Saturday, June 26, 2010

Two Old Friends 2

It was the last flight out of Cebu. Magkalipad kami noon ni Ben at parehong naka-station sa likod ng eroplano. Minutes after take off, I felt something unusual. Parang ang init ng hangin at hirap akong huminga. Maya-maya, tumunog ang chime ng piloto na nagtatawag ng crew kahit naka-on pa ang seatbelt sign. Nakita kong dali-daling pumasok ang CA1 namin sa flight deck. Kaagad din siyang lumabas at tumawag sa amin. Si Ben ang sumagot.

“Decompression,” ang sabi niya sa akin pagkababa ng telepono.

Kaagad kaming nagtanggal ng seatbelt at tumayo. Nakita naming naglalaglagan na ang mga oxygen masks mula sa overhead bin. Nagsimulang mataranta ang mga pasahero.

Trained kami sa mga ganitong emergency kaya nagmamadali kaming pumunta ni Ben sa cabin (kasama ang dalawa pang stewardesses) upang payapain at asistehan ang mga pasahero sa pagsusuot ng mask. It was grace under pressure dahil bukod sa mabilisang pagsasaayos para sa kaligtasan ng mga pasahero, kailangan naming ngumiti at huwag magpakita ng anumang pagkabahala.

Nagsalita sa PA system ang piloto, informing everyone na dahil sa technical difficulty, muli kaming babalik sa paliparan ng Cebu. Tiniyak niya rin sa mga pasahero na under control ang sitwasyon kaya walang dapat ipangamba. Kasunod niyon ang paalala na panatilihing suot ang mask hanggang sa makapag-landing.

Medyo nahihilo na ako nang makabalik kami sa crew station. Kaagad kaming nagsuot ng oxygen mask. Tumingin ako kay Ben. Kalmante siya. Ako rin naman, wala akong takot na nararamdaman nang mga sandaling iyon. It was part of the risks in our job. Nanatili kami sa tahimik na pagkakaupo with our seatbelts fastened at hinintay namin ang paglapag ng eroplano.

Maayos kaming nakapag-landing. Pinababa ang mga pasahero at dinala sa holding area ng airport. Inatendihan sila ng ground personnel. Kami naman ay nagtungo sa crew lounge at doon naghintay habang inaayos ng maintenance ang eroplano.

Matagal ang naging paghihintay namin only to be informed later on na hindi kayang ayusin nang mabilisan ang sira ng eroplano. The flight was cancelled. We had to stay overnight in Cebu.

Nag-check in kami sa isang hotel. Roommates kami ni Ben.

Hindi talaga kami close ni Ben. We were not even friends. At dahil mas senior siya sa akin, medyo ilag pa ako sa kanya noon. But he was nice to me.

“Mauuna na akong mag-shower ha?” ang sabi niya.

He started to undress. Hinubad niya ang uniporme niya at brief lang ang itinira. Parang wala lang sa kanya na makita ko siya sa ganoong itsura. He even lingered for a while bago pumasok ng banyo dahil may tinawagan pa siya. Hindi ko naiwasang pagmasdan ang kanyang kabuuan. He had the body of male models I see on magazines. Lean. Toned. Defined. Ang lapad ng balikat niya, ang liit ng bewang, ang hahaba ng legs at ang kinis ng balat. Secretly, napabuntonghininga ako dahil sa paghanga. My appreciation for his beauty, however, was more artistic than carnal.

Nanood ako ng TV habang nagsa-shower siya. Paglabas niya, naka-brief pa rin siya. Nagsuot siya ng T-shirt.

“Wala pala akong dalang shorts,” ang sabi.

Naghalungkat ako sa Nav bag ko.

“May extra shorts ako. Eto o, hiramin mo muna,” ang alok ko.

Medyo nag-alinlangan pa siya. “Baka ikaw naman ang mawalan.”

“Hindi. Dalawa yan. Eto ang isa o,” ang sabi ko sabay pakita sa isa ko pang shorts.

Ngumiti siya at tinanggap ang ipinahihiram ko. Kaagad niya itong isinuot. Naupo siya sa kama at nakipanood ng TV.

“Ako naman ang maliligo,” ang sabi ko.

“Ok.”

Hindi ko siya ginaya. Hindi ako dumispley nang naka-brief sa harap niya. Nagtapi ako ng tuwalya pagkaraang magtanggal ng uniporme bago tumuloy sa banyo.

The hot water felt good. Nakakatanggal ng stress sa isang nakakapagod na araw. Not to mention the emergency situation we just had. Sinasabi lang na glamorous ang trabaho namin pero mahirap din at peligroso. I tried to clear my mind of negative thoughts habang nilalagaslasan ako ng tubig na nagmumula sa shower.

