“Standards?” ang tanong ko. “Kagaya ng ano?”
“Kagaya ng bloodline,” ang sagot niya. “Iyong mga may bahid lamang ng dugong maharlika ang receptive sa kagat ng bampira at may kakayahang mag-mutate.”
“Ako? May dugong maharlika?”
“Maaaring descendant ka ng mga sinaunang hari at reyna, datu at dayang, hindi mo lang alam.”
Hindi ko nga alam kaya ako ay natahimik na lamang.
“Lason ang enzymes ng mga bampira sa dugo ng karaniwang mortal kaya sila ay namamatay,” ang patuloy niya. “At dahil bibihira ang may dugong maharlika, marami muna sa mga mabibiktima ang mamamatay bago may isang mabuhay. At iyon ang itinakda.”
“Bakit kailangang hanapin ang itinakda?” Hindi ko mapigil ang aking curiosity.
“Dahil ang pagiging bampira ay isang progression. At upang makasulong, kailangan ng mapagsasalinan, ng tagapagmana.”
“So, ang iyong ginawang mga pagpatay ay upang hanapin ang itinakda – na sinasabi mong ako nga?”
“Oo at hindi. Dahil ang ginawa kong mga pagpatay ay necessary din para sa aking nourishment at bilang offering sa aking patron.”
“Patron?” Kumunot ang noo ko.
“Sponsor. Benefactor. Siya ang bampirang nag-convert sa akin at pinagkakautangan ko ng loob.”
“Nasaan siya ngayon?”
“Nasa hibernation. At dahil siya ang aking patron, mayroon kaming connection. At dahil connected kami, ang dugong aking iniinom ay hindi lamang magpapalakas sa akin kundi maghuhugas din sa kanya upang makumpleto ang kanyang purification.”
“Hibernation? Purification?” Higit na lumalim ang kunot ng noo ko.
Umunat sa kanyang pagkakahiga si Regidor. Hindi ko naiwasang hagurin ng tingin ang kanyang kabuuan, ang kanyang kahubdan na walang pakundangan sa pagkakalatag. Lumikha iyon ng mga mumunting alon ng pagnanasa mula sa aking puson pababa sa aking kaselanan.
Tumagilid siya at humarap sa akin, saka muling nagpatuloy. “May stages ang pagiging bampira...”
Distracted man sa kanyang pang-akit, ako ay matamang nakinig.
“First stage ang conversion. Ang itinakda kapag natagpuan na ay kakalingain ng patron at huhubugin upang maging ganap na bampira.
“Second stage ang transformation. Sa pagkalinga at paghubog ng patron sa itinakda, magaganap ang palitan o exchange. Magsasalinan sila -- kapangyarihan mula sa patron at kalinisang-loob mula sa itinakda na magaganap lamang sa pamamagitan ng pagniniig. Sabay sa pagbabagong-loob ng itinakda ang pagbabagong-anyo ng patron.
“At kapag nakumpleto na ito, saka lamang magpapatuloy ang patron sa third stage – ang hibernation at purification. ”
“Para saan ang hibernation at purification?”
“Ito ang paghahanda para sa pinakamataas na antas ng pagiging bampira – ang enlightened state na kung saan absolute ang kapangyarihan at perfected ang mga katangian – upang maging karapat-dapat at katanggap-tanggap sa kanyang pagbabalik sa Baluarte.”
“Baluarte?” Hindi ako nauubusan ng tanong.
“Ito ang lugar na pinagmulan ng mga bampira. Parang vampireville.”
“Saan ito matatagpuan?”
“Sa Europa. Subalit lihim ang eksaktong lugar. Ang bampira pagkaraang mag-undergo ng hibernation at purification ay tatawagin ng misteryosong tinig at bibigyang-direksiyon upang ito ay kanyang marating. Ang kanyang pag-uwi sa Baluarte ay katuparan ng isang pangako na binitiwan daantaon na ang nakakaraan.”
Hindi ko na kinailangang magtanong dahil nabasa na ni Regidor ang ekspresyon sa aking mukha at siya ay nagpatuloy.
