Dinala ako ng aking mga paa sa isang liblib na lugar sa dulo ng Metro Manila. Natagpuan ko ang aking sarili sa harap ng isang lumang bahay-Kastila. Pamilyar sa akin ang bahay. Marahil na-feature na iyon sa Halloween Special ng “Magandang Gabi, Bayan” at napanood ko kaya ganoon. Subalit hindi lang familiarity ang aking naramdaman kundi affiliation, na para bang nanirahan na ako roon sa matagal na panahon.
Bahagya pa akong nagulat nang kusang bumukas ang kalawanging gate. Nakangingilo ang ingit ng mga bisagrang nangangailangan ng langis subalit hindi ko iyon pinansin.
Humakbang ako papasok sa bakuran. Sinalubong ako ng hihip ng hangin na nagpaulan at nagpaalimbukay sa mga tuyong dahon mula sa matandang balete na nakatanghod sa lakaran. Sinalubong din ako ng nagliliparan, naghuhunihang mga paniki.
Pagtapat ko sa pinto ng bahay, kaagad din itong bumukas. Madilim sa loob subalit kita ko ang lahat. Maalikabok na bulwagan, mga lumang kasangkapan na inaagiw at inaanay, mga kandelabrang basag, paikot na hagdan, mga librong magulo ang pagkakasalansan.
Nalanghap ko ang halimuyak ng rosas at kandila. Kaagad kong sinundan ang pinanggagalingan niyon. Umakyat ako sa ikalawang palapag, binaybay ko ang mahabang pasilyo at doon sa dulong kuwarto na kung saan may naglalagos na liwanag sa siwang ng pinto, natukoy ko na naroroon ang aking pakay.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at tumambad sa akin ang kabuuan ng silid na pinaliliguan ng liwanag mula sa mga kandila na kung saan-saan nakatirik -- sa sahig, sa ulunan ng kama, sa mga muwebles. Nagkalat din ang mga talulot ng pulang rosas na parang basta na lang isinabog. At sa gitna ng silid, naroroon nakatayo, nakatalikod ang hubog ng isang matangkad at makisig na lalaki na nang ako ay lumapit ay pumihit at humarap sa akin.
Hindi pagkagulat kundi pagkamangha ang lumukob sa akin dahil sa tanglaw ng mga kandila ay tila higit na nagningning at naging luminous ang kanyang maputla at maputing kutis, higit na nagpatingkad sa mapang-akit niyang mukha na pamilyar na sa akin.
"E-Edward...?" ang bulalas ko, halos pabulong.
Ang pormal na ekspresyon ng kanyang mukha ay nahalinhan ng ngiti na nauwi sa maiksing tawa.
"Mas gugustuhin kong tawagin mo akong Lestat kaysa Edward," ang wika niya, may lamyos ang mababang tinig na naghatid ng kilabot at kiliti sa akin. "Subalit hindi iyon ang aking pangalan. Ako si Regidor at kanina pa kita hinihintay. Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan, Carlito."
"Bagong tahanan?" ang tanong ko.
"Mula ngayon, dito ka na maninirahan. Dahil ikaw ang itinakda at sasailalim ka sa proseso ng pagbabago sa pamamagitan ko."
"Itinakda? Proseso ng pagbabago?" Kumunot ang aking noo.
"Halika, maupo ka," ang muwestra ni Regidor sa kama. "Ipaliliwanag ko sa'yo."
Tahimik akong tumalima. Naupo rin siya sa kama, sa tabi ko. At ako ay nagulat nang itulak niya ako pahiga. Subalit hindi ako tumutol nang pumaibabaw siya sa akin, marahil dahil sakop ako ng kanyang kapangyarihan o dahil gusto ko rin at sakop ako ng pananabik.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at nagtama ang aming mga mata. Napatitig ako sa kanyang pupils na kakaiba ang anyo at hugis, parang sa pusa. At sa halip na berde, dilaw o asul, kulay pula ang mga iyon.
Nalanghap ko rin ang kanyang likas na bango. Nakalalasing, nakalalango, parang drogang nagpa-high sa akin.
"Ipagpatawad mo," ang sabi ni Regidor, hindi naglalayo ang mga mata sa akin. "Hindi ko mapigil ang aking pagnanasa. Napakaguwapo mo."
Dumako ang kanyang kamay sa mga butones ng aking damit. Isa-isa niya itong pinigtal. "Hindi nababagay sa'yo ang iyong suot."
At saka lang ako naging aware na naka-hospital gown ako. Mahaba, shapeless, parang daster. At wala akong underwear!
Hindi naging mahirap para kay Regidor na iyon ay pilasin at nang ako ay lubusang mahubaran, lumuhod siya sa aking paanan at hinagod ng tingin ang aking kabuuan. Nakahiga ako sa kama na tila nakahain, wala ni anumang pagtatakip. Hinayaan kong mabuyangyang ang aking katawan nang buong-ningning. Proud ako sa aking katawan, sa resulta ng aking pagdyi-gym. At proud din ako sa sentro ng aking pagkalalaki na ang sukat ay tumutugma, tumutumbas sa laki ng aking mga masel.
Hinaplos niya ang aking balat, sinalat ang bawat contour ng aking kahubdan. Nag-linger ang kanyang kamay sa depinisyon ng aking kasarian na unti-unting bumalikwas, nanigas at umigkas. Kinulob niya iyon sa kanyang palad at dinama ang pintig at pitlag ng mga ugat. Kaagad din siyang bumitiw at nagsimulang maghubad.
Nalantad sa akin ang kanyang katawan na hindi man maskulado, firm at lean ang kalamnan, parang swimmer's bod. Malapad ang kanyang balikat at makipot ang baywang, walang kataba-taba at flat ang tiyan. Maputi at maputla ang balat.
