Tuesday, July 28, 2009

Wonderful

“You have to do something,” ang text sa akin ng bestfriend kong si Ace. “Baka tuluyan na tayong magkawatak-watak.”

It has been months since huli kaming nagkita-kita at nagkasama-sama ng barkada. Hindi ko akalain na sa pagbabakasyon ko ay magbabakasyon din sila sa pagpunta sa Malate.

Kaya Monday pa lang, isa-isa ko na silang tinext: “Barkada night this Saturday. Miss you guys. No excuses please.” At hindi ko sila tinantanan buong linggo hanggang hindi nagko-confirm ang bawat isa. I was aiming for a complete attendance kaya may threat ako sa mga unsure: “You have to be there or else...” (Charing lang, siyempre!)

Hindi naman ako nahirapan na mapa-“oo” lahat sila dahil katulad ko, miss na rin nila ang barkada at excited sila na muli kaming magkasama-sama. May isa nga kaming friend na kinansela ang Baguio trip niya para lang makapunta. At may nakipag-away pa sa jowa dahil ayaw payagan.

Nabalitaan ko na habang bakasyon kami, napagdiskitahan ng mga friends ko ang pagdyi-gym. (Kanya-kanya sila.) I also heard na ang gaganda na ng mga katawan nila. Dito ako na-insecure dahil sa buong duration ng hibernation ko, never akong tumapak sa gym o kahit sa park (para mag-jogging o mag-walking) at sa halip, luto ako nang luto ng mga kung anik-anik at panay ang kain ko. Hence, nadagdagan ang timbang at waistline ko. Sumikip ang mga mga body-fit shirts at skinny jeans ko. Panic ako kaya sinimulan ko kaagad ang crash diet. I have one week (just one week!) to lose weight para hindi naman ako magmukhang sore thumb in the company of my gym-buffed/gym-toned friends.

Medyo naging successful naman ang fruit and veggies diet ko dahil kahit paano, nag-lose ako. Pero pakiramdam ko, mataba pa rin ako sa mga damit pang-gimik ko kaya nag-shopping pa ako ng outfit na nakakapayat. Ang arte noh? Siyempre, ayoko namang magmukhang suman.

Dumating ang Sabado at excited akong nag-prepare. As usual, natagalan na naman ako sa buhok ko (“Kahit gulu-gulo yan, mahirap ayusin yan!”) kaya medyo na-late ako. Siyempre sa Silya ang tagpuan namin. Halos magkakasunod lang kaming dumating. Hugs at beso-beso. At totoo nga, may definition na ang katawan ng mga friends! Lumaki na ang mga braso at umimpis na ang mga tiyan. Ang titikas na ng mga tindig nila. (Tagilid na ako sa swimsuit competition. Babawi na lang ako sa talent portion. Charing hehe!)

Pinagmasdan ko ang mga kaibigan kong sina Ace, James, Axel, Arnel at Lance (padating pa lang sina Maynard at Luigi) at dama ko ang pag-uumapaw ng tuwa sa puso ko sa muli naming pagkikita-kita. I realized how much I care for these guys and how blessed I am to have them in my life. (Drama!)

Umorder kami. Hindi nakalimot ang mga kaibigan naming waiter sa drink preference ng bawat isa sa amin. Strong Ice for me, Red Horse for Ace, San Mig Light for James and Axel, Zombie for Arnel and Ice Tea for Lance.

In high spirits kaming lahat kaya kahit nagsisimula pa lang kaming uminom, maingay na kami. Hindi kami magkamayaw sa kuwentuhan. We had plenty of catching up to do. Panay ang inom namin dahil gusto namin kaagad malasing. Panay rin ang biruan namin dahil na-miss namin ang kulitan at asaran. Feeling ko, ako ang pinakamalakas tumawa dahil genuinely, ang saya-saya ko talaga at ang sarap ng tama ko sa Strong Ice.

