A Guest Post
By ROVI YUNO
Humarap ako sa salamin na madalas magtaglay ng repleksiyon natin.
I took a deep breath. Pumikit ako at nang magmulat, I saw you standing there.
Nginitian mo ako. At pagkaraang saglit na ma-mesmerize, ako ay napangiti rin.
Dahan-dahan kang lumapit sa akin. I could tell na galing ka sa office dahil sa iyong damit. I could not help admiring dahil higit kang gumuwapo sa suot mo -- bagay na bagay sa’yo ang corporate outfit. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang pagdampi ng iyong mga kamay sa aking balikat at ang pagyapos mo sa akin from behind.
“Nobody Loves Me Like You Do” started playing in the background. Nagkatinginan tayo. Theme song natin iyon. At muli, gumuhit ang ngiti sa ating mga labi.
Nagsimula tayong mag-slow dance sa saliw ng awiting iyon nina Whitney Houston at Jermaine Jackson. Sabay sa mga haplos ng iyong palad ay ang paghigpit ng iyong yakap. Napapikit ako at napahilig, dinama ko ang daloy ng init na dulot ng pagkakadikit ng mga katawan natin. Para sa akin, ang simpleng moment na iyon ang perfect definition ng bliss.
“I love you,” ang iyong bulong.
“I love you, too,” ang sagot ko.
“Kaya lang... ang taba mo na.”
“Ouch!”
“Joke.”
“Ikaw kaya ang may kasalanan nito. Kapag lumalabas tayo, wala kang ginawa kundi ang pakainin ako. Lagi mo akong pinupuna noon na ang payat-payat ko. Tapos ngayong tumaba na ako, inaasar mo naman ako. Ang labo mo rin, ano?”
Natawa ka. “Ayoko lang na nagkakasakit ka. At saka kahit naman tumaba ka na, wala pa ring nababago. Mahal na mahal pa rin kita.”
Napangiti na ako, tuluyan nang nawala ang kunwari ay pagtatampo.
Maya-maya pa, naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi mo sa leeg ko.
Marahan pa rin tayong sumasayaw sa kanta na ang melody at lyrics ay tumatagos pa rin sa ating mga puso.
Nagharap tayo at nagtitigan.
Saglit munang nag-usap ang ating mga mata bago dahan-dahan naglapit ang ating mga mukha. At ang ating mga labi ay nagtagpo sa isang matamis na halik sabay sa ating muling pagyayakap.
Nang tayo ay magbitiw, mula sa bulsa ay naglabas ka ng panyo.
“What’s that for?” ang tanong ko.
“Kailangan kitang i-blindfold,” ang sabi mo.
“Why?”
“Dahil may sorpresa ako sa’yo.”
Napangiti na lamang ako habang pinipiringan mo.
“Huwag kang gagalaw. Diyan ka lang.”
Sabay sa antisipasyon ay ang build-up ng curiosity at excitement ko.
Narinig ko ang iyong mga yabag palayo sa kinaroroonan ko. Tapos, ang soft eject ng CD player na sinundan ng pagsasalang ng CD. After a few seconds, pumailanlang na ang isang malamyos na instrumental ni Kenny G.
Hindi ko na nahulaan pa ang sunod mong ginawa.
Mui kong narinig ang iyong mga yabag papalapit sa akin. Nalanghap ko ang iyong pabango at maya-maya pa, inaalis mo na ang piring ko.
Tumambad sa akin ang sorpresa mo.
Nakapatay ang ilaw at ang buong kuwarto ay natatanglawan ng napakaraming tea light candles. Hindi ako nakapagsalita sa pagkamangha.
Kinuha mo ang aking kamay at ipinatong sa iyong balikat habang ang iyong kamay naman ay kumapit sa aking tagiliran, parang pagpupuwesto sa ballroom.
“Parang prom?” Ngiting-ngiti ako.
“Yup.” Ang tugon mo, ngiting-ngiti rin.
At muli, tayo ay nagsayaw. This time, sa saliw ng saxophone.
“Happy anniversary,” ang bati mo.
“Happy anniversary,” ang bati ko rin.
“Five years na tayo.”
“Oo nga.”
“Are you happy?”
“Very.”
“I have always wanted you to be happy.”
“You have always made me happy. Never kang nagkulang. You’re just perfect for me.”
