“Go,” ang sabi ni Ramon. “Ang tagal mo na ring hindi nakikipagkita sa kanila.”
It was a Saturday at nagyayaya ang barkada sa Malate.
“Sama ka na,” ang sabi ko sa kanya.
“Huwag na. Alam mo namang hindi ako kumportable doon. At saka lakad n'yo 'yang magbabarkada.”
“Okay lang ba?” Tumingin ako nang diretso sa kanya. “Kasi kung hindi, I won't insist. Labas na lang tayong dalawa.”
“Okay lang.” Sinalubong niya ang tingin ko. “Kailangan mo ring magkaroon ng time sa kanila.”
Napangiti ako. “Thanks.” Two months in this relationship at lagi na, napakamaunawain ni Ram. Never niya rin akong pinaghigpitan. What more can I ask for?
Ngumiti rin siya. “Basta behave ka lang,” ang biro niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata, pabiro rin. Subalit seryoso ako nang sumagot. “Oo naman. Wala kang dapat ipag-alala.”
***
Kahit maulan noong gabi, tumuloy pa rin ang barkada. Medyo konti ang tao sa Malate but it didn’t matter. Ang importante, magkakasama at kumpleto kami.
Uminom muna kami habang nakasilong sa isang bar. Dahil sa matagal na di pagkikita-kita, miss na miss namin ang bawat isa at sabik na sabik kami sa mga balita.
Kinumusta nila ako sa “buhay may-asawa”.
“Masaya naman," ang sabi ko.“Walang problema.”
Masaya rin daw sila na finally ay nag-“settle down” ako. I know, right? Ang tagal na kaya nila akong ipinagtutulakang “mag-asawa”.
Pero may humirit. “So, behave ka na ngayon?”
Saglit akong natigilan. Heto na naman kami. “Oo naman,” ang aking tugon. “Behave naman ako kahit noon, di ba?”
Walang sumagot. Nakatingin lang sila, bahagyang nakataas ang mga kilay.
Pinandilatan ko sila. “Ano? Ba't di kayo magsalita?”
Tahimik pa rin sila. Maya-maya, gumuhit sa mga labi ang nakakalokong ngiti.
Nagkunwari akong inis. “Ang sasama n'yo. Naturingan pa naman kayong mga kaibigan ko.”
“Bakit? Wala naman kaming sinasabi ah.” Nagtawanan sila.
Nakitawa na lang ako pero sa loob-loob ko, ganoon na ba talaga kasama ang aking imahe dahil sa mga pinaggagagawa ko dati?
***
Of course, gusto kong patunayan na nagbago na ako. Kaya pagpasok namin sa club, hindi talaga ako lumayo sa aking mga kaibigan. Hindi lang dahil may gusto akong patunayan sa kanila, kundi dahil iniisip ko rin si Ram.
Nang magsiakyat sila at makipag-“sosyalan” sa ledge, nanatili ako sa ibaba, pasayaw-sayaw at painom-inom ng beer.
Ilang sandali pa, nakaramdam ako na kailangan kong mag-restroom. At dahil busy nga sila at wala akong mahila, nagpunta akong mag-isa.
Walang masyadong pila. Konti lang ang tao maging sa club. Nakasara nga ang second floor para mapuno sa ibaba.
Papalabas ako ng restroom nang marinig ko ang aking pangalan.
“Aris?”
Dumako ang tingin ko sa mga nakatambay sa labas. Naroroon, nakatayo ang tumawag sa akin. Kaagad siyang lumapit, nakangiti.
“Aris!” ang ulit niya.
Saka ko lang siya nakilala. “Jay!”
Kaagad niya akong niyakap. Nagulat man, napayakap na rin ako.
I felt na medyo naging matagal sa karaniwan ang yakapan naming iyon.
Ako ang unang bumitiw. “Kumusta na?”
“Mabuti.” Hindi pa rin siya bumibitiw. Sa halip, bumaba ang kamay niya sa baywang ko at nanatili roon. “Ikaw?”
“Mabuti rin.”
Nagtama ang aming mga mata and for a while, parang wala kaming masabi sa isa’t isa.
“Looking good,” ang sabi ko na lang para maibsan ang aming pagka-awkward.
“Ikaw rin,” ang sabi niya na hindi pa rin bumibitiw. Naramdaman ko ang paghila niya sa akin at ang pagdidikit ng aming mga crotch.
At halos magdikit din ang mga mukha namin!
Marahan ko siyang itinulak upang tuluyang makakalas. Para naman siyang natauhan sa aking ginawa.
