Monday, November 30, 2009

Bestman

I had to see him kasi nangako ako.

Ex-boyfriend ko si Leo. Nagkahiwalay kami noon dahil nagtrabaho siya sa Taiwan.

Pero buong panahon na nasa abroad siya, hindi naputol ang aming komunikasyon. Hindi nga lang madalas pero he made it a point to keep in touch.

Nag-e-email siya sa akin o kaya nagme-message sa Friendster. Nangungumusta. Nagkukuwento. Na sinasagot ko naman.

Inilagay niya rin ako sa featured friends niya. At ang shout-out niya, feeling ko, patungkol sa akin:

I hope you’re doing fine out there without me
‘Cause I’m not doing so good without you;
The things I thought you’d never know about me
Were the things I guess you always understood...

Nitong huli, panay ang “I miss you” niya. At ang sabi pa, uuwi siya bago magtapos ang taon. He made me promise na makikipagkita ako sa kanya.

Kahapon, nagulat ako sa tawag niya. Nasa Pilipinas na siya. Napaaga ang uwi niya.

Kagabi, tinupad ko ang pangako ko sa kanya.

***

Nagkakilala kami noon ni Leo isang gabi sa kanto ng Nakpil at Orosa.

Una kong napansin ang bad boy niyang porma. Sumunod ang guwapo niyang mukha. Pagkatapos, ang height at built niya. Matangkad siya at malaki ang kaha.

Binalewala ko ang posibilidad na callboy siya. Sinunod ko lang ang gut-feel ko na mabuting tao siya. Nginitian ko siya at kinausap. Naging responsive naman siya.

Niyaya ko siya sa NYC. Doon, uminom kami at nag-usap.

Natagpuan ko ang sarili ko na tumatawa sa mga jokes niya.

Tumugtog ang “Happy”. Tumayo si Leo at hinila ako upang magsayaw.

Nakipagsiksikan kami sa masikip na dancefloor. Nagsayaw kami na halos magkadikit ang aming mga katawan.

Dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, hindi namin naiwasang magkatitigan. Maya-maya, namalayan ko na lamang na magkadikit na ang aming mga labi.

Napapikit ako at dinama ko ang kanyang mga halik. Matagal.

Nang matapos ang tugtog at magbitiw kami, muli kaming nagkatitigan. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagnanasa na alam kong nasa mga mata ko rin.

Bigla siyang nagyaya sa Biology.

Ang Biology ay isang maliit na bar na kung saan may darkroom sa itaas. Doon kami tumuloy at sa saliw ng “Dove”, nag-make out kami sa isang sulok.

Habang tinutuklas namin ang isa’t isa, hindi niya pinayagang mahipuan ako ng mga nangangapa sa dilim. May mga pagkakataong naging marahas siya sa mga nagtatangka.

Marahas man ang trato niya sa mga gustong makibahagi, marahan naman ang ginawa niyang pagdama sa aking katawan. Napakalambot ng kanyang mga labing dumadampi sa akin. Napakainit at napakalikot ng kanyang dila.

Binigyang laya ko rin ang pananabik ko sa kanya.

Sa mainit, masikip at magulong darkroom, nagkaroon ng kaganapan ang una naming pagniniig.

Nagtanong siya sa akin pagkatapos.

“Gusto mo, tayo na?”

“Gusto mo ba?” ang balik-tanong ko.

“Oo.”

“Sige. Tayo na.”

Ganoon kabilis kami naging mag-jowa.

***

Wala akong masyadong expectations sa relasyon namin. Inakala ko nga na kaagad din kaming maghihiwalay. Pero tumagal kami ng ilang buwan.

Mahirap nga lang dahil kinailangan naming mag-adjust sa isa’t isa. Magkaiba ang mundo namin, magkaiba ang circle of friends. Ipinakilala niya ako sa kanyang tropa na pulos straight. Nakipag-inuman ako sa kanila at naki-pagkuwentuhan tungkol sa basketball. Ipinakilala ko siya sa aking mga kaibigan. Nakipag-dinner siya sa amin at naki-chika tungkol kina Carrie at Samantha.

