Monday, February 7, 2011

The Hustle

Na-meet ko siya sa club. Si Brent.

Una akong na-attract sa katawan niya. Hubog na hubog. Ang kinis. Ang puti. Shirtless kasi siya dahil kabababa niya lang sa ledge na kung saan ang daming lumalandi sa kanya habang nagsasayaw. Tapos, napagmasdan ko ang kanyang mukha. Hindi siya klasikong guwapo pero exceptional ang features niya. Makapal na kilay. Bilugang mga mata na may mahahabang pilikmata. Katamtamang ilong – hindi matangos, hindi pango. Mataas na cheekbones at squarish na panga.

Napag-alaman ko sa aming pag-uusap na sumasali-sali siya sa bikini open. Hindi malayo dahil napakakisig ng total package niya.

Hindi nagtagal, nagki-kissing na kami.

Feeling ko, ang ganda ko lang dahil pinatulan niya ako.

Hinanap ko ang barkada dahil mahalaga sa akin ang approval nila. Nakita ko silang nakatingin pero bakit parang disdain ang nakita ko sa kanilang mga mata. Good catch si Brent kaya dapat matuwa sila para sa akin.

Baka madilim lang ang mga ilaw kaya mali ang basa ko sa reaksiyon nila.

***

Breakfast time, sumama si Brent sa amin. I was expecting my friends to swoon over him pero civil lang sila.

Nagulat ako nang biglang umapir ang ex kong si Harvey at sumali sa amin. Actually, kahit hiwalay na kami, parte pa rin siya ng barkada. Nagtataka lang ako kung bakit napasugod siya gayong ang alam ko, may biyahe siya papuntang Hong Kong nang araw na iyon.

Tinext pala kasi siya ni Allen, isa sa mga kabarkada namin, na may na-meet ako na dapat niyang makilala.

May na-sense akong tensiyon nang pinagkilala ko sila ni Brent. Hindi nalingid sa akin ang tila matalim na tingin ni Harvey.

Naisip ko, baka selos lang siya. Ang guwapo kasi talaga ni Brent at ang ganda ng katawan. Although hindi rin naman magpapahuli si Harvey dahil nagdyi-gym din siya. Ang kaibahan nga lang, hindi siya nagbibilad ng katawan sa bikini open.

Inimbita ako ni Brent sa bahay niya. Na-excite ako.

Pero humadlang si Harvey. “Ihahatid na kita,” ang sabi. “Papunta ako ng airport. May dala akong kotse at may kasamang driver.”

Bago pa ako nakatanggi, hinila na ako ni Harvey. Bahagya na akong nakapagpaalam kay Brent. Nakatingin lang ang mga kaibigan ko pero nasa mga mata nila ang pagsang-ayon sa nangyari.

Tahimik kami sa kotse. Naiinis ako dahil na-realize ko na muli na naman akong nagpa-domina kay Harvey. Hello, wala na kami. Bakit nanaig na naman ang pagiging sunud-sunuran ko sa kanya?

Alam kong may gusto rin siyang sabihin pero pareho kaming nagtitimpi dahil kung ano man iyon, hindi dapat marinig ng driver.

Pagbaba ko, saka siya nagsalita.

“Layuan mo siya. Maghanap ka na lang ng iba.”

At bago ko pa naitanong kung bakit, umandar na ang kotse at naiwan akong nakatayo sa tapat ng bahay namin.

***

Unanimous ang mga kaibigan ko sa dislike nila kay Brent.

Taka ako. He is the most gorgeous thing I have ever laid my eyes on. Naiinggit ba sila?

“Layuan mo siya. Maghanap ka na lang ng iba.” Parang echo lang ni Harvey si Allen nang magkausap kami sa phone.

“But why?” Lalo akong nagtaka. “Dahil ba sa sobrang guwapo niya at alangan ako sa kanya?”

“It’s not that, gurl. Guwapo ka naman ah. Kaya lang…”

“What?”

“Hindi siya karapat-dapat sa’yo.”

“Bakit nga?”

“Itanong mo na lang kay Harvey,” ang sagot niya. “Basta, ayaw ka naming masaktan.”

