Monday, June 25, 2012

Timpi

“Go,” ang sabi ni Ramon. “Ang tagal mo na ring hindi nakikipagkita sa kanila.”

It was a Saturday at nagyayaya ang barkada sa Malate.

“Sama ka na,” ang sabi ko sa kanya.

“Huwag na. Alam mo namang hindi ako kumportable doon. At saka lakad n'yo 'yang magbabarkada.”

“Okay lang ba?” Tumingin ako nang diretso sa kanya. “Kasi kung hindi, I won't insist. Labas na lang tayong dalawa.”

“Okay lang.” Sinalubong niya ang tingin ko. “Kailangan mo ring magkaroon ng time sa kanila.”

Napangiti ako. “Thanks.” Two months in this relationship at lagi na, napakamaunawain ni Ram. Never niya rin akong pinaghigpitan. What more can I ask for?

Ngumiti rin siya. “Basta behave ka lang,” ang biro niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata, pabiro rin. Subalit seryoso ako nang sumagot. “Oo naman. Wala kang dapat ipag-alala.”

***

Kahit maulan noong gabi, tumuloy pa rin ang barkada. Medyo konti ang tao sa Malate but it didn’t matter. Ang importante, magkakasama at kumpleto kami.

Uminom muna kami habang nakasilong sa isang bar. Dahil sa matagal na di pagkikita-kita, miss na miss namin ang bawat isa at sabik na sabik kami sa mga balita.

Kinumusta nila ako sa “buhay may-asawa”.

“Masaya naman," ang sabi ko.“Walang problema.”

Masaya rin daw sila na finally ay nag-“settle down” ako. I know, right? Ang tagal na kaya nila akong ipinagtutulakang “mag-asawa”.

Pero may humirit. “So, behave ka na ngayon?”

Saglit akong natigilan. Heto na naman kami. “Oo naman,” ang aking tugon. “Behave naman ako kahit noon, di ba?”

Walang sumagot. Nakatingin lang sila, bahagyang nakataas ang mga kilay.

Pinandilatan ko sila. “Ano? Ba't di kayo magsalita?”

Tahimik pa rin sila. Maya-maya, gumuhit sa mga labi ang nakakalokong ngiti.

Nagkunwari akong inis. “Ang sasama n'yo. Naturingan pa naman kayong mga kaibigan ko.”

“Bakit? Wala naman kaming sinasabi ah.” Nagtawanan sila.

Nakitawa na lang ako pero sa loob-loob ko, ganoon na ba talaga kasama ang aking imahe dahil sa mga pinaggagagawa ko dati?

***

Of course, gusto kong patunayan na nagbago na ako. Kaya pagpasok namin sa club, hindi talaga ako lumayo sa aking mga kaibigan. Hindi lang dahil may gusto akong patunayan sa kanila, kundi dahil iniisip ko rin si Ram.

Nang magsiakyat sila at makipag-“sosyalan” sa ledge, nanatili ako sa ibaba, pasayaw-sayaw at painom-inom ng beer.

Ilang sandali pa, nakaramdam ako na kailangan kong mag-restroom. At dahil busy nga sila at wala akong mahila, nagpunta akong mag-isa.

Walang masyadong pila. Konti lang ang tao maging sa club. Nakasara nga ang second floor para mapuno sa ibaba.

Papalabas ako ng restroom nang marinig ko ang aking pangalan.

“Aris?”

Dumako ang tingin ko sa mga nakatambay sa labas. Naroroon, nakatayo ang tumawag sa akin. Kaagad siyang lumapit, nakangiti.

“Aris!” ang ulit niya.

Saka ko lang siya nakilala. “Jay!”

Kaagad niya akong niyakap. Nagulat man, napayakap na rin ako.

I felt na medyo naging matagal sa karaniwan ang yakapan naming iyon.

Ako ang unang bumitiw. “Kumusta na?”

“Mabuti.” Hindi pa rin siya bumibitiw. Sa halip, bumaba ang kamay niya sa baywang ko at nanatili roon. “Ikaw?”

“Mabuti rin.”

Nagtama ang aming mga mata and for a while, parang wala kaming masabi sa isa’t isa.

“Looking good,” ang sabi ko na lang para maibsan ang aming pagka-awkward.

“Ikaw rin,” ang sabi niya na hindi pa rin bumibitiw. Naramdaman ko ang paghila niya sa akin at ang pagdidikit ng aming mga crotch.

At halos magdikit din ang mga mukha namin!

Marahan ko siyang itinulak upang tuluyang makakalas. Para naman siyang natauhan sa aking ginawa.

