The days rolled by.
Natanggap si Vincent sa call center at naipasa niya ang isang buwang training. Ngayon ay hired na siya at regular nang pumapasok.
Mula nang maging sila ni Alvin, naging mapagmahal naman siya rito. Hindi na iyon naging mahirap para sa kanya dahil college pa lang sila, malapit na sila sa isa’t isa. At hindi man na-verbalize ang feelings nila noon, naroroon ang care, love at pagpapahalaga sa kanilang relasyon. Ang ipinagkaiba nga lang ngayon, nagkaroon na ng physical expression ang mga damdaming iyon. And he could not complain. Dahil kung noon maalaga na sa kanya si Alvin, higit ngayon na ang mundo ay tila sa kanya umiinog. Napakamaasikaso nito at laging iniisip ang kanyang kapakanan. Ang bawat gawin nito ay tila laging paghahayag kung gaano siya nito kamahal. Bagay na naa-appreciate niya at pilit sinusuklian.
Parang nakumpleto naman ang mundo ni Alvin at nagkaroon ng kahulugan ang kanyang buhay. Ang bawat araw ay laging puno ng saya at sigla. Ang masilayan at mahaplos ang mukha ni Vincent sa bawat paggising niya sa umaga ay laging may hatid na inspirasyon sa kanya. Higit siyang naging masipag at masinop. Ginampanan niya nang masigasig ang lahat ng tungkuling inaasahan sa isang “maybahay”. Wala na siyang mahihiling pa sa bawat gabing magkayakap sila sa harap ng tv habang nagre-relax dahil iyon na ang katuparan ng matagal niya nang pangarap.
Pilit namang binibigyan nina Alvin at Darwin ng semblance of normalcy ang friendship nila. Parang dati pa rin kahit pareho nilang nararamdaman na may nabago na. Alam ni Darwin na may nagawa siyang kasalanan subalit hindi niya iyon maamin-amin. Alam naman ni Alvin ang kasalanang iyon subalit minabuti niyang umiwas sa kumprontasyon. Anyway, nasa kanya na si Vincent at naagapan niya ang muntik nang pang-aagaw ni Darwin. Hindi na nila iyon kailangang palakihin pa at dahil may pinagsamahan naman sila, mas mahalagang pagtuunan na lang nila ng pansin kung paano isasaayos ang nagkalamat nilang pagkakaibigan.
Sa panig naman ni Darwin, mas pinili niya na lang ang manahimik at piliting maging masaya para kay Alvin. Kahit na masakit iyon para sa kanya dahil, aaminin niya, hanggang ngayon may pagtingin pa rin siya kay Vincent at hindi iyon nawawala kahit hindi na ito muling nakipag-communicate sa kanya mula nang magka-relasyon kay Alvin. Ipinagpasiya niyang tanggapin na lamang ang kanyang kabiguan. May panghihinayang man, kailangang magpatuloy ang takbo ng buhay, kalimutan ang maiksing kabanatang iyon at pagsumikapang ibalik sa dati ang lahat.
May nabago nga lang sa routine nila. Hindi na sumasabay si Alvin sa pag-uwi kay Darwin. Ang mga dahilan: dadaan pa sa supermarket, may bibilhin sa department store, nagpapasama si Mimi, et cetera. Hanggang sa dumating ang point na paglabas nila sa opisina, given na iyon na kanya-kanya na sila. Nagchichikahan pa rin naman sila katulad nang dati at sabay pa ring mag-lunch pero may mga topic na silang iniiwasang pag-usapan. Isa na roon ang tungkol kay Vincent.
Pero dumating din ‘yung time na nawala na ang ill feeling sa pagitan nila. Nakalimutan din nila ang nangyari at nabura ang hurt. Sabi nga “time heals all wounds” at dahil galos lang naman ang nangyari sa kanila, hindi naman naging mahirap na paghilumin iyon.
At nagkataon namang paparating na noon ang kaarawan ni Alvin.