Sa kabila ng kanilang pagiging kontra, sumige pa rin ako.

Muli akong nakipagkita kay Brent. Enjoy ako sa company niya kaya hindi ko lubos-maisip kung ano ba talaga ang dahilan at nega siya sa mga kaibigan ko.

Yes, we did it. And it was great! Para akong nakipag-sex sa porn star dahil sobrang ganda nga ng katawan niya. Nakaka-insecure dahil hindi naman ako nagdyi-gym at may baby fats pa pero very reassuring siya. “I like you the way you are,” ang bulong niya habang hinahalik-halikan ako.

Magaling siya sa kama. Kung anu-ano ang ginawa niya sa akin. Makalawa na akong nakarating but I was still craving for more.

***

Nang sumunod na weekend, nagyaya siyang mag-clubbing. Siyempre, go ako. Hindi ko na ipinaalam sa mga kaibigan ko dahil ayaw ko nang may marinig na pagtutol mula sa kanila.

Pagdating sa meeting place, napansin kong balisa siya.

“What’s wrong?” ang tanong ko.

“I lost my wallet,” ang kanyang sagot. “Nalaglag yata pagbaba ko sa taxi.”

Hindi ko hinayaang masira ang aming gabi. I paid for everything.

At bago kami naghiwalay, nagulat ako nang mag-“I love you” siya sa akin.

“So, anong ibig sabihin, tayo na?” Hindi ko naiwasang magtanong.

Ngumiti siya. “Let’s take it easy. But I’m very sure, doon na tayo papunta.”

Hindi ko man narinig ang inaasahan kong sagot, it was as good as “yes”.

At nagpatuloy ang pagkahibang ko sa kanya.

***

Subalit nang mga sumunod na araw, naging madalang ang aming pagkikita.

Busy lang daw siya.

Ok, fine.

Pero text-text pa rin naman kami.

OA ang mga text ko sa kanya at hinahanap ko ring maging expressive siya, pero tipid ang mga sagot niya. Nanlalamig na ba siya?

Nagsimula akong mag-alala. Pero bago pa iyon lumala, he invited me out Saturday evening. Sa loob na lang daw kami ng club magkita.

Ang saya ko. Gusto ko kasi talagang mag-work-out kami para patunayan sa mga kaibigan ko na mali sila.

***

Nang gabing iyon, surprise appearance muli si Harvey. Na-intercept niya ako sa meeting place ng barkada habang naglalakad ako patungo sa club. Naroroon siya, umiinom mag-isa, hinihintay ang barkada na mula nang mahumaling ako kay Brent ay hindi ko na nakakasama.

I joined him. Maaga pa naman. Maaari pa akong uminom. At saka hindi pa nagte-text si Brent.

“Magkikita kami ni Brent,” ang pagpapaka-honest ko.

“Hindi ka sa akin nakinig.” Nakita ko ang disappointment sa kanyang mga mata. “You are making a mistake.”

“Why? What is wrong with him?” Medyo agitated ang aking boses. Naiinis na kasi ako sa pagiging kontra niya at ng buong barkada kay Brent.

Hindi siya sumagot. Lumagok lang ng beer.

“Hayaan mo naman akong maging masaya uli.”

“Gusto kitang maging masaya kaya iniiwas kita sa kanya.” Tumingin siya sa akin, mataman.

Sinalubong ko ang kanyang mga mata. “I don’t understand. Because of him, I have never been happier. Ngayon lang uli ako nakaramdam ng ganito mula nang… magkahiwalay tayo.”

Umiwas siya ng tingin at muling lumagok ng beer.

“Siguro… nagseselos ka lang,” ang akusa ko.

“Hindi.” Diretso ang kanyang sagot.

“Siguro… mahal mo pa ako.”

“Shut up.”

Bahagya akong natawa. I was half-joking, anyway. “Then why?”

“Dahil concerned pa rin ako sa’yo. Ayokong masaktan ka.”

“At bakit naman ako masasaktan?”

“Dahil lolokohin ka lang niya!”