“Noong unang panahon, isang grupo ng mga pinakamakikisig, pinakamatatapang at pinakamatatalinong bampira ang ipinadala sa isang misyon upang palaganapin ang vampirism sa Asya. Kapalit ng basbas ng kanilang pinuno ay ang kanilang pangako na sila ay magbabalik sa Baluarte anuman ang mangyari.
“Naglayag sila sa malawak na karagatan subalit isang gabi habang sila ay nagsasagawa ng orgy upang paigtingin ang kanilang mga kapangyarihan, isang malupit na unos ang humagupit sa barkong kanilang kinalululanan at ito ay lumubog. Nagkahiwa-hiwalay sila at kung saan-saan napadpad – Pilipinas, Thailand, Indonesia, Malaysia. Ang orihinal na planong mass conversion ay hindi nasunod dahil sa kanilang pagkakawatak-watak.
“Subalit tinupad pa rin nila ang kanilang misyon. Nagkanya-kanya sila ng set-up – katulad ng set-up natin ngayon – at nag-convert, naging patron, nagturo sa mga itinakda. At ang kanilang legacy ay nagpatuloy hanggang ngayon.
“Dahil sa pagtupad sa pangako, ang bawat bampira, katulad ng mga pasimuno ay destined na umuwi, magbalik sa Baluarte pagkatapos ng misyon.”
It was so much vampire history for one night subalit nanatili ang aking interes. “Kailan makukumpleto ang aking conversion at ang iyong transformation?”
“Bago sumapit ang ika-labindalawang pagbibilog ng buwan.”
“At kailan ako magsisimulang sumipsip ng dugo?”
“Hindi pa ngayon. Not until makumpleto ang conversion mo.”
“Hindi ba ako magugutom? Paano ako mabubuhay?”
“We will live off each other’s body. Katawan ko ang bubusog sa’yo at katawan mo ang bubusog sa akin. Ngayong natagpuan na natin ang isa’t isa, matitigil na ang mga pagpatay, at least for a year. Mamumuhay tayo nang tahimik at masaya. Almost normal, makikisalamuha tayo sa mga tao. At higit sa lahat, mamahalin kita at mamahalin mo ako.”
“Ang ibig mo bang sabihin ay magiging magkarelasyon tayo?”
“Oo. Dahil upang maging ganap ang ating mga pagbabago, hinihingi ng natural law na maging lovers tayo.”
***
Wala nang preamble, kaagad naming sinunggaban ang isa’t isa.
Muli kaming nagniig, higit na maalab kaysa una. Puno ng pananabik na parang hindi pa kami nasaid.
Napakatalas ng aking pakiramdam, buhay ang bawat himaymay ng aking laman at napaka-responsive sa pleasure na hatid ng bawat dampi, haplos at sundot ng labi, palad at ari ng pinakamakisig na lalaking itinadhana sa akin ng kapalaran.
Vampire or not, I couldn’t be happier. Si Regidor ang pinangarap kong lover and I don’t care if I have to sell my soul to the devil, basta’t ang mahalaga, akin siya at ako ay kanya.
***
Alas-tres nang madaling araw, witching hour, nang maalimpungatan ako. May naramdaman akong kakaiba, na maliban kay Regidor na nahihimbing sa tabi ko, may iba pang presence sa kuwarto.
At hindi nga ako nagkamali dahil pagsulyap ko sa may pinto, naroroon, nakatayo ang isang babae, nakaputi, mahaba ang buhok. Maningning ang outline na tila pinaglalagusan ng liwanag.
“Sino ka?” ang aking tanong.
“Halika, sumama ka sa akin,” ang kanyang tugon. May alingawngaw ang kanyang tinig na parang nanggagaling sa malalim na balon.
Bumangon ako, mangha sa pangitaing iyon.
“Halika,” ang muling yaya ng babae. “May ipakikita ako sa’yo.”
At pagkatapos, pumihit siya at parang usok na lumusot, naglaho sa pinto.
Tumayo ako at lumabas ng silid. Sa pasilyo, nakita ko siyang tumatakbo. Dinig ko ang kanyang mga yabag at matitinis na halakhak.
Bumaba siya ng hagdan, kasunod ako. Muli naming tinahak ang isang mahabang pasilyo sa unang palapag ng bahay.