Past 1:00 a.m. na kami nag-decide na pumasok ng Bed. Naglakad kami sa Nakpil na magkakaakbay. Masigla ang aming mga hakbang na tila sabay sa music ni Ida Corr na nanggagaling sa O bar.

Pagpasok namin sa Bed, Axel commented: “Na-miss ko ang amoy na ito!” at saka ko lang na-realize na, oo nga, may amoy ang Bed at mabango siya! Sabay sa paglanghap ko sa distinct smell ng club ay ang higit na pamamayani ng excitement sa aking dibdib. Parang first time ko uli and I didn’t know what’s in store for me inside. Nag-hello ako kay Rose, ang receptionist. As usual, she was smiling at me. Parang pati siya, na-miss ko. Medyo nainis lang ako kasi kino-confiscate na naman sa gate ang lip balm kung kelan may dala ako (a gurl needs to moisturize her lips, you know, para kissable!). Itinigil na nila ito noon, ewan ko kung bakit ginagawa na naman nila ngayon. (Paki-explain naman sa akin please ang dangers ng lip balm sa dance club kasi hindi ko talaga ma-getz kung bakit bawal!)

With or without lip balm, sige, go na rin. (Use your tongue – or somebody else’s -- na lang para huwag ma-dry ang lips.) We parted the curtain and the familiar sight – and sound – came into view. Jampacked, as usual. Hindi lang maraming tao kundi maraming magagandang tao sa loob! Para kaming mga bata na napasok sa chocolate factory.

We settled in our usual spot after getting our drinks. And then, biglang pinatugtog ang “Nobody” ng Wonder Girls. Nagkatinginan kami. Sabay-sabay naming ibinaba ang aming mga bote at humataw kami ng sayaw with matching clap-clap na luluma sa 2NE1 ni Sandara Park. (Char! Siyempre, masculine pa rin ang mga galaw namin hehe!)

It was the perfect music to jumpstart us. We all climbed up the ledge afterwards. At doon nag-krus ang landas namin ng hubadero kong ex na si Harry. Shirtless na naman siya at mag-isang nagsasayaw. Nagyakapan kami at naglandian. Nagsayaw na nag-uumpugan ang mga harap. Naloka lang ako sa kanya dahil maya't maya, nire-remind niya ako na friends na lang daw kami. As if naman, gusto ko pa siya. Haller, hindi na noh? Wala na nga akong maramdaman sa kiskisan namin. At ang lambot pa rin kaya ng abs niya na pinahahawakan niya sa akin. Gusto ko matigas noh! Honestly, wala na talaga akong feelings (o kahit libog) sa kanya. I was just being nice.

Isa sa nagpatingkad sa gabi ko ay ang presence sa Bed ng mga blogger friends ko na sina McVie, Joaqui, Mike, at MkSurf8. Dance dance kami at konting chika. (Nagkita rin kami ni Kane sa Silya bandang umaga.)

And then I met Marcus. Nagtama na ang aming mga mata kanina at na-kyutan ako sa kanya pero mukha siyang suplado kaya umiwas ako. At ngayon, sa muling pagtatama ng aming mga mata, sinubukan kong ngitian siya. Akala ko, iisnabin niya ako pero ngumiti rin siya. Nag-usap kami sandali at maya-maya lang, magkahinang na ang aming mga labi. Yumakap kami sa isa’t isa at nadama ko ang lean na katawan niya. 22 lang siya. Works in a call center at first-timer sa Bed.

Marcus was so sweet and nice. I stayed with him. We held hands, hugged, kissed and danced. Nagkaroon din kami ng conversation na kung saan nakita ko na intelihente siya, family-oriented at independent. Qualities I admire most in a person. Dahil dito, hindi na lang physical ang naging attraction ko sa kanya.

Bandang alas-tres, nagpaalam si Marcus dahil may okasyon daw siya na kailangang daluhan sa umaga. Hinatid ko siya sa labas. Nag-exchange numbers kami. We promised to text each other. Bago siya sumakay ng taksi, sinabi niya na gusto niya uli akong makita.

