “I can formally say goodbye.”

“Goodbye?”

“I am leaving this Wednesday.”

“Saan ka pupunta?”

“Sa Saudi. Doon na ako magtatrabaho. Nag-resign na ako sa bangko.”

Natigilan ako.

“Three years ang kontrata ko. Medyo matagal.”

“Bakit ka aalis?”

“I don’t know. Siguro may hinahanap ako. O tinatakasan.”

I stared at him. Hindi ko alam kung ano pa ang aking sasabihin. May lump akong naramdaman sa aking lalamunan.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at muli niya akong hinalikan. Pumikit na lamang ako habang parang ginugutay ang aking kalooban sa halik ng kanyang pamamaalam.

***

Muli akong umakyat sa ledge. Nagsayaw ako at nakipaglandian. Nagpalipat-lipat ang aking mga labi sa kung sinu-sino.

Patay-sindi ang mga ilaw at oblivious ang lahat sa aking lungkot at pagkukunwari habang umiindak at nagpapaka-wild.

Masaya ang tugtog but all I could hear was just another sad love song playing.


===

A repost. Originally published in 2009.

Tuesday, June 17, 2014

In My Dreams

I woke up with an erection.

Muli, napanaginipan ko siya. Pangatlong beses na. Ang boylet na hindi ko kilala.

Dati pa rin ang mga eksena: Gabi. Naglalakad kami, magkasama. Kauulan lang at ang mga ilaw ng siyudad ay sinasalamin ng basang kalsada. Tahimik ang paligid at walang ibang tao maliban sa aming dalawa.

Maya-maya’y umakyat kami sa isang building – parang condominium na madilim. Pumasok kami sa isang silid – madilim din. Sinindihan niya ang kanyang celfone at doon ko siya nabanaagang mabuti. Saglit akong natigilan, agad na nabighani sa kanyang kakisigan.

Lumabas ako sa terrace at tinanaw ang maningning na siyudad. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin, pilit pinapawi ang pag-iinit ng damdamin.

Sinundan niya ako sa terrace at umakbay siya sa akin. Sabay naming pinagmasdan ang city lights. At nang kami’y magharap, kaagad niya akong niyakap. Sa isang kisapmata’y pareho na kaming nakahubad.

Nang dumampi sa akin ang kanyang mga labi, nawalan ng saysay ang aking pagtitimpi. Tinugunan ko ang kanyang halik at nilakbay ng mga kamay ko ang kanyang katawan – ang kanyang bawat sulok, kurba at hugis.

Kaykinis ng kanyang balat. At kung may muscles man akong nasalat, iyo’y mga papausbong pa lamang. Kaytamis din ng kanyang bibig. Para akong sumisimsim ng hinog na prutas.  

Sa isang iglap, nakahiga na siya sa kama. Nakatingin sa akin, nag-aanyaya.

Pinagmasdan ko siya. So beautiful, so perfect na nagpatindi sa aking pagnanasa.

Dahan-dahan akong lumapit at pumaibabaw sa kanya. Muli kaming naghalikan, nagyakap at nagkiskisan. Nang dumako ang aking kamay sa bahagi niya na maaari kong paglagusan ay kusa niyang pinaghiwalay ang kanyang mga binti at iniangat ang kanyang balakang.

Pumosisyon ako para sa aming pag-iisang katawan.

At nang nakatutok na ako upang maangkin siya nang lubusan…

Poof! Bigla akong nagising.

Sa yugtong iyon palaging napuputol ang aking panaginip. Pangatlong beses na. Nakakainis!

Bumangon ako. Parang sasabog ang aking puson. Nagtungo ako sa banyo upang maibsan iyon. 

At dahil 6:00 a.m. na, naligo na ako at nagbihis. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa kalapit na bakery upang bumili ng almusal.

Nakipila ako sa malunggay pandesal.

At doon ko siya napansin. Ang boylet na sinusundan ko sa pila.

Payat, matangkad, makinis. Litaw ang papausbong na muscles sa suot na sleeveless shirt.

Naramdaman niya marahil ang aking pagkakatitig kaya siya ay bumaling. Nagtama ang aming mga mata.

Ngumiti siya.

My heart leapt.

There was something very familiar about his lips. 

