Saturday, October 16, 2010

Dove

Nagkakilala kami ni Gilbert sa kanto ng Orosa at Nakpil sa Malate. Madaling araw na noon at nakita ko siyang papalabas ng bar. Dumiretso siya sa vendor ng sigarilyo na nakapuwesto malapit sa kinatatayuan ko.

Kahit medyo intimidating siya dahil matangkad, guwapo at mukhang hindi pumapatol sa mga katulad ko, naglakas-loob akong i-approach siya. Nangangamba kasi akong ma-zero nang gabing iyon dahil kapos na ako sa panggastos sa papasok na linggo. Maaaksaya ang Sabado ko (na tanging araw na ginagawa ko iyon) kung hindi ako makakakuha ng booking.

Bumili siya ng sigarilyo at nang mapatingin siya sa akin habang nagsisindi, nginitian ko siya.

“Hi,” ang sabi ko pa.

Akala ko babalewalain niya ako (katulad ng kadalasang ginagawa sa akin ng iba dahil obvious naman kung ano ako), subalit nanatili siyang nakatingin sa akin.

Inalok niya ako ng sigarilyo na kaagad ko namang tinanggap. Nag-offer din siya ng light.

“Thanks,” ang sabi ko, nakangiti pa rin at pilit na pinagagana ang charm ko.

Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko, nakamasid sa galaw ng mga tao sa labas ng bar sa tapat. Nakiramdam ako at nag-alinlangan na muli siyang kausapin dahil expressionless ang kanyang mukha at parang hindi interesado.

Akala ko basta na lamang niya akong iiwan subalit hinarap niya ako.

“Ano’ng pangalan mo?” ang tanong niya.

Nag-light up ako. “Mark,” ang kaagad kong sagot. Siyempre, alias ko lang iyon. Anton ang totoong pangalan ko. “Ikaw?”

“Gilbert,” ang kanyang sagot. Humithit siya sa kanyang sigarilyo.

“Mag-isa ka lang?” ang follow-up ko upang huwag maputol ang aming pag-uusap.

“Oo,” ang maiksi niyang sagot.

“Baka gusto mo ng kasama. Pwede ako.” Hindi ko napigil ang kaagad na pagbebenta ng sarili ko. Pakiramdam ko kasi, nauubusan na ako ng oras. And besides, iyon naman talaga ang purpose ko kaya naka-display ako sa Malate.

Hinagod niya ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang na-conscious ako.

“Magkano?” ang tanong niya.

It was a relief na hindi ko na kinailangang mag-sales talk pa. Gulat din ako dahil pagbabakasakali lang ang alok ko sa kanya and I was half-expecting na tatanggi siya. Sabi ko nga, hindi siya iyong tipong magbabayad sa sex. Sa itsura niya, maraming magkakaloob niyon nang libre.

Nagpresyo ako.

Pinitik niya ang kanyang sigarilyo. “Ok. Sumama ka sa akin.”

Higit akong nagulat dahil kumagat siya. At hindi tumawad. Feeling ko ang suwerte ko dahil bukod sa hindi na ako nahirapang mangumbinsi, ang guwapo pa ng bumili sa akin. Aaminin ko, attracted ako sa kanya at kahit trabaho lang iyon, nakaramdam ako ng excitement sa napipintong pagse-sex namin.

Nagpauna na si Gilbert sa paglalakad at sumunod ako. Akala ko, sasakay kami ng taksi subalit may kotse pala siya na naka-park sa di-kalayuan. Na-impress ako.

“Ilang taon ka na?” ang tanong niya sa akin nang bumibiyahe na kami.

“Twenty.”

“Masyado ka pang bata.”

Gusto ko rin sanang itanong kung ilang taon na siya subalit naisip ko, kailangan pa ba? Tinantiya ko na lang ang edad niya na sa tingin ko ay nasa bente-otso o bente-nuwebe lang.

“Matagal mo na ba itong ginagawa?” ang muli ay tanong niya.

“Bago pa lang.” At the risk na magmukha akong sinungaling, sinabi ko ang totoo. Hindi naman kasi talaga ako full-time callboy. Ginagawa ko lang iyon kapag may pangangailangan. Although of late, ang dalas kong mangailangan kaya ang dalas ko ring magpa-pick-up.

“Guwapo ka. Siguro maraming nagkakagusto sa'yo,” ang muli ay sabi niya.

“Hindi naman,” ang sagot ko. Ewan ko kung bakit parang na-flatter ako sa sinabi niyang guwapo ako. Ibig bang sabihin, attracted din siya sa akin? Malamang, dahil kung hindi, hindi niya ako kukunin. Pero bakit parang wini-wish ko na may mas malalim pang kahulugan iyon? Na naguguwapuhan siya sa akin hindi bilang isang parausan lamang kundi bilang isang tao na may damdamin at pagkatao.

