Kaagad kong nilapitan ang babae sa counter.
“Miss, nasaan na yung mga bata?” ang tanong ko.
“Yung kasama n’yo po kanina?”
“Oo.”
“Sir, umalis na po. Tinake-out yung food nila.”
“Ha?” Sumidhi ang aking kaba. Napatingin ako kay Ben.
“Saang gawi sila pumunta?” ang tanong ni Ben sa babae.
“Sir, doon po.” Sa direksiyon ng beach ang itinuturo ng babae.
Kaagad kaming lumabas ng D Mall. Puno ng mga tao ang lakaran sa beachfront. Masaya at maingay ang mga bar.
“My God, paano natin sila hahanapin?” Hindi ko maitago ang aking pag-aalala.
Inilabas ni Ben ang phone niya at kaagad na tumawag.
“Sino’ng tinatawagan mo?”
“Si Patrick. May dala siyang phone.”
Saka ko lang naalala na may phone din pala ang mga pamangkin ko. Cheri had her tiny bag with her at natitiyak ko na naroroon ang cellphone niya. Si Jeric, di ako sigurado, pero maaring nasa bulsa lang nito ang phone.
Tinawagan ko si Cheri. Ring lang nang ring. Pagkatapos, si Jeric naman. Cannot be reached.
“I can’t get through,” ang sabi ni Ben. “Busy.”
“Di ko rin makontak ang mga pamangkin ko.” Tumingin ako sa kanya. I knew, worry was written all over my face.
“Relax ka lang. We’ll find them.” Kahit paano, may comfort akong nahanap nang salubungin niya ang aking tingin. And his voice was reassuring.
I tried dialing Cheri’s number again. Ganoon pa rin, ring lang nang ring.
Maya-maya, tumunog ang phone ni Ben. Kaagad niya itong sinagot. I looked at him intently, hoping na ang tawag ay mula kay Patrick.
Una kong nakita ang pagkagulat sa expression ng kanyang mukha. Sumunod ang pagseseryoso na may bahid ng pagkainis.
“Can we discuss this later?” ang sabi niya bago ibinaba ang telepono.
“Ben? Why? Who is it?” ang kaagad kong tanong. Masasal ang kaba sa aking dibdib.
“Alam ko na kung nasaan ang mga bata,” ang sagot niya.
“Is there a problem?”
“No. No. They’re fine. Halika, puntahan natin sila.”
Sumunod ako sa kanya. Kahit gusto ko pa ring magtanong, ipinagpasiya kong manahimik na lang.
Naglakad kami patungo sa Red Coconut.
At doon sa tapat nito, na kung saan pinagkakaguluhan ang sand castles, nakita ko ang aking mga pamangkin at si Patrick. May dala palang digital camera si Patrick at pinipiktyuran ang mga pamangkin ko na hawak-hawak pa ang mga hotdog at ice cream.
Halos patakbo kong nilapitan ang mga bata at pinagyayakap ko sila. Pati si Patrick, nayakap ko. Gusto ko sana silang pagalitan pero nangibabaw sa akin ang tuwa at relief pagkakita sa kanila.
“Bakit kayo umalis sa ice cream parlor?” ang tanong ko na lang.
“Gusto kasi ni Cheri na makita ang sand castles,” ang sagot ni Jeric.
“Bakit di n’yo ako tinext?”
“Di ko po dala ang phone ko, Tito.”
“Tinatawagan kita, Cheri.”
“Di ko po naririnig, Tito.”
“Di ba sabi ko, hintayin n’yo kami?”
“Babalik naman kami doon,” ang sagot ni Cheri. “Kaya lang may tumawag kay Patrick kaya sinamahan muna namin siyang maghintay dito.”
“Sino’ng tumawag?”
“Mommy niya.”
Nag-angat ako ng paningin. At saka ko nakita ang babaing kausap ni Ben. She was tall and slim. Straight ang mahabang buhok. Maputi at makinis. May glow ang mukha kahit walang make-up. Sosyal at suplada ang dating. Naka-floral summer dress.
“Don’t look so surprised,” ang narinig kong sabi ng babae kay Ben. “Sabagay, I came here to surprise you. Pero ako pala ang masosorpresa.”
Tumingin siya sa akin, makahulugan.
“Hi,” ang bati niya sabay abot ng kamay. “Ako si Dianne. Ben’s wife. Ex-wife.”
Medyo alinlangan pa akong nakipagkamay sa kanya. “Aris,” ang pakilala ko rin.
“Nice to meet you, Aris.” Kahit nakangiti, she seemed cold and distant. Kaagad niyang binawi ang kanyang kamay.
Muli siyang bumaling kay Ben. “George and I flew in this afternoon. We took the last flight. It was unplanned. Nandito na rin lang kayo ng anak ko kaya naisip ko, maybe we can have a little get-together. I was not expecting na may kasama ka pala.”
