Friday, June 18, 2010

Dumating Ka Na Pala

Parte na ng weekly chores ko ang paggo-grocery.

Dati-rati, may nadarama akong loneliness kapag ginagawa ko ito. Naaalala ko kasi yung time na may jowa ako at kasama ko siya palagi sa pamimili.

Pero sa tinagal-tagal, nasanay na rin ako. I just stopped missing him. Wala nang emosyon habang tulak-tulak ko ang cart at nililibot ko ang mga shelves nang mag-isa.

It was a Thursday afternoon and I was going through my usual routine sa supermarket nang biglang… BLAG! Papaliko ako papunta sa kabilang aisle nang may makabanggaan ako.

Natulala ako. Hindi dahil na-shock ako sa collision kundi dahil nagulat ako pagkakita sa lalaking nagtutulak ng cart na nakabanggaan ko.

Napatda ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala.

Jeff,” ang halos pabulong na banggit ko sa pangalan niya.

“Aris,” ang tawag niya rin sa pangalan ko.

In my mind, sumugod ako sa kanya at yumakap. Niyakap niya rin ako at binuhat. Tapos, nagpaikot-ikot kami in slow motion.

But in reality, hindi ako makakilos. Nakatingin lang ako sa kanya.

Siya ang lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. Para akong nahimasmasan nang maramdaman ko ang dantay ng kanyang palad.

“Kumusta?” I managed to say. Nagsimulang umahon ang tuwa sa aking dibdib.

“Heto, ok lang.”

“Kelan ka dumating?”

“Kahapon lang.”

Pinagmasdan ko siya. Dati pa rin ang itsura niya kung hindi man higit na gumuwapo siya. Muling nagbalik sa akin ang mga alaala ng pag-angkas-angkas ko noon sa motorsiklo niya.

“Miss ko na ang motorsiklo mo.” Now, where did that come from?

“Motorsiklo ko lang?” ang tila nanunukso niyang balik. “Ako, hindi mo na-miss?”

“Siyempre, ikaw rin,” ang pag-amin ko sa totoo.

“Na-miss din kita,” ang sagot niya.

Napangiti ako at napatitig sa kanyang mga mata. Pilit kong hinanapan ng mas malalim na kahulugan ang sinabi niya.

“Kumusta ka na?” ang tanong niya.

“Mabuti,” ang sagot ko.

“Mag-isa ka lang ba?”

“Walang makasama eh.”

“Maghanap ka na kasi.”

Ikaw, puwede ka ba?

“Mahirap makahanap.”

“Bakit naman?”

Wala akong makitang katulad mo eh.

I just shrugged my shoulders sabay waksi sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

“Hanggang kelan ka?” ang tanong ko na lang.

“Indefinite. Hindi ko pa alam. Depende.”

“Depende saan?”

Bago niya nagawang sagutin ang tanong ko, isang babae ang biglang umapir. Sabay kaming napatingin.

Pretty ang girl. Maaliwalas ang kanyang mukha and there was air in her hair habang naglalakad patungo sa direksiyon namin. Her floral summer dress was hugging her curvaceous body with graceful fluidity.

Nang makalapit, may inilagay siyang grocery items sa cart ni Jeff.

Taka ako. Sino ang babaing ito?

Tumingin sa akin ang babae at ngumiti. Inakbayan siya ni Jeff.

“Siyanga pala, Aris. Si Janine. Misis ko. Kasama ko siyang umuwi.”

As if in a movie, biglang nawalan ng sound ang buong supermarket. Huminto ang mga galaw sa paligid.

Nilabanan ko ang pagkagulat. Sinikap kong magpaka-casual.

“Hi,” ang sabi ko.

“Hello,” ang sagot ni wifey, nakangiti pa rin.

Nagkamay kami sandali.

“Naging kaibigan ko si Aris nang huling umuwi ako,” ang sabi ni Jeff. “Taga-village din siya.”

“Siya ba yung ikinukuwento mo sa akin?” ang tanong ni Janine.

Really? Ikinuwento niya ako sa’yo?

“Yeah, siya yung napilit kong samahan akong mag-celebrate noong birthday ko.”

“Minsan, imbitahin mo siyang mag-dinner sa bahay. Ipagluluto ko kayo.”

“Naku, huwag na,” ang sabi ko. “Maaabala ka pa.”

“Naku, walang kaso yun. Gusto ko ngang maging busy kasi medyo magtatagal kami dito.”

“You’re staying for good?” ang tanong ko.

“Depende.” Si Jeff ang sumagot. “Kung makakabuo.” Bahagya siyang tumawa tapos sumeryoso. “Napagdesisyunan na kasi naming magkaanak.”

Ouch. “Talaga? Mabuti naman.”

“At kapag nagkaanak na kami, ninong ka.”

Pinilit kong magmukhang delighted sa kabila ng hindi maipaliwanag na damdamin. “Sure.”

“Kaya kailangan mong pumasyal sa bahay,” ang sabi ni Janine. “Kailangan nating maging close.”

“Sige. Sabihan n’yo lang ako.”

Pinagmasdan ko sila. Nakaakbay pa rin si Jeff kay Janine. They were a picture of a perfect, happy couple. Effort ang pagkukunwari ko at hirap akong manhirin ang pakiramdam ko.

I felt it was time for me to go.

“Mauuna na ako,” ang paalam ko.