Napatitig ako sa kanya. How can he be so sure?

“May dapat kang malaman tungkol kay Brent…” ang sabi niya.

Heto na ang sagot sa mga katanungan ko kaya hinayaan ko siyang magpatuloy.

“Una, may nakaraan kami. Kaka-break lang natin noon nang makilala ko siya.”

Napasinghap ako.

“Sa club din kami nagkakilala. Wala ka noon dahil nagda-drama ka pa sa break-up natin. Kasama ko noon sina Allen kaya nakilala din nila si Brent.”

Nagpatuloy ako sa pakikinig.

“Pangalawa, hustler siya. Pagkatapos niyang makuha ang loob ko, inunti-unti niya ako sa pera.”

Naalala ko ang “lost wallet”.

“Pumapatol siya kahit kanino. Walang pinipili basta may pera.”

May naramdaman akong pagsisikip sa aking dibdib.

“Pangatlo, hindi totoo ang tungkol sa bikini open. Stripper siya. Callboy. Macho dancer.”

Para na akong hindi makahinga.

“Now tell me, siya ba ang karapat-dapat mong mahalin?”

Katahimikan. Hindi lumalayo ang tingin ni Harvey sa akin. Hinihintay ang aking reaksiyon.

I was sorting out my thoughts. Lumagok ako ng beer. Sunud-sunod.

“I don’t believe you,” ang sabi ko pagkaraan.

Napailing si Harvey. “Hanggang ngayon, matigas pa rin ang ulo mo.”

“Dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.”

“Hindi tungkol sa atin ang pinag-uusapan natin. Tungkol sa iyo at kay Brent.”

“Hindi mo siya dapat siraan.”

“Hindi ko siya sinisiraan. Sinasabi ko lang ang totoo.”

Tumunog ang aking cellphone. Si Brent. Nasa club na raw siya. Sinaid ko ang laman ng aking bote at naghanda na akong umalis upang katagpuin siya.

Subalit bago ko pa nagawang tumayo, dumating si Allen. Kasunod ang iba pa sa barkada. They were surprised to see me – and Harvey – na nasa tambayan at naghihintay sa kanila.

I had to admit na hindi ako nagpunta para jumoin sa kanila, na may date kami ni Brent nang gabing iyon. Muli kong nakita ang disdain sa kanilang mga mukha.

Nevertheless, pinakiusapan pa rin nila akong mag-stay muna sandali. Isa o dalawang bote lang para makapagkuwentuhan kami. Ayaw kong magtampo sila kaya pinagbigyan ko.

At habang umiinom kami, my friends spewed more revelations about Brent.

“May mga nude pictures ‘yan sa internet.”

“May video pa na kumalat sa cellphone.”

“I have a friend na hiniraman niya ng pera tapos tinakbuhan.”

“He sleeps around.”

“Wala siyang matinong trabaho. Rumaraket lang sa mga bading.”

Bago pa ako marindi, tumayo na ako.

“Guys, sorry, but I have to go. Kanina pa siya naghihintay sa akin sa club,” ang sabi ko.

“You don’t believe us, do you?” Nandidilat ang tingin ni Allen sa akin.

“Ayaw ka naming mapahamak,” ang sabi pa ng isa naming friend. “Pero kung ayaw mo talagang maniwala, go ahead. But don’t tell us we didn’t warn you.”

“Please, guys. Hayaan n’yo akong tuklasin ang totoo on my own. Hindi baleng masaktan ako.”

They all just shrugged. Kahit sila, alam nilang stubborn ako.

“Sasamahan na kita.” Nagulat ako nang tumayo rin si Harvey. Hindi ko inaasahan iyon.

“Bakit? Hindi ko kailangan ng kasama.” Masungit ang tingin ko sa kanya.

“I mean, sasabay na ako sa’yong pumasok.”

“Bakit nga?”

“Dahil may kaibigan din akong naghihintay sa loob. It has nothing to do with you.”

Wala na akong nagawa. Nagpatiuna ako pero hinabol niya ako at sinabayan sa paglalakad.