Na-appreciate ko ang effort niya to make things work. May mga awkward moments man kami dahil sa proseso ng getting to know you, pinangatawanan niya talaga ang pagiging mag-on namin.

Sa mga private moments namin, doon ko higit na nadama ang pagpapahalaga at pagmamahal niya sa akin. Kung sa harap ng ibang tao ay medyo rough ang dating niya, kapag kaming dalawa na lamang, napaka-tender niya. Napaka-comforting ng mga yakap niya at napaka-gentle ng mga halik niya.

If ever may mga naging away kami, sa akin nagsimula. At never niya akong pinatulan. Pinagpasensyahan niya ang mga quirks ko. Never niya akong sinaktan. Tahimik lang siya at kung meron man siyang ginawa, iyon ay ang ayusin lagi ang gusot sa pagitan namin.

But just when I was starting to realize how perfect he was for me and how lucky I was to have him, doon siya nagpaalam. Matagal niya nang inililihim sa akin ang pag-a-apply niya ng trabaho sa abroad. At nang matanggap siya, saka niya lang sinabi sa akin.

I cried. Doon ko nalaman sa sarili ko na sobrang mahal ko na siya at pakiramdam ko, hindi ko iyon naipakita sa kanya sa maiksing panahon ng aming pagsasama.

Lalo akong napaiyak nang makipag-break siya sa akin dahil hindi siya naniniwala sa long-distance relationship. Maraming maaaring mangyari sa pagkakalayo namin at gusto niya akong maging malaya. Ayaw niya rin akong paasahin dahil maraming maaaring mangyari hanggang sa kanyang pagbabalik.

That night, we made love for the last time.

***

Higit siyang gumuwapo. Bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita sa kanya.

Pumuti siya at kuminis. Lalong gumanda ang katawan. Maayos ang kanyang pananamit at wala na ang bad boy image.

Nakangiti siya habang ako ay papalapit.

Tumayo siya, sinalubong ako at niyakap. Muli, nadama ko ang kanyang mga bisig at nanumbalik sa aking alaala ang mga sandaling wala akong pangamba sa piling niya. Yumakap din ako sa kanya nang buong pananabik.

Matagal na kaming nakaupo, wala pa rin sa aming nagsasalita. Nakatingin lang kami sa isa't isa at parang hindi makapaniwala na magkaharap kami pagkaraan ng mahabang panahon.

Ginagap niya ang aking kamay. May electricity na gumapang paakyat sa braso ko dahil sa pamilyar na pandama ng kanyang palad.

“Masaya ako na makita ka,” ang sabi niya.

“Ako rin,” ang sagot ko.

“Kumusta ka na?”

“Mabuti. You look good.”

“Ikaw rin.”

We ordered food.

Normal ang usapan namin habang kumakain. Parang magkaibigan lang na muling nagkita. Nagkuwento siya tungkol sa Taiwan experience niya. Nagtrabaho siya sa isang electronics factory doon. Tumira sa dorm. Nagkaroon ng maraming kaibigan. I was happy to know na nag-enjoy siya.

It was not until nagbe-beer na kami nang maiba at maging mas personal ang takbo ng usapan namin.

“Kumusta ang lovelife mo?” ang tanong niya. “Nagkaroon ba kaagad ako ng kapalit pag-alis ko?”

“Hindi naman, “ ang sagot ko. “I had a few attempts pero walang naging successful. But I am in a relationship right now.”

“Talaga?” Tumingin siya nang diretso sa akin. “That’s good.”

“Ikaw, nagkaroon ka ba kaagad ng karelasyon pagdating mo sa Taiwan?”

“Oo, pero hindi naman kaagad. Naging close ako sa isang kasamahan ko pero parang mag-bestfriend lang. Hindi katulad ng sa atin noon.”

“Kayo pa rin ba?”