Monday, May 19, 2014

Liblib


Nasa katanghalian ang araw nang saglit na huminto ang tren sa estasyon ng Port Junction. Ako lang ang tanging bumaba sa destinasyong iyon. Ang estasyon ay tila isang waiting shed lamang sa tabi ng palayan at maliban sa isang matandang lalaki na nagsisilbing bantay, walang ibang tao roon. Sukbit ang aking backpack, nilapitan ko ang matanda upang magtanong.

“Saan po ba ang daan papuntang Bulihan?”

Tiningnan niya muna ako nang pasipat bago sumagot at nagmuwestra. “Dumiretso ka tapos kumaliwa ka sa makikita mong kalsada. Sundan mo lamang iyon at sa dulo niyon, naroroon ang Bulihan.”

“Malapit lang po ba iyon? Maaaring lakarin?”

Nakita kong tila natawa ang matanda sa aking tanong. “Malayo. Malayong-malayo. At kailangan mo talagang lakarin dahil wala namang sasakyang maghahatid sa’yo roon.”

“Gaano po ba kalayo?”

“Kung sisimulan mo nang maglakad ngayon, makararating ka bago lumubog ang araw.”

“Po?” Nagulat ako. Ganoon kalayo? At lalakarin ko lang iyon?

“Ano ba ang pakay mo sa Bulihan, amang?”

“Magbabakasyon lang po.”

Napakunot-noo ang matanda na para bang iyon ang unang pagkakataong may nakaharap siya na ang pakay ay ang magbakasyon sa lugar na iyon.

Liblib ang lugar na oo nga’t malapit sa dagat, hindi iyon kilala. Ako nga mismo, ang buong akala ko ay “Fort Johnson” ang pangalan ng lugar. Nalaman ko lang na mali ako nang makita ko ang signboard sa estasyon. “Port Junction” pala. Kung bakit iyon ang ipinangalan sa lugar na tunog-sosyalin, wala akong ideya.

Nagpasalamat ako sa matanda at nagpaalam na. Sinundan ko ang direksiyong ibinigay niya kanina. Nang sapitin ko ang sinasabi niyang kalsada, nakaramdam ako ng pagkadismaya. Hindi iyon aspaltadong kalsada kundi lupa. Maalikabok na lupa. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang kahabaan niyon, ang tila paglalaho sa dulo. Sa gilid niyon ay may mangilan-ngilang ligaw na damo at mga puno.

Wala akong choice kundi bagtasin iyon. Huli na upang umurong. Naroroon na ako kaya kailangan ko na iyong pangatawanan.

Bakit nga ba ako napadpad sa lugar na ito? Of all places, bakit dito ko pa naisipang magbakasyon? May ideya na ako na magiging mahirap ang pagpunta rito, pero hindi ko inaasahan na ganito. God knows kung ilang kilometro ang lalakarin ko until sundown upang marating ko ang Bulihan, ang baryo na naging laman ng aking mga panaginip at pantasya, ang lugar na kung saan hanggang ngayon ay buhay sa aking alaala ang mga naging paglalarawan ni Ayang.

Ang mga kuwento ni Ayang tungkol sa Bulihan ang nag-udyok sa akin upang puntahan ang lugar na iyon. Gayundin ang aking pangako sa kanya bago siya pumanaw na hahanapin ko sa Bulihan ang kanyang mga kamag-anakan upang ipaabot sa kanila ang kanyang pamamaalam. Doon siya isinilang at mula nang kanyang iniwan ay hindi na niya muling nabalikan.

Si Ayang ay ang kinalakihan kong yaya. Mula pagkabata hanggang sa ako ay magbinata, lagi siyang nandiyan. Higit pa yata akong malapit sa kanya kaysa sa aking ina dahil sa kanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal at pag-aalaga. At dahil nangako ako sa kanya, hindi ko maaatim na siya ay biguin sa kanyang kahilingan at kagustuhang masilayan ko ang Bulihan, ang maranasan ko at mapatunayan ang mga kuwento niya sa akin noon na bagama’t tila may halong kababalaghan ay aking pinaniwalaan.

Sinimulan kong bagtasin ang daan. Nakaka-ilang hakbang pa lamang ako’y nagsimula ko nang madama ang matinding init ng araw at ang pagkapit ng alikabok sa aking katawan. Nagsimula na rin akong magpawis at makaramdam ng uhaw. Inilabas ko mula sa aking bag ang bote ng baon kong mineral water at lumagok ako ng konti. Kailangan ko iyong tipirin dahil mahaba-haba nga ang aking lalakbayin. Inilabas ko rin ang skull cap na buti na lang ay naisipan ko ring isiksik sa aking bag. Tanging iyon lamang ang aking magiging panangga sa araw habang ako’y naglalakad. Ito yung pagkakataon na wini-wish ko na sana’y nakapagdala ako ng payong. Subalit bakit naman ako magdadala ng payong gayong ako’y magbabakasyon?

