Nagkita kami ni Ben sa may ferris wheel ng D Mall after dinner.
Kasama ko ang mga bata. Bilang favorite uncle, sa akin nila piniling sumama at hindi sa mga magulang nila na naisipang mag-shopping.
Naka-sando at shorts lang si Ben. Litaw ang matipuno niyang pangangatawan. Gayundin ang balahibuhin at mahahaba niyang binti. Napakaganda ng kanyang mga paa sa suot na Havaianas.
Kasama niya si Patrick na tila mini-version niya.
Kaagad nagbatian ang mga bata. Excited na nagkayayaang mag-ice cream.
Sinamahan namin sila sa Fruits In Ice Cream na katabi ng Smokey’s. Pagkakita sa Smokey's, gusto na rin nilang mag-hotdog.
Kahit kaka-dinner lang, pinagbigyan ko ang mga pamangkin ko. Gayundin si Ben, pinagbigyan niya rin si Patrick.
We ordered for them at pinaupo namin sila sa isang mesa.
“Ikaw, gusto mo rin?” ang tanong sa akin ni Ben.
“No. Thanks,” ang sagot ko.
Habang inihahanda ang order ng mga bata, bumulong sa akin si Ben. “I have an idea…”
“What?” ang tanong ko.
“Habang kumakain ang mga bata, bakit hindi muna tayo mag-beer?”
“Ha? Saan?”
“Doon, o.”
Sinundan ko ang direksiyong itinuturo niya. Naroroon sa di-kalayuan ang isang bar na may mga mesa sa labas.
“Ok lang ba na iwan natin ang mga bata?”
“Tanaw naman natin sila mula roon.”
“Ok, sige.”
Nagpaalam kami sa mga bata. At dahil isini-serve na ang order nila, excited sila na parang wala silang pakialam kung umalis man kami ni Ben.
Binilinan ni Ben si Patrick to look after the younger kids. Binilinan ko rin si Jeric na bantayan ang mga kapatid niya, na hintayin kami at huwag silang aalis.
At nagpunta na kami sa bar.
We stayed outside para makapag-smoke din kami. Umorder siya ng Red Horse para sa aming dalawa.
Habang hinihintay namin ang beer, ewan ko kung bakit pareho lang kaming nakatingin sa isa’t isa. Pangiti-ngiti lang na parang wala kaming maisip sabihin.
Hindi naman ako naaasiwa sa kanya. Masaya pa nga ako na nasa harap ko siya at muli ay naiisa-isa ko ang mga detalye ng kanyang itsura na akala ko ay nakalimutan ko na.
Masaya rin kaya siya na nasa harap niya ako?
Dumating ang order namin.
“Hindi ka pa rin ba nadadala sa epekto nito?” ang pagbibiro ko, trying to break the ice, habang isinasalin ko ang beer sa baso.
Natawa siya. “You still remember?”
“How can I forget? I lost my virginity dahil dito,” ang sagot ko na dinugtungan ko ng maiksing tawa.
“Are you afraid na maulit iyon?”
“No. Dahil tumaas na ang tolerance ko sa beer. Hindi na ako basta-basta nalalasing at nakakalimot.”
“Nakalimot nga tayo noon. But it was memorable…”
Napatingin ako sa kanya na nagtatanong ang aking mga mata. What do you mean memorable?
“Sa maniwala ka man at sa hindi, first time ko rin yun. Sa same sex. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang gawin iyon. Maybe it was the look in your eyes… ang kalungkutang nakita ko roon na naghahanap ng karamay. Maybe I just wanted to comfort you and I went along with the flow. Pero wala akong pinagsisisihan sa nangyari. And I am glad it happened with you.”
Napangiti ako sabay lagok ng beer.
Uminom din siya at pagkatapos, nagsindi ng sigarilyo. Nagsindi rin ako.
Sa mga ulap ng usok sa pagitan namin, nagpatuloy ang aming pag-uusap.
“Kumusta ka na?” ang tanong ko.
“I am doing ok. Naghiwalay man kami ng wife ko, I am fine.”
“Is there a new girl in your life now?”
“Wala.”
“Why?” Sa isang katulad niya na ubod ng guwapo at gumagalaw sa glamorosang mundo, parang hindi kapani-paniwala na walang bagong babae sa buhay niya.
