Nag-away kami ni Ace Sabado nang gabi sa Bed.
Ang pinag-awayan namin? Boylet!
Nakakahiya. Ayoko na lang isipin.
Pagkaraan ng outing sa Puerto Galera, iyon ang muling pagkikita-kita namin ng barkada. Kumpleto kami at ang saya-saya. Nag-reminisce kami ng mga funny moments. Walang-wala akong inkling na magkakaroon ng drama in the end.
Pagpasok namin sa Bed, may girl na napaka-chikadora na nakipagkilala sa akin. Tapos ipinakilala niya ako sa mga kasama niyang boylets. Na-take note ko kaagad ang isa sa kanila na nagngangalang Rayver. Since katabi ko si Ace, ipinakilala ko rin siya sa grupo ni girl.
Bigla akong niyaya ni girl na magsayaw. Pinagbigyan ko siya. At nang hanapin ng aking tingin si Rayver (dahil type ko nga siyang karirin), nakita kong nag-uusap na sila ni Ace.
Nang matapos kaming magsayaw ni girl, nagkapalagayan na ng loob sina Ace at Rayver. I even saw them kiss. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpaubaya. Mapagbigay ako sa mga kaibigan. Ok lang, hanap na lang ako ng iba.
Tatlo ang naging replacement ni Rayver, one after the other. Sayaw sayaw. Yakap yakap. Usap usap. Masyado akong na-engross at nag-enjoy na totally nakalimutan ko ang tungkol sa kanya at ang tungkol sa kanila ni Ace.
I was already chilling nang magawi ang mga mata ko sa isang boylet na nakatingin sa akin. Cute. Pamilyar. Nginitian niya ako. Nginitian ko rin. Tapos, lumapit siya sa akin.
Saka ko lang na-realize kung sino siya. Si Rayver!
Kaagad kong hinanap sa kanya si Ace.
Ang sagot niya: “Umalis. Iniwan ako.”
“Babalik ba siya?” ang tanong ko.
“Hindi ko alam.”
Ang kaagad kong naisip, dinump na siya ni Ace. I looked at him. Ang cute niya talaga. Type ko siya. “Oh well,” ang naisip ko. “I would not mind just for tonight kung magiging tagasalo ako ng inayawan ni Ace.”
Rayver moved closer to me. “Wanna dance?”
“Yeah.”
And so, nagsayaw kami. Habang nakatitig sa kanya, naiisip ko si Ace. Ok lang kaya sa kanya na magkasayaw kami ni Rayver?
Maya-maya, yumakap sa akin si Rayver. Gusto ko man ang ginawa niya, nakaramdam pa rin ako ng discomfort kasi nga, a while ago, ka-connect na siya ng kaibigan ko.
Tumalikod ako subalit hindi bumitiw sa akin si Rayver. Humigpit ang yakap niya sa akin from behind. Naramdaman ko ang mga kamay niya na gumapang sa aking dibdib. Ginagap ko iyon habang patuloy kami sa pagsasayaw.
Biglang umapir si Ace. At iyon ang tagpong tumambad sa kanya.
Sa halip na dumiretso siya sa kinaroroonan namin ay lumihis siya at tumuloy sa kinaroroonan ng iba pa naming friends.
Kumalas ako kay Rayver at pinuntahan ko siya.
“I’m sorry,” ang kaagad kong sabi sa kanya. “Akala ko…”
“Ok lang. Hindi ako galit,” ang maagap niyang sagot tapos bigla siyang umalis.
Natagpuan ko ang sarili ko na muli ay nasa tabi ni Rayver.
“Galit ba siya?” ang tanong niya kaagad sa akin.
“Hindi ko alam.”
Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. He looked into my eyes. Tapos, hinalikan niya ako.
I was too weak to resist. Napapikit na lamang ako.
“Gusto mo ba ang kaibigan ko?” ang tanong ko sa kanya pagkaraan.
“Yeah,” ang sagot niya.
“Kung ganoon, mali ang ginagawa natin.”
“Pero, gusto rin kita.”
Then he kissed me again. Nawala na ako. Hindi na ako nakapag-isip. Nagpatianod na lamang ako. At nakalimot.
Then, I saw Ace again. Nakatingin sa amin. Hindi totoong hindi siya galit dahil hindi iyon maipagkakaila ng kanyang mga mata.
Hindi ko alam ang aking gagawin.
Then, I saw Arnel trying to appease him. Nilapitan ko sila.
“Friend, I’m sorry. Let me explain…”
Masama ang tingin ni Ace sa akin. I was trying to hug him but he resisted. Tinabig niya ako at itinulak. Tapos, tuluyan na siyang nag-walk out.
Napatda ako sa aking kinatatayuan. Shocked ako. Sa tagal ng aming pagkakaibigan, first time naming nagkaroon ng ganoong eksena ni Ace.
Napatingin ako sa iba pa naming mga kaibigan. Nakatingin sila sa akin. Si Arnel. Si Axel. Si James. Si Basil.
Nahiya ako. Parang gusto kong matunaw. Feeling ko ang sama-sama ko. Isa akong mang-aagaw.