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Binilisan ko ang aking mga hakbang upang kahit paano’y umiksi ang aking travel time. Iniwasan kong tanawin ang dulo ng daan dahil magdudulot lang iyon sa akin ng higit na pagod kapag natatanaw kong napakalayo pa niyon. Sa halip ay pinagmasdan ko ang aking mga nadadaanan. Pulos palayan na kahit paano’y kulay berde at may dulot na kapreskuhan sa gitna ng matinding init.

Nang mapadaan ako sa isang puno’y ipinagpasiya ko munang tumigil at sumilong. Doo’y nadama ko ang banayad na hihip ng hangin na kanina’y hindi ko pansin. Bahagyang inuugoy niyon ang mga sanga ng puno na tila’y pinapaypayan ako. Muli akong lumagok ng konting tubig at nakadama ako ng ginhawa sa kumbinasyon ng tubig, ng lilim ng puno at ng hangin. Sapat upang ako ay maka-recover at ilang sandali pa’y muli akong nagpatuloy.

Habang naglalakad ay pinilit kong libangin ang aking isip. Binalikan ko ang mga kuwento ni Ayang. Una na ay ang mga kuwento niya tungkol sa mga nimpa. Tumatak iyon nang husto sa aking isip mula pagkabata dahil iyon ang pinaka-fascinating. Nakatira raw ang mga ito sa kakahuyang malapit sa batis. Sa gabi’y tinatatanglawan ng mga alitaptap ang paglilibot ng mga ito. Kapag nakita mong nagliliwanag ang isang bahagi ng kakahuyan, naroroon ang mga nimpa. Maaaring naglalaro o namamasyal. Hindi mo makikita ang mga ito subalit naroroon sila at maririnig mo ang mga matitinis nilang halakhak.

Subalit ang mga nimpa ay nagpapakita rin. Maaari silang magpalit-anyo lalo na kung may iniibig silang tao. Ang madalas nilang pagpakitaan ay mga taong mababait at may malinis na puso. Mga taong hindi mananakit at sa halip ay tutugon sa kanilang pag-ibig.

“May mga nimpa bang lalaki?” ang tanong ko noon kay Ayang. 

“Mayroon,” ang kanyang sagot. “Nikso ang tawag sa kanila. At katulad ng mga nimpa, sila’y naghahanap din ng iibigin. Hindi mahalaga sa kanila ang kasarian. Ang mga nimpa at nikso’y maaaring umibig sa kahit sino, kahit sa kapwa nila babae o lalaki.”

Noong una’y tila hindi ko maintindihan ang konseptong iyon – ang pag-iibigan ng dalawang babae o dalawang lalaki dahil mulat nga ako sa moral na kasanayang ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki lamang. Subalit kinalaunan ay naunawaan ko rin at inasam ko na sana ako rin ay ibigin ng engkantadong nilalang – at lalaki ang gusto ko! Pinangarap ko na sana’y ibigin din ako ng isang nikso. At nang sabihin ko iyon kay Ayang, mataman niya akong pinagmasdan. Kahit paano’y alam kong mali iyon – ang umasam na mahalin ako ng isang lalaki dahil ako’y lalaki rin – subalit hindi ako sinaway o itinuwid ni Ayang. Basta’t ang sabi niya lang: “Sana nga upang ikaw ay kanyang alagaan.”

Nagsimula kong pangarapin ang niksong iibig sa akin. Sa pag-usad ng panahon, habang ako’y lumalaki, nabuo sa aking isip ang itsura ng niksong iyon. Isang gabi, disisais na ako noon, nagulat na lamang ako nang dalawin niya ako sa panaginip. Ang kabuuan ng kanyang anyo ay tugma sa kung paano ko siya isinalarawan sa aking imahinasyon. Matangkad, makisig, matipuno.

Nagpakilala siya sa akin. “Eros. Iyan ang aking pangalan.”

Magmula noon, siya’y pinaniwalaan ko nang totoo. At siya’y aking inibig. Subalit siya’y kaagad ding naglaho at hindi na muling nagpakita sa akin. Dahil doon nalungkot ako at nanamlay. Nawalan ako ng sigla at nagkulong na lamang sa sariling mundo.