“Actually, wala talaga akong imi-meet na friend,” ang amin niya nang half-way na kami. “I just feel the need to watch over you.”

Tiningnan ko siya ng masama.

“Friendly concern,” ang dugtong niya. “Walang ibig sabihin.”

“Gago ka,” ang sabi ko. Pero na-touch ako niyon.

Kaya nang nakapila na kami sa entrance ng club, hindi ako tumutol nang akbayan niya ako.

***

In full-swing na ang party pagpasok namin. Maingay. Siksikan. Masaya.

Hinanap ng aking mga mata si Brent. Sa kabila ng mga hindi magagandang bagay na narinig ko tungkol sa kanya, excited pa rin akong makita siya.

Kinalimutan ko si Harvey na nakatayo sa aking tabi.

Dahil sa sobrang dami ng tao, hindi ko makita si Brent. Nag-alala ako na baka umalis na siya dahil naabala nga ang aking pagpunta.

Kandahaba pa rin ang leeg ko sa paghahanap sa kanya nang kalabitin ako ni Harvey.

“What?” ang angil ko.

May itinuturo siya.

Sa isang sulok iyon ng club na kung saan may dalawang lalaking nag-uulayaw.

Napahindig ako. Nakatalikod man, kilalang-kilala ko ang hubog ng isa sa mga lalaki.

Napatingin ako kay Harvey. He was shaking his head. At kahit malakas ang music, dinig ko ang kanyang “Tsk! Tsk! Tsk!”

Sumenyas ang kamay ko sa kanya ng “wait, stay”. At bago niya ako napigilan, sumugod ako sa sulok na iyon ng club.

Dama ko ang masidhing kirot habang pinagmamasdan ko ang pakikipaghalikan at pakikipagyakapan ng lalaking kilalang-kilala ko ang hubog. Tinap ko siya sa balikat, hinawakan sa braso at hinila paharap sa akin.

Si Brent.

“I thought we have a date,” ang sabi ko, matalim ang titig.

Hindi siya sumagot, nakatingin lang sa akin. I didn’t know if he was drunk, drugged or just stunned.

“Teka, sino ka ba?” ang asik sa akin ng kapareha niya.

Hinarap ko siya at pinamewangan. Maayos lang ang bihis niya pero hindi siya kagandahan.

“Ako ang boyfriend niya!” ang paninindak ko sa kanya. It wasn’t exactly true pero iyon lang ang alam kong paraan upang i-assert ang karapatan ko kay Brent.

“Siya nga ba ang boyfriend mo?” ang baling ng lalaki kay Brent, wala ni katiting man na bahid ng pagkasindak.

Hinintay kong i-validate iyon ni Brent. Afterall, parang ganoon na rin naman kami, di ba?

Nakatingin siya sa akin na parang naguguluhan. After a while, umiling siya.

“No, he’s not my boyfriend,” ang mariing sabi.

“Ilusyunado,” ang sabi sa akin ng kapareha niya.

Napahiya ako. Nainsulto. Pero higit na masakit ang outright denial at rejection ni Brent.

Tumalikod ako at lumayo.

Sinalubong ako ni Harvey.

“Ano’ng nangyari?” ang kanyang tanong.

Pinilit kong ngumiti. “It’s over.”

Kilalang-kilala niya ako and he can see right through me. Alam niya, hurting ako.

“I told you so,” ang kanyang sabi.

Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang mag-concede.

Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit.

Nadama ko ang daloy ng init mula sa kanyang palad. Pinayapa niyon ang aking loob.

Tumingin ako sa kanya. Sinalubong niya ang aking mga mata at hindi siya bumitiw.

Nagpalit ang tugtog.

“Halika, magsayaw tayo,” ang kanyang sabi.

Naging sunud-sunuran na lamang ako.

24 comments:

Aris said...

fiction. :)

Steph Degamo said...

akala ko totoo. hahaha. nwei, regards mo ako kay brent :)

Yj said...

ahahahaha and we're back to the way it was before...

clubbing adventures!

i miss you sis.. muahz

Mac Callister said...

kakainis naman kala ko totoo na!!hmpf!

pero nadala ako sa kwnto ha hahaha!

