Sana noong tayo pa, binigyan ko na ng pagpapahalaga ang mga pagkakataong magkayakap tayo sa kama habang umuulan sa labas at pumapasok ang malamig na hangin sa bintana.
Sana noong tayo pa, dinama ko na ang init ng iyong katawan at inangkin ka hindi lamang sa buong magdamag kundi sa habang panahon nang sa gayon ay hindi ako giniginaw ngayon at nangungulila.
“Bumalik ka na. Magsimula tayong muli.”
“Huli na ang lahat. Hindi na maaari.”
“Hindi mo na ba ako mahal?”
“Mahal pa rin kita kaya lang mayroon na akong iba.”
“Ganoon lang kadali?”
“Matagal akong naghintay. Akala ko, ayaw mo na.”
Tag-ulan na naman at sa pagngangalit ng habagat, inusal-usal ko ang iyong pangalan habang naninigid sa laman ang lamig ng gabi.
Pumikit ako, niyakap nang mahigpit ang unan at sa kumot ng mga alaala, muli kong dinama ang iyong imahe.
6 comments:
Hayy! mahirap talaga pagtinake for granted mo lang lahat ng mga moments niu together...Thats life! Sa huli lagi ang pagsisi...
@sweetish: true. sabi nga, mare-realize mo lang kung gaano kahalaga ang isang bagay (o tao) kapag wala na ito sa'yo.
wow... timing naman ang post na to... share ko lang aris... ganto ang experiences ko ngaun... asking for another chance sa kanya... huli na nung nalaman ko kung ganu sya kahalaga sa kin... kung ganu ko sya kamahal. lahat un narealize ko nung nawala na sya...
after isang taon, nagkita uli kami... sa isang taon na nagkahiwalay kami, hindi na ko nagkahanap pa ng iba... at nung makita ko sya bumalik ang lahat ng alaala... pinilit kong mapalapit uli sa kanya... nakiusap kung maaari ba kaming magsimula uli... and guess what... pumayag sya... kaso kailangan ko daw muna grumadweyt at may mapatunayan sa sarili ko... kailangan ko pang maghintay...
ayun lang :D salamat dito sa post mo.... at least naapreciate ko na hindi lahat ng bagay may second chance... kaya di ko dapat sayangin
@amver: tama ka, hindi lahat nabibigyan ng second chance. maswerte ka na nabigyan ng isa pang pagkakataon at naniniwala ako na mas alam mo na kung ano ang gagawin ngayon. thanks, amver, for sharing. i really appreciate it. :)
aris! for two weeks na nadiskubre ko tong blog mo, inisa-isa ko lahat ng entries. you're great!
teka, ibig sabihin ba ng post na ito wala na kayo nung bida sa reasons?
@erad javier: hello, erad. welcome to my blog at salamat sa iyong pagsubaybay.
ang post na ito ay tungkol sa isang past love na bigla kong naalala isang gabing maulan. matagal na kaming wala, as in ilang taon na. alaala niya na lang talaga ang natira. hehe! :)
Post a Comment