Niyakap mo ako sabay bulong ng "Paalam".
Hindi ako tuminag. Ito na nga ba ang katapusan?
Sa paglalapit ng ating mga mukha, nagsalubong ang ating mga mata. Hinaplos ako ng iyong buntonghininga.
Nanumbalik sa akin ang alaala ng ating nakaraan, ang maiksing panahon ng aking kahibangan.
Dahan-dahan, nagtagpo ang ating mga labi. Napapikit ako at dinama ang iyong dampi.
Sa paninigid ng malamig na hangin, hinanapan ko ng init ang iyong mga bisig.
"Alam na niya ang tungkol sa atin."
"Ano ang iyong sabi?"
"Inamin ko."
"Ano ang kanyang sabi?"
"Pinapili niya ako."
"Sino ang iyong pinili?"
Katulad ng haplit ng mga alon sa dalampasigan, hinaplit din ako ng mapait na katotohanan.
Higit na matimbang at may karapatan ang kaibigan na tinangka kong agawan.
Sa huling sandali, pilit pa rin kitang inangkin. Hinanapan ko ng tamis ang iyong mga halik.
Nais kong pigilan ang ating paghihiwalay.
Hindi ko matanggap.
Masakit.
Wednesday, January 30, 2013
Wednesday, January 23, 2013
Biyahe
Siguro dahil sa lamig ng aircon kaya tumabi ka sa akin at sumiksik.
Sa gilid ng mga mata, sinipat kita. Guwapo ka nga, katulad ng napagmasdan ko nang umakyat ka sa bus.
Sumiksik din ako at dinama ang iyong init. Nagdikit ang ating mga braso. Nalanghap ko ang iyong pabango. Pinakiramdaman kita. Pasulyap-sulyap ka at ako naman ay patanaw-tanaw sa bintana.
Maya-maya, inilabas mo ang iyong cellphone at nag-type ka. Pasimple, sinilip ko ang isinulat mo at binasa.
"Hello. Kumusta?" ang nakita ko sa screen. Para sa akin ba ang iyong message?
Humagod ang braso mo sa braso ko at nagdumiin ang binti mo sa binti ko.
Hindi na ako nakatiis kaya nang muli kang sumulyap sa akin, sinalubong ko na ang iyong tingin. At ako ay nabighani sa mga mata mong singkit at kayhahaba ng pilik.
Subalit bago ko pa nagawang tumugon sa iyong tila pang-aakit, biglang sumigaw ang kundoktor.
"Coastal! Coastal!' Yung mga bababa diyan! Coastal na!"
Nagulat ako at mabilis na tumayo. Kumiskis ang tuhod mo sa binti ko nang makiraan ako.
Narating ko ang pinto at ang bus ay tumabi at huminto.
Bago tuluyang bumaba, nilingon kita. Nakatingin ka sa akin at noon ko lang nagawang ngitian ka.
Sayang, hanggang doon na lang ang aking biyahe.
Sana magkasakay pa tayong muli.
At kapag nagkatabi, promise, hindi na ako magiging torpe.

Sunday, January 20, 2013
Minsan Pa
We had this thing going. Ako at si JV noong college. No, we were not lovers pero may nangyayari sa amin. As in, madalas. Hindi ko alam kung bakit hindi kami nauwi sa relasyon gayong halos isang taon din kaming ganoon. At nang kami ay gumradweyt, naputol iyon nang hindi namin napag-uusapan. Hindi rin kami nagkapaalamanan nang maayos nang ako ay umalis. Nawalan kami ng komunikasyon. Umusad ang panahon. At sa naging mas makulay na takbo ng buhay ko sa Maynila, siya ay aking nalimutan.
***
Hindi ko inaasahan ang tawag na iyon. At nang mapagsino ko si JV, ako ay nagulat. Pagkalipas ng limang taon, ano at ako ay naisipan niyang tawagan? At paano niya ako natunton?
May reunion daw ang college batch namin at isa siya sa mga nag-oorganisa. Sa December daw dahil maraming mag-uuwian. Uuwi raw ba ako at makaka-attend?
Natigilan ako. Hindi dahil sa ako ay nagdalawang-isip kundi dahil nanumbalik ang mga alaala ng aming nakaraan. Sa muling pagkarinig sa kanyang boses, tila may init na muling nanariwa sa aking pandama.
"Count me in," ang sabi ko pagkaraan.
"Good," ang kanyang sagot. "Matutuwa sila."
"Ikaw, matutuwa ka rin ba?"
"Of course."
Pause.
And then, tulak marahil ng hindi ko mapigilang damdamin, bumulalas ako: "I miss you."
Tahimik siya. Nabigla siguro dahil never kaming naging expressive noon.
"I miss you," ang ulit ko. Sa pagkakataong iyon ay halos pabulong subalit may diin.
"I miss you, too," ang kanyang sagot, pabulong din.
At bago pa ako nakakibo, ibinaba na niya ang telepono.
***
Nagsimula ang something sa pagitan namin ni JV dahil sa aking kapangahasan.
Eleksiyon noon ng Student Council. Nanalo ang partido namin. Sa selebrasyon, nagkalasingan. Tumumba ang lahat maliban sa amin ni JV. Nagkasabay kaming mag-CR. Nagkatitigan. At siguro dahil lango sa alak, hindi ko napigil ang aking pagkaakit at siya ay hinagkan.
