Walang-wala ka na sa isip ko. Kaya lang habang nagbabasa ng diyaryo, may nabasa ako sa news na kaapelyido mo. Naisip tuloy kita at hindi ko naiwasang mag-wonder kung kumusta ka na. Maya-maya pa, gino-Google na kita.
Nakita ko ang Facebook mo na di ko naman mabuksan. At ang Twitter mo na mabuti na lang, hindi naka-private. Iyon ang binuksan ko.
Siyempre, pinagmasdan ko muna ang picture mo. Uy, looking good! Maaliwalas ang iyong mukha, nakangiti ka, litaw ang braces mo na mas nagpapaguwapo sa’yo. Napansin ko rin ang background mo, na parang nasa kuwarto ka ng isang hotel (o motel?) at napaisip ako, bakit naroroon ka at sino ang kasama mo? Siya rin ba ang kumuha ng picture mo? At bakit shirtless ka? Katatapos n’yo lang bang mag-ano at ang ngiti at sparkle sa iyong mga mata ay ang afterglow?
Napa-reminisce tuloy ako. Noong gabing nagkakilala tayo sa club, sa motel din tayo dumiretso. Nanumbalik ang pakiramdam ng braces mo sa aking bibig, sa aking balat. Nanumbalik ang pakiramdam ng masakit-masarap na orgasm. One night-stand lang iyon dapat. Subalit pagkatapos niyon, paulit-ulit pa tayong nagkita at bago ko namalayan, sweet na tayo sa isa’t isa.
Ang hindi ko malilimutan noon ay nang magkasakit ako (trangkaso lang naman) at sinamahan mo pa akong magpa-doktor. At dahil nurse ka, inalagaan mo ako. Ikaw ang tagapagpaalala sa oras ng pag-inom ko ng gamot at lagi mo akong tinatawagan, dinadalaw upang alamin ang kalagayan ko.
Doon ako nagsimulang makaramdan ng kakaiba para sa’yo.
Subalit nang gumaling na ako, doon ka nagsimulang mag-slowdown. Naging madalang na ang mga tawag mo at natigil na rin ang mga pagdalaw-dalaw mo.
Nang tinanong kita sa text kung bakit, hindi mo ako sinagot. Tuluyan ka na lang na nawala. At ako ay naiwang nagtatanong, nagtataka. Hindi ko alam kung bakit bigla mo na lang tinalikuran ang tungkol sa ating dalawa.
At ngayon nga, habang nakatingin ako sa Twitter mo, hindi ko pa rin maiwasang maghanap ng sagot. Curious na lang siguro ako at hindi dahil may nararamdaman pa ako sa’yo. Sure naman ako na nakapag-move on na ako, may boyfriend na nga akong bago.
Pinasadahan ko ang messages sa Twitter mo.
At doon ko napansin ang madalas na pakikipagpalitan mo ng mensahe sa isang lalaki.
I clicked his name, read his profile, checked out his pic. In-enlarge ko pa para mas lalo kong makita. At nang mapagdugtung-dugtong ko ang mga mensahe ninyo sa isa’t isa, natiyak ko na may espesyal ngang namamagitan sa inyo.
Nag-move on ka na rin, I could see that.
Wala sa loob na ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa twits mo hanggang sa sapitin ko ang mga petsang may ugnayan pa tayo. At doon, nahanap ko ang sagot sa palitan n’yo ng mensahe ng isang kaibigang babae.
Kumusta na ang relasyon?
Nawalan na ng excitement.
Expiration date na naman ba?
One month lang talaga ang shelf-life ko.
Akala ko noon, may nagawa akong pagkakamali. Hindi rin kita masisisi, maaaring hindi ka talaga ready. Maaaring na-pressure ka lang. O na-confuse dahil paano mo nga naman seseryosohin ang isang bagay na nagsimula sa laro.
Kailangan ko na lang tanggapin na tapos na ang lahat sa atin at kailangan na kitang limutin for real.
Hindi ko nga lang alam kung bakit parang may makirot pa rin sa aking dibdib.
20 comments:
laro... Cguro ganun madalas ang sasabihin especially hindi ka sigurado sa pinasukan mo. Once, i have met this doctor we've agreed its only a play. But eventually, naramdaman ko I'm falling na sa kanya. Pero hindi pwde e ... So I call it quits. I lossed the game we played.
I feel for you brotha. isipin na lang natin this too shall pass. kung hindi, sabi nga nila, humanap na lang ng kapalit. you'll get over this, im sure. It'll just take time.