“Magkatrabaho kami noon ni Aris sa airline. Dito na lang kami nagkita,” ang naging tugon ni Ben.
“Oh, it’s alright. But the thing is, mukhang napabayaan mo yata si Patrick. Nang tinawagan ko siya at nalaman kong hindi ka niya kasama, nagulat ako at medyo nag-panic. Kaya kaagad ko siyang pinuntahan. Then I called you.” Pumormal ang mukha ni Dianne. “You know what, I am unhappy – no, I am angered – by this. Alalahanin mo, hiniram mo lang si Patrick sa akin.”
“Hindi ko siya pinabayaan. I was just nearby. Malaki na si Patrick at hindi mo na siya dapat binebeybi.”
“Binebeybi ko siya pero hindi ko pinababayaan.”
“This is supposed to be my time with him, Dianne. Hindi ka dapat nakikialam.”
“But you are spending time with somebody else.”
Hindi nakaligtas sa akin ang pasaring na iyon. Nakadama ako ng tensiyon habang nagtutunggalian sila.
“Oh, well,” ang sabi ni Dianne pagkalipas ng ilan pang palitan nila ni Ben ng salita. “Isasama ko na siya ngayon sa hotel. He will be staying with me and George.”
“No.” Matatag ang tinig ni Ben. “I will not allow you to do that.”
“Bakit hindi natin tanungin si Patrick kung kanino niya gustong sumama?” Nilapitan ni Dianne si Patrick na abalang muli sa pictorial nila ng mga pamangkin ko sa sand castle.
“Patrick, honey,” ang tawag ni Dianne, malumanay ang tinig. “Halika na, sumama ka sa akin sa hotel. Your Tito George is there. You’re staying with us at sa amin ka na sasabay umuwi.”
Tumingin sa kanya si Patrick, may pagtataka sa mukha. “Mom? Pero si Dad ang kasama ko.”
“But your Dad is busy with something else. Napapabayaan ka niya.”
“Of course not, Mom. Hindi niya ako pinababayaan.”
“Pero kung saan saan ka niya iniiwan.”
“Ako ang umiwan sa kanya. Pero babalikan ko siya. Namasyal lang kami sandali.”
“Bago ka pa mawala rito sa Boracay, sumama ka na sa akin.”
“No. I don’t like.”
Nakita kong namula ang mukha ni Dianne na hindi ko matukoy kung dahil sa galit o pagkapahiya.
“C’mon, son. Sumama ka na sa akin,” ang ulit niya.
“Mom, I said I don’t like.” Lumabas ang pagka-stubborn ni Patrick, na hindi ito mapipilit sa ayaw niyang gawin. “I want to stay here with Dad, with Tito Aris and with my friends.”
Nakatingin kami sa mag-ina – si Ben, ako, pati ang mga pamangkin ko – at nakikinig sa usapan nila.
Matalim na ang tingin ni Dianne kay Patrick but he was not budging.
“I am staying here,” ang sabi pa. “I don’t want to be with you and Tito George.”
“Patrick, I’m getting angry na,” ang sabi ni Dianne.
“I don’t care.”
Higit na namula ang mukha ni Dianne. Lihim akong natuwa sa pagmamatigas ni Patrick.
At dahil mukhang wala na siyang magawa, gumive-up si Dianne. “Ok, if that’s what you want. But I’m not through with you yet. Mag-uusap tayo sa bahay pagbalik sa Maynila.”
Tumingin siya sa amin ni Ben at doon ko na-realize na kahit maganda siya, napakamaldita pala ng bukas ng kanyang mukha.
Nilapitan niya si Ben. “You won,” ang sabi, sarcastically. “Pero sa susunod, I will make sure na hindi na uli mangyayari ito. Mahihirapan ka nang hiramin ang anak ko.”
“Anak ko rin siya,” ang sagot ni Ben. “May karapatan ako sa kanya.”
“Tingnan na lang natin,” ang tila may pagbabanta pang sabi ni Dianne bago tuluyang tumalikod at umalis. Mabibilis ang mga hakbang habang nililipad-lipad ng hangin ang buhok at damit.
Nagkatinginan kami ni Ben.
“Now you know kung bakit naging magulo ang marriage namin,” ang sabi ni Ben.
“Yeah,” ang sagot ko. “She’s a bitch.” Hindi ko napigil ang paglabas ng salitang iyon sa aking bibig.
He burst into laughter inspite of the preceding dramatic scene. Natawa na rin ako.
“Hindi ka ba nababahala sa sinabi niya?” ang tanong ko.
“No. Nasanay na ako sa kanya. She’s all bark and no bite.”
Napabuntonghininga ako. “Sana nga hindi magkaroon ng consequence sa inyo ni Patrick ang pangyayaring ito.”
