Friday, February 25, 2011

Happy Ending

Muli akong nagsindi ng sigarilyo, kumapit sa barandilya ng rooftop at tumanaw sa ibaba. Wala nang pila, naubos na rin ang mga gustong makapasok sa Bed.

I needed a drink. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa hawak-hawak kong beer kanina. Siguro hindi ko lang namalayan na panay ang inom ko at naubos ko na habang nag-uusap kami ni Johann.

Sandali akong nagtungo sa bar at kumuha ng Strong Ice. Subalit pagbalik ko, may umuokupa na ng aking puwesto.

Nakakapit siya sa barandilya, nakadungaw sa ibaba. Malalim ang kanyang iniisip at oblivious sa paligid.

I stayed nearby at pinagmasdan ko siya. Hindi ko man nakikita ang kanyang mukha, na-sense ko na parang malungkot siya.

I ditched my cigarette and drank my beer, hindi lumalayo ang tingin ko sa kanya.

Maya-maya, nakita kong yumupyop siya sa kanyang mga palad. Matagal. Halos hindi tumitinag.

Hindi ako nakatiis. Nilapitan ko siya.

“Are you alright?”

Nag-angat siya ng mukha at bumaling sa akin ng tingin. Saka ko nakumpirmang malungkot nga siya dahil nakita ko iyon sa kanyang mga mata.

“Yeah. I mean… no.” He raked his fingers through his hair.

I just stood there with a questioning stare.

He fished a cigarette from his pocket. “Do you have a light?”

I held out my lighter for him.

“Thanks,” ang sabi niya.

Nagsindi rin ako ng panibagong sigarilyo.

Hindi ko napigilang mag-pursue. “May problema ba?”

Hinarap niya ako. “I broke off with my boyfriend. Just now.”

Napatitig ako sa kanya. What a coincidence.

“May iba na siya at ayaw niya na sa akin,” ang dugtong pa niya.

Ano ito, mirroring? Napalagok ako ng beer.

“I need a drink,” ang sabi niya. “Sandali, kukuha lang ako sa bar.”

Tinanaw ko siya habang papalayo. Bagsak ang kanyang balikat at mabibigat ang hakbang. May nadama akong simpatiya para sa kanya.

Bumalik din siya kaagad na may dalang Tanduay Ice. Muli niya akong tinabihan sa pagkakatayo sa may barandilya.

“Ako nga pala si Myro,” ang pakilala niya.

“Aris,” ang pakilala ko rin.

Nagpalitan kami ng ngiti at nakita ko sa kanyang mga labi ang pait na nadarama ko rin.

“If it will make you feel any better, alam mo ba na kaka-break ko lang din ngayon sa aking boyfriend?” ang sabi ko.

Napatitig siya sa akin, unbelievingly.

“It’s funny,” ang dugtong ko pa. “Pero pareho tayo ng sitwasyon.”

“Ang sakit ‘no?”

“Yeah,” ang sang-ayon ko.

“Pero hindi ka mukhang malungkot,” ang sabi niya.

“Hindi ba?”

“Yeah. Unlike me. Ang sama-sama ng loob ko. And I know it shows.”

“You should have seen me the first time somebody broke my heart. I was worse than you.”

“This is my first,” ang amin niya.

I surveyed him. He looked very young. He really must be new in the game, yung tipong sumusubok pa lang. Napansin ko rin that he was quite attractive. Not drop dead gorgeous but personable. Matangkad din siya at maayos ang pangangatawan.

“Ganoon lang ba talaga kadali ‘yun?” ang tanong niya.

“Ang alin?”

“Ang i-give up ako dahil may nahanap na siyang iba?”

“Seems like. Pero depende ‘yun kung totoong mahal ka niya.”

“Sabi niya sa akin, mahal niya ako. Kaya nga, minahal ko rin siya. Pero sa konting di- pagkakaunawaan, bumitiw siya. And before I knew it, mayroon na siyang iba.”

Mirroring ito talaga.

“Alam mo kung ano ang masakit?” ang patuloy niya. “Mahal ko pa rin siya at hindi ko matanggap na wala na siya. Parang gusto ko nang… mamatay.”

“Ano? No, don’t say that. Huwag kang masyadong magpadala sa emosyon mo. He dumped you because he found somebody else. That makes him a worthless son-of-a-bitch. Why would you want to die for somebody like him?”

“I feel worthless myself dahil iniwan niya ako.”

“Pero hindi diyan nagtatapos ang mundo. Nagsisimula ka pa lang. Maraming stumbling blocks bago mo mahanap ang magmamahal sa’yo. Dapat matuto kang bumangon sa iyong pagkakadapa.”

“I feel so sad… depressed. Na parang ayoko nang magpatuloy.”