Hindi iyon nalingid kay Ayang. Tila alam niya ang aking ipinagkakaganoon. Ipinaliwanag niya sa akin at ipinaunawa kung bakit hindi na muling nagpakita sa akin si Eros.

Ang sabi niya, ang lahat ay may takdang panahon. Ang minsang pagpapakita sa akin ni Eros ay paniniyak lamang na may nikso ngang nakatakda sa akin. At sa halip na malungkot, dapat akong matuwa dahil maghihintay sa akin ang niksong iyon upang makilala at makasama hindi lamang sa panaginip kundi sa isang tunay na pagkakataon. Sa pagdating ng takdang panahon.

Tinanong ko si Ayang kung bakit niya alam iyon. “Basta’t alam ko lang. Maniwala ka,” ang kanyang sagot. Inisip ko tuloy na baka si Ayang ay isang nimpa subalit hanggang sa namatay siya’y hindi ko napatunayan iyon.

Sa paglipas ng panahon, pinanghawakan ko ang sinabing iyon ni Ayang. Hindi kailanman naglaho sa aking isip ang anyo ni Eros. Sa halip ay higit pa iyong naging matining, na maaari kong i-drawing kahit nakapikit. At lalong hindi naglaho ang pag-ibig ko sa kanya at ang pag-asam na balang araw – sa takdang panahon – ay makakaharap ko siya.

Sa patuloy na paglalakad sa matinding sikat ng araw ay natanaw kong muli ang isang puno sa gilid ng daan. Nagmadali ako upang marating iyon dahil nais kong muling sumilong. Para na akong mahihimatay sa init at kailangan ko munang magpahinga sandali upang ako ay makapagpatuloy.

Nang sapitin ko ang puno – puno iyon ng aratiles na hindi kalakihan – saglit akong natigilan. Dahil sa lilim niyon ay naroroon ang isang punso. Saglit akong nag-atubili na lapitan iyon dahil naalala ko ang mga kuwento ni Ayang tungkol sa mga nuno – na may dalawang klase ng nuno: mabuti at masama. Paano kung ang nunong nakatira roon ay masama? Pinagmasdan ko ang punso. Walang kakaiba roon maliban sa tila nabubudburan iyon ng mga pinong butil ng bubog. Kumikislap ang mga iyon sa tuwing iihip ang hangin at masisinagan ng araw sa paggalaw ng mga sanga ng aratiles.

Hindi ko alam kung bakit tila nabighani ako niyon at nawala ang aking takot. Sumilong ako sa puno. “Tabi tabi po” ang sabi ko bago ako ay dahan-dahang naupo sa tabi ng punso. Patuloy ko pa ring pinagmamasdan iyon at tila higit na nag-ibayo ang pagkislap-kislap ng mga mala-kristal na butil. Hinawakan at hinimas ko ang punso. “Makikisilong po, nuno,” ang magalang na paghingi ko ng permiso.

Sumandal ako sa puno, dama ang pagod. Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahan akong hinila ng antok.

***

“Amang. Amang.” Ginising ako ng tinig na iyon.

Nang idilat ko ang aking mga mata’y nakita kong nakatayo sa harapan ko ang isang matandang lalaki. Maliit ito – mga apat na talampakan lamang ang taas – na noong una’y ipinagpalagay kong unano.  Subalit bigla ko ring naisip: Hindi kaya ito ang nuno sa punso?

“Saan ang iyong tungo?” ang tanong sa akin ng matanda.

Dahan-dahan muna akong tumayo bago sumagot. “Sa Bulihan po.”

“Maaari kang sumabay sa akin hanggang sa bukana ng Bulihan. Doon ang punta ko,” ang sabi ng matanda.

Saka ko lang napansin ang kangga at kalabaw na nakahimpil sa gilid ng daan.

“Naku, maraming salamat po. Kanina pa nga po ako hirap na hirap sa paglalakad.”

“Halika na,” ang yaya ng matanda at nagpatiuna na itong sumakay sa kalabaw.

Ako nama’y kaagad na sumunod at sumakay sa kangga.

Pinatakbo ng matanda ang kalabaw at naramdaman ko ang mapuwersa nitong paghila. At dahil walang gulong, gumuhit at gumasgas sa lupa ang mga “paa” ng kangga.

“Ako nga po pala si Alex,” ang pakilala ko sa matanda habang umuusad kami.