Naputol ang pag-uuusap namin nang bigla kaming hilahin ng mga bata.
“Tito, kayo naman ang magpa-picture,” ang sabi ni Cheri.
“Yeah. You stay behind the castle,” ang sabi naman ni Patrick.
Napasunod na lang kami ni Ben.
Jumoin sa amin ang mga pamangkin ko at nagpakarga pa sa akin ang bunsong si Marc. Kinuhanan kami ni Patrick.
And then, nakiusap siya sa isang babae na kuhanan kami.
We had our picture taken na kumpleto kami.
Nang magsawa, nagyaya ang mga bata na panoorin ang firedancers sa beach. Naglakad kami na mistulang isang pamilya. Two guys with kids. I was wondering, hindi kaya nagtataka ang mga nakakasalubong namin?
The kids enjoyed watching the firedancers. Pati ako namangha sa kanilang galing. Patrick took pictures of them.
Pagkatapos, naglakad-lakad kami sa beach. And the kids started to frolic.
Naupo kami ni Ben sa buhangin at pinanood namin ang mga bata.
It was a full moon and the air was crisp. Music was playing from somewhere.
Maya-maya, nagsasayawan na ang mga bata. Ginagaya ang firedancers.
Naramdaman ko ang muling pag-akbay ni Ben sa akin.
Sumulyap ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Binalot ako ng warm feeling.
Hindi ko napigilan ang puso ko nang mag-firedance din.
57 comments:
lovin' the last line.
"Hindi ko napigilan ang puso ko nang mag-firedance din."
shet! damang-dama ko! hahaha! pak!
awww... nakakakiligggg..hahahaha...i love it!
@caloy: thanks, friend. ang bilis mo naman. nag-e-edit pa ako eh. hehe! :)
May glow ang mukha kahit walang make-up. Sosyal at suplada ang dating. Naka-floral summer dress.
---> syempre,kailangang NOTED ang dress... hehehe... i enjoy your blog a lot.
@nicos: hahaha! thanks, nicos. happy ako na napasaya kita. :)
@kaloy: hahaha! napaghahalata ba na mahilig sa fashion. thank you very much for your appreciation. :)
"but you are spending your time with somebody else!"
bongga friend. hahaha!
ahloveit! but am sad...can i have ben's number, puhleez? lol
nice story, friend!
-Bewired
nawalan na ako ng focus sa trabaho ko kasi kinikilig ako. hahaha!
friend, based na ako sa Manila ulit. hope to meet you soon :)
@bewired: thanks, friend. about his number, sure, basta ikaw. hehe! :)
@mike: it feels good na napakilig kita. i hope to see you soon, my friend. tc. :)
2 thumbs up para kay Patrick. Haha. May advantage din pala ang pagiging stubborn minsan ng mga kids. Haha. Sooo much inlove kakilig. :)
sarap naman ma inlove pag ganito :D
@bjoy: medyo spoiled din kasi si patrick. pero nasa lugar. hehe! kakilig ba? :)
@sheen: korekness. sarap ng feeling, di ba? :)
o yea supeeeeeer. napapakanta ako napapa kanta ako ng....Two old friends meet again,wearin' older faces and talk about the places they've been. Two old sweethearts who fell apart, somewhere long ago
how are they to know. Someday they'd meet again and have a need for more than reminiscin'......stop na. haha.cute talaga ng mga scenes. lol.
yan! yan ang dahilan kung bakit ayaw ko sa mga bata! hehehe. Miss you dada aris ;)
i know where to find you naman eh :P
Ang haba ng hair. Hahaha
Teka, kayo pa ba ngayon? Char!
grabe dude, kaka inlove ang kwento. hope to read more. thank you for sharing this story.
hi aris... saya, aliw, kilig... love it
Aris, dear - but honestly, i am kinikilig for ya. if ever, why not try to work it out? *wink...wink.
i've told you already my love story, right? it can happen to you, too. and your search would be over.
-Bewired
hi im lance i love the story... actually almost all your stories are really good... they are really inspiring... im so curious to meet the man behind this fab wonderful colorful lovely stories... if you got time snd me an email lance21_yummy@yahoo.com
hope to hear from you...
have a nice day...
waaaaaaaaaaaaa...... i supre liked it!
syet syet syet bwahahhaha...i'm so inggit ahahaha :P
Hi Aris...
it was really really great. nawala stress ko sa work. :)
Love it!