“Nasasabi mo lang yan dahil bago sa’yo ang ganitong karanasan at nasasaktan ka. Ganyan din ako noon. Pero kapag naaalala ko ang panahong iyon, natatawa na lang ako. A few years from now, matatawa ka na rin lang kapag naalala mo ito.”

“How should I manage this lousy feeling then?”

Nagkasabay kaming magtapon ng sigarilyo at lumagok ng drink na para bang gusto muna naming i-clear ang hangin at lalamunan namin.

“Una sa lahat,” ang sabi ko, “tanggapin mo muna ang nangyari sa inyo ng boyfriend mo. Para magkaroon ka ng enlightenment, kailangan magkaroon ka muna ng acceptance.”

Nakikinig siya. Bakas sa kanyang mukha na iniintindi niya ang sinasabi ko kahit nakikita kong may agam-agam siya.

“Pangalawa,” ang patuloy ko, “mahalin mo ang sarili mo. Isa-isahin mo ang mga espesyal na katangian mo. Kailangan i-affirm mo sa sarili mo na isa kang mabuti at kaibig-ibig na tao.”

“Right now, wala akong makitang espesyal sa sarili ko. I’ve just been dumped. That makes me feel unwanted… ugly...”

“Kung hindi mo makita ngayon, hanapin mo. Dahil iyon ang magbibigay sa’yo ng kumpiyansa na karapat-dapat kang mahalin ng ibang tao. Iyon din ang katangiang kailangang makita ng magmamahal sa’yo.”

Kumurap-kurap siya subalit hindi nagsalita.

“Pangatlo, believe in your own destiny. Na may taong nakatakda para sa’yo. Misteryoso ang pag-ibig, maaaring dumating nang hindi inaasahan. Kailangang maniwala ka lang at maging ready.”

Patuloy siya sa pakikinig.

“At ang panghuli, huwag kang matakot na sumubok muli. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na magmahal at mahalin kahit na paulit-ulit ka pang masaktan. Huwag kang madadala. Huwag kang susuko. Sabi nga, success – or happiness, for that matter – comes only to those who are persistent and unafraid.”

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga pinagsasabi kong iyon. Sa subconscious ko siguro -- mga bagay na gusto kong sabihin sa sarili ko -- dahil ang pakikipag-usap ko kay Myro ay parang self-counseling na rin. Heartbroken din ako, remember?

Sabay naming sinaid ang laman ng aming mga bote. At nang muli siyang tumingin sa akin, may nakita akong ngiti sa kanyang mga labi. Nakita ko rin na tila umaliwalas ang kanyang mukha. Maybe I made sense. O baka naman dahil lang iyon sa tama ng Tanduay Ice.

“Salamat.” He hugged me.

I hugged him back.

“Sige, mauuna na ako,” ang paalam niya nang magbitiw kami. “Sisimulan ko nang ibangon ang sarili ko.”

May nadama akong gaan ng kalooban habang pinagmamasdan ko ang kanyang paglayo.

***

Kasagsagan na ng kasiyahan pagbaba ko. Sisksikan sa dancefloor ang mga nagsasayaw – maiingay, magagaslaw – sa musikang dama ko ang vibration hindi lang sa dingding kundi maging sa dibdib ko. The place suddenly felt like the old Bed. Mabuti naman at nakikinig sa feedback ang management. Binawasan na ang ilaw, dinagdagan na ang aircon at ibinalik na ang ledge/stage.

I started looking for my friends. Hindi ko sila makita sa kapal ng crowd. Tumayo na lang ako sa isang sulok at nakipag-exchange ng tingin at ngiti sa iba pang mga nakatayo roon.

Dumako ang tingin ko sa ledge. Daming cuties na nakasampa roon, half-naked. I ogled at their beautiful bodies, envying them because my waistline is no longer a size 31.

I was enjoying the display of sculpted chests and abs nang matigilan ako. Nag-double-take pa ako dahil noong una, hindi ako sigurado. Gyrating to the music in wild abandon was Myro.

Si Myro na kanina lamang ay lumung-lumo, mababa ang tingin sa sarili dahil iniwan ng boyfriend. Si Myro na sumalamin sa kabiguan ko at pinangaralan ko kung ano ang dapat gawin upang makabangon sa pagkakalugmok.

He was shirtless (ang ganda pala ng katawan niya!) shining up there the brightest. He must have found himself sooner than I expected dahil nakangiti siya, enjoying the attention – and affection – of the other dancers. I saw him being approached by the hunkiest of all, touching him, saying something in his ear, making him giggle.

Maya-maya pa, naghahalikan na sila.

Hindi ko naiwasang mapangiti. Pinanood ko siya, sila ng kapartner niya. Nakadama ako ng tuwa at excitement para sa kanya.