“Ako si Lolong,” ang pakilala rin niya.

“Tagarito po kayo?” ang tanong ko na kung tutuusin ay walang kuwenta. Obvious ba?

“Oo. At ikaw, amang, tagasaan ka?”

“Maynila po.”

“Ano ang iyong sadya sa Bulihan?”

“Bakasyon lang po.”

Saglit akong nilingon ng matanda bago muling nagsalita. “Hindi bakasyon ang ipinunta mo rito, amang. Mayroon kang higit na mahalagang sadya.”

Saglit akong hindi umimik bago ko ipinagpasyang maging matapat sa kanya. “May sadya nga po ako sa pamilya ng aking yaya. May dala akong malungkot na balita dahil pumanaw na po siya.”

“Sino ang iyong yaya? At sino ang kanyang pamilya?”

“Ayang po ang kanyang pangalan. Mariana Dimaliwat.”

Natahimik ang matanda.

“Kilala n’yo po siya?” ang tanong ko.

“Kilala ko ang mga Dimaliwat na nakatira sa Bulihan. At kilala ko rin si Ayang.”

“Ganoon po ba?”

“Kababata ko siya.”

“Po?” Taka ako. Paanong nagkanoon? Si Ayang ay di hamak na mas bata sa kanya.

“Magkasinggulang kami ni Ayang.”

“Sa palagay ko po, si Ayang ay namatay sa edad na kuwarenta.”

“Otsenta na siya. Sadyang ang mga katulad ni Ayang ay kalahati lang ng edad ang itsura.”

“Po?”

“Maraming hiwaga sa Bulihan at si Ayang ay bahagi ng mga hiwagang  iyon. Nang umalis siya, may nais siyang takasan.”

“Ano po iyon?”

“Ang kanyang pagkatao. Ang kanyang naiibang pagkatao.”

“Bakit po? Ano po ang naiiba kay Ayang?”

“Si Ayang ay hindi pangkaraniwang mortal. Si Ayang ay kalahating tao at kalahating nimpa.”

“Po?” Lalo akong hindi makapaniwala. Sa buong panahong inalagaan ako ni Ayang, wala naman akong napansin sa kanyang kakaiba. Pero kinumpirma niyon ang matagal ko nang hinala. Gayunpaman, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi sa sinasabi ng matanda.

“Sa sinabi mong pagkamatay ni Ayang, iyo’y nangangahulugang nagbalik na siya sa mundo ng mga nimpa at nikso. At bahagi ng pagbabalik niyang iyon ay ang pagdadala ng isang mortal bilang alay o sakripisyo.”

Napag-isip ako sa sinabing iyon ng matanda. Ako ba ang naging alay o sakripisyo ni Ayang sa mga nimpa at nikso?

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng matanda. Wala na akong maisagot sa kanya at siya nama’y tila natuon na ang konsentrasyon sa pagrerenda sa kalabaw.

Napansin kong tila bumaba na ang araw dahil ang mga puno at halaman na aming nadaraanan ay may mahahaba nang anino. Hapon na ba? Tiningnan ko ang aking orasan. Hapon na nga. Alas-kuwatro na. Bakit ganoon? Bakit lumipas ang mga sandali na parang hindi ko namamalayan?

Natanawan ko ang puno ng mga buli na tila siyang nagmamarka sa hangganan ng daan. Inakala kong  kaylapit na niyon subalit inabot pa kami ng halos isang oras bago sinapit iyon.

Inihinto ng matanda ang sinasakyan namin. “Hanggang dito na lamang tayo, amang.”

Bumaba ako sa kangga.

“Sundan mo lang ang daan papasok sa bulihan hanggang sa marating mo ang kakahuyan. Tuntunin mo lang ang daan patungo sa dagat. Doon, malapit sa baybayin ay matatagpuan mo ang bahay ng mga Dimaliwat.”

“Maraming salamat po,” ang tugon ko. “Saan na po ang tungo n’yo n’yan?”

May itinuro ang matanda sa kaliwang bahagi ng daan at doon ko napansin ang isang side street. “Dito na ako, amang.”

“Sige po. Maraming salamat po uli.” At nagsimula na akong humakbang papasok sa Bulihan.

“Mag-iingat ka, amang.” Ang pahabol ng matanda.

Bago lubusang magpatuloy, muli kong nilingon ang matanda. Subalit wala na siya sa aking likuran.