“Are you still flying?” ang tanong ko, pilit nagpapakanormal.

“Yeah,” ang sagot niya. “But I am with ____ now. Based na ako sa ____.”

“Are you on lay-over?”

“No. Vacation.”

“Sino kasama mo?”

“My friends,” sabay muwestra sa isang grupo na di-kalayuan sa amin. Good looking lahat. What do I know? Malamang, stewards din sila.

“Guys,” ang tawag niya sa atensiyon ng mga ito. “Si Aris nga pala. Kasamahan ko dati sa ____.”

“Hi,” ang bati ko sa kanila.

“Hello,” ang bati naman nila sa akin.

“Jay,” ang tawag ng isa. “Tara na, we need to go. Maaga pa kami bukas.”

“Wait lang,” ang sagot ni Jay.

“We'll wait for you outside," ang sabi ng isa pa, tapos bumaling sa akin. “It was nice meeting you, Aris.”

“Same here. Bye.”

At umalis na sila. Feeling ko, hindi natutuwa na nasabit pa sa akin si Jay.

“Am staying until tomorrow,” ang sabi ni Jay. “Naka-check-in ako sa _____. Monday pa ang alis ko.”

Hindi ako sumagot, nakatingin lang sa kanya. Nakatingin din siya sa akin na parang nag-aapuhap ng salita.

“Give me your phone,” ang sabi niya pagkaraan.

“Huh?"

“I'll give you my number.”

“Oh. Okay.”

Dinukot ko sa bulsa ang aking phone at ibinigay sa kanya.

Kaagad siyang nag-type.

“Call me,” ang sabi. “Magkita tayo bukas. Coffee. Dinner. Whatever.”

Ibinalik niya sa akin ang phone at muli niya akong niyakap. “Bye. Gotta go.”

Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan. Mabilis, halos panakaw.

Natulala ako. Hindi nakakilos.

At saka siya bumitiw.

Nakaalis na siya nang ako ay mahimasmasan.

Involuntarily, napasalat ako sa aking mga labi na kanyang nadampian.

***

Cocktease. Iyon ang tawag sa kanya ng mga kasamahan namin sa trabaho. Siguro dahil sexy siya at malakas ang appeal. In fact, habulin siya ng girls at bading. Pero wala akong encounter na magkukumpirma sa bansag na iyon sa kanya.

Not until isang araw, I was preparing for my flight, nang mapatunayan kong totoo nga na cocktease siya dahil sa insidenteng iyon sa restroom ng crew lounge.

Nasa lababo ako, nakaharap sa salamin. I was brushing my teeth nang bumukas ang pinto ng shower room at lumabas siya.

Si Jay. Bagong ligo. Naka-tuwalya lang, at napakababa ng pagkakatapi na halos litaw na ang kanyang pubis.

Natigilan ako pero hindi nagpahalata.

Nginitian niya ako. “Hi. Flying with you,” ang sabi.

“Oh, yeah?” Halos reporting time na, bakit di pa siya nakabihis? Tinapos ko ang aking pagsesepilyo.

Nanatili siyang nakatayo sa likuran ko, nakaharap sa salamin, nagpapalipat-lipat ang tingin sa sarili... at sa akin.

Maya-maya, nagulat ako nang tanggalin niya ang kanyang tuwalya, dahan-dahan, parang striptease. At nang lubos na mahubaran, dahan-dahan ding nagsuot ng briefs.

Siyempre, hindi ko naiwasang may makita. Tumalikod ako, ayokong magpahalata.

“See you later,” ang sabi ko pa bago nagmamadaling umalis.

“Yeah, see you.” Nakangiti pa rin siya.

Naglalakad na ako sa corridor, hindi pa rin nawawala ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

***

Pareho kaming na-assign sa likod ng eroplano.

Sa first leg, normal naman ang lahat. Puno ang flight at lahat kami, naging abala.

Subalit pabalik ng Maynila (na medyo magaan ang passenger load), doon na may nangyaring kakaiba.

Kakatapos lang ng food service. Nasa galley ako at nag-aayos ng trolley. Pumasok siya galing sa cabin at may dalang empties. Pagkaraang maitapon ang mga iyon, nanatili siyang nakatayo malapit sa akin. At dahil ako ay nakatalungko, naging ka-level ng mukha ko ang kanyang crotch. Tiningala ko siya. He was looking down at me, smiling. He moved closer na parang ipinagduduldulan talaga sa akin ang kanyang harapan. Tingin ko, higit na naging maumbok iyon. Napaurong ako at mabilis na napatayo. Sinapo niya ako sa baywang at hinila palapit sa kanya.