Nagplano si Alvin ng intimate dinner. Siya, si Vincent, si Darwin at si Mimi. Secure na si Alvin dahil sa pagdaan ng panahon, naging matapat sa kanya si Vincent. Hindi na siya nag-alala sa muling pagkikita nina Vincent at Darwin. Gusto niya na rin kasing mailagay sa tamang lugar ang lahat. Okay, they may have stumbled at first pero kailangan nang kalimutan iyon dahil there is still a long road ahead na kailangan nilang lakbayin nang matiwasay. Parte ng buhay niya si Darwin kung paanong parte rin ng buhay niya si Vincent. At panahon na upang magkaroon ng harmony ang relasyon nilang tatlo.
May reservations si Mimi sa plano niya. Pero hindi siya nito pinigilan. Ang rason niya kasi: “Mas mahirap iyong natatakot ka sa multong nasa imahinasyon mo lang. Mas mabuting makaharap mo ito para malaman mo kung may dapat ka ngang ikatakot.” May punto naman siya kaya hindi na nakipag-argue si Mimi at umasa na lang na mapaplantsa nga ng pagkakataong iyon ang gusot na namagitan sa magkaibigan.
Nag-leave si Alvin sa mismong kaarawan niya at naging abala siya sa paghahanda para sa dinner party niya. Rest day naman ni Vincent at kahit puyat dahil nalipat sa graveyard shift, maaga itong gumising upang tulungan siya. Magaan at masaya ang kanyang pakiramdam habang nagluluto siya. Ito na ang pinakamasayang birthday niya dahil natanggap niya na ang pinakamagandang regalo sa buhay niya – si Vincent na extra lambing sa kanya habang sila ay gumagawa.
Bago mag-alas siyete na oras ng imbitasyon niya, nakaayos na ang mesa at nakapag-freshen up na sila. Unang dumating si Mimi.
“Happy birthday!” ang kaagad nitong bati kay Alvin pagbungad sa pinto sabay halik sa pisngi. May inabot pa itong regalo sa kanya.
Kaagad na pinagkilala ni Alvin sina Mimi at Vincent.
“Finally, I’ve met you,” ang sabi ni Mimi, pretending na iyon ang first time niyang makita si Vincent.
Nakangiti si Vincent na bumeso sa kanya at hindi napigilan ni Mimi ang mag-quip: “Gosh, you’re so guwapo. Kung hindi ka lang taken, liligawan kita!”
Natawa si Alvin at minsan pa ay naging proud siya sa boyfriend. Para namang nahiya si Vincent. Iyon ang isa sa mga endearing qualities nito na kahit totoong guwapo, parang hindi ito aware at nagiging uncomfortable kapag napupuri ang itsura.
Maya-maya pa, narinig na nilang pumaparada sa labas ang kotse ni Darwin. Curious si Mimi sa muling pagkikita nina Vincent at Darwin in the same way na hopeful din siya na walang magiging tensiyon whatsoever dahil gusto niya na ring matuldukan ang “away” nina Alvin at Darwin.
Kaagad na sinalubong ni Alvin si Darwin. Nagyakapan ang magkaibigan. Nakatayo sa likuran ni Alvin si Vincent na magiliw din ang ginawang pagtanggap kay Darwin. Nagkamay ang dalawa. Nahalata ni Mimi ang effort nilang magpaka-normal – nakangiti pareho na parang wala silang naging sikreto. Nakangiti rin si Alvin na parang limot na ang nakaraan. Good, ang naisip ni Mimi at para siyang nakahinga nang maluwag.
Bumeso si Darwin kay Mimi. “Bakla, ang ganda mo,” ang sabi.
“Ikaw din,” ang sagot ni Mimi.
After nilang mag-aperitif, nag-dinner na sila. Puring-puri nila ang mga pagkaing inihanda ni Alvin. Magaan ang kanilang conversation at wala namang naging tensiyon.
Nagko-coffee na sila at nagyo-yosi nang magkaroon ng idea si Mimi. “Hey, guys. Why don’t we go clubbing? Masyado pang maaga para tapusin ang selebrasyon.”
Nag-light-up ang mukha ni Darwin. “Yeah, let’s go to Malate. Mag-Bed tayo.”
Tumingin si Alvin kay Vincent na parang nanghihingi ng approval.
Vincent shrugged his shoulders. “Sure. Why not?”