Back on the ledge, the flirting game continued. I danced with two shirtless guys. Pareho silang guwapo at maganda ang katawan. Yung isa, pilit akong hinuhubaran. Tumanggi ako dahil tumaba nga ako. Kung hindi lang, hindi na ako kailangang pilitin. Yung isa naman na may tribal tattoo sa likod, panay ang hawak at himas sa akin kaya, hayun, hinawakan at hinimas ko rin. Pero hanggang doon lang iyon, landian lang na walang ibig sabihin. We didn’t even kiss.

Bumalik ako sa company ng mga friends ko. Dumating na sina Maynard at Luigi. Kumpleto na kami. Hello-hello, picture-picture (para may souvenir) tapos sayaw-sayaw. And then, hiwa-hiwalay uli dahil sa mga panibagong prospects.

Sunud-sunod ang natanggap kong text mula kay Marcus.

Hey, Aris. Thank you. I enjoyed my first time there. Hope to hear from you. See you again soon.

Sorry, I had to leave early. Next time, promise, I won’t leave you.

Just text me if you want to meet again. I will surely be there.

I miss you already hehe!

Bunsod ng saya na nadama ko sa mga text niya, muli akong umakyat ng ledge at doon nagsayaw nang nagsayaw. Parang ang gaan-gaan ng mga paa ko. Parang lumulutang ako sa music. Kahit mag-isa, enjoy ako. I bumped into one of my super crushes before. He smiled at me. I smiled back. Pero parang ang tingin ko sa kanya, hindi na siya ganoon kaguwapo. Parang hindi ko na siya crush.

Then I found myself surrounded by my friends again. Nag-uumaga na and we made the most of the time left. Super dance uli kami. Wala na sina Arnel at Maynard, na-take-home daw. Si Luigi naman, sumama sa ex. Oh well, good for them.

Lima na lang kaming lumabas na magkakasama. We went to Silya for breakfast at doon, nagpatuloy ang kuwentuhan namin. Napag-usapan namin ang mga encounters.

“I have a date later. Magkikita kami sa Gateway,” ang sabi ni James.

“I kissed four,” ang pagyayabang ni Axel. “Ikaw, Aris?”

“Isa lang. And I liked him. BF material,” ang sabi ko.

“Milagro, gurl. Hindi ka top scorer ngayong gabi,” ang comment ni Ace.

“Nagbago na ako,” ang sagot ko.

“Ako rin, isa lang”, ang sabi ni Lance. “Nasa loob kasi si Zaldy, nakita n’yo ba? Ayoko kasing isipin niya na naglalandi ako porke’t hiwalay na kami.”

“Uy, mahal mo pa rin siya,” ang kantiyaw namin.

“Hindi na,” ang tanggi ni Lance.

“I met two. Pinaghahalikan ako sa leeg nung isa. Nahirapan akong umiwas,” ang sharing naman ni Ace.

Saka namin sabay-sabay na napansin ang hickey na nasa kanyang leeg! OMG, lagot! Paano niya ito ipaliliwanag sa kanyang jowa?

Nag-panic si Ace. Kanya-kanya kami ng advice kung ano ang gagawin. Cold compress. Concealer. Vitamin E. Turtle neck.

Medyo tumagal ang pag-aalmusal namin dahil sa kung anu-ano pang mga napag-usapan.

Sa pag-uwi, isang direksyon lang ang tinahak naming lahat. Up na up pa rin kami at parang ayaw maghiwa-hiwalay. Panay ang biruan habang naglalakad. Panay ang tawanan. Masyado kaming masaya. Muli ko silang hinagod ng tingin. At six in the morning, fabulous pa rin ang mga friends kahit walang tulog!

Bandang hapon, nag-text sa akin si Lance: “Winner ang wonder gurls kagabi!”

I could not agree more. Lalong-lalo na ako, wagi talaga ang pakiramdam ko dahil kaka-text lang din sa akin ni Marcus.