“Ayaw mo ba?” ang tanong niya, halos pabulong. Langhap ko ang kanyang hininga.

Hindi ako makakilos, para akong nawalan ng lakas na tumutol. Dahan-dahan inilapit niya sa akin ang kanyang mukha.

Biglang bumukas ang kurtina ng galley.

“Uhurm, excuse me.” Isang matandang babae. “Where’s the lavatory?”

Pasimpleng bumitiw sa akin si Jay at in-assist ang pasahero. “This way, ma'am,” ang kanyang sabi.

Naiwan akong nakatanga, hindi lang nag-iinit ang mukha kundi nanlalambot din ang mga tuhod.

For a very long time after that, I have wondered how his lips pressed into mine would taste and feel.

***

Mistulang panaginip ang mga alaalang iyon nang ako ay magising. At si Jay ang laman ng aking isip.

Who would ever think na pagkaraan ng mahabang panahon, muli kaming magtatagpo at magkakaroon din ng fulfillment ang pagtatagpo ng aming mga labi? At sa halip na makuntento dahil natugunan na ang curiosity ko noon, nananatili akong disturbed.

Inabot ko ang aking phone sa bedside table. I searched my phonebook, half-wishing na hindi totoo ang nangyari kagabi, na panaginip lang iyon. But Jay’s name was there. And his number.

Call me.

Napapikit ako, tutop ang phone sa aking dibdib.

Maya-maya, nagulantang ako nang biglang mag-ring iyon.

Si Ramon.

“Hello.” Kaagad ko iyong sinagot, tila natataranta pa -- bunsod marahil ng guilt?

“Did I wake you?” Cheerful ang tono ng kanyang boses.

“No. Gising na ako.” I tried my best to sound cheerful too.

“How was last night?”

“Oh, it was fun.”

“Good. How are your friends?”

“Magugulo pa rin. Pero behave ako.” Ewan ko kung bakit parang kailangan kong maging defensive.

“I’m sure you were.” Na dinugtungan niya ng maiksing tawa.

“So… may plano ba tayong magkita later?” ang paglalayo ko sa topic.

“That’s the reason why I’m calling. I’m sorry, something came up. Pinagre-report ako ng boss ko sa office.”

“On a Sunday?”

“You know my job. I have to prepare some papers needed tomorrow morning. I’m sorry.”

“It’s ok.”

“I’ll see you tomorrow?”

“Yeah. Sure.”

“Gotta go.”

“Ok.”

“I love you.”

“I love you, too.”

“Bye.”

Humugot ako ng malalim na buntonghininga pagkatapos ng aming conversation.

Mixed ang feelings ko. Para akong hinihila sa magkabilang direksiyon.

Muling sumagi sa isip ko si Jay.

Call me.

Nagkaroon ng pagtatalo sa aking isip. Sinalakay ako ng magkakasalungat na emosyon.

Kinalaunan, napatingin ako sa hawak kong phone. Matagal.

I clicked on the phonebook icon. Hinanap kong muli ang pangalan ni Jay. Napatitig ako roon.

Two options. Call or delete.

Kaagad akong nag-desisyon.

Pinindot ko ang tamang buton.

Monday, June 11, 2012

Black Party 5

Malamlam ang ilaw, aandap-andap pa, subalit hindi ako maaaring magkamali.

Saglit akong natigilan at napatingin sa lalaki. Inisip ko ang magkunwari subalit huli na upang magpasubali. Ipinagkanulo na ako ng aking reaksyon.

“Sarhento Manuel Esparagoza,” ang banggit ng lalaki sa pangalan niya upang i-reinforce ang rekognisyong rumehistro sa aking mukha.

“Yeah, of course,” ang nagawa kong sambitin. Siya ang pulis na nag-imbestiga sa akin sa ospital. Hindi ko maalalang nagpakilala siya sa akin noon but with my heightened senses, alam ko ang pangalan niya kahit hindi niya banggitin.

“Maaari ba tayong mag-usap?” ang kaagad nitong tanong.

Nagkaroon ako ng pag-aatubili. Napatingin ako kay Regidor. Alam niya na rin kung sino ang aking kaharap. Napansin ko ang biglaang pagseseryoso ng kanyang mukha, pangungulimlim na tila may mapanganib na pagbabadya.

“Maaari ba kitang imbitahan sa labas? Masyado ritong maingay,” ang dugtong ni Sarhento Esparagoza, tahasan ang pagbabalewala kay Regidor na obvious namang aking kasama.

