I accepted his invitation for coffee.
Hindi naman ako late pero naroroon na siya at naghihintay nang dumating ako. I saw his face lit up pagkakita sa akin.
Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo, sinalubong ako at walang kahiya-hiyang niyakap ako.
Ganoon talaga si Rich, very expressive. Parang normal lang sa kanya na ipakita ang feelings niya kahit na nasa mataong lugar pa.
Napangiti ako at yumakap din sa kanya.
After getting our coffee, naghanap kami ng puwesto sa labas kung saan pwede kaming mag-yosi. Kahit noon, years ago when we were just starting to date, yosi na talaga ang pinagkakasunduan namin. We would eat at any restaurant basta may smoking area, at doon, makakalimutan namin ang oras sa pagkukuwentuhan over yosi and bottomless ice tea.
Ang tagal na rin noong una kaming nagkakilala. Isang pangkaraniwang hapon iyon sa mall. Nagkasalubong kami habang namamasyal. Nagkatinginan at nagkangitian. Nag-usap at nagkayayaang kumain sa foodcourt. Ganoon lang kasimple ang aming simula.
Nagkita uli kami nang sumunod na araw at nag-sine. “Till There Was You” nina Juday at Piolo. Napaka-romantiko ng pelikulang iyon. Or at least, iyon ang naaalala ko. Siguro dahil ginagap niya noon ang aking kamay at magka-holding hands kaming nanonood. Siguro dahil hinalikan niya ako noon sa lips nang ilang beses. Nag-dinner kami pagkatapos at doon, higit kaming nagkapalagayan ng loob.
At naging kami. Ganoon lang kabilis.
Everything was perfect sa naging relasyon namin. Para lang kaming magkabarkada na enjoy at kumportable sa company ng isa’t isa. We made each other laugh and we laughed a lot together.
I was happy and I just wanted us to last forever. But he said goodbye. Not because he stopped loving me. But because he had to pursue his dreams.
The hurt was unexplainable nang magpaalam siya sa akin. Nag-break kami bago siya umalis. Wala kasing katiyakan ang isang long-distance relationship, mahirap maghintay at umasa. Masakit man, pinanindigan ko.
Nawalan kami ng komunikasyon. Sa paglipas ng panahon, nalimutan ko siya at may ibang mga nagpuno sa void na iniwan niya sa aking puso.
Sa gitna ng mga on and off kong pakikipag-relasyon, nagpatuloy sa pag-inog ang mundo ko. Hanggang isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng ilang taon, kami ay muling nagtagpo.
Kung kailan nagsisimula na uli akong magmahal, parang biro ng tadhana na kami ay muling pinagtagpo ni Rich.
Lumukso ang puso ko pagkakita sa kanya. Nagyakap kami sa gitna ng mataong mall.
Limang taon na ang nakakaraan nang iwan niya ako dahil nangibang-bansa siya.
“Nagbabalik na ako,” ang sabi niya sa akin. “Will you take me back?”
Hindi ako sumagot pero humigpit ang yakap ko sa kanya.
Sa mahabang panahong nagdaan, hindi siya nakalimutan ng puso ko.
Pagkatapos ng pagkikitang iyon, binagabag ako ng aking damdamin. Lalo na at nagsimula uli siyang magparamdam. He started texting me and calling me at night. Mag-uusap kami nang matagal, mostly pagre-reminisce sa aming nakaraan. At paulit-ulit, sasabihin niya na mahal niya pa rin ako at gusto niya akong balikan.
Dahil sa kanya, isinakripisyo ko ang isang relationship na nagsisimula na sanang mabuo. Naguluhan ako sa bigla niyang pagsulpot. Nagkaroon ako ng duda sa damdamin ko.
Inisip kong makipagbalikan na lang sa kanya subalit hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin.
Pinag-aralan ko ang aking damdamin at na-realize ko na mahal ko pa rin siya. Pero bakit parang may alinlangan ako at nahihirapang mag-desisyon? Bakit parang distracted ako?