Ilang sandali pa, palabas na sila ng bahay upang sumakay ng kotse. Si Mimi na ang kusang gumawa ng choreography.
“Vincent, sa akin ka sasabay. Ikaw, Alvin, kay Darwin ka.”
At habang on the road sila, nagkaroon ng pagkakataong mag-usap sina Darwin at Alvin.
“Friend,” ang sabi ni Darwin. “I have a confession to make. Hindi ko na sana ito sa’yo sasabihin pero after tonight, gusto ko totally ma-clear na ang air sa pagitan natin.”
Tahimik si Alvin. Nakikinig lang.
Nagpatuloy si Darwin. “There was this one time na sikreto kaming nagkita ni Vincent…”
“Alam ko,” ang tugon ni Alvin.
“Alam mo?”
“Hindi sinasadya, nakita ko kayo sa Starbucks.”
“Bakit hindi ka nagsalita about it?”
“Dahil ayokong mag-away tayo.”
“I’ve been meaning to tell you kaya lang nag-alala ako na magalit ka sa akin.”
“Tapos na iyon.”
“I am sorry. Inamin ko sa’yo noon na may gusto ako kay Vincent. Mali ang naging judgment ko na makipagkita sa kanya. Nagpadala ako noon sa damdamin ko.”
“Kalimutan na natin iyon. Ang mahalaga, maayos na ang lahat ngayon. Kami na ni Vincent and I hope, natanggap mo na iyon.”
“From the very start, sa’yo naman talaga siya at kailangan ko iyong tanggapin. ”
Katahimikan.
“May I just ask you something?” ang sabi ni Alvin pagkaraan.
“Ano yun?”
“Bakit kayo nagkita?”
Pinili ni Darwin ang maging truthful. “Pareho kami ng nararamdaman and we were trying to explore the possibilities.”
Truth hurts. Hindi nakasagot si Alvin.
“But that was before he made a decision na makipag-relasyon sa’yo. I think he finally realized na ikaw ang mas gusto niya at hindi ako.”
“Yeah,” ang naging tugon na lang ni Alvin. Mabuti na lang naging maagap siya.
***
Bed was bursting with life that night. The music, the lights and the beautiful people were all in synch. OMG was playing and everybody was dancing. Kaagad silang nag-blend in. Umakyat sa ledge sina Mimi at Darwin. Nanatili naman sa dancefloor sina Alvin at Vincent.
Ilang beses na ring napunta roon sina Alvin, Darwin at Mimi kaya at home na sila. First time naman ni Vincent at mukhang enjoy naman ito at hindi naaasiwa.
Nagsayaw sina Alvin at Vincent, nagyakapan at naghalikan. Siguro dahil na-carried away sila sa ginagawa ng iba pang mga pareha sa paligid nila.
Maya-maya, nagpaalam si Vincent na magre-restroom. Nagpaiwan si Alvin at hinanap ng tingin sina Darwin at Mimi. Si Mimi lang ang nakita niya, may kasayaw nang iba. Kinawayan niya ito.
Iniwan ni Mimi ang kapareha at bumaba ng ledge. Lumapit ito sa kinaroroonan niya.
“Nasaan si Darwin?” ang tanong niya.
“Ewan ko, biglang nawala,” ang sagot ni Mimi. “Siguro sumama na dun sa guwapong kasayaw niya. E, si Vincent?”
“Nag-CR lang.”
“Halika,” ang yaya ni Mimi. “Samahan mo ako, magsi-CR din ako. Hanapin na rin natin si Darwin.”
They squeezed their way paakyat sa second floor. Sumilip sila sa VIP room sa pagbabaka-sakaling naroroon si Darwin.
Kahit maraming tao, kaagad nilang natagpuan ang hinahanap.
At pareho silang nagulat.
Si Darwin. Nasa isang sulok. Kasama si Vincent. Halos magkadikit at seryosong nag-uusap.
Sinaklot ng panibugho si Alvin. Naningkit ang mga mata.
Tumingin siya kay Mimi. Tumingin din ito sa kanya, nakataas ang isang kilay.
“This time, hindi na kita pipigilan,” ang sabi ni Mimi. “Sugurin mo na sila. Go!”