Bahagyang tumango si Regidor, nasa mga mata ang pagbababala. Nabasa ko ang mensaheng hindi ako dapat magpahalata at hindi rin dapat magtiwala. Kailangan kong maging extra-cautious dahil tricky ang ganitong imbitasyon at maaaring ako ay malinlang, mabunyag kami ni Regidor at mapahamak.

Ibinaba ko sa bar ang aking iniinom. Nagpatiuna na ang pulis at ako ay sumunod pagkaraang muling tapunan ng sulyap si Regidor bilang pahiwatig na siya ay aking nauunawaan at pagbibigay na rin ng heads-up na ako ay saklolohan sakaling ako ay magipit.

Maingay pa rin sa labas subalit sapat lang upang kami ay magkarinigan. Actually it was more to his favor dahil ako, matalas ang aking pandinig.

Sa isang sulok na kung saan walang gaanong tao kami pumuwesto.

“Bigla ka na lang tumakas sa ospital.” Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa.

“Hindi ako tumakas,” ang aking pagtutuwid. “Umalis.”

“Umalis nang walang paalam. Alam mo bang hindi mo dapat ginawa iyon?”

“At bakit naman? Malaya ako at may karapatang gawin iyon.”

“Hindi ka pa nadi-discharge sa ospital. At hindi pa tapos ang aking imbestigasyon.”

“Wala akong sakit. Bakit kailangan kong manatili sa ospital? At tungkol sa imbestigasyon, nasabi ko na ang lahat ng aking nalalaman.”

“Siyanga ba? Sa lahat ng biktima, ikaw lang ang nabuhay.” Tumingin siya sa akin nang mataman, makahulugan. “Hindi kaya isa ka na ring bampira?”

Pinigil ko ang mag-react. Hindi ako nagsalita.

“At hindi kaya naglilihim ka lang sa akin upang protektahan ang iyong mga kauri?”

Itinuloy ko na ang pagkukunwari. “Sarhento Esparagoza, nagpapatawa ka ba?”

“Walang nakakatawa sa dami ng mga naging biktima ng bampira.”

“Kabilang ako sa mga naging biktima. Hindi mo ako dapat inaakusahan nang ganyan.”

“Biktima ka nga subalit nananatili kang buhay. At dahil diyan, hindi maiaalis na ako ay magduda.”

“Sa halip na magduda, matuwa ka na lang na may isang naging kabawasan sa mga bangkay.”

Umiling-iling ang pulis. “Matutuwa ako kapag nahuli ko na ang may kagagawan, kapag nalutas ko na ang kaso.”

“Sa aking pagkakaalam, ako na ang pinakahuling biktima. Bakit, may sumunod pa bang iba?”

“Wala na. Subalit alam kong magkakaroon muli. Pinag-aralan ko na ang pattern. Nagsisimulang maganap ang mga pagpatay kapag nalalapit na ang halloween, ang pagdiriwang ng black party. At pagkatapos, matitigil ito nang halos isang taon subalit mangyayaring muli. Kaya ngayon pa lang, nagsisimula na akong magmanman.”

“Good for you, Sarhento. At habang maaga, ituwid mo na rin ang iyong pagkakamali. Alisin mo na ang iyong mga pagdududa sa akin. Masasayang lang ang iyong oras. At bago pa masayang ang oras ko dahil sa walang katuturan nating pag-uusap, kailangan ko nang bumalik sa loob.”

Tumalikod na ako subalit pinigilan niya ako.

“Sandali,” ang sabi. “Ilang katanungan na lamang…”

Hinarap ko siya, pigil ang pagkainis.

“Bakit naririto kang muli pagkaraan ng matagal na pagkawala? At sino ang iyong kasama?”

Tuluyan nang kumawala ang aking inis. “Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa’yo. Higit lalo, wala kang karapatang manghimasok sa personal na buhay ko.”

Ngumisi muna si Sarhento Esparagoza bago tumingin sa akin nang diretso at seryoso. “Sabagay, maaaring tulad ko, pinaghahandaan mo na rin ang black party. Maagang nagmamanman sa kapaligiran. Ikaw at ang iyong kasama -- na mayroon ding kakaiba sa itsura. Alam mo ba kung bakit sa kabila ng pagiging matao sa club, kaagad kitang nakita? Dahil sa iyong kakaibang aura at ng iyong kasama. Hindi mo naitatanong, may psychic ability ako at bahagi ng aking kakayahang makakita ng aura ay ang pagkakaroon ng matalas na kutob. Kung kaya sa kabila ng iyong mga pagtanggi, hindi mo ako basta-basta mapapaniwala.”