@bjoy: sige, kanta tayo. sasabayan kita. hehe! thanks, bjoy. :)
@herbs d: baby gurl!!! miss you, too. paramdam ka naman sa amin nang madalas. i hope ok ka lang diyan sa land down under. *hugs and kisses* :)
@mel beckham: hindi naman, mare. ikukuwento ko na lang ang mga sumunod na pangyayari. soon. hehe! :)
@anonymous: thank you din sa pagbabasa. am glad nagustuhan mo. more to come. :)
@anonymous: hello. thank you. sana patuloy kang ma-enjoy sa blog ko. :)
@bewired: your story truly was an inspiration for me. sana nga, my dear friend, mangyari na rin sa akin ang nangyari sa'yo. am always hoping and praying. :)
@lance: hello lance. thank you very much for taking the time to drop me a message. sure, let's keep in touch. would love to meet you too someday. take care always and please keep on reading and enjoying my blog. :)
@dhon: friend, happy ako na nagustuhan mo. :)
@soltero: haha! mainggit ba? ikaw nga diyan, ang dami. pinag-aagawan ka pa. ako, isa lang. nakikiagaw pa. lol! :)
@mark joefer: ang saya naman, na-appreciate mo rin ang story. glad to know na nawala ang pagod mo after reading. salamat uli, macky. *hugs* :)
aris parang nakita kita sa rob manila. San ka? Haha stalker. -jake jakolero
@jake: haha! hindi ako yun. nasa office ako buong araw. :)
welcome. wait ko part 6. :)
It's our pleasure to invite you to support and join PEBA 2010 as Nominee.
Experience the joy of writing beyond blogging. Be A Nominee of PEBA 2010.
Inspire a Family, Inspire a Community, Inspire the World.
@bjoy: gurl, ito na ang ending ng series. pero sa darating na panahon, malamang durugtungan ko pa rin ito. meantime, magkukuwento muna ako ng iba na sana ay ma-enjoy mo rin. :)
@the pope: thank you for the invitation. malaki ang paghanga at respeto ko sa mga kapatid nating ofw. i support you. :)
This is high five!!!!
kaingget!!!!!hehehe
stories like this keep my faith. keep it up idol!
@ck: thanks, ck. :)
@desole boy: idol ka diyan. *blush* hehe! am glad you enjoyed it. :)
naaadik ako sa pagbabasa ng blog mo..:) part 6 na po..
@toffer: last installment na ito. for now. meantime, iba muna ang ikukuwento ko. stay tuned. :)
omg i love it. she's so cherie gil, he's so richard gomez at (i mean this in the best way possible dahil love na love ko siya) that makes you the one and only megastar.
the dialogue was so sharp. i really lahvet!
@citybuoy: wow. hahaha! kailangan talaga may casting. sige na nga, mega na kung mega. but tell me honestly, mukha na ba akong mataba? char! hahaha! thanks, nyl. :)
dapat talaga may casting! piliin nalang natin yung payat pa si shawi gawa ng di ka naman jubis! :D hehehe
@citybuoy: sige. yung "pasan ko ang daigdig" days niya. hahaha! :)
clap clap clap.
akala ko nagbabasa na ko ng pocket book eh. hahaha. tpos pag kaclick ko music, galing galing, pambawi sa drama kanina. ayos!
@gino: hi, gino. thanks. pasyal-pasyal ka sana lagi dito. :)
buti pa si kua aris... :-[ anyway, im hapi for you kua.
haha, nakakatawa naman yung storya. Well, pangit talaga yung ganyan na may pagkabroken family. Well, tingin ko naman hindi siya maliligaw sa boracay. Marami tao dun eh..
Tanya Gemarin
@xavier randol: thanks. happy din ako na dumalaw ka at nag-comment. :)
@boracay hotels: hello, tanya. thank you for visiting. checked your site. how nice and helpful naman for those who are planning to go to boracay. tc. :)
nakakatuwa ang mga blogs mo aris, somehow nk2relate me, hehehe
keep up the good work
-robs
@robs: thank you. sana patuloy kang mag-enjoy. tc. :)
May kasunod pa ba na chapter ito?
@slythex: sa ngayon, hanggang dito na lang muna ang kuwento. pero baka magkaroon pa rin ng karugtong. :)
sana may karugton na to..hehehe love love love ko ang story :)
@anonymous: you may be in for a surprise because just last night i was thinking of writing the continuation. stay tuned. thanks. :)
Aww ... nakakakilig naman :P So kuya Aris, totoong Flight Attendant ka dati? At totoo yung "The Love I Lost" at ito?
@dhenzel: yup, dati. at totoo ang mga kuwentong ito. although may mga konting enhancements para maging mas interesting. :)
IDOL! kakaloka ka!
ansarap basahin ng mga kwento mo. ehehehe! KABOGERA! ikaw na ikaw na talaga!
@ispluk: hahaha! thanks, ispluk. basta enjoy ka lang. :)
Love reading your post!
at natawa daw ako sa last line. hahaha. ganda ng story. nakangiti lang ako habang binabasa ko to from first part hanggang last part =)
@rm: thanks, rm. :)
@sephy ganzon: fave ko rin ito. hehe! salamat, sephy. :)
Post a Comment