I can’t seem to stop thinking about you. If you’re free this afternoon, can I invite you to a movie?

Nag-reply ako at napangiti, tutop ang celfone sa dibdib ko.

Baka ito na yun.

Wednesday, July 22, 2009

Nakaw Na Sandali

Binuksan ko ang pinto. Naroroon si Clarence. Nagulat ako pero parang nahulaan ko na kung bakit.

“Hi. Can I come in?” ang tanong niya.

Pinatuloy ko siya.

Humalik siya sa aking pisngi. Naamoy ko ang pabango niya na hindi nawala sa aking alaala.

Pagkaraan ng matagal na pananahimik, muli siyang nagpakita sa akin. Ito na ang ikalawang pagkakataon mula nang maghiwalay kami.

“Kumusta ka na?” ang tanong ko, pilit tinitimpi ang tuwa sa muli naming pagkikita.

“Not so good,” ang sagot niya.

“Let me guess,” ang sabi ko. “May problema na naman kayo ni Julius?”

Tumango siya.

Inaasahan ko na iyon dahil noong unang beses kaming magkita, ganitong-ganito rin. Dinalaw niya ako dahil may problema siya kay Julius, ang boyfriend niya na naging dahilan ng paghihiwalay namin.

“Nag-dinner ka na?” ang tanong ko. Alas nuwebe na nang gabi.

“Yup.”

“Coffee?” ang alok ko.

“Yes, please.”

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng nangyari sa amin, ako pa rin ang lagi niyang takbuhan kapag kailangan niya ng mapaghihingahan ng kanyang dinaramdam. At ako naman, kahit sinaktan niya noon, patuloy ko pa rin siyang tinatanggap at pinakikinggan.

Over coffee and yosi, nagsimula siyang magsiwalat ng mga bumabagabag sa kanya.

“I think he’s seeing somebody else…”

“Uhuh,” ang sagot ko habang nakatingin sa kanya, encouraging him to continue.

“Or he’s into drugs.”

“Why? Bakit mo naisip yan?”

“Alis siya nang alis at lagi siyang walang pera.”

“Tinanong mo na ba siya?”

“Oo.”

“Anong sabi niya.”

“Nagalit siya. Bakit ko raw siya pinakikialaman.”

“Siyempre, boyfriend mo siya.”

“Exactly.”

Nagpatuloy siya sa paglalabas ng mga sama ng loob niya kay Julius. Nakinig na lamang ako dahil hindi rin ako sigurado kung makakatulong ba ang mga komento ko. Siyempre bilang ex niya, biased ako.

Habang nagsasalita, pinagmasdan ko siya. Napansin kong pumayat siya pero bagay sa kanya. Higit na balingkinitan ngayon ang pangangatawan niya. May dark circles siya, pero napakaganda pa rin ng kanyang mga mata.

Ang mga matang iyon ang tunay na asset niya. Ilang beses na ba akong nawala sa mga titig niya in the past. Hanggang ngayon taglay pa rin ng kanyang mga mata ang kapangyarihang gawin akong irrational at makalimot.

Nakita ko sa mga mata niya ang paghihirap ng kanyang kalooban.

Nang magsimula siyang umiyak, niyakap ko siya. Kahit noon, laging malambot ang puso ko para sa kanya.

Yumakap din siya sa akin. Mahigpit. Dama ko ang pamilyar na hubog ng kanyang katawan na hanggang ngayon ay pinananabikan ko pa rin. Hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin. Hinanap ko ang kanyang mga labi.

Tumugon din siya na parang uhaw na uhaw sa paglingap. Nilunod ng aming paghahalikan ang kanyang mga pag-iyak at iba pang sasabihin.

Hindi lang ako kundi maging siya ay naging mapusok din. Ang pananabik ko sa kanya ay sinuklian niya ng pananabik din sa akin. Totoong higit na masarap ang bawal dahil nang mga sandaling iyon, naging kakaiba sa aking pakiramdam ang muli naming pagniniig. Higit na naging sensitibo ang aking pandama sa kanyang bawat halik, hawak at haplos. Higit na naging katakam-takam ang bawat bahagi at sulok ng kanyang katawan.