Malugod ko siyang tinanggap nang muling kumubabaw sa akin. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Saka ko lang nadama na napakainit niya, parang may lagnat.
"Akala ko, may ipaliliwanag ka sa akin," ang pakli ko.
"Hayaan mo munang angkinin kita. Hindi ko na mapigil, baka magliyab ako sa init," ang sagot niya.
"Muli mo ba akong sisipsipin?"
"Oo. Subalit hindi na dugo mo ang aking iinumin."
"Bakit?"
"Dahil bampira ka na rin. At ang magaganap sa atin ay pagsasalin, pagpapalit. Bahagi ng prosesong aking binanggit."
Magtatanong pa sana ako subalit pinatahimik na ako ng kanyang mga halik. At dahil heightened ang aking senses, parang kuryenteng gumapang sa akin ang bawat dampi at hagod ng kanyang labi at dila. Nanuot ang kiliti at luwalhati sa bawat ugat, nerve at himaymay ng aking katawan, tumagos sa balat, buto at laman. At nang ako ay kanyang kubkubin, para akong iniangat, inilutang, idinuyan ng kanyang panginginain. Makapangyarihan ang kanyang pagsipsip at parang agos ng tubig nang ako ay pumulandit, halos hindi maampat na kanyang sinaid hanggang sa huling patak.
At nang ako ay kanyang padapain, ang buko ng aking bulaklak ay ipinagkaloob ko upang kanyang pabukadkarin. Masikip ang lagusan at masakit ang bawat giit subalit iyon ay aking tiniis. Nagawa niya akong pasukin at minatamis ko ang kanyang pag-angkin. Hanggang sa maramdaman ko rin ang kanyang pag-agos na pumuno sa akin.
At nang kami ay magbitiw, nag-uumapaw ako sa kaligayahan, katuparan at kapanatagan na noon ko lang naramdaman. It was the best sex I ever had! At sa halip na manghina ay tila higit akong lumakas, tumalas ang aking pakiramdam na pati pintig ng ugat at daloy ng dugo ay aking nauulinigan.
Inapuhap ko ng tingin si Regidor. Siya man ay larawan din ng kakuntentuhan. Nakapikit siya at nang magdilat, ako ay kanyang nginitian. Sapat na ang ngiting iyon upang mapagtanto ko na ako ay mapalad sa kung anuman ang aking kinahinatnan. At kung ako nga ang itinakda, kailangan ko iyong ipagpasalamat.
Itinakda? Hindi ko pa lubusang naiintindihan ang ibig sabihin niyon.
"Bakit ako ang itinakda?" ang untag ko kay Regidor.
"Ah, ngayong nadilig na ang iyong katawan, isip mo naman ang kailangang diligin," ang sagot niya. "Bakit ikaw ang itinakda?"
"Gusto kong malaman."
"Makinig ka."
At nagsimula si Regidor na ipaliwanag sa akin ang misteryo ng pagiging isang bampira.
(May karugtong)
13 comments:
Waiting...
Hehe :)
@nimmy: hehe! ang bilis ha! heto na, mainit-init pa. :)
Go...
Nice..
<3<3 L.R.O <3<3
nkkasabik ang karugtong! sana ipost mo agad..first time hir in your blog also first time na mgcomment, pero nbasa q n lhat ng kwento mo :-) ngustuhan q kaya back read ang Lola hehe..ok lng mganda nman eh at partida mobile internet lng gamit q :D anyways, very nice lhat ng kwento mo, nkkasabik basahin lalo n ang mga series (nga pla ung plantation wala pba?) khit girl ang Lola interesado prn aq, hindi mlaswa at ang galing ng pgkkasulat hanga aq (mhilig dn aq mgsulat eh!) basta magaling ka at hanga aq sa pgging totoo mo sa mga kwento mo..idol! hope mging frend kita pra masaya! nkkatuwa kc my frend kang bakla hehe..:-))
aris mali ung sentence na "first time hir in your blog" inedit q n un eh, mejo mbgal kc internet dto sa fone dpat "always hir in your blog" un eh..Hindi nbago cenxa na.
@l.r.o.: abangan ang susunod na kabanata! :)
@anonymous: wow naman. thanks. nakakataba ng pusong malaman na naa-appreciate mo ang mga sinusulat ko. of course naman, we can be friends. salamat uli and take care. :)
Hi Aris, lubos akong humahanga sa iyong angking talino, napakagaling mong magpanday ng mga kwento. Nirekomenda pala ng kaibigan kong babae itong site mo, kaya tsinek ko, nung una nag alangan akong basahin, pero dahil sa labis kong paghanga sa estilo ng iyong pgsusulat ako'y nabighani at ganap ng sumusubaybay.Lubos na gumagalang - Straight Guy
@jade vincent: Maraming salamat. Labis akong natuwa sa iyong pahayag na parang umangat ako nang bahagya sa lupa. Ang iyong pagkalugod sa aking mga akda ay naghatid sa akin ng dagdag-inspirasyon upang magpatuloy sa paglikha at pagbutihan ko pa. Salamat din sa iyong kaibigan na nagrekomenda, isang mainit na pagbati ang ipinaaabot ko sa kanya. Hope to hear from you again soon. Take care and God bless. :)
ang weird nito! waaaaa
panaginip ba to or fiction mo?
@mac callister: hehehe! kathang-isip lang. :)
natakot ako ha... joke! nice!..
JJRod'z
I waaaaaant to read the next part. Hope you're not too busy to compose the succeeding parts. -Neyher23
@jj roa rodriguez: thanks, jj. enjoy! :)
@neyher23: i surely will find time to continue and finish this. promise, di ka maiinip. :)
Post a Comment