Magwo-walk out na rin sana ako pero nilapitan ako ni Arnel. His words were non-judgmental: “Nangyayari talaga ang ganyan sa magkakaibigan. Pag-usapan n’yo na lang. Mag-sorry ka kung mali ka.”
Lumapit na rin si Axel. At dahil siya ang pinakamapagbiro sa amin, he tried to make light of the situation. “You’ve been a very bad girl. A very very bad bad girl!” ang sabi.
Gusto kong matawa sa kabila ng lousy feeling.
Nasa tabi ko na rin pala si Basil at ang dialogue niya naman ay: “Trust is like a mirror. You can fix it if it’s broken.”
Tuluyan na akong natawa but in my mind, narinig ko ang karugtong na linya: “But you can still see the crack in the motherfucker’s reflection.” Natigilan ako. I really felt bad. Nagsimula akong lukuban ng guilt.
May naramdaman akong dampi ng kamay sa aking likod. Lumingon ako. Nakita ko si Rayver, may ligalig din sa kanyang mukha. Dahan-dahang lumayo ang aking mga friends.
“Nakita ko, nagalit siya sa’yo. I’m so sorry,” ang sabi ni Rayver.
I didn’t know what to say. Niyakap niya ako na parang he was trying to comfort me.
Napayakap na rin ako sa kanya dahil nang mga sandaling iyon, kailangan ko ng makakapitan.
He kissed me again. May pagtutol sa aking kalooban subalit mahina ako.
Finally I was able to muster enough strength and courage. Bumitiw ako sa kanya at kumawala.
“I have to go,” ang sabi ko.
“Magkikita ba tayo uli?”
“I don’t know.”
“Do you want to get my number?”
“No.”
Tapos tuluyan na akong umalis.
Akala ko inabandona na ako ng mga kaibigan ko but they were outside, waiting for me. (Siyempre, wala ang walk-out queen.)
Over breakfast, disturbed ako kahit binibiro nila ako sa nangyari.
Hindi ko gustong magkaganoon kami ni Ace. Ang tagal-tagal na naming magkaibigan. Ang dami na naming pinagsamahang highs and lows sa buhay. Bestfriends pa nga kami.
Hindi ko akalain na ganoon ang kanyang magiging reaksiyon. Seryoso ba talaga siya?
I texted him: “I am really sorry.”
I was not expecting a reply pero sumagot siya: “Friends tayo, right? Konting respeto naman.”
Hindi ko mahanap ang tamang salita upang ipaliwanag ang aking sarili. Hindi na lang ako sumagot dahil baka lumala pa ang away namin.
What happened just reinforced kung anuman ang napagmuni-munian ko sa Galera habang ako ay nakaupo sa beach at nakatanaw sa dagat. May mga tanong ako sa buhay (na may kinalaman sa choices at priorities) na nasagot ng pangyayari.
Umuwi akong malungkot. At nagtatanong: Worth it ba na masira ang friendship namin dahil sa isang katulad ni Rayver? (At saka, haller, may jowa na siya! Ano ba ang punto ng pag-aaway namin?)
Hanggang ngayon, wala kaming komunikasyon ni Ace.
Lost pa rin ako sa nangyari.
Siguro, mananahimik na lang muna ako.
21 comments:
No negative comments please about my friend. Ako na lang ang kastiguhin ninyo at ang nagawa ko. Hindi ako ma-o-offend, promise. Huwag lang masyadong masakit. :)
mare, maaayos din yan. dapat u talk to your frends and have a pact or something. magsanduguan kayo... blood over bros... never let any twink break ur friendship. dat happened to me once and it hurts pero ganun talaga. uv said sorry, thats enuf. wag mo na nga lang ulitin... cheer up mare!
It happened to me once and it was really big.. like major disappointment and shame on my part - kasi I know I was at fault taking the prey that isn't mine :-).
Sometimes, we don't want it to happen. I wasn't expecting it, pero nangyari. But don't worry, friends will always be friends. I am hoping things can be as good as the old times between you and Ace...
A heart to heart talk will do the trick but for now just give Ace some personal space.
Friends, right? You guys will be fine.
i think give ace a moment to reflect. and imagine being in his shoes. :) it's hard diba?. but since you're friends. guyrony is right. you guys will b fine :)
maaayos din yan. :) tara, balik tayo sa bed. :))
sa palagay ko bahagi lang ito ng pagkakaibigan. konting tampuhan lang ito. magkakabati din kayo dahil sa nakikita ko, mababaw lang ito.... dahil ang pinag-awayan ninyo ay isang lalaking nakilala lang ninyo nang isang gabi. isang boylet lang, na malamang hindi din ninyo kilala ang pagkatao. mare-realize din ninyong pareho na mas makabuluhan ang pagkakaibigan ninyo na may pundasyon ng panahon at emosyon kaysa isang boylet na hindi kilala ang madaling makalimutan.