Kinabahan ako sa sinasabi niyang kakayahan at nag-wonder kung gaano katotoo iyon at kung gaano kalawak. Subalit nanindigan ako sa pagiging inosente. “Puwes, huwag kang masyadong magtiwala sa iyong kutob dahil sinasabi ko sa’yo, nagkakamali ka at nabubulagan lamang.”

Sa halip na sumagot, muli niya akong tinitigan, mapanuri. Dama ko ang tila pagtagos niyon sa aking kaloob-looban.

“Guwapo ka…” ang sabi. “In fact, higit kang guwapo ngayon.”

Weh? Bakit biglang-bigla, nauwi kami roon? Taka man, hindi ako sumagot. Sa halip, sinalubong ko ang kanyang mga mata. Hindi ako sa kanya magpapatalo, hindi ako magpapa-intimidate.

Saglit na nagtunggalian ang aming mga titig. At habang nagaganap iyon, napagtanto kong guwapo rin siya. Brusko, lalaking-lalaki, kayang-kaya akong ipagbalibagan sa kama. Man in uniform, fetish ko noon. Biglang lumarawan sa aking diwa ang isang censored na eksena at nagkaroon ako ng tila panghihina.

Ngumiti siya na parang nababasa ang nasa aking isip. Totoo nga yata ang kanyang sinasabing kakayahan! Subalit hindi ako nagpahalata. Kaagad kong iwinaksi at pinagtakpan ang anumang pagkatigagal. “Ano ang relevance ng sinasabi mong ‘yan, Sarhento?”

“Ayon sa aking research, dahil sa malakas na pheromones ng mga bampira, nagiging higit itong mapang-akit sa karaniwang tao. At iyon ang nararamdaman ko sa’yo ngayon. Subalit hindi ako karaniwang tao. Magagawa kong paglabanan at kontrolin ang anumang atraksyon.”

Hindi ko alam kung ano ang itutugon sa sinabi niyang iyon. Natahimik na lamang ako.

“Well, anyway,” ang patuloy niya. “Sa lakas ng iyong pang-akit, mga lalaki na ang kusang lalapit sa’yo dito sa Malur. Lahat sila sasailalim sa gayuma mo. Mag-uunahan pa upang sa’yo ay magpaangkin. At maaaring isa sa kanila ang susunod na maging biktima.”

Tuluyan na akong nawalan ng pasensya sa kanya. “Itigil na natin ito, Sarhento, bago pa kita ireklamo ng harrasment. Sinasaklawan mo na ang aking karapatan dahil sa iyong mga akusasyon at insinuwasyon.”

“Okay, fine. Itigil na natin ito. Pero hindi tayo dito magtatapos. I will be keeping an eye on you, Carlito.”

Hindi ko na siya binigyan pa ng satisfaction na makita ang pagkabagabag sa aking mukha. Mabilis na akong tumalikod at humakbang pabalik sa club.

Hindi pa man ako nakararating sa pinto, kaagad na itong bumukas at sinalubong ako ng mga taong nagpupulasan, nagsisigawan. Hintakot na nag-uunahang makalabas.

“Patay! Patay!” ang aking naulinigan.

“Bampira! Bampira!”

“May pinatay na naman ang bampira!”

Pati ako ay nahintakutan. Hindi sa nangyari kundi para kay Regidor. At nagtaka. Hindi ba’t hindi siya dapat pumatay hangga’t nagaganap ang transformation? At saka white party ngayon, hindi black. Bakit kailangan niyang mambiktima?

Saka ko lang namalayan na nasa likod ko na pala si Sarhento Esparagoza na napasunod dahil sa kaguluhan.

Nagtama ang aming mga mata. See, I told you, hindi ako ang bampira, ang pahiwatig ko.

Bakit nagkaganoon? Ang pahiwatig niya.

Napangiti na lamang ako sa kalituhang nakita ko sa kanyang mukha. Subalit ang kalituhang iyon ay kaagad na nahalinhan ng pagkatanto…at konklusyon. Siya naman ang napangiti, mapakla.

“Ang iyong kasama,” ang wika. “Sinasabi ko na nga ba…”

At bago pa ako nakahuma, hinugot na niya ang baril na nakatago, nakasuksok sa kanyang baywang at mabilis na sumugod sa loob.

“Hintay!” ang nagawa kong ibulalas.

Subalit nilamon na siya ng stampede na kanyang sinalunga.

(May karugtong)