“Dahil parang napagod ako sa pakikipag-relasyon. It was not actually smooth-sailing for me and my ex-wife. Ang daming problema. Ang daming drama. Parang na-miss ko ang mag-isa. Yung walang iniintindi. Yung walang nagna-nag sa akin. Sure, nakikipag-date ako, gumigimik, pero iniiwasan ko ang ma-involve. Ayoko na muna ng commitment. For now, only my son matters to me. Siya ang inspirasyon ko sa pagtatrabaho ko. At masaya na ako roon.”
Dama ko sa tinig niya at kita ko sa mukha niya ang conviction sa sinabi niya. I believed him.
Muli kaming lumagok ng beer. Halos sabay.
“Ikaw, kumusta ka naman?” ang tanong niya, pagkaraan.
“Busy sa itinayong negosyo. Ok naman, pagkatapos ng birthing pains, maayos na ang takbo. Wala akong pinagsisisihan sa ginawa kong pagre-resign noon. This is exactly what I wanted to do.”
“Akala ko, nag-resign ka noon dahil sa nangyari sa inyo ni Kyle.”
“Partly, maybe. Pero may iba pa rin naman akong ambisyon sa buhay. May gusto akong gawin at ginawa ko lang iyon.”
“Mabuti na lang hindi mo ginive-up ang pangarap mo katulad ng pag-give-up mo noon kay Kyle.”
“Life has to go on kahit nawala man siya sa buhay ko.”
“Mahirap ba na after a long time, muli kayong nagkita?”
“Anong ibig mong sabihin…?”
“Alam ko na muli kayong nagkita sa reunion last year.”
“Ha?”
“I was there.”
“I didn’t see you.”
“I came in late. Sinadya kong huwag nang lumapit sa iyo nang makita kong nag-uusap kayo ni Kyle. Nakita ko na lasing na lasing siya at inalalayan mo siya palabas. Sinundan ko pa kayo sa labas ng bar at pinanood habang nag-uusap. Nakita ko rin na hinalikan ka niya bago siya tuluyang umalis. I was thinking na may importante kayong napag-usapan at muli kayong nagkaayos.”
“Wala kaming inayos. We just said our final goodbyes.”
“So, wala na kayong talaga?”
“Wala na. It was a decision. Closure na talaga iyon.”
“And you’re ok with it?”
“Yeah. Wala na. Wala na akong panghihinayang o sakit na nararamdaman.” Ngumiti ako, marahil upang patunayan ang sinabi ko.
“Siguro may bago ka na?”
“Wala rin. Katulad mo, I am single and just enjoying. Ayoko rin muna ng commitment. Hindi naman mahirap ang mag-isa, di ba?”
“E paano kung dumating yung time na makaramdam ka na ng lungkot?”
“E di tatawagan kita,” ang diretsahan kong pagbibiro na ewan ko naman kung bakit humirit ako nang ganoon.
Natawa siya. “Sure, why not? Malay mo, malungkot na rin ako.”
“At nabago na ang preference mo,” ang dugtong ko.
“Malay natin. Baka pwede nang maging tayo.”
Natawa na rin ako. “Baka maniwala ako. Huwag mo akong bigyan ng false hope.”
“Hindi natin masabi. Nagbabago ang tao.”
“Hindi ako naniniwala na seryoso ka sa sinasabi mo. You’re just teasing me, Ben.”
Tumawa lang siya.
We finished our beer.
“I think we need to go,” ang sabi ko. “Baka naiinip na ang mga bata.” Tinanaw ko ang ice cream parlor. Mali ang akala namin ni Ben na mula sa bar ay matatanaw namin iyon. Hindi siya ganoon ka-visible mula sa kinaroroonan namin.
Binayaran niya ang beer.
“Aris…”
“Yeah?”
“I think we should exchange numbers now bago pa magkalimutan.”
“Ok.”
Nagpalitan kami ng numero.
“Tawagan mo ako kapag malungkot ka na,” ang sabi niya, nakangiti.
“Loko. Gagawin ko talaga yan,” ang sagot ko sabay tawa.
Tumayo na kami. Nagulat ako nang akbayan niya ako habang kami ay naglalakad. Masarap sa pakiramdam ang kanyang hawak. Parang gumaan ang aking mga hakbang.
Subalit kaagad iyong napalitan ng pangamba.
Inatake ako ng matinding kaba.
Dahil pagdating namin sa ice cream parlor, wala na roon ang mga bata.