“Magmeryenda muna tayo,” ang alok ni Jeff.

“Naku, huwag na,” ang tanggi ko. “Marami pa akong bibilhin.”

“Sige, ikaw ang bahala,” ang sagot niya.

“Janine, it was nice meeting you,” ang sabi ko.

“Same here, Aris,” ang sagot ni Janine.

“Jeff, nice to see you again.” Pahapyaw akong tumingin sa kanyang mga mata.

“Kita na lang uli tayo,” ang sabi ni Jeff.

Ngumiti ako at itinulak ko na ang cart palayo sa kanila.

Suddenly, the supermarket seemed cold and empty.

May nanumbalik sa akin na familiar feeling of loneliness.

30 comments:

Unknown said...

Hindi naman manhid si Jeff ano?

Dabo said...

pasalamat at hindi ka inalok maging ninang.

Ming Meows said...

epic fail.

Darc Diarist said...

si motorcycle diaries pala iyon. hmmm...

Barakong Pinoy said...

aw....

Aris said...

@drew: actually alam niya na crush ko siya kaya lang nag-draw na siya ng line. friendship lang. :)

@ming meows: brokenheartedness. :)

@dabo: sayang, type ko sanang mag-gown. haha! :)

@barakong pinoy: ansakit. :)

@darc diarist: korekness. part 4. hehe! :)

Felipe said...

ayoko maging ninang. gusto ko maging yaya. at least ang yaya, ginagahasa.

Aris said...

@felipe: hahaha! mukhang mas type ko rin yan! :)

Kokoi said...

Aris! I miss you and ur BLOG so much!!!
Nireview ko ang Angkas Trilogy mo! OMGosh ha! pero tama si Felipe. Yaya na lang friend! heheh...

Anonymous said...

sunugin natin ang supermarket friend. hahaha

*hugs*

-geek

The Golden Man from Manila said...

kung ako yan.. i would have said, excuse me, i was not looking sabay talikod. pag tinawag ang pangalan ko, i will ask. do we know each other?

Anonymous said...

hey, your story about jeff made me kilig much. pero you're lucky that even after learning your attraction to him, he didn't even budge to keep his distance from you but rather, he chose to keep the friendship you two have. lucky gayguy, isn't it?

anyways, keep us posted through your stories.


-Bewired

JR said...

At talagang nag back read pa ako ng 3 series hahaha...oh my, well at least friendship will last longer! barkada na lang..pare, pa kiss! Galing mo magsulat Aris!

casado said...

palakpakan...isa kang magaling na aktres! naitago mo ang iyong emosyon ahahha :P

imsonotconio said...

awwwwwwww hugs!!!!!!!!

Lester David said...

awww...ang sad... =(

Aris said...

@kokoi: koi, i miss you too! tagal na nating di "nagkikita" rito. ingat always and regards kay... eherm. hehe! :)

@geek: ay, huwag naman, friend. malilito ako kung lilipat ako sa iba kasi memoryado ko na ang mga shelves nila rito. hehe! thank you sa hug. *hugs back* :)

@the golden man: ay, ang taray lang. gusto ko yan. eksena. hahaha! :)

@bewired: i feel lucky but in a way parang ang hirap ding magpigil. hehe! salamat sa pagtitiyaga. happy ako na napakilig at napasaya kita. take care always, my friend. :)

Aris said...

@jr: sure pare, saan mo gusto, sa lips o sa cheeks? hahaha! salamat sa pag-back read at sa pag-appreciate. :)

@soltero: underacting pa nga ako nun. ayoko kasi silang ma-upstage. haha! :)

@imsonotconio: thanks. *hugs back*
jusko, tatlo kayong hubad na lalaki na magkakasunod nag-comment. bongga, di ba?

@nicos: oo nga. ang sikip din sa dibdib. :)

lee said...

ouch!

sasamahan na lang kita sa pagtulak ng cart ;))

Nimmy said...

ouch! sad naman...

Aris said...

@lee: gee, thanks. hehe! :)

@nimmy: oo nga. *sigh!* :)

The Golden Man from Manila said...

masarap gumawa ng eksena. lalo na kung deserved. lols....

seriously, not in my wildest dreams will i ever acknowledge ever knowing if i bump into him.

it is not worth it.

Anonymous said...

ang gandang ppost!!!

Aris said...

@the golden man: hehehe! ok. :)

@g4strainer: thank you. :)

Pepe said...

you write good stories. and i'm a fan. wish i could be half as good as you, happy na ko. hehehe. got inspired to create my own blog.

http://misschuniverse.blogspot.com

keep it up. wishing you and your blog continued success!

MuntingBisiro said...

ayos na pagbabahagi.
Pwede ba akong sumakay sa cart na tinutulak mo?

Aris said...

@pepe: sobra ka naman hehe! salamat naman kung nakapagbigay ako ng inspirasyon sa'yo. your kind words inspire me too. welcome to the blogosphere and take care always. :)

@munting bisiro: surely hehe! thanks for visiting again. :)

Luis Batchoy said...

I remember the boy, but I dont remember his (you know what) anymore... hehehehe

by the way magmamanila ako in a few tekitext text!

Unknown said...

you have to move on.... yun lang maipapayo ko sa iyo kuya aris.

Aris said...

@luis batchoy: kung ako na lang sana... *sigh!* :)

@xavier randol: yup, i will. thanks, xavier. :)