I forgot about my own misery dahil ang tagumpay niya sa kabiguan ay parang naging tagumpay ko na rin.



20 comments:

Aris said...

An imaginary continuation of my previous story because everybody loves a happy ending. :)

Rap said...

clap clap clap!!!
sana totoong ngyari sayo ito.... wish you all happines though... ^^

Mr. G said...

don't we all want happy endings? coming to terms with and loving yourself, is the most gratifying of all...

Unknown said...

i love this post... sayang hirap lang talaga akong makita yung taong para talaga sa akin hehehe!!!

Lester David said...

I love it.. :)
Isang amsarap na basa sa isang nakakaboring na sabado sa opisina.. :)
salamat aris! :)

Yj said...

"nothing makes you feel uglier than a lousy break-up." - sabi ni Citybuoy hihihihihi

Sean said...

sa akin, lahat napapawi ng pagpapakalunod sa inom, tugtog at pagsasayaw.

Kane said...

Aris! I hate you! You caved in to peer pressure! Hahaha. Sige na nga, pagbigyan ang happy ending.

Kane

p.s. I wish we can write our own endings though, don't youn think?

cArLo said...

hey aris! i liked your post..
"success – or happiness, for that matter – comes only to those who are persistent and unafraid.” -shet na malagkit, mahihirapan ata ako hanapin ang happiness ko...
teka totoo ba ito or ginawa mo lang? you said kasi everyone wants a happy ending so you made it... so is it real?
btw late na ako naka-respond sa comment mo sa blog ko. ngayon lang uli ako nagcheck ng blogs. super tamad mode kasi ako :)

Anonymous said...

me as well i want to find my happiness na.. cheer up :)

Aris said...

@leonrap: thank you. thank you. sana nga totoong nangyari ito. ang saya sana! :)

@mr. g: korek. iyan din ang makapagbibigay sa atin ng katahimikan ng isip at kalooban. :)

Aris said...

@libiduos88: salamat. sabi nga, ang bawat isa sa tin ay may nakatakda. huwag kang mainip, darating din siya. :)

@nicos: salamat din, nicos, sa walang sawang pagbabasa. :)

@yj: yes, agree tayo sa ating friend, di ba? i'm just wondering, ba't niya naman nasabi yun? choz! :)

Aris said...

@sean: tama. madaling kalimutan ang sakit ng kalooban sa pamamagitan ng mga 'yan. hehe! :)

@kane: siguro dahil gusto kong pasayahin hindi lang ang mga nagbabasa kundi pati ang aking sarili. hahaha!

sana nga, kane. at kapag nangyari 'yun, it will be the happiest ending of all. choz! :)

@carlo: hello, carlo. chika lang ito. marami kasing na-sad sa last post ko kaya dinugtungan ko ng masayang conclusion.

huwag kang mag-alala. minsan naman ang happiness, di hinahanap. kusang dumarating sa takdang panahon. darating din yung sa'yo.

thanks for visiting. i'm glad tuloy na uli ang mga yummy posts mo. :)

Aris said...

@carmie go: hello, carmie. basta maniwala tang tayo, siguradong darating 'yan. thank you for dropping by. ingat. :)

caloy said...

Sabi niya sa akin, mahal niya ako. Kaya nga, minahal ko rin siya. Pero sa konting di- pagkakaunawaan, bumitiw siya.

the best line for me..damang-dama ko!

Nishiboy said...

"That makes him a worthless son-of-a-bitch."

hahahahahahaha. a very familiar line.

at hindi ako naniniwalang nagtagumpay siya.

Aris said...

@caloy: hmmm... sino kaya ang taong naikokonek mo sa linyang ito? kilala ko ba siya, friend? :)

@nishiboy: actually, yung mga nag-iiwan, sila ang nawawalan. at kadalasan huli na, kapag naisip nila ang kanilang pagkakamali. :)

unbroken said...

I don't know you personally but I'm a fan. I've been a silent reader since then.

You're one of the most realistic writers. Every post seemed to touch and move me.

:)

Aris said...

@unbroken: hello. natutuwa ako to hear from you. higit lalo at nalaman ko na nagugustuhan mo ang mga posts ko. sana patuloy kitang mapasaya sa mga sinusulat ko at sana huwag kang magsawa sa pagbabasa. ingat always. :)

cArLo said...

thanks aris... well i hope nga na dumating yun. kahit matagal okay lang, basta dumating lang. haha ^_^
in my case pag hinahanap ko e medyo sawi ang ending, so hintay nalang siguro muna ako. focus na muna sa sarili ko (work, own happiness, etc.)
nasanay naman ako maghintay e. sa 3 years ng pagiging single e nasanay na ako. haha ^_^