Nakalalango ang mga sandaling iyon. Nakalalasing sa kamalayan. Katulad ng unang pagkakataon na parang hindi ko maipaliwanag ang ligayang tumagos hanggang sa aking kaibuturan. Siguro dahil may pagmamahal pa rin ako kay Clarence at gusto ko ring maghiganti kay Julius. Katulad noong unang beses na nangyari ang ganito, magkahalo ang pag-ibig at poot sa aking dibdib, mga makapangyarihang puwersa na nang kumawala ay naghatid sa akin sa kaluwalhatian at nagbigay ng relief, ng bliss na pumayapa sa aking kalooban.

Magdamag kaming nagtampisaw, nagpatianod at nagpakalunod sa bawal na pagniniig. Magdamag naming kinalinga ang isa’t isa sa pamamagitan ng mga yakap at halik. Paulit-ulit, tila walang pagkasawa.

Humupa ang aming init. Ang ligaya na namayani sa buong magdamag ay napalitan ng lungkot. Ang intimacy ay naging discomfort.

Pinakiramdaman ko si Clarence. Tahimik siya sa kanyang pagkakahiga. Nakayakap sa akin subalit alam kong naglalakbay ang kanyang isip.

Sa pagliliwanag ng kapaligiran ay tila nagsimula ring magliwanag sa amin ang lahat. Sabay sa pagsikat ng araw ay ang pagsikat din ng realidad.

Bumangon si Clarence at nagbihis.

“Salamat,” ang mahina niyang sabi.

“For what?”

“For always being there for me…”

Hindi ako sumagot.

“Kung maaari nga lang kitang mahaling muli. Pero hindi na iyon ganoon kadali…”

Nagpaalam siya sa akin.

Muli kong napagtanto na hindi ko napagtagumpayan ang mga nakaw na sandali.

Umalis si Clarence upang bumalik kay Julius.

Katulad ng dati, ako pa rin ang biktima ng aking pagmamahal at paghihiganti. Ako pa rin ang higit na nasaktan.

“If only...” ang usal ko sa sarili.



Thursday, July 16, 2009

My First Broken Heart

Dose lang ako noon. Trese siya.

Taga-Maynila si Aaron at nagbabakasyon lang sa lugar namin for the summer.

Una ko siyang nakitang nakikipaglaro ng basketball sa mga kababata ko sa plaza. Napako ang tingin ko sa kanya dahil bukod sa guwapo, napakahusay niyang maglaro.

Panay din ang cheer sa kanya ng mga nanonood na dalagita na obvious ang paghanga at pagkakilig sa kanya.

At dahil mga kababata ko ang kalaro niya, nakilala ko siya. At dahil nakatira siya malapit sa amin, naging katropa namin siya.

Naging kalaro namin siya hindi lang sa basketball kundi maging sa patintero, tumbang-preso at taguan.

Naging kasa-kasama rin namin siya sa pagbibisikleta at paliligo sa ilog.

Sa lahat ng mga pagkakataong kalaro at kasama namin siya, lagi na ay may kakaiba akong saya na nadarama. Magiliw ang pakikitungo ko sa kanya dahil gusto kong mapalapit siya sa akin.

Magiliw din ang mga kabarkada naming babae sa kanya. Lalong-lalo na si Virginia na mula nang mahalata ko na panay ang papansin kay Aaron ay lihim ko nang kinainisan.

Hindi lang ang pagkainis kay Virginia ang inilihim ko kundi higit lalo ang espesyal kong pagtingin kay Aaron. Bago sa akin ang damdaming iyon at ayaw kong may makaalam.

Isang gabing maliwanag ang buwan, naglaro kami ng taguan. Magkasama kami ni Aaron na nagtago sa silong ng bahay.