Muli mo akong hinagkan. At ako ay tumugon.
Nagtunggali ang ating mga labi at humigpit ang ating mga yakap. Hanggang sa tayo ay tuluyan nang madarang at ang mga saplot natin ay malaglag sa lapag.
Saksi ang ningas ng mga mumunting kandila sa muli nating pag-iisang katawan na naghatid sa atin sa rurok ng pinakaaasam na kaganapan.
Sa paghupa ng init at pagkaupos ng liwanag, nanatili tayong magkayakap.
“Mahal na mahal kita,” ang sabi mo pagkaraan ng mahabang katahimikan.
“Mahal din kita. Labis-labis. Sobra-sobra,” ang tugon ko.
“Nasusukat ba ang pagmamahal?”
“Hindi ko alam.”
“Pumikit ka.”
Sumunod ako.
“May nakikita ka ba?”
“Wala. Maliban sa malawak na kadiliman.”
“Ganyan ang pagmamahal ko sa'yo. Malawak. Walang dulo at hangganan. Walang katapusan.”
Dumilat ako at hinanap ang iyong maningning na mga mata.
Mas doon ko nakita ang sinasabi mong walang hanggang pagmamahal.
***
Dilim ang sumalubong sa akin sa pagdilat ng aking mga mata.
Napatitig ako sa salamin. Naroroon ang repleksiyon ng aking anino na nag-iisa.
Wala ka sa tabi ko.
Wala ang mga kandila.
Tahimik ang kapaligiran at wala rin ang musika.
Muli akong pumikit. Wala akong makita. Tuluyan na ngang nilamon ng dilim ang sinasabi mong walang hanggang pag-ibig.
Nagsimulang tumulo ang aking luha. Sa kalawakan ay hinanap ko ang pinakamaningning na tala.
“Happy anniversary,” ang bulong ko sa hangin. “Nasaan ka man ngayon, mahal na mahal pa rin kita.”
===
Be my guest. Ang blog na ito ay bukas sa mga nais magbahagi ng kanilang kuwento. Ipadala ang inyong akda sa: akosiarisblog@yahoo.com.
11 comments:
Nakakalungkot naman.
At theme song namin ng ex ko ang song na yan. Ano ba yan. huhuhuuhu
Bittersweet... Tatak Aris, very Aris ang kwento.
Ngayong September 15 ay 7 years na kami ni M ko. Nai-share ko lang dahil sa post na ito.
ang sad naman ng ending ng story nila...
ang sakit siguro ng mawalan ng minamahal...sayang...
sana okay na yun letter sender ngayon.
taray naman parang MMK na blog mo ngayon aries hehehe
Suggestion naman Aris. Sana yung mga guest bloggers mo eh may kaunting backgrounder tungkol sa kanila. Para masaya. Hihi.
So sad naman ng kwento na ito Aris sa date pa ng bday ko napost. so funny kasi Aris din name ko hehe. regards!
awwwww sad. but i love what he submitted. at LOL sa comment ni Mac na parang MMK lang LOL :D
dear ate charo, nagtanan na kami ni Ramel. haha charot :D
nicely written sana si ko na lang binasa ang dulo... it's so sad but nevertheless as I have said, nicely written...
JJRod'z
i am so sorry aris pero sobrang hanga ako sa lahat ng stories mo and sa totoo lang gusto po kitang mameet in person kasi prinint ko lahat ng stories mo and kapag malungkot ako or may problem ako sa partner ko.. all i have to do is to read all your stories all over again para ma realize kung gaano kasarap magmahal at magkaroon ng minamahal hindi ko alam pero tulad ng pagkadik ko kay beyonce gusto ko rin sana mapirmahan mo ang mga prinint kong stories mo please please please hope matupad mo po ito please here is my fb account hope to hear you soon .... gelosap@yahoo.com
@gelo_oleg: wow, masayang-masaya akong malaman kung gaano mo na-a-appreciate ang mga kuwento ko. thank you. kapag nagkatotoo na ang libro ng mga kuwento ko, maaari siguro tayong mag-meet upang mapirmahan ko ang kopya mo. :)
@Aris: ako din ah! hahaha :D
@sin at work: siyempre naman, my dear friend. ikaw pa. haha! :)
Post a Comment