Hindi siya tumutol. Ni hindi tuminag. Maya-maya, siya ay tumugon. Dinala niya ang aking kamay sa kanyang harapan at ipinasalat sa akin ang namumukol doon.
Nagtungo kami sa isang bakanteng silid (ang mga kasamahan namin ay nasa terrace, hindi na makagulapay at doon na nakatulog). Muli kaming naghalikan, nagyakapan. Nagtanggal kami ng damit. At sa madilim at malamig na silid na iyon, naganap ang una naming pagniniig.
Pagkatapos niyon, paulit-ulit na. Basta't may pagkakataon.
Subalit ni minsan hindi namin na-assess o na-process kung ano ang ibig sabihin niyon. Tahimik lang kami sa tuwing makakaraos. Walang paghahayag ng emosyon, walang pagtatanong.
Marahil pareho lang kaming umiiwas sa kumplikasyon.
***
Pagdating sa resort, I had to ask kung saan ginaganap ang reunion. "Sa Villa Azalea," ang sabi sa reception sabay bigay ng direksiyon. Binagtas ko ang isang mahaba at maligoy na daan. Banayad ang ihip ng hangin at ang liwanag ng buwan ay lumilikha ng silvery ripples sa lawa. Tahimik ang kapaligiran maliban sa aking mga yabag at sa mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko mawari kung bakit para akong kinakabahan. Siguro ay dahil sa antisipasyon ng muling pagkikita namin ni JV. Siguro dahil excited ako sa kung ano ang puwedeng mangyari.
Pagbungad ko sa Villa Azalea (na actually ay hotel ng resort), nakita ko ang courtyard at doon sa bandang dulo, natanawan ko ang pagkakatipon-tipon sa may poolside. Bahagya ko ring naulinigan ang mga halakhak at boses ng pagkakasiyahan. Hindi na ako nagtanong kung iyon nga ba ang reunion at ako ay dumiretso na lamang.
Hindi ako nagkamali, dahil nang ako ay makalapit, nabanaagan ko na ang mga pamilyar na mukha at ako ay nakatiyak na iyon na nga ang okasyong aking dadaluhan.
Sinalubong ako ng mga ngiti at pagbati ng mga dati kong kaklase. Nakipagbatian na rin ako at nakipagkumustuhan. May nag-abot sa akin ng beer na malugod kong tinanggap. Nakiumpok ako sa iba't ibang grupo upang makapangumusta sa lahat. At nang ako ay settled na sa pakikipagkuwentuhan, doon siya sa akin lumapit. Si JV.
My gosh, he hasn't changed. Ganoon pa rin ang kanyang itsura, katulad ng aking pagkakaalala -- matangkad, maputi, payat. Kung may nabago man, iyon ay ang pagkakaroon ng konting laman sa dibdib na nagbigay sa kanya ng kakaibang tikas.
Hindi ko alam kung dahil matagal lang kaming hindi nagkita pero ang tingin ko sa kanya ay higit siyang kumisig. Habang pinagmamasdan ko siya, sumagi sa aking isip ang mga maiinit na sandali namin noon at ako ay nakaramdam ng pananabik. Muli akong naging aware sa mabilis na tibok ng aking puso. Pilit ko iyong sinupil at sinalubong ko ang kanyang paglapit. Nagkamay kami at nagbatian, pareho kaming nakangiti na parang normal lang at walang lihim na nakaraan.
"Mabuti nakapunta ka," ang sabi niya.
"Nangako ako sa'yo, di ba?" ang sagot ko.
Nagtama ang aming mga mata. Saglit kaming natahimik habang nakatingin sa isa't isa na para bang nag-aapuhap ng susunod na sasabihin.
"You look good," ang nasabi ko na lang upang mapagtakpan ang pagka-awkward namin.
"You, too," ang kanyang sagot.
"What do you do now?"
"Real estate."
"That's great."
At pagkatapos niyon, wala na naman kaming masabi.
Maya-maya, may lumapit sa aming babae. Matangkad, mahaba ang buhok, maganda.
Pinagmasdan ko ang babae. Hindi ko yata maalala na naging kaklase namin siya o naging ka-batch. Kahit na, nginitian ko pa rin siya.
Kumapit ang babae sa bisig ni JV, possessively.
Nagkaroon ng pagtatanong sa aking mga mata. Ng pagtataka.
Nagulantang ako nang ipakilala sa akin ni JV ang babae.
"Oh, by the way, this is Anna... my wife."
***
Nagpatuloy ang reunion and I went through the motions. Nagkaroon ng program at games. Sa kalagitnaan ng "Paper Dance", I grabbed another beer (my 6th bottle -- napalakas yata ang aking inom!) at patalilis na iniwan ang pagtitipon. Sumuot ako sa halamanan ng resort. Sinundan ko ang trail na by instinct ay alam ko kung saan patungo. At hindi ako nagkamali dahil maya-maya pa, natatanaw ko na ang lawa. Naupo ako sa isang bench na malapit sa dalampasigan at ipinagpatuloy ko ang pag-inom.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang bigla akong nalungkot?
Nag-asawa na pala siya. Bakit hindi ko nalaman?
E ano naman ang pakialam ko