“Are you still flying?” ang tanong ko, pilit nagpapakanormal.
“Yeah,” ang sagot niya. “But I am with ____ now. Based na ako sa ____.”
“Are you on lay-over?”
“No. Vacation.”
“Sino kasama mo?”
“My friends,” sabay muwestra sa isang grupo na di-kalayuan sa amin. Good looking lahat. What do I know? Malamang, stewards din sila.
“Guys,” ang tawag niya sa atensiyon ng mga ito. “Si Aris nga pala. Kasamahan ko dati sa ____.”
“Hi,” ang bati ko sa kanila.
“Hello,” ang bati naman nila sa akin.
“Jay,” ang tawag ng isa. “Tara na, we need to go. Maaga pa kami bukas.”
“Wait lang,” ang sagot ni Jay.
“We'll wait for you outside," ang sabi ng isa pa, tapos bumaling sa akin. “It was nice meeting you, Aris.”
“Same here. Bye.”
At umalis na sila. Feeling ko, hindi natutuwa na nasabit pa sa akin si Jay.
“Am staying until tomorrow,” ang sabi ni Jay. “Naka-check-in ako sa _____. Monday pa ang alis ko.”
Hindi ako sumagot, nakatingin lang sa kanya. Nakatingin din siya sa akin na parang nag-aapuhap ng salita.
“Give me your phone,” ang sabi niya pagkaraan.
“Huh?"
“I'll give you my number.”
“Oh. Okay.”
Dinukot ko sa bulsa ang aking phone at ibinigay sa kanya.
Kaagad siyang nag-type.
“Call me,” ang sabi. “Magkita tayo bukas. Coffee. Dinner. Whatever.”
Ibinalik niya sa akin ang phone at muli niya akong niyakap. “Bye. Gotta go.”
Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan. Mabilis, halos panakaw.
Natulala ako. Hindi nakakilos.
At saka siya bumitiw.
Nakaalis na siya nang ako ay mahimasmasan.
Involuntarily, napasalat ako sa aking mga labi na kanyang nadampian.
***
Cocktease. Iyon ang tawag sa kanya ng mga kasamahan namin sa trabaho. Siguro dahil sexy siya at malakas ang appeal. In fact, habulin siya ng girls at bading. Pero wala akong encounter na magkukumpirma sa bansag na iyon sa kanya.
Not until isang araw, I was preparing for my flight, nang mapatunayan kong totoo nga na cocktease siya dahil sa insidenteng iyon sa restroom ng crew lounge.
Nasa lababo ako, nakaharap sa salamin. I was brushing my teeth nang bumukas ang pinto ng shower room at lumabas siya.
Si Jay. Bagong ligo. Naka-tuwalya lang, at napakababa ng pagkakatapi na halos litaw na ang kanyang pubis.
Natigilan ako pero hindi nagpahalata.
Nginitian niya ako. “Hi. Flying with you,” ang sabi.
“Oh, yeah?” Halos reporting time na, bakit di pa siya nakabihis? Tinapos ko ang aking pagsesepilyo.
Nanatili siyang nakatayo sa likuran ko, nakaharap sa salamin, nagpapalipat-lipat ang tingin sa sarili... at sa akin.
Maya-maya, nagulat ako nang tanggalin niya ang kanyang tuwalya, dahan-dahan, parang striptease. At nang lubos na mahubaran, dahan-dahan ding nagsuot ng briefs.
Siyempre, hindi ko naiwasang may makita. Tumalikod ako, ayokong magpahalata.
“See you later,” ang sabi ko pa bago nagmamadaling umalis.
“Yeah, see you.” Nakangiti pa rin siya.
Naglalakad na ako sa corridor, hindi pa rin nawawala ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
***
Pareho kaming na-assign sa likod ng eroplano.
Sa first leg, normal naman ang lahat. Puno ang flight at lahat kami, naging abala.
Subalit pabalik ng Maynila (na medyo magaan ang passenger load), doon na may nangyaring kakaiba.
Kakatapos lang ng food service. Nasa galley ako at nag-aayos ng trolley. Pumasok siya galing sa cabin at may dalang empties. Pagkaraang maitapon ang mga iyon, nanatili siyang nakatayo malapit sa akin. At dahil ako ay nakatalungko, naging ka-level ng mukha ko ang kanyang crotch. Tiningala ko siya. He was looking down at me, smiling. He moved closer na parang ipinagduduldulan talaga sa akin ang kanyang harapan. Tingin ko, higit na naging maumbok iyon. Napaurong ako at mabilis na napatayo. Sinapo niya ako sa baywang at hinila palapit sa kanya.
