Tuesday, August 31, 2010

Chances 5

Nang nagdaang gabi, walang pagsidlan ng tuwa si Alvin habang binubuksan ang apartment niya. Kasama niya na kasi si Vincent at sa kanya na titira.

Buong araw silang magkasama at masayang namasyal sa Mall of Asia. Parang nanumbalik muli ang samahan nila noong college.

Nang papauwi na sila, nakumbinsi ni Alvin si Vincent na lumipat na sa bahay niya. Kaagad silang dumiretso sa bahay ng Tiyahin nito upang kunin ang mga gamit.

Pagdating nila roon, naunawaan ni Alvin kung bakit kaagad niyang napapayag si Vincent. Maliit ang apartment at siksikan ang mga nakatira.

May kunwari pang pagtutol ang Tiyahin ni Vincent subalit dama ni Alvin ang relief nito nang sila ay magpaalam na.

Nang mabuksan ang bahay niya, excited si Alvin na pinatuloy si Vincent.

“Feel at home,” ang sabi niya. “Mula ngayon, bahay mo na rin ito.”

Payak man ang mga kagamitan, maayos naman ang lahat. May maliit na salas, kusina at dining area. Isa lang ang kuwarto subalit dalawa ang kama.

Inilagak muna ni Vince ang mga gamit niya sa kuwarto.

Kaagad na nag-asikaso si Alvin ng hapunan. Nagsalang siya ng sinaing.

“Magluluto ka pa ba?” ang tanong ni Vincent.

“Maggigisa ako ng corned beef.”

“Huwag na. Pagod ka na. Bumili na lang tayo ng lutong ulam.”

“Sige. Lalabas lang ako sandali.”

“Ako na,” ang prisinta ni Vincent. “May malapit bang karinderya rito?”

“Diyan sa labasan. Katabi ng convenience store.”

“Ako na ang bibili. Magpahinga ka na lang muna.”

Hindi na nakatanggi si Alvin dahil nagmamadali nang lumabas ng bahay si Vincent.

Inayos niya na lang ang hapag at nagtungo siya sa kuwarto upang magpalit ng pambahay.

Pagkabihis niya, may narinig siyang tumunog na celfone. Message alert ng Nokia. Hindi kanya iyon dahil naka-Ericsson siya. Nakita niya ang celfone ni Vincent na nakalapag sa mesita. Hindi niya man ugali ang makialam, dinampot niya iyon dahil siya ay kinukutuban.

1 message received

Pinindot niya ang Show.

“Hey, Vince. Kumusta?” Ang sender: si Darwin. Sinasabi niya na nga ba.

Nakadama siya ng ngitngit at kaagad niya itong binura.

Naisip niya, kailangan niyang magmadali dahil pursigido ang kalaban niya. Hindi niya mapapayagang maagaw pa ni Darwin si Vincent sa kanya. Nasimulan niya na, he should not blow his chance.

Ibinalik niya sa kinalalagyan ang celfone. Inayos niya ang sarili – pati na ang kanyang emosyon – at lumabas siya ng silid na parang walang nangyari.

Ilang sandali pa, bumalik na si Vincent. May dalang dalawang klase ng ulam. Nagulat siya nang makita niyang may binili rin itong beer in cans.

“Uminom tayo nang kaunti mamaya,” ang sabi habang ipinapasok ang mga ito sa ref.

Perfect, ang naisip niya.

Nag-click ang rice cooker, hudyat na luto na ang kanin. Inayos niya ang mga ulam sa lalagyan.

Hinintay niya munang makapagbihis ng pambahay si Vincent bago sila sabay na dumulog sa mesa.

Naghapunan sila.

“Maayos pala ang tinitirahan mo rito sa Maynila,” ang sabi ni Vincent. “Tahimik ang neighborhood.”

“Si Darwin ang tumulong sa akin na mahanap ito.”

Sa pagkakabanggit ni Alvin sa pangalan ni Darwin ay tila natigilan si Vincent. Bagay na hindi nalingid kay Alvin.

“Actually, kaibigan niya ang dating nakatira rito,” ang patuloy niya na parang walang anuman. “Nag-abroad na. Iniwan sa akin ang mga gamit kaya hindi na ako nagpundar pa.”

“Masuwerte ka na rin na naging kaibigan mo si Darwin.”

“Oo nga,” ang sang-ayon niya sa kabila ng umaahong panibugho dahil sa compliment ni Vincent.

Sandali silang natahimik. Nag-wonder si Alvin kung ano ang iniisip ni Vincent.

“Pasensiya ka na,” ang sabi nito pagkaraan. “Medyo magiging pabigat muna ako sa’yo habang hindi pa ako nagkakatrabaho.”

“Huwag mong isipin ‘yan,” ang sagot ni Alvin. “Dati pa naman tayong nagtutulungan kahit noon. At saka, confident ako na matatanggap ka sa pinag-apply-an mo. Makikita mo, after 2 or 3 days, tatawag na sila sa’yo.”

“Sana nga para makapagsimula na rin kaagad ako.”

Nang makakain, magkatulong silang nagligpit.

Pagkatapos, naupo sila sa salas. Nagbukas ng beer si Vincent -- tig-isa muna sila -- at nagsimula silang uminom.

“Natuloy din ang plano natin,” ang sabi ni Alvin. “Ang magkasama dito sa Maynila.”