(Itutuloy)
Part 7
24 comments:
congratulation for being NUMBER ONE in this cycle's Hall of Fame!! KUDOS!!
pure fiction ba itong mga sinusulat mong ganito or may batayan sila sa totoong buhay? wala lang, matagal na akong nagwawonder.
susubaybayan ko ito!
@bnp: salamat uli. :)
@ex jason: fiction. kaya lang may mga pinaghugutan ding personal na karanasan. :)
@felipe: promise ha? thanks, felipe. :)
GO!
pasensya ka na ALVIN….
nag-try nman sila pareho na patayin ang damdamin sa isa’t isa para maging mabuting kaibigan sayo…. kaya lang, di kayang pigilin kasi true love.
AKO SI ARIS…..love ko to
Chosko ngaun p nagk ganun ( manunugod, habang naniningkit ang mata ) si Alvin sila n nga ni Vincent. Team Darwin sana manalo. Go!
i love Mimi...
-Bewired
@mike: sugod! hahaha! :)
@rex: korekness. love you too, rex. :)
@anonymous: malapit na nating malaman ang winner. huwag bibitiw. hehe! :)
@bewired: i love her too. she's a character. :)
hmm based on experience ba ito kuya aris, ang galing galing kasi na parang nangyari talaga. hehe. i cant wait na maging face to face ang mangyayari.
BANG! kakaloka ang huling eksena!
OMG! *gasps* medyo boring yung umpisa kasi puro narration pero bongga yung dulo ;)
I can't wait for chances 7 :))
@jinjiruks: may pinagbasehan pero hindi naman eksaktong nangyari. abangan ang face-to-face! may cameo appearance si tiyang amy. joke! hehe! :)
@angel: ito na kaya ang pinakahihintay nating kumprontasyon? abangan! :)
@iskang sabaw: chances 7 coming up soon! :)
hala... tsk tsk.. talaga naman oo..
hhmmm, exciting, bwahahaha
next chapter please.. ;)
@eban: working on the continuation now. two chapters to go. post ko kaagad kapag tapos na. thanks, eban. :)
Sh-TTTT...hahaha grabeh nato...todo nato...
LOL....cant wait...
grrr... i wanna screammm... lol..
this is so OMG tlaga...
Kahit fiction...i still feel na totoo tong nangyari...
guys, antayin niyo yung gagawin ni Alvin sa dalawa.. Bonggang bongga na komprontasyon ang mangyayari.. pero inde ko icocomment dito syempre..
Aris, isulat mo na kasi.. gusto ko nang malaman ng sambayanan ang mangyayari..
@sith: hahaha! ako rin, gigil na sa susunod na mangyayari. :)
@mimi: oh wow, hello! mimi, isdatchu? hahaha! patience, my dear. lapit na ang karugtong. :)
awww ngayon ko lng nabasa e2ng part 6 ahahha and may pasabog pala sa huli..
pero bket biglang, kay Darwin na ako kampi yata ahahaha...(kasi sa kanya nman talaga may gusto si Vincent eh LOL)
@soltero: sige, pwede pang lumipat. haha! next chapter, malalaman na natin kung sino ang pipiliin ni vincent. :)
hi.. ive just read the firt part down to this part.. im so carried away, and cant hold my tears ... almost ganito rin kc nangyari ung sa akin.. huhuhuhuhu.. but im totally moved on..
anyway two thumbs up!!!! i cant wait for the next chapter...hehehhe
hi. im mel, im in canada, im your fan now. aris..
redullantes@yahoo.com.. (ym,email,fb)
God bless
@anonymous: hello, mel. nice to know na naka-relate ka sa story. pero sorry ha, pinaiyak kita. dagdag-inspirasyon sa akin ang comment mo. salamat at sana patuloy ang iyong maging pagsubaybay sa mga kuwento ko. ingat ka lagi diyan sa canada. god bless you too. :)
ngayon ko lang nabasa, hehe..
gora na ko sa next part...
@desole boy: thanks. huwag masyadong magpapagod, kagagaling mo lang sa sakit. magpahingang mabuti para mabilis maka-recover. kuya mode hehe! :)
Post a Comment