***

Malapit nang lumubog ang araw kaya ako ay nagmadali na sa paglalakad. Nakapasok na ako sa bulihan at ako ay namangha sa kung gaano kalalaki at katataas ang mga buli. Gaano na kaya katanda ang mga punong ito? Hindi imposibleng naririto na ang mga ito hindi pa man isinisilang si Ayang.

Tahimik ang paligid bukod sa manaka-nakang paswit ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon ng buli sa kalabit ng hangin. Maingat kong sinundan ang daan at iniwasang malihis dahil sa pangambang ako ay maligaw.

Nagsisimula nang lumubog ang araw nang malagpasan ko ang mga buli at sapitin ang kakahuyan. Dito sa lugar na ito na kung saan magkakatabi, magkakadikit ang mga puno ng akasya, narra, mahogany at kung anu-ano pang mga halamang hindi ko kilala, nakadama ako ng kakaibang kapanatagan. Napakaganda ng kakahuyang ito na para bang ako'y nalipat sa ibang daigdig. Sa mapusyaw na liwanag ng papalubog na araw, nag-aagaw sa pagiging luntian at ginintuan ang mga dahon ng halaman. Malamig ang haplos ng hangin, dala ang halimuyak ng mga ligaw na bulaklak at huni ng mga ibong hindi magkamayaw sa galak. Maingay na rin ang mga kuliglig. Gayundin ang mga palaka sa di-kalayuan.

Sabay sa pagkaulinig ko sa ingay ng mga palaka ay ang pagkaulinig ko rin sa mahinang lagaslas ng tubig. Batis! May batis dito sa loob ng kakahuyan. Kaya pala kahit tag-init, sariwa at malulusog ang mga halaman.

Saglit akong tumigil upang alamin kung saang panig nanggagaling ang tunog ng umaagos na tubig. At nang matukoy ko iyon, sumalungat ako sa daang tinutunton upang hanapin iyon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-curious na makita ang batis.

At doon sa kung saan nakakumpol ang malalaking puno ng balete, natagpuan ko iyon. Kumikinang sa natitirang liwanag ng araw ang mala-kristal nitong tubig na umaagos patungo sa isang tila swimming pool na napaliligiran, nababakuran ng malalaking bato.

At doon sa “swimming pool”, naroroon ang isang lalaking hubo’t hubad na naliligo.

Mabilis akong nagkubli sa mga dahon ng isang higanteng pako.

Pinanood ko ang lalaki na bagamat nakatalikod sa akin, hindi maikakaila ang kakisigang angkin. Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan – malapad na balikat, matipunong pangangatawan, makipot na baywang at matambok na puwet. Mabibilog ang kanyang mga hita at mahahaba ang binti. Kulay honey ang balat na tila nago-glow sa nag-aagaw na dilim at liwanag. 

Nilukuban ako ng nag-uumapaw na excitement. Nanuyo ang lalamunan ko sa pagnanasa at pananabik. Maya-maya'y dinadama ko na ang sentro kong naghuhumindig. 

At dahil sa aking pagmamalikot, lumikha ako ng mga kaluskos.

Natawag ang pansin ng lalaki at siya’y dahan-dahang pumihit.

Pagharap niya sa akin, nagulat ako. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko, mangha at hindi makakilos. 

Sa tanglaw ng mga alitaptap na nagsimulang kumutitap, nasilayan ko ang kanyang mapang-akit na ngiti. 

“Eros…” ang pabulong kong sambit.

Ang lalaki ay kamukhang-kamukha ng nikso sa imahinasyon ko at panaginip!

Tuesday, April 29, 2014

He Smells Like Mango

He smells like mango
The sweet scent of ripe mango
I try not to inhale him
Lest I’ll forget and lose myself
In his innocence.
But I can’t help but wonder:
Do his lips taste just as sweet?
Does his body feel just as firm?
He’s only eighteen
And though he’s ripe for the picking
To touch and taste him
Is forbidden.

***

Simbango siya ng mangga
Matamis na bango ng hinog na mangga
Iniiwasan kong malanghap siya
Dahil ayokong makalimot at mawala
Sa kawalang-malay niya.
Subalit hindi ko maiwasang mag-isip:
Ang mga labi niya kaya’y gano’n din katamis?
Ang kalamnan niya kaya’y gano’n din kasiksik?
Disiotso lang siya
At kahit hinog na upang pitasin
Ang hipuin siya’t lasapin
Ay mahigpit na ipinagkakait.