OMG! walk out queen ang drama! :)
@baklang maton: mare, salamat sa iyong kind words at paalala. mwah! :)
@al: i hope so, too, my friend. sana nga. thanks. :)
@guyrony: exactly yan ang binabalak kong gawin. pero tama ka, huwag muna ngayon para lumipas muna ang sama ng loob. thank you. :)
@arkin: umaasa ako na mananaig pa rin talaga ang aming pagiging magkaibigan. salamat. :)
@caloy: tara. kaya lang, naku, baka magalit din ang "first and last" mo. charing! haha! :)
@felipe: tama ka. higit na makabuluhan ang pagkakaibigan kesa isang boylet na nakilala nang isang gabi lamang. dahil dito, umaasa ako na magkakaayos din kami kaagad at pagtatawanan na lang namin ang episode na ito. :)
@dhon: oo nga. ako sana ang magwo-walk-out kaya lang, naunahan niya ako. char! haha! :)
Ate, mahal kita pero mas nakarelate ako sa kaibigan mo.
I understand where he is coming from and yes, I know it really well. Needless to say, I have lost friends in the process... and I don't regret ever losing them.
Respect kasi is something I value so much be it with family, co-workers and especially friends. I guess Ace values it too. In the end, both of you may still choose to be friends but, sadly, it can and will never be the same. But, who knows? Your friendship with him might be stronger than mine and everyone else I chose to leave behind.
wow..but di mo nman inagaw ryt? akala mo lang di cla nag connect...pero nung nakita mong galit na ung friend mo, u shd have stayed away from he boylet. mad props for u for not getting the boylet's number( o bka nman kinuha mo din)hehe :)
Trust me... he'll forgive you for what happened. After all, if he is a friend...a true friend... then he'll choose u.
i guess in a way i sort of understand why he would feel that way. pero we can't blame you nor can we blame him kaya ang sisihin nalang natin ay si... RAYVER!!! haha
sabi ko nga, napakamapusok ng kabataan ngayon. dapat turuan sila ng leksiyon.
boylet boylet boylet
Yup, balitaan mo na lang kami pag OK na kayo ha.. :-)
take care..
true friend will always be there to listen...no matter how hard... let things to subside for a moment...then start from there...if it wont work then things really has its own place...but no matter what...f r f...forget about pride...for from there you can find peace at heart and mind....C H E E R S!!!!
racerboi
Im not one to belittle your misery but this is just so immature Aris. Lalaki lang yun and I have seen you and your friends and I think you are beyond that guys, pwede bah? Then again, I'm not one to judge kasi nakakasakit nga din naman minsan but Im sure in time, pagtatawanan nyo na lang to. Sana maayos at sana next time kasama na ulit ako sa bed hehehehe
hindi na naman kita natimaingan s malate.. kala ko nagsisilya kayo? pasabay naman minsan naghahanap kasi sana ako ng kasama.. don't worrry not sex no love hindi ko nmn ibig sabihin na ayaw ko sayo pero gusto ko sana happiness and freedom na nararanasan mo ayun pakiramdam ko pag kasama kita mararamdaman ko yun..
you may opt not to publish my comments since di nmn related sa topic.. masasabi ko lang... pareho kayong may mali... wala nmn siya karapatan magalit kasi hindi nmn sa knya si rayver and same with you... tapos naging komplikado pa kasi may boyfriend pala siya.. siguro mejo naano lang ang ego nya na pinagpalit siya sa iba intindihin mo n lng siya siguro nagkulang k din n sana nagsabi k man lang khit neither of you owns rayver yet siguro sana sinabi mo na type mo din siya at least o aware din siya tapos malay ntin nakapagusap p kayo.. you may pm me sa ym.. you may reach me through ym. thanks..
gusto tlg kita mkilala..
@tristan tan: iniisip ko na lang na simpleng pagkakadapa lang ito. at sa sandaling makabangon, maaari pa rin kaming magpatuloy. luvyah too, ate. ingat ka diyan palagi. :)
@soltero: naisip ko nga yun na sana lumayo na lang kaagad ako. pero naging mahina ako. pasensiya na, tao lang. marupok sa tukso. hehe! :)
@mark joefer: umaasa ako, my friend. i have always been forgiving. sana siya rin. :)
@citybuoy: korek! dapat sa kanya maturuan ng sex education. haha! :)
@imsonotconio: laging mitsa ng kaligayahan at kalungkutan. choz! :)
@al: sure, my friend. you take care too. :)
@racerboi: thank you very much for the reassurance that things will be ok between me and my friend. i agree with what you said. magpapalipas muna kami ng konting panahon tapos saka kami mag-uusap. naniniwala ako na mananaig pa rin ang pang-unawa at ang tunay na pagkakaibigan. take care always and please visit often. :)
@luis batchoy: friend, iyan din ang naiisip ko. ang lalim lalim na ng pinagsamahan tapos masisira lang nang ganon ganon na lang. parang hindi makatarungan. i am looking forward sa panahon na balik na sa dati ang lahat at pagtatawanan na lang namin ang nangyari. miss you. kitakits tayo soon. :)
@jake jakolero: hello, jake. salamat uli sa pagbisita at sa comments. sa tamang pagkakataon, magkakakilala rin tayo. nag-blush naman ako sa papuri mo. hehe! take care always. :)
Post a Comment