Anonymous said...

d ko magets ung kwento bakla ba ung bida jan???

kaloy said...

i learned the hard way that, aside from your mom, you should listen to your friends... ;p

Anonymous said...

I thought that was real...Ahihi...Pero alam mo, marami rin Brents dito Mr. Aris...Kakaloka, they're everywhere...

Rygel said...

hwaaaat! the end na agad? :D

The Golden Man from Manila said...

yung mga ganyan tao...
karma ang tatama sa kanila.
ang objective nila .. strike while the iron is hot. dahil darating ang panahon na hindi kayang ikubli ang katandaan ng isang tao.
at pag dumating sila sa ganun edad, dun nila mararamdaman lahat ng gingawa nilang malasado.

dahil in the end... sa kanila ang balik ng lahat. higit pa sa mga naranasan ng mga naging biktima niya.

Sean said...

akala ko rin totoo! pero talagang mahirap makinig pag bulag ka sa pag-ibig.

Anonymous said...

ang kati kati kc..hehehe

piz...


manloloko pala yun :))

Aris said...

@ester yaje: imbento lang pero may mga pinagbasehan. hehe! :)

@yj: bunga ng imahinasyon at mga karanasan, actually. hehe! miss you too, gurl. :)

@mac callister: salamat. ang mahalaga, na-entertain ka. :)

Aris said...

@anonymous: ay, oo. heto ang mga pruweba:

“But why?” Lalo akong nagtaka. “Dahil ba sa sobrang guwapo niya at alangan ako sa kanya?”

“It’s not that, gurl. Guwapo ka naman ah. Kaya lang…”

***

“Ako ang boyfriend niya!” ang paninindak ko sa kanya. It wasn’t exactly true pero iyon lang ang alam kong paraan upang i-assert ang karapatan ko kay Brent.

Aris said...

@kaloy: korekness. kaya dapat makinig. :)

@pipay: oh yes. ang pinagbasehan ko kay brent ay hindi lamang isa kundi tatlong totoong characters na na-enkuwentro ko. :)

@rygel: short story lang. medyo napahaba na nga eh. hehe! :)

Aris said...

@golden man: totoo. may shelf life lang ang kabataan at ganda. kapag dumating na ang expiry date, magiging huli na ang pagsisisi kung ginamit mo ito sa mali. :)

@sean: actually. nakakabulag at nakakabingi ang pagkabaliw at pagkahibang sa pag-ibig. :)

@jay rulez: minsan, nakakabulag din ang kati. hehe! :)

KristiaMaldita said...

Hi! just follow your Blog :))

I like the story!

Aris said...

@kristiamaldita: hello. i'm glad you liked it. thank you for the follow. tc. :)

Nishi said...

kung ako yung bida sa kwento, magagalit ako nang todo kina friends at kay ex. they're supposed to tell details like that BEFORE you take you the plunge. kung concerned talaga at friends talaga, brutally honest dapat para hindi na aabot sa point na masasaktan.

Aris said...

@nishiboy: ideally, yes, it should have been that way. but stubborn as he was, maybe the ex and the friends wanted him to learn his lessons the hard way. :)

Lester David said...

Hi Aris... :)
isang magandnag pagbasa sa akign pagbabalik..namiss kita!hahahaha:)

Aris said...

@nicos: welcome back. i missed you, too. *hugs* :)

@anonymous: oh, thank you. :)

Anonymous said...

I love the story. Not just the gays and bi's can relate themselves, as well as those who has "straight" gender preferences. I'm actually enjoying reading all your blogs.
-icy-

Aris said...

@anonymous: sabi nga, universal ang love kaya lahat nakaka-relate kahit anong gender. thank you, icy for appreciating my story. sana ma-enjoy mo lahat ng isinulat ko. ingat always. :)

Anonymous said...

I actully did enjoy reading your blogs. Though they're fictional (maybe some), believable sya. At possible na mangyari sa isang normal na tao. Like it.
-icy-
h they're fictional (maybe some), believable sya. At possible na mangyari sa isang normal na tao. Like it.
-icy-