Kahit madilim doon, aninag na aninag ko ang makisig niyang mukha. Amoy na amoy ko rin ang mabangong pawis niya.

Tinitigan ko siya. Ngumiti siya. At sa tulak ng hindi ko mapigilang damdamin, bigla ko siyang hinalikan. Sa pisngi.

Nagulat siya. Tapos natawa.

Inulit ko pa. Hindi na siya tumawa. Pero hindi rin siya umiwas.

Sa sumunod na round ng laro, magkasama uli kaming nagtago. At siya na ang nagkusang halikan ako. Sa lips.

Ako naman ang nagulat. Pero pumikit lang ako at hindi tuminag.

Iyon ang naging simula ng aming pagkakaunawaan. Sikreto namin iyon. Ingat na ingat kaming may makaalam.

Pero minsan, isang gabing muli ay taguan ang nilalaro namin, may nakahalata. Si Virginia.

“Bakit ba lagi kayong magkasama kung magtago?” ang tanong niya sa harap ng mga kalaro namin.

Pareho kaming hindi sumagot ni Aaron.

“Siguro may ginagawa kayo, ano?” ang dugtong pa ni Virginia na may pang-iintriga.

Todo deny kami pareho pero kinabahan ako. Natakot akong mabuking ang sikreto namin.

Siguro ay kinabahan at natakot din si Aaron dahil kinabukasan, nagsimula na siyang umiwas.

Hindi na siya masyadong naglalapit sa akin. Halos hindi na rin niya ako kinakausap. Kinalaunan, hindi na siya sumasali sa mga laro namin.

Nalungkot ako pero nagsawalang-kibo na lamang. Hinayaan ko siyang lumayo.

Isang hapon, ipinagpasya kong mamasyal sa gulod upang maibsan ang lungkot ko. Nami-miss ko si Aaron dahil ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita.

Hindi ko inaasahang makikita ko siya roon. Nakaupo sa lilim ng nag-iisang puno. Nakatanaw sa malayo.

Sumikdo ang aking puso. Nagmadali ako upang lapitan siya. Subalit nang malapit na ako, napagtanto ko na hindi pala siya nag-iisa.

May kasama siya. Si Virginia.

Nagkubli ako sa mga halaman. At nagulat ako sa aking nasaksihan.

Hinalikan ni Aaron si Virginia. Sa lips. Matagal. Katulad ng ginagawa niya sa akin sa tuwing kami ay naglalaro ng taguan.

Parang dinurog ang aking puso. Parang hindi ako makahinga.

Nagtatakbo ako palayo. Nadapa ako at nagkasugat-sugat ang tuhod.

Pagdating sa bahay, umiyak ako nang umiyak.

Masakit ang mga sugat ko sa tuhod pero mas masakit ang sugat ko sa puso.

It was my first broken heart.



Monday, July 6, 2009

Happy Birthday, Blog

Today is my blog’s first birthday.

Parang kailan lang nang magsimula akong magsulat. Noong una, medyo may alinlangan pa ako subalit nang masimulan ko na, nagtuluy-tuloy na. Aba, at nakaka-isang taon na pala ako!

Sa pamamagitan ng aking blog, nagkaroon ako ng outlet para i-share ang mga magaganda, masasaya, pangit, malulungkot, nakakatawa, nakakainis, nakaka-L, nakapanghihinayang, at pati na rin ang mga nakasisindak na pangyayari sa aking buhay. Nailabas ko rin ang aking mga saloobin. And surprisingly, na-entertain ko kayo at nag-enjoy ako!

Sa pamamagitan ng mga sinulat ko, naging in-touch ako sa emotions at experiences ko na naging daan upang higit kong makilala ang sarili ko. Parang pagharap sa salamin na kung saan marami kang makikita, matututunan at mauunawaan.

Naging daan din ang aking blog upang madagdagan ang aking mga kaibigan. At wala ni isa man akong naging kaaway.

Salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay at pagtangkilik. Kayo at ang inyong mga comment ang nagsisilbing inspirasyon sa akin upang patuloy na magkuwento.

Kung Hindi Siya 2

Naupo kami nang magkaharap. And for a moment, pareho lang kaming nakatingin sa isa’t isa.

Sabay kaming nagsindi ng sigarilyo. Sabay din kaming napangiti.

Hinagod ko siya ng tingin. Parang walang nabago sa kanya. Dati pa rin ang kanyang itsura, although may maturity na sa bukas ng kanyang mukha. Makinis pa rin ang moreno niyang kutis at sensuous pa rin ang makapal niyang labi.

“I am happy to see you,” ang sabi niya.

“Ako rin,” ang sagot ko.

“Akala ko, hindi mo pagbibigyan ang imbitasyon ko.”

“Bakit naman?”

“Lagi ka kasing busy.”

Lately, medyo dumalang ang komunikasyon namin. Kung kailan madalas ko na siyang naiisip, saka naman nabawasan ang kanyang pagpaparamdam. Kaya nang magyaya siyang magkita kami ngayon, pumayag kaagad ako dahil parang na-miss ko siya.

“Na-miss kita,” ang sabi niya.

“Ows? Kaya pala hindi ka na tumawag at nag-text.”

“Medyo naging busy lang,” ang sagot niya.

“Bakit, may dini-date ka na bang iba?”

“Wala.”

“So, anong pinagkakaabalahan mo?” ang tanong ko, nakangiti.

Uminom muna siya ng kape bago sumagot.

“May inaayos lang akong mga papeles.”

“Para saan?”

“Sa trabaho.”

Nawala ang ngiti ko sa aking narinig. Napatitig ako sa kanya.

“Mag-a-abroad ka uli?”

Tumango siya. “May offer. Sayang naman kasi.”

Para akong biglang nalungkot.

“Akala ko, hindi ka na uli aalis.”

“May dahilan ba para mag-stay ako?”

Natahimik ako.

“Mula nang bumalik ako, I’ve been trying to win you back pero parang ayaw mo na,” ang sabi niya.

“Dahil ito ang pinangangambahan ko… ang muli mong pag-alis,” ang sagot ko.

“Sabihin mo lang sa akin ngayon na huwag na akong umalis, hindi ako aalis.”

“Ayokong maging hadlang sa mga plano mo.”

Napailing siya. “Hindi kita maintindihan.”

“Ako rin, hindi ko maintindihan ang sarili ko.”

Katahimikan. Nagpatuloy kami sa pagkakape at paninigarilyo. Parang naubusan na kami ng sasabihin.

“I may be leaving in a month, “ ang sabi niya pagkaraan. “We still have time to be together.”

“That will be great.”

“Matagal mo nang sinasabi na isasama mo ako sa Malate.”

“Sige, punta tayo.”

“I want to meet your friends.”

“They would love to meet you.”

Katahimikan muli.

“Rich?” ang sabi ko pagkaraan.

“Yeah?”

“Please don’t think na hindi na kita mahal. I still do. It’s just that talagang naguguluhan lang ako pagdating sa'yo.”

“Ok lang, naiintindihan ko. May one month ka pa para maging sigurado.”

Thursday, July 2, 2009

Kung Hindi Siya

I accepted his invitation for coffee.

Hindi naman ako late pero naroroon na siya at naghihintay nang dumating ako. I saw his face lit up pagkakita sa akin.

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo, sinalubong ako at walang kahiya-hiyang niyakap ako.

Ganoon talaga si Rich, very expressive. Parang normal lang sa kanya na ipakita ang feelings niya kahit na nasa mataong lugar pa.

Napangiti ako at yumakap din sa kanya.

After getting our coffee, naghanap kami ng puwesto sa labas kung saan pwede kaming mag-yosi. Kahit noon, years ago when we were just starting to date, yosi na talaga ang pinagkakasunduan namin. We would eat at any restaurant basta may smoking area, at doon, makakalimutan namin ang oras sa pagkukuwentuhan over yosi and bottomless ice tea.