“Hindi na. Para kasing hindi naman pormal na naging kami. May nangyari sa amin pero hindi namin iyon pinag-usapan. Parang wala lang. Ni hindi namin kinailangang mag-break. Basta naghiwalay na lang kami.”

“Bakit in a relationship pa rin ang status mo sa Friendster?” ang tanong ko.

“Dahil may bago na akong karelasyon ngayon,” ang sagot niya.

Ako naman ang tumingin nang diretso sa kanya. Nagtatanong ang aking mga mata.

“Katrabaho ko rin siya,” ang sabi niya. “Hindi ko inaasahan na magiging kami. Pero napakabait niya at napakamaalaga kaya na-in love ako sa kanya.”

Ewan ko pero parang may naramdaman akong kirot sa aking puso sa pag-amin niyang in-love siya.

“That makes us even,” ang pagbibiro ko. “Pareho tayong in-love ngayon sa iba.”

“Sa palagay mo ba, kung hindi ako umalis noon, tayong dalawa pa rin hanggang ngayon?”

Nagulat ako sa tanong niyang iyon.

“We had a perfect relationship,” ang sagot ko. “Mahal na mahal kita noon. It could have been forever.”

“Mahal na mahal din kita noon kahit madalas mo akong inaaway.” Bahagya siyang natawa.

“Lambing ko lang iyon.” Pinilit ko ring tumawa.

Pero sumeryoso si Leo. “Hanggang ngayon naman, mahal pa rin kita.”

Natahimik ako. Hindi ko alam ang aking isasagot. Please, huwag mong sabihin iyan. Baka bumigay ako. May boyfriend na ako.

“Pero siyempre, hindi na dapat,” ang bawi niya.

Bakit, ayaw mo na ba sa akin? Mas mahal mo na ba siya? Bakit ang sabi mo, na-miss mo ako? Na-miss din kita, Leo.

May sasabihin ako sa’yo,” ang sabi niya.

I held my breath in anticipation.

“I am so in love with my girl right now.”

Napakunot-noo ako. Tama ba ang dinig ko? “Girl?”

“Babae nga pala ang karelasyon ko ngayon,” ang pagliliwanag niya.

Muli akong napatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala.

“Si Romina. Actually, kasama ko siyang umuwi. Isang araw, makikilala mo siya.”

“Are you sure about this?”

“Yeah. In fact, kaya kami umuwi dahil… magpapakasal na kami.”

What???” Gulat na gulat ako sa aking narinig.

“O, huwag kang masyadong ma-shock,” ang sabi niya.

I had a hard time composing myself. “Wait, Leo. Alam ko na kahit noon, mas nangingibabaw sa’yo ang pagiging lalaki mo. Pero hindi ka one hundred percent straight. Hindi kaya nabibigla ka lang? May panahon ka pa para mag-isip.”

“Nakapagdesisyon na ako. Pakakasalan ko si Romina.”

“Will you be happy kapag ginawa mo iyon?”

“I will be. Hindi na maaaring magbago ang desisyon ko.”

Naghahagilap pa ako ng sasabihin nang muli siyang magsalita.

“Buntis na siya.”

Parang saglit na tumigil ang mundo. I suddenly felt numb.

“Excited na akong maging daddy.”

Nakatingin lang ako sa kanya.

“Hindi ka ba natutuwa para sa akin?”

“Of course, I'm happy for you,” ang pagsisinungaling ko. “Kelan ang kasal?”

“January.”

I tried my best to smile. “Congratulations.”

Nag-toast kami at sabay na tumungga ng beer. Halos sairin ko ang laman ng aking bote. Gusto kong lunurin ang sakit na umaahon sa dibdib ko.

“May hihilingin sana ako sa’yo,” ang sabi niya pagkaraan.

“Let me guess. You want to sleep with me bago ka ikasal? Sure,” ang pagbibiro ko upang itago ang nararamdaman ko.

“Aris, seryoso. Makinig ka sa akin. And please don't say no.”

“Okay. Ano yun?” Pumormal ako.