Medyo napatagal ako sa banyo. Nagtaka ako paglabas ko dahil nakabukas pa rin ang TV pero wala si Ben sa kuwarto. Nagbihis ako at nahiga.

Maya-maya, bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Ben.

Bumangon ako.

“Saan ka galing?” ang tanong ko.

“Diyan sa convenience store sa ibaba,” ang sagot niya.

Napansin ko ang plastic bag na bitbit niya.

“Ano’ng binili mo?”

Sa halip na sumagot, inilabas niya ang laman ng plastic bag.

Isang malaking Chippy. At apat na lata ng Red Horse.

Nagulat ako. “Hindi ba bawal?”

“Bawal kung may makakaalam.” Ngumiti siya, makahulugan.

Naunawaan ko ang ibig niyang sabihin. Ngumiti rin ako.

Binuksan niya ang isang lata ng beer at inabot sa akin. “Uminom tayo.”

Tinanggap ko ang beer. Nagbukas din siya ng para sa kanya.

“Cheers,” ang sabi ko.

Pinag-umpog namin ang aming mga lata at sabay kaming tumungga.

The beer loosened us up. Nawala ang junior-senior thing and we started talking.

Siya ang unang nagsiwalat ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya.

“I became a father at the age of 19,” ang pagtatapat ni Ben. “It was unplanned. I had to marry my girlfriend and it wasn’t really the smartest decision I’ve ever made.”

Nakikinig lang ako.

“Mahirap pagsabayin ang pag-aasawa at ang pag-aaral. Kinailangan kong magtrabaho kaagad. Mabuti na lang, college level lang ang requirement sa pagiging steward.”

“Ilang taon na ang anak mo?” ang tanong ko.

“Four years old.”

“Malaki na pala.”

Kinuha niya ang kanyang wallet at ipinakita sa akin ang picture. Nakita ko rin ang picture nilang mag-asawa.

“Your wife is very pretty,” ang sabi ko.

“Yeah, she is. But since we married early, I could not really say that ours is a perfect marriage.”

“Bakit, may problema ba?”

“Not really. It’s just that we both feel we've missed out on a lot of things. We are trying our best though to make our marriage work.”

I decided not to say anything dahil hindi ko naman intensyon na mag-pry sa kanyang private life. Tumahimik na lang ako sabay inom ng beer.

Uminom din siya.

“Ikaw, kumusta naman ang lovelife mo?” ang tanong niya pagkaraan.

I was not expecting that. Sandali akong nangapa ng isasagot.

“You would not want to know…” I managed to say na may karugtong na maiksing tawa to mask my discomfort.

“Bakit naman hindi?” ang sagot niya.

Nag-alinlangan ako. Ilalahad ko ba sa kanya ang totoo sa aking pagkatao?

“Siguro ayaw mo lang magkuwento,” ang dugtong pa niya. “But I think, I already know.”

Nabigla ako sa kanyang sinabi. “You know?”

“Yeah.” Muli siyang uminom ng beer.

Napainom din ako.

“Ano ang alam mo?” ang tanong ko.

“Ang tungkol sa inyo ni Kyle.” Ang tinutukoy niya ay steward din. So, alam niya na pala kung ano ako.

Hindi ako umimik. Tinungga ko ang beer hanggang sa masaid ito.

Sinaid din ni Ben ang kanyang beer. At pagkatapos, nagbukas uli siya ng panibago at ibinigay sa akin ang isa.

“Wala na kami,” ang sabi ko. “Hiwalay na.” Muli akong uminom.

Nakatingin lang sa akin si Ben, nakikinig.

“May drug problem siya. Mahal ko siya pero wala akong magawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para tulungan siya…”

At nagtuluy-tuloy na ang pagsasalaysay ko kay Ben tungkol sa amin ni Kyle. Sabay sa pagkalango sa Red Horse ay ang pagbubuhos ko ng mga kinikimkim na sama ng loob.

Hindi ko namalayan ang pagdaloy ng aking mga luha.

“Umiiyak ka…” ang sabi ni Ben.

Pinahid niya ang aking mga luha at ginagap niya ang aking pisngi.

Napatitig ako sa kanya.

Sinalubong niya ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung lasing lang ako at lasing din siya subalit kusa kaming tinangay ng mga sandali.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha.

Nalanghap ko ang mainit niyang hininga. Napapikit ako.

Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

(May Karugtong)

Part 3

32 comments:

Anonymous said...

Nabitin ako doon ah.

caloy said...

friend, naeexcite ako! hahaha! is this the part where you found yourself naked first thing in the morning? chos. hahaha!