Ang tagal na rin noong una kaming nagkakilala. Isang pangkaraniwang hapon iyon sa mall. Nagkasalubong kami habang namamasyal. Nagkatinginan at nagkangitian. Nag-usap at nagkayayaang kumain sa foodcourt. Ganoon lang kasimple ang aming simula.

Nagkita uli kami nang sumunod na araw at nag-sine. “Till There Was You” nina Juday at Piolo. Napaka-romantiko ng pelikulang iyon. Or at least, iyon ang naaalala ko. Siguro dahil ginagap niya noon ang aking kamay at magka-holding hands kaming nanonood. Siguro dahil hinalikan niya ako noon sa lips nang ilang beses. Nag-dinner kami pagkatapos at doon, higit kaming nagkapalagayan ng loob.

At naging kami. Ganoon lang kabilis.

Everything was perfect sa naging relasyon namin. Para lang kaming magkabarkada na enjoy at kumportable sa company ng isa’t isa. We made each other laugh and we laughed a lot together.

I was happy and I just wanted us to last forever. But he said goodbye. Not because he stopped loving me. But because he had to pursue his dreams.

The hurt was unexplainable nang magpaalam siya sa akin. Nag-break kami bago siya umalis. Wala kasing katiyakan ang isang long-distance relationship, mahirap maghintay at umasa. Masakit man, pinanindigan ko.

Nawalan kami ng komunikasyon. Sa paglipas ng panahon, nalimutan ko siya at may ibang mga nagpuno sa void na iniwan niya sa aking puso.

Sa gitna ng mga on and off kong pakikipag-relasyon, nagpatuloy sa pag-inog ang mundo ko. Hanggang isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng ilang taon, kami ay muling nagtagpo.

Kung kailan nagsisimula na uli akong magmahal, parang biro ng tadhana na kami ay muling pinagtagpo ni Rich.

Lumukso ang puso ko pagkakita sa kanya. Nagyakap kami sa gitna ng mataong mall.

Limang taon na ang nakakaraan nang iwan niya ako dahil nangibang-bansa siya.

“Nagbabalik na ako,” ang sabi niya sa akin. “Will you take me back?”

Hindi ako sumagot pero humigpit ang yakap ko sa kanya.

Sa mahabang panahong nagdaan, hindi siya nakalimutan ng puso ko.

Pagkatapos ng pagkikitang iyon, binagabag ako ng aking damdamin. Lalo na at nagsimula uli siyang magparamdam. He started texting me and calling me at night. Mag-uusap kami nang matagal, mostly pagre-reminisce sa aming nakaraan. At paulit-ulit, sasabihin niya na mahal niya pa rin ako at gusto niya akong balikan.

Dahil sa kanya, isinakripisyo ko ang isang relationship na nagsisimula na sanang mabuo. Naguluhan ako sa bigla niyang pagsulpot. Nagkaroon ako ng duda sa damdamin ko.

Inisip kong makipagbalikan na lang sa kanya subalit hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin.

Pinag-aralan ko ang aking damdamin at na-realize ko na mahal ko pa rin siya. Pero bakit parang may alinlangan ako at nahihirapang mag-desisyon? Bakit parang distracted ako?

Umiwas ako at nilibang ang sarili sa piling ng aking mga kaibigan at bagong kakilala. Indirectly, hinanap ko ang sagot sa aking pakikisalamuha. Maybe I don’t want him anymore and I want somebody else. Or maybe I just want to be unattached. Subalit sa bawat paghupa ng mga maiinit na pakikipagsayaw at pakikipag-connect, at sa muling paggapang ng lungkot at pangungulila, naiisip ko siya at back to square one ako.

Napag-isip tuloy ako, kung hindi siya ang dapat kong mahalin, bakit ganito ang nararamdaman ko?

(May Karugtong)