Inapuhap niya muna ang mga mata ko bago siya nagsalita.

“Will you be my bestman?”

19 comments:

bunwich said...

oh my.. another one bite's the dust. update us what happened sa wedding.

gege said...

ito ba ay totoo???

super ouch!!!

pero, i think your strong enough.
tutal naman happy ending ang lovelife ni Leo. at meron ka namang karelasyon... isipin na lang natin na this is what all those things lead to. ang maging happy kayu both...
but not in each others ams. :(

pero happy! :P

Dhon said...

OUCCCHHh!!!!

ang sakit!... i feel for you Aris.. i just had a good conversation with an ex last night over Beer!.. kahit papaano.. masakit parin.. kumikirot parin kaunti ang puso ko..

hahay! ewan koba!

Tristan Tan said...

1. Biology. Oh no. Hindi kaya... Oh no. Haha. Ate umamin ka, inabuso mo na ba ko sa dilim? Haha

2. Classic Aris storytelling. I love it. Pero does this mean the holiday is over?

3. Bestman kamo? Taming agad ng motif para matahi na ang gown mo na kelangan mas bongga sa buntis na wife! Haha.

4. Kidding aside, hope you say yes. He's a friend first and foremost. Keep your friends close and your exes closer. Haha.

MkSurf8 said...

tapos may wedding pic na kayo ang magka holding hands sa likod ng girl.

go friend. that would be a great experience! =)

gauxves said...

hey i stumbled on your blog through galen's ... i like what i read... linking...

Anonymous said...

alam ko na mangyayari sa end pero binasa ko pa din, Aris naman kase pag nagsulat

totoo?! haay gulay, pano ba yan, d ko yata kaya yun

the geek said...

ang tagal mo namang nawala..where have you been? ;)

Anonymous said...

bestman, simpleng word pero daming pwedeng maging meaning.

nakakatawa, pangako namin ni lawyer-ex na magiging bestman namin ang isa't isa someday.

Anonymous said...

tamang tama yung kanta. nadala ako sa istorya. galing!

Dhon said...

@MkSurf8 -- OO tapos may sabay na Whisper pa.. "Sometimes i wish.. this was us" Naks!

Double Ouuccchhh!!!

joemen said...

bigla akong kinabahan sa kwento.
i was moved and deeply touched.
nakarelate ako. ang sa akin nga, nag godfather pa ako sa anak...haist...
i really liked the song.
bravo!!!

Anonymous said...

OUCH!

ako nman...sabi saken, i have a request..pwede ba sa wedding ko, kantahin mo ung "Hanggang"?

damn...

caloy said...

aris, tagal mo nawala. pero grabe naman tong post mo! powtek! nakakahiya bang sabihin na napaiyak ako? at, you dont have any options my friend, dont say no daw oh..

Yj said...

friend pinaglalaruan na tayo ng mga diyosa ng olimpo...

si Perslab... as in si Mcdo guy... uuwi sa January para magpakasal sa girlfriend niya... he asked me para mag-abay.... hindi rin pwedeng tumanggi....

pero buti nalang abay lang... hindi bestman... mag-ga-gown kasi ako sa kasal niya eh hahahahaha

ahmishu

wanderingcommuter said...

gusto kong tumambling... haaay, always the best but never the best ang kwento!

citybuoy said...

aray! ang sakit naman nito. parang nung tinungga mo yung beer mo, sarap din makilaklak sayo. sakto pang umaawit si kuya james blunt in the background.

napahanga mo nanaman ako, aris. mabuti naman at nagbalik ka na. :D

Raiden Shuriken said...

at least kayo, abay o bestman, ako kunin ba namang ninong!

by being the bestman, i think, he's sincere in keeping that bond alive between you. don't fret, move on: ipakilala mo rin sya sa boyfriend mo.

mickeyscloset said...

natouch naman ako run..

im happy u felt love aris.

akin kasi ngayon.. alang spark lahat e.

pero siguro naman nadedevelop ang feelings diba?

sana nga.. :/