Hindi na siya muling nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Sumulyap ako sa kanya at sa tama ng headlights ng mga sasakyang kasalubong namin, muli kong napagmasdan ang kanyang mukha. Napaka-prominent ng features niya. Subalit ang higit na tumawag sa akin ng pansin ay ang kanyang mga mata. Hindi dahil napakaganda ng mga iyon kundi dahil may nabanaagan akong lungkot na nagkukubli roon. I wondered kung ano ang sanhi niyon.

Naglayo ako ng tingin at marahang bumuntonghininga. Nalanghap ko ang amoy ng kotse niya. Napakabango at amoy bago. Nalanghap ko rin ang amoy niya. Lalaking-lalaki at hindi man ako maalam sa mga pabango, alam kong mamahalin ang gamit niya.

Kadalasan, sa sasakyan pa lang, hinihipuan na ako ng mga customer ko. Sinusukat na ang pagkalalaki ko. I was secretly hoping na gagawin iyon ni Gilbert sa akin pero nanatili sa manibela ang kanyang mga kamay.

Pinagmasdan ko ang kanyang grip, kung paano bumalot sa manibela ang mahahaba at mapipintog niyang mga daliri. Inimagine ko na sa akin nakabalot iyon at kung ano ang pakiramdam niyon. Nagsimula akong magkaroon ng hard-on.

Muli akong napabuntonghinga.

“Ayos ka lang?” ang tanong niya.

“Yup. Excited lang,” ang pag-amin ko.

Tumingin siya sa akin as I shifted uncomfortably.

At sa unang pagkakataon, nakita ko siyang ngumiti.

(Itutuloy)

Part 2

22 comments:

Aris said...

fiction. :)

Herbs D. said...

weh ;p

Ryan said...

Looking forward to the next part :)

RainDarwin said...

tuloy mo ang story please! lagyan mo naman ng konting kapilyuhan.

hahahahaha.

Mac Callister said...

mukha ngang fiction!!!!!!!!!!!!kasi imposible naman nagbebenta ka ng sarili mo ngayon hahaha!

Aris said...

@herbs: you like? :)

@ryan: am working on it now. will post asap. thanks, ryan. :)

@pilyo: i will. para sa'yo. hehe! :)

@mac callister: oo naman. haha! :)

Virex said...

waaa... super bitin naman.. sana pinaabot mo man lang hanggang condo.. ehehe

bien said...

bakit Dove?
impatient lang haha

dove as in kalapati
dove as in amoy dove

Anonymous said...

Galing mo talagang writer fafa! Kapanapanabik Ang susunod na kabanata ;-)

JR greatkid_08

Aris said...

@virex: darating tayo diyan. hehe! :)

@orally: basta. abangan mo na lang. :)

@anonymous / jr: thanks, dada. sana huwag bibitiw. :)

Lester David said...

weee...can't wait aris!!! Masyado kong naeexcite..wahahaha

caloy said...

bat parang may feeling ako na hindi talaga to fiction? hahahah! joke lang :))

... said...

Dove as lubricant? LOL

LASHER said...

Hay! another exciting story from aris! Hehe! Keep it up, Aris! You always keep US UP! ;-)

Aris said...

@nicos: hehe! thanks, nicos. :)

@caloy: hindi nga. haha! :)

@mel beckham: actually. kasi ang dove ay 1/4 moisturizer. haha! :)

@lasher: i like that. keeping you up. hehe! :)

john chen said...

hmmm... another story to follow. lurve it!

Adam said...

Aris post mo na part two. Inaabangan ko. Grabe fan mo na ako. You are now my favorite blogger. Natutuwa ako sa mga kwento mo, it's like watching will and grace, sex and the city, and desperate housewives all at the same time in one show.

Malapit ko nang matapos basahin lahat ng post mo. Galing. Sobra.

Aris said...

@john chen: sana magustuhan mo rin ang mga susunod pang kabanata. thanks, john. :)

@adam: wow naman, salamat. pinasaya mo ako. sisikapin kong higit na mapagbuti ang mga gawa ko at sana patuloy mong ma-appreciate ang mga ito. :)

jeticool09226378608 said...

galing mo talaga kuya aris, fan mo na din ako

Aris said...

@jeticool: hindi naman. salamat. sana hindi ka magsawa. :)

Miguel said...

fiction and reality, I can't distinguish the difference. Hehe.

Aris said...

@le vogue: hello. welcome to my blog. actually may mga bahagi ang kuwentong ito na hango sa tunay na buhay. salamat sa iyong pagdalaw. tc always. :)