Thursday, December 3, 2009

Salimuot

“Akala ko ba titigilan ka na niya.”

“Hindi ko siya inimbita.”

“Hiwalay na kayo, di ba?”

“Oo.”

“Bakit punta pa siya nang punta?”

“Hindi ko siya maaaring pagbawalang pumunta.”

“At bakit hindi?”

“Dahil siya ang nagbabayad ng apartment na ito.”

Puta.

“Nang lumuwas ako, siya ang kumupkop sa akin. Chatmate ko siya noong nasa Baguio pa ako. Siya ang tumulong sa akin na makahanap ng trabaho at ng matitirahan dito.”

Shit.

“Pamilyadong tao siya kaya itinago niya ang relasyon namin. Pero mabait siya. Naintindihan niya nang sabihin ko sa kanya na gusto ko nang kumalas. Pumayag siya. Pero hindi ibig sabihin niyon, tuluyan na siyang mawawala.”

“Pero tayo na.”

“Maaari naman siyang maging parte ng buhay natin, di ba?”

No.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanya.”

“Do you still love him?”

“Yes. As a friend.”

“Do you still sleep with him?”

“That is the only way I can repay him.”

Fuck.

25 comments:

joemen said...

i'm down here in bacolod city.
a few days ago, i started reading your posts and believe it or not from ur first blog up this last post, hanep, ur awesome. how i wish i have the guts as well to share my own stories.ur real damn good huh.
impressive. thanks for sharing...

rudeboy said...

Fuuuuuuuuuuhuuuuuuckkkk!

And "salimuot" is indeed the word.

bunwich said...

nice...

now i realized, you can never measure love... it's stranger than fiction.

citybuoy said...

oh that's crazy.. di ba niya kaya maghanap ng sariling bahay? di naman ata fair yun!

MkSurf8 said...

friend, grabe naman to! labo nga! =(

Jinjiruks said...

aris sino ka sa tatlong naguusap dyan?

Aris said...

@jose: maraming salamat sa iyong pagtitiyaga hehe! pinasaya mo naman ako nang husto sa comment mo. sana hindi ka magsawa. take care. :)

@rudeboy: hay naku, friend, napamura talaga ako.

@bunwich: korek ka jan. ang hirap maintindihan. kahit paulit-ulit kang ma-in love.

@citybouy: lilipat na raw siya soon. well, let's see... *sigh*

@mksurf8: friend, mukhang aakyat na naman ako nito sa ledge para mag-dance dance hehe! :)

@jinjiruks: dalawa lang kaming nag-uusap. ako siyempre yung nagmumura hehe! :)

Anonymous said...

syet ano ba yan Aris, ang hirap naman niyan, bigla nag-lag brain ko

Anonymous said...

masalimuot nga friend. tara, isayaw na lang natin yan, hehehe!

Aris said...

@thecurioscat: oo nga, xtian. ang sakit sa bangs kaya ayaw ko na munang pag-isipan. :)

@john stanley: mas mabuti pa nga, friend. sige, bukas. hehe! :)

The Golden Man from Manila said...

Is it really us that we wanted to make things complicated?

Can we just live a simple life?

I thought that would be a workable solution then.

Alas, it almost ruined my life.

And almost lost the person who loved me most and who deserved to be love the most.

........

salbehe said...

Hindi ako makoment (lalo na sa Blogspot dahil eport), pero napakoment ako. Napadaan lang ako. NAgbasa. At palagay kó ay babalik. Wink.

Aris said...

@the golden man from manila: yan din ang tanong ko. hindi ba pwedeng maging simple at masaya na lang kapag in-love?

@salbehe: hello. salamat sa pagdalaw at sa comment. sana pasyal ka lagi. take care. :)

caloy said...

aris. ano ba yan? powtek. susmaryosep, marami namang paraan to repay him. why sex? kunsabagay..kung ako yun, pwede na rin. sex lang pala. whahaha! loko lang! :D

gege said...

masalimuot...
ang saklap, sa part ng isa...
haist.
:P

Aris said...

@chicomachine: mukhang mayaman kaya hindi pera ang kabayaran. :)

@gege: so much for my happy ending. *sigh* :)

Anonymous said...

ang salimuot nga ng situation mo. iinom mo nalang yan at isayaw =D

Yj said...

ay friend.... yan ang mga moment na kailangan na nating sumayaw sa bed...

Griffen said...

galing mo talaga magsulat.
two thumbs up!

nakakainlove. hahaha!

Aris said...

@chuck suarez: friend, yan ang ginawa ko kagabi hehe! :)

@yj: exactly what i did last night. next sat uli, kasama ka. :)

@griffen: wow, thanks. you just made me happy. :)

Unknown said...

pa add naman tol...add din kita!

Mac Callister said...

whaaaaaaaaaaat!!!!!

that is so complicated!

and crazy!

wanderingcommuter said...

this affirm that you are indeed a very very smart person...

:)

Aris said...

@realscore: done. thanks. :)

@Mac Callister: sinabi mo pa. kainez noh? :)

@wandering commuter: dapat talaga head over heart pa rin. thanks, friend. :)

Anonymous said...

gud pm aris, kelan yung remaining chapters ng plantation resort? ganda ng takbo ng istorya, nakakabitin at nakaka-excite yung mga susunod pang mangyayari. parang epic ang dating, congrats!