Monday, July 6, 2009

Kung Hindi Siya 2

Naupo kami nang magkaharap. And for a moment, pareho lang kaming nakatingin sa isa’t isa.

Sabay kaming nagsindi ng sigarilyo. Sabay din kaming napangiti.

Hinagod ko siya ng tingin. Parang walang nabago sa kanya. Dati pa rin ang kanyang itsura, although may maturity na sa bukas ng kanyang mukha. Makinis pa rin ang moreno niyang kutis at sensuous pa rin ang makapal niyang labi.

“I am happy to see you,” ang sabi niya.

“Ako rin,” ang sagot ko.

“Akala ko, hindi mo pagbibigyan ang imbitasyon ko.”

“Bakit naman?”

“Lagi ka kasing busy.”

Lately, medyo dumalang ang komunikasyon namin. Kung kailan madalas ko na siyang naiisip, saka naman nabawasan ang kanyang pagpaparamdam. Kaya nang magyaya siyang magkita kami ngayon, pumayag kaagad ako dahil parang na-miss ko siya.

“Na-miss kita,” ang sabi niya.

“Ows? Kaya pala hindi ka na tumawag at nag-text.”

“Medyo naging busy lang,” ang sagot niya.

“Bakit, may dini-date ka na bang iba?”

“Wala.”

“So, anong pinagkakaabalahan mo?” ang tanong ko, nakangiti.

Uminom muna siya ng kape bago sumagot.

“May inaayos lang akong mga papeles.”

“Para saan?”

“Sa trabaho.”

Nawala ang ngiti ko sa aking narinig. Napatitig ako sa kanya.

“Mag-a-abroad ka uli?”

Tumango siya. “May offer. Sayang naman kasi.”

Para akong biglang nalungkot.

“Akala ko, hindi ka na uli aalis.”

“May dahilan ba para mag-stay ako?”

Natahimik ako.

“Mula nang bumalik ako, I’ve been trying to win you back pero parang ayaw mo na,” ang sabi niya.

“Dahil ito ang pinangangambahan ko… ang muli mong pag-alis,” ang sagot ko.

“Sabihin mo lang sa akin ngayon na huwag na akong umalis, hindi ako aalis.”

“Ayokong maging hadlang sa mga plano mo.”

Napailing siya. “Hindi kita maintindihan.”

“Ako rin, hindi ko maintindihan ang sarili ko.”

Katahimikan. Nagpatuloy kami sa pagkakape at paninigarilyo. Parang naubusan na kami ng sasabihin.

“I may be leaving in a month, “ ang sabi niya pagkaraan. “We still have time to be together.”

“That will be great.”

“Matagal mo nang sinasabi na isasama mo ako sa Malate.”

“Sige, punta tayo.”

“I want to meet your friends.”

“They would love to meet you.”

Katahimikan muli.

“Rich?” ang sabi ko pagkaraan.

“Yeah?”

“Please don’t think na hindi na kita mahal. I still do. It’s just that talagang naguguluhan lang ako pagdating sa'yo.”

“Ok lang, naiintindihan ko. May one month ka pa para maging sigurado.”

7 comments:

Herbs D. said...

how...sweet? you still have one month. you cant just love on rush. sex, yes. but love? hell no.

<*period*> said...

“Please don’t think na hindi na kita mahal. I still do. It’s just that talagang naguguluhan lang ako pagdating sa'yo.”

“Ok lang, naiintindihan ko. May one month ka pa para maging sigurado.”

---<*tambling*>

punyetang career yan, palagi na lang abala!hehehe

Anonymous said...

naka-relate ako ng sobra. mahirap talaga kung ano ang pipiliin between career at love life. imposibleng pareho.

Tristan Tan said...

Ay naku Aris... one month is still one month. Go!

bonsai makisig said...

kayo nalang dalawa umalis.ganyan ginwa namin ni wifey noun para di masacrifice ang abroad opportunity.

Mas pinili namin nung una ang career together nung lumaon na umuwi na xa umuwi narin ako.

di namin sinasabing mas mahal nya career. kulangan lang kayo ng quality time.

Naks

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

ay may ganeng na mga moments? :)

RoNRoNTuRoN said...

kinilig ako swear. at nakalaimot ng panandalian sa mga problema. Thanks Aris!