(May Karugtong)
Part 5
28 comments:
panira ng moments ang mga bata pero for sure, dahil dyan, mas lalong magiging close kayo ni Ben. Choz! (gumawa ng sariling kwento)
friend, kinikilig ako sa kwento mo. kainis, parang sarah at john lloyd lang na pinapanood ko na A Very Special Love. hehehe! miss you na friend. hope to see you soon.
syet, suspense bigla.
kainis...super kilig na ko sa nangyari tapos bigla nman nawala mga bata ...
i was really gna tell give u to never leave kids alone hala :P
friend, kinikilig ako, sobra...
post the continuation, ASAP!
-Bewired
kaabang-abang ang mga susunod na kabanata. pakisabi naman friend kay ben tatawagan ko din siya kapag malungkot ako. choz!
@mike: dapat kasi hindi iniiwan ang mga bata. lol! miss you too, friend. timbre ka lang if you're in town. kitakits. :)
@orallyours: oo nga. para mas exciting naman. hehe! :)
@soltero: korekness. ang hirap talagang magkaanak. haha! :)
@bewired: ginagawa ko na, friend. huwag mainip. hehe! :)
@john stanley: sige, friend, bigay ko sayo number niya. hahaha! :)
Tumalbog yung puso ko sa katapusan..teka, hanapin ko muna..hehehe
-kabado..:D
Ang galing po ng pagkakagawa kea lang meju laging bitin. Haha true to life po ba ito kuya aris? Haha sana nga balak ko rin sanang gumawa ng kuwentong ganito, marami pa naman ako sanang ibabahagi, hehe. Cute siguro ni ben anu? Penge naman ng number niya, malungkot ako kasi lagi, haha. Keep it up po!
Kasi inuuna pa ang landian. =P
@nicos: naku! haha! :)
@xtremesolitude: true to life nga. ay, oo, cute siya. sulat lang nang sulat, share mo rin sa amin mga kuwento mo. :)
@mel beckham: exactly. kaya hayan tuloy ang nangyari. hahaha! :)
sumasabog ang emosyon ko habang binabasa ko ito. hindi ko alam kung ano ang appropriate na maramdaman. probably because it really hits home kahit anong gawin kong pagtanggi.
ahhhh... bitin!
@wandering commuter: glad to know na naka-relate ka rito, friend. :)
@dhon: continuation coming up. hehe! :)
soo kilig...
soo bitin..
@garampingat: thanks for dropping by. will post part 5 soon. :)
Kahit may asawa na ako, nakaramdam ako ng kilig habang binabasa itong kwento mo. Maybe because of the idea and the setting. (Bading na bading ba 'yung kilig thing?)
Kapag nalulungkot ako, pwede ba hiramin 'yung number ni Ben?
Bwahahaha!
@jake: paminsan-minsan, masarap din kiligin. hehe! sige, let me know kapag nalulungkot ka. hahaha! :)
Ay ito na yun! Chumorva na si PAtrick at si Jeric! Chos! Hehehe
naiiyak/natotouch ako sa post na ito na hindi ko matanto ang dahilan. :)
Sana ok ang mga bata.
for a straight guy to say nagbabago ang tao, I am jaded. does it happen? I doubt. na maging open sa possibility of having a relationship with another guy? wow lang talaga masasabi ko.
but this is interesting...
I'm sort of hoping there would be a twist at the end of this saga. Hehe.
hala.....ang ganda ng timing nung mga bata!!! eeeeeee!! kinikilig ako! for sure may something more....haha! nice one aris..
san napunta ang mga bata? panira ng moment.:)
-new follower. :)
tsk tsk tsk... baka nagkapalit ang mga bata ang pumunta sa resto hehehe... - shanejosh (Saudi Arabia)
@luis batchoy: hindi naman. :)
@arkin: don't be sad. malalaman natin sa karugtong. :)
@golden man: friend, abangan ang susunod na kabanata. hehe! :)
@victor: meron nga kaya? surprise. hehe! :)
@kim: thanks, kim. nape-pressure tuloy akong pagandahin ang pagkakasulat ng next chapter hehe! :)
@bjoy: hello, welcome to my blog. masaya ako na nagustuhan mo ang mga kuwento ko. sana huwag kang magsawa. salamat sa pag-follow. take care. :)
@shanejosh: maraming salamat sa pagdalaw. sana kahit paano nalilibang ka diyan sa saudi ng mga kuwento ko. sana pasyalan mo ang blog ko palagi. at sana patuloy kang mag-enjoy. ingat always. :)
Your welcome.
sna malapit na yung continuation nkakabitin.lol.
Post a Comment