“Ayaw mo ba?” ang tanong niya, halos pabulong. Langhap ko ang kanyang hininga.
Hindi ako makakilos, para akong nawalan ng lakas na tumutol. Dahan-dahan inilapit niya sa akin ang kanyang mukha.
Biglang bumukas ang kurtina ng galley.
“Uhurm, excuse me.” Isang matandang babae. “Where’s the lavatory?”
Pasimpleng bumitiw sa akin si Jay at in-assist ang pasahero. “This way, ma'am,” ang kanyang sabi.
Naiwan akong nakatanga, hindi lang nag-iinit ang mukha kundi nanlalambot din ang mga tuhod.
For a very long time after that, I have wondered how his lips pressed into mine would taste and feel.
***
Mistulang panaginip ang mga alaalang iyon nang ako ay magising. At si Jay ang laman ng aking isip.
Who would ever think na pagkaraan ng mahabang panahon, muli kaming magtatagpo at magkakaroon din ng fulfillment ang pagtatagpo ng aming mga labi? At sa halip na makuntento dahil natugunan na ang curiosity ko noon, nananatili akong disturbed.
Inabot ko ang aking phone sa bedside table. I searched my phonebook, half-wishing na hindi totoo ang nangyari kagabi, na panaginip lang iyon. But Jay’s name was there. And his number.
Call me.
Napapikit ako, tutop ang phone sa aking dibdib.
Maya-maya, nagulantang ako nang biglang mag-ring iyon.
Si Ramon.
“Hello.” Kaagad ko iyong sinagot, tila natataranta pa -- bunsod marahil ng guilt?
“Did I wake you?” Cheerful ang tono ng kanyang boses.
“No. Gising na ako.” I tried my best to sound cheerful too.
“How was last night?”
“Oh, it was fun.”
“Good. How are your friends?”
“Magugulo pa rin. Pero behave ako.” Ewan ko kung bakit parang kailangan kong maging defensive.
“I’m sure you were.” Na dinugtungan niya ng maiksing tawa.
“So… may plano ba tayong magkita later?” ang paglalayo ko sa topic.
“That’s the reason why I’m calling. I’m sorry, something came up. Pinagre-report ako ng boss ko sa office.”
“On a Sunday?”
“You know my job. I have to prepare some papers needed tomorrow morning. I’m sorry.”
“It’s ok.”
“I’ll see you tomorrow?”
“Yeah. Sure.”
“Gotta go.”
“Ok.”
“I love you.”
“I love you, too.”
“Bye.”
Humugot ako ng malalim na buntonghininga pagkatapos ng aming conversation.
Mixed ang feelings ko. Para akong hinihila sa magkabilang direksiyon.
Muling sumagi sa isip ko si Jay.
Call me.
Nagkaroon ng pagtatalo sa aking isip. Sinalakay ako ng magkakasalungat na emosyon.
Kinalaunan, napatingin ako sa hawak kong phone. Matagal.
I clicked on the phonebook icon. Hinanap kong muli ang pangalan ni Jay. Napatitig ako roon.
Two options. Call or delete.
Kaagad akong nag-desisyon.
Pinindot ko ang tamang buton.
9 comments:
anumang button ang pinindot mo, im sure tama ka sa desisyon mo.
ika nga ni pogz, "ang temptation palaging andyan sa paligid, nasa sa iyo na kung kakagat ka..."
@aboutambot: yes, it was. :)
@juan: so true. :)
Funny, it was this same song that was playing in my mind while I was reading this entry. LSS - "Hey I just met you and this is crazy. But here's my number so call me maybe."
As always, nice one, Aris!
@dencio padilla: lakas ngang maka-lss ng song na yan. hehe! thanks, dencio. :)
ahahhaha oo lakas nga maka-LSS ng call me maybe kaso nga lang di ko talaga makuha ung tamang tono.. hahahahhaha
im about to read timpi...
@amver: thanks, amver. enjoy! :)
Aris! Kamusta ang bahay bahayan? Paano na ang iyong pangarap na bahay sa probinsya? =) Lilipat ka na ba?
Hehe. When do I get to meet your boyfriend? Lalo na at hindi ka na masyadong lumalabas.
Kane
@kane: okay naman. may nanay-nanayan at tatay-tatayan. haha!
naku, umiiwas sa malate. pati ako nahawa na. maybe one day, makikilala mo rin siya. :)
ikaw, kumusta na? ang tagal-tagal na nating di nagkikita.
Post a Comment