Joeff said...

ahhahahha...this is nice!!!!so cool!

casado said...

oh shit ang sarappp! ahahaha...

ok part 3 dali! :P

Anonymous said...

ano ba ang meron sa cebu na 'yan at pahamak talaga? i had my first same-sex experience dyan sa parklane 'nung cebu plaza hotel pa siya!

susko, di ko makalimutan!

Aris said...

@anonymous: abangan ang karugtong. :)

@caloy: stay tuned, my friend. haha! :)

@mark joefer: thank you, macky. i'm glad you're liking it. :)

@soltero: ayan na. ayan na. malapit na. hahaha!

@john stanley: friend, yan ba yung kuwento mo na may baguio episode din? hehe! :)

Al said...

Cannot wait for the third part! Hehehe... Kasi 'yang beer na 'yan!

Mabuti na lang at nadiscover anf timplang 'yan.. hehehe

Mike said...

Part 2 na please friend! Kakabitin naman. Honga ano ba talaga ang meron sa tubig sa Cebu at madaming nangyayari sa lugar na yan? Hihihi!

The Golden Man from Manila said...

anoh vah , freeeeeeeeeee !!!!

sumasakit na ang pantog ko! joke.

sasasaksihan ko ang katapusan nito!

love the way you segue the scenes.

smooth!

Jake said...

Sakit sa puson, nampuch...hehehe.

Part 3 na! Haha

BNP said...

Congratulations for being NUMBER THREE in this cycle's Hall of Fame! KUDOS!!

Aris said...

@al: korek ka, friend. ang daming nagiging posible kapag nakainom na ng beer. hehe! :)

@mike: oo nga. makapunta nga uli sa cebu. hehe! in the works na ang third part, my friend. :)

@golden man: hahaha! salamat. medyo inspired lang siguro akong magkuwento tungkol dito kaya lumalabas na maayos ang pagkakasulat. :)

@jake: huwag mainip. malapit nang labasan, este lumabas, ang part 3. hahaha! :)

@bnp: salamat uli. sana iboto ako ng mga kaibigan ko at mambabasa para mag-number 1 naman. *parinig* hehe! :)

bien said...

that's why i love beer, part 3 pronto!

Aris said...

@orallyours: un momento, seƱorito. :)

Unknown said...

grabe talaga mga lalakeng yan mag take advantage. hahaha

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

grabe, kakabitin :)

Aris said...

@drew: oo nga. mapagsamantala sila sa ating kahinaan. hahaha! :)

@anufi: mare, kumusta na? wag mainip, dudugtungan ko kaagad. :)

Angel said...

ang galing mo talagang mambitin aris! asar! =)

Anonymous said...

ganda ng kasaysayan ni teh!!
kakaelya at nakakabitin...:-)
sana me kasunod kaagad!!
thnks......

Joeff said...

Of course Aris... I mean, at least you're not the "api" with your recent stories. It was fun.

Aris said...

@angel: hello, angel. kumusta ka na? tagal mong di nagparamdam ah. hehe! :)

@anonymous: huwag kang mainip, teh. inaayos ko na lang. salamat sa pagbabasa. :)

@mark joefer: thanks. :)

Kokoi said...

friend, napapahilig ka ata sa trilogy a.. aabangan ko part 3!!!

Aris said...

@kokoi: malapit ko nang i-post ang part 3, friend. pinapaganda ko na lang. hehe! :)

Kim said...

ahhh i missed commenting on your blog... sinusubaybayan ko parin ang iyong blog kahit andito na ko sa ibang bansa...nako nakakaexcite naman! talagang kinikilig ako! hahaha! ano na yung kadugtong?

Aris said...

@kim: hello, kim. salamat sa patuloy na pagsubaybay. malapit ko nang i-post ang karugtong. ingat ka palagi diyan. :)

Unknown said...

Hi po i'm in to blogging naman po lately kaya lang po isa pa lang follower ko, hehe, pwede po bang masali sa mga links mo? Ito po blog ko, it's xtremesolitude.blogspot.com thanks pu.

frederick said...

magandang paglalahad...mararamdaman mo ang eksena...katangian ng isang manunulat na mahirap hanapin sa iba..keep up the good work man...i like your styl!

Aris said...

@xtremesolitude: sure. nasa link na kita :)

@frederick: thank you very much, frederick. pinasaya mo naman ako sa comment mo. :)

Angel said...

@aris: oo nga eh... sobrang busy kasi sa work. wala nang time para makapagbasa ng mga blogs at makapagsulat... =(

Aris said...

@angel: just take it easy. and you take care. :)

Dhenzel said...

Kuya Aris, connected ba to dun sa "The Love I lost"? Hehe!

Aris said...

@dhenzel: tama ka, dhenzel. connected nga ito. :)