Oh ha nagiging routine ko na ang pagbisita sa blog mo every night. Sad story pero ganun naman talaga hindi naman laging masaya. Again nice one.
-madman_00032
@gerald: ang mahalaga ay ang pagbangon kapag nadarapa at ang maniwala na darating ang nararapat at nakatakda. thanks, gerald. :)
@hustin: thanks bro. but i think i'm over it na. mali nga lang na ni-revisit ko siya. :)
@madman_00032: oo nga. hehe! salamat.
ganoon talaga dahil ang sabi nga, ang buhay ay laging may dalawang mukha. :)
Ahhh, you did get an answer to your question ... even if it came much, much later.
So ... na ikwento mo na ba siya sa boyfriend mo? Or is he going to a secret ... one of the many, many hidden. (I'm teasing Aris!)
I've always said knowledge is power. But I think sometimes, not knowing helps. It's a fine, fine line. Isn't it?
K
aw kahit past na talagang nasasagi pa rin sa isip natin ang nakaraan... wag nalang ivisit fb at twitter niyaa ^____^
tama ka Jessica.. pero minsan kailangan ng closure.. what if? diba :D
nyaw kapag ang tao talaga nagkaroon ng puwang sa puso mu, kahit nakamove on ka na, di pa rin maiiwasang mapareminisce paminsan minsan lalo na pag may mga bagay na makapagpaalala sa kanya sayo.
wew marami sa amin ang nakakarelate dito. minsan kasi hndi natin napapansin, may mga larong kapag nag eenjoy na tayu, halos nagiging part na ng daily routine natin, hanggang sa masanay na tayung balik balikan ang mga bagay an ito, at nakakalimutang.... ito nga pala ay isang LARO.
kmusta na idol? sana glowing ka pa din at lalong mag glow hahaha ingats sa ulang habagat :D
@kane: many, many hidden secrets talaga? hahaha!
well, thing of the past. i feel na hindi ko na kailangang ikuwento pa sa kanya. dapat pa ba? baka kasi makagulo pa.
hay, k. sa kabila ng mga karanasan, feeling ko, parang ang dami ko pa ring dapat pag-aralan at matutunan. :)
@jessica: actually. sabi ko nga noon, hinding-hindi ko gagawin ang mang-stalk. kaya lang, natalo ako ng curiosity, hindi napigilan. ayan, tuloy hehe! pero nakabuti na rin dahil ako ay naliwanagan. :)
@koro: yun din, yung tanong na what if? at saka ang hirap din kasng matahimik kung may mga tanong kang nakabitin. :)
@amver: siguro nga kahit sabihin mong nakapag-move on ka na, hindi maiiwasang maalala mo siya paminsan-minsan lalo na kung mayroon kayong unfinished business. ang mahalaga, acceptance. at laging pagpapaalala sa sarili na wala na, tapos na.
am fine, thank you. sana ok ka rin sa kabila ng nangyaring kalamidad. ingat ka rin. :)
Even though it hurts, at least you were able to get the answer... mas mahirap naman yung naghohold on ka parin sa question na "why?"....
@sweetish: true. yun ang mahirap, ang may unanswered question ka. kasi may tendency kang isipin na kasalanan mo ang nangyari at sisihin ang sarili. pero dahil sa aking nalaman, kahit may nabuksang sugat, nagkaroon ako ng kapanatagan ng isip at kalooban. :)
never liked a sad ending.... except this one.... nice to hear ne hindi sa yo an problema..... hahaha
@patryckjr: sad but in a way happy na rin because there is closure and acceptance. :)
may mga tao nga atang ganun talaga...papakitaan ka ng maganda at sa parte na nainlab ka na saka ka iiwan...
@mac callister: oo nga. kakabitin tuloy. hehe! :)
Naintriga ako dito: http://akosiaris.blogspot.com/2012/08/this-girl-is-amazing.html
At ito ang nakita ko:
Sorry, the page you were looking for in this blog does not exist.
Nakahinga ako ng maluwag. =D
@baklang maton: hahaha! friend, tungkol ito dun sa girl na nakuhanan habang kumakanta sa videoke sa megamall. sobrang naging palasak na sa web (pati sa yahoo, na-feature na) kaya hinugot ko na. :)
HEY.. CHEER UP.
@carlo mojo: yup. i'm smiling now. i'm good. thanks, carlo. :)
Post a Comment