Pagsapit sa dulo, saglit siyang tumigil at nilingon ako. “Halika,” ang sabi bago naglagos sa isang pinto.
Binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang isang hagdan pababa.
Binagtas ko ang mga baytang na nagdala sa akin sa basement.
Natigilan ako. Isang maluwag na bulwagan iyon. Bakante, maliban sa isang bagay na nasa gitna niyon.
Isang bukas na kabaong, natatanglawan ng mga kandilang pamburol.
Ang babaeng nakaputi ay nakatayo sa tabi, nakatunghay sa lalaking nakahiga roon.
(May karugtong)

14 comments:
wow... hmmm astig.. just cant help may self from anticipating for the next thing to happen...
hmmm astig ka idol aris... ehehhehe sorry kung feeling close, im amver, one of your new blog readers actually ive done reading your must read stories and also your series stories... take note... sa lob lang ng isang linggo.. hehehehe and most of it affected and touched me indeed..
actuaaly dahil sa mga writings mo i felt in love... although walang partner i just cant help my self fro, enjoying the feeling of being in love... hahha ok na kahit di sakin at least alam ko na may mga gaya ko na nakakaranas ng pagmamahal :D at happy na ko dun...
cant for your new posts :D
take care always :P
-amver
@anonymous / amver: hello, amver. salamat sa pagbabasa at sa comment. natutuwa ako na nakaka-relate ka sa mga kuwento ko. sana patuloy kang mag-enjoy. ingat always. :)
thanks idol ehehehhe
share ko lang...
napansin ko masyadong malaki ang naging role ng BED MANILA
sa buhay mu ahahha or at least sa love life mo :D
kaya eto ko ngaun anticipating na makapunta ng BED hahaha
haha nakakahiya man pero a part of me hopes na makakaranas din ng mga experiences tulad ng sayo hahahaha :D
hmmm ingat lagi idol :P
-amver
@anonymous / amver: medyo nga. hehe! why not? punta ka rin. magsama ka ng friends para mas masaya. who knows, baka magkabanggaan pa tayo nang hindi sinasadya. hehe! ingat ka rin always. :)
hahaha guess what idol... i went tehre last saturday... and i loved it sobra hahaha...
thanks sa mga kwento mo idol
alam mu ba hndi ako nakaramdam ng apgkanewbie
feeling ko sobrang familiar na ako sa place...
and i owe it all to your post... hahaha
at take note my mga experiences ka na naexperience ko din dun,,, :P sana nga soon makita kita dun ehehe
ingats lagi idol
-amver
@anonymous / amver: wow! glad to know you had a great time. am thankful na kahit paano, nakatulong ang mga posts ko para maging memorable ang experience mo. who knows, baka nga isang sabado, magkakilala tayo roon. ingat din. :)
hi there, i had just followed you blog, can i ask for a followback on my blog too? its http://judericnerisworld.blogspot.com thank you :)) god speed!
@juderic neri: hello. welcome to my blog. sure, i just did. thanks. :)
hehehe dito ulit ako idol.. actually hilig ko din ang magsulat... at dahil sa blog mo nanumbalik iyon sa kin... high school pa ata ako nung last na nakapagsulat ako ng mga stories... fil journ kasi ko nun...
at eto nga dahil sayo nainspire nanaman ako...
may gma nagawa na ulit ako akso sa facebook ko lang nilalagay, wala pang time maghandle ng blog eh
just want to let you know na nirerecommend ko lagi sa mga barkada ko tong blog mu...
nga pala idol, ung plantation resort di na masusundan un?
astig ng story eh...
geh ingat lagi idol :P
-amver
@anonymous / amver: salamat naman at na-inspire kita. salamat din sa pagbibigay ng rekomendasyon. tatapusin ko lang ang "black party" at "live show" tapos itutuloy ko na ang "plantation resort". pabasa naman ng story mo. email mo sa akin. :)
hello :) shameless plug. followed you aris :)
www.toomuchdoctoring.blogspot.com
@alex tan: thanks for the follow. :)
"Oo. Dahil upang maging ganap ang ating mga pagbabago, hinihingi ng natural law na maging lovers tayo." - Best part Aris! Nakakakilig!
@anonymous: must be great to be a vampire. hehe! :)
Post a Comment