Sunday, July 6, 2008

Hello

“Hi. Ako si Aris. Ano’ng pangalan mo?”

Ito ang linya ko when I would hit on somebody in Bed.

Tapos sayaw na. Di na ako muling magsasalita pa dahil bukod sa maingay ang music, abala na ako sa tahimik na pakikipag-connect.

Sa pagbubukas ng blog na ito, parang ganun din ang gusto ko. Di na muna ako masyadong magsasalita tungkol sa sarili ko. Kilalanin mo na lang ako as we go along.

Isipin mo kasayaw mo ako sa musika ng mga isusulat ko. Sabay tayong umindayog sa pintig ng buhay ko.

Unti-unti, ire-reveal ko ang sarili ko.

Dahan-dahan, ipakikita ko ang tunay na ako.

At sana magustuhan mo.

12 comments:

AJ said...

Kaibigan, first time ko mapadpad sa iyong tahanan. At dahil dyan.. Sa unang post na ito ako magsisimula mag basa : D

Aris said...

@aj: hello, aj. welcome to my blog. sana mag-enjoy ka. :)

John Ahmer said...

First time ko din ata dito : d napadalaw at nakibasa mula umpisa. Apir!

Aris said...

@wait: welcome sa aking munting tahanan. please feel at home and enjoy your stay. :)

Unknown said...

hi!! makikibasa lang din and sana laga mo rin ako sa link mo... thanks!!

Unknown said...

hi. same here. this is my first time on your blog. umpisahan ko mula sa mga unang posts. looks interesting eh ^_^

Aris said...

@sephy ganzon: hello sephy. welcome to my blog and enjoy your stay. :)

Unknown said...

bago lang ako sa mundo ng blog...

kaya blog hopping muna ako...

hanggang sa makita ko sa BNP...

numero unong blog daw ito...

sige...dito muna ako tatambay...

^_^

Aris said...

@zen elvatar: welcome to my blog, zen. please enjoy your stay. :)

Anonymous said...

Hi Aris!

After i read most your posts here from the present, saka ko lang naalalang puntahan yung pinakauna mong post. and its a blast! para akong ang-time travel sa life and love story ng ibang tao. Magaling ka talaga. i know you're such a good person na kahit na flirt ng konti eh, may malambot at malungkot na puso. One day, makikita mo rin yung pupuno sa missing piece ng life puzzle mo, same as umaasa ri ako para sa sarili ko at umaasa rin sa isang magandang journey para sa lahat. Paglalakbay na puno ng buhay at pagmamahal. Sounds impossible, but that's what makes this life. Please, magkwento ka pa.. Isa tong blog mo sa mg pinupuntahan ko kapag stress at malungkot ako. Mahal mo ang pagsusulat kaya mahal din namin ang mga sinulat mo. Salamat hah. Salamat sa blog mo. ---Rye

Aris said...

@rye: salamat, rye. at mahal ko rin kayo kaya hanggang ngayon, patuloy pa rin akong nagsusulat. sana huwag kang magsawa sa pagsubaybay. :)

Anonymous said...

It won't happen Aris. I assure you. :) ---Rye