“Oo nga,” ang sagot ni Vincent. “Alam mo, noong magkahiwalay tayo, parang nanibago ako. Na-miss talaga kita.”

Napangiti si Alvin. Parang haplos sa puso ang kanyang narinig. “Na-miss din kita.”

Kung anu-ano ang napagkuwentuhan nila habang umiinom. Hanggang sa malasing sila.

At dahil lasing na, bumaba ang defenses ni Alvin. Nawala ang pag-aalinlangan at lumakas ang loob.

“Vince, may sasabihin ako sa’yo…”

“Ano yun?”

“Tungkol sa damdaming matagal ko nang inililihim.”

Nakikinig si Vincent.

“Mahal kita. Matagal na.”

Maulap man ang kamalayan, nabigla si Vincent.

“Hindi ko masabi sa'yo noon dahil natatakot akong lumayo ka.”

Nakatingin lang sa kanya si Vincent, hindi makapagsalita.

“Wala akong ibang pinakaaasam kundi ang mahalin mo rin.”

Awkward silence. Matagal.

“Mahal din kita,” ang sabi ni Vincent pagkaraan. “Pero hindi ko alam kung katulad iyon ng sinasabi mong pagmamahal sa akin.”

“Hindi na iyon mahalaga. Sapat nang malaman ko na may damdamin ka rin para sa akin.”

Yumakap siya kay Vincent.

At sa kabila ng tila pagkabalisa, yumakap din ito sa kanya.

Dalawa ang kama sa kuwarto ni Alvin subalit nang gabing iyon, isa lang ang nagamit.

(Itutuloy)

Part 6

23 comments:

DSM said...

pigil hiningang naghihintay sa mga susunod na kabanata. nice! love your blog!

Anonymous said...

Nice one!!!! can't wait to see CHANCES 6!!

Randy

Sith said...

hahaha... duda ako... darwin + vincent tlga...

Aris said...

@dsm: thank you very much. added you to my links. tc. :)

@randy: i am happy you are enjoying the story. thanks. :)

@sith: more surprises to come. abangan! hehe! :)

Désolé Boy said...

salamat naman at naka-iskor din ang team alvin..hihihi

thanks Aris!

john chen hui long said...

darwin and vincent would make a hotter couple. ;-)

Aris said...

@desole boy: gusto ko sanang i-detalye ang love scene kaya lang baka mainis ang team darwin. hehe! :)

@john chen hui long: hmmm... you think so? basta surprise na lang. hehe! lapit na conclusion. :)

Unknown said...

Galing, haha nakakapagtindig balahibo ang mga eksena. . .haha. . .team alvin ako! Anu kaya ang ending nito? Hmm. . . I think may pasabog pang magaganap dito. .

Anonymous said...

sa tingin ko ang makakatuluyan ni Vincent ay si....Aris! hehe

Iskang Sabaw said...

grabe. nananabok ako. as in, ramdam ko yung halo-halong emosyon. HAHAHA. *applause*

Lady_Myx said...

hahhahaha! ang cool neto! :D

loveth! :D

Lady_Myx said...

wala akong masabi...my eyes can't stop from reading... @_@

OMG! kakaexcite! :D

Aris said...

@xtremesolitude: basta, abangan mo na lang hehe! two more episodes to go. i hope. :)

@anonymous: ikaw naman, binuko mo na kaagad ang ending. how i wish. hehe!

@iskang sabaw: ewan ko ba pero emosyonal din ako habang sinusulat ito. damang-dama ko rin. :)

@lady myx: thank you. thank you. sana ma-enjoy mo rin ang mga susunod na episodes kung paanong enjoy din ako sa mga recipes mo. :)

rex said...

tingin ko lang...
kay DARWIN - uminom ng kape si Vincent bago nagpahayag ng tunay nyang damdamin...
kay ALVIN - uminom ng beer si Vincent at nakalimot sa kanyang damdamin...
hahaha... hihintayin ko ang tagumpay ni DARWIN... go! go! go...

Aris said...

@rex: wow, galing naman. napansin mo yun? kape kay darwin, beer kay alvin. ano kaya ang ibig sabihin niyon? abangan. hehe! thanks, rex. :)

BUJOY said...

ay naku, napag-iiwanan ang lola mu sa pagbasa ng blog mu. di na ako nakakapag update lately. ang saya naman ng mga eksena, for sure nag-enjoy si Alvin. haha. Kaso mukhang tagilid pa yung feelings ni Vincent for him. haha. Abangan ko pa din part 6. Go Aris keep it up. :D

Aris said...

@bjoy: thanks, gurl. basta tutok lang. more to come. :)

Al said...

Ngayon ko pa lang nababasa ang 4 and 5 and i am clueless as to what may happen next..

siguro affected ako nung Inagaw na Ligaya..! hehehe.. iba ang tama sa feeling..grabe :)

bien said...

tic tac tic tac tic tac

Aris said...

@al: friend, we're down to the last two episodes. more surprises to come. :)

@orally: parang time bomb lang. hehe! :)

Al said...

last two episodes.. don't want to speculate what might happen :).. sige.. will look out for it..

Aris said...

@al: thanks, friend. actually baka maging 3 episodes pa. dami pa kasing mangyayari, baka di ko ma-contain sa dalawa. anyway, we'll see. :)

Al said...

Hi Aris!Imagine,no internet for more than a week. About to read 6 and 7.. argh!! I'm so damn behind!