Umiwas ako at nilibang ang sarili sa piling ng aking mga kaibigan at bagong kakilala. Indirectly, hinanap ko ang sagot sa aking pakikisalamuha. Maybe I don’t want him anymore and I want somebody else. Or maybe I just want to be unattached. Subalit sa bawat paghupa ng mga maiinit na pakikipagsayaw at pakikipag-connect, at sa muling paggapang ng lungkot at pangungulila, naiisip ko siya at back to square one ako.
Napag-isip tuloy ako, kung hindi siya ang dapat kong mahalin, bakit ganito ang nararamdaman ko?
(May Karugtong)
12 comments:
AY... sawn trak... fade in...
If you're not the one then why does my heart feel glad today...
Salamat Daniel
Thes es et na kayah Sabel.. or will it be just another recycled emotion
Makabagbag damdamin naman ito... napahinga ako ng malalim...
basta pag-abroad uli cya hindi na naman magiging kayo? nakakaloka.
LSS na naman ako kay Daniel,
malay mo ninong Aris, siya talaga ang para sa iyo,
siya na ang katuparan sa matagal mo nang hiling sa buhay
siya na ang sinisigaw ng puso't damdamin mo
bakit hindi pagbigyan muli ang pagmamahalan!
eh kasi, nung tinanong ka niya ng "will you take me back?"
dapat sinagot mo ng... "heleeeeeer i don't recycle my own trash!!!"
eh d sana wa ka problema ngayon sistah hehehehehehehe
echoz.... mishu!!!!
libog lang yan! hahaha joke zori contrabida lang tlaga ko za moment mo!
weehhehe! ang ganda. balak ko ring mag sulat nang ganito :D
huhuhuhuhu. wala. madrama lang talaga ako lately sa mga ganyang pangyayari.
ang hilig talaga mangbitin ni mama aris. kakalerki. tapusin mo to ha
@luis batchoy: ganda ng song di ba? abangan mo na lang ang susunod na kabanata, ms. suzanne galang. :)
@tristan tan: medyo emosyonal nga ako habang sinusulat ito kaya pinutol ko muna. hindi ko kayang ituloy. charing! :)
@ming meows: abangan ang karugtong hehe! :)
@jinjiruks: love mo rin ang song? well, well, well... let's see. :)
@yj: ang taray ng linya. ma-memorize nga para magamit ko sa susunod. charing! mishu too, sister dear. :)
@turismoboi: oo nga, baka kailangan lang naming mag...you know...para masiguro ko ang feelings ko. charot! hahaha! :)
@jules: hello there. salamat. nakaka-inspire naman ang comment mo. sana lagi kang bumisita. :)
#herbs d.: at bakit madrama ka ngayon, baby gurl? hug na lang kita, ok? :)
Maybe what we see is the light of dead stars, long extinguished yet seemingly alive in their appointed places in the heavens.
But sometimes, all it takes it for two people to find each other again.
so what will it be Aris? Friendship or fireworks?
Kane
Sigh! After the 'Tag-init', 'Tag-ulan' naman, madrama to!
On a serious note, we just don't know what is the reason kung bakit minsan bumabalik ang mga tao sa ating nakalipas. But if you still love that person, don't jump into a conclusion easily. Pakiramdaman mo muna kung tama pa bang ipagpatuloy ang naudlot na nakaraan, or else they might leave you again and end up broken. =)
tanong ng bayan, handa ka na ba ulit? eh paano kung umalis siya, eh di wala na naman?naku, kung mahal mo siya, dapat magmeet kayo halfway..hindi puwedeng ikaw lang ang bigay ng bigay..ano ka, ninong ng bayan?...
ang puso, hindi ginawa ng diyos para makaramdam lang.kaya nga inilagay din ang utak,,pero hindi ibig sabihin na ang utak ang nagiisip ang siya lang masusunod..balansehin mo po, dahil di ba, kung wala yung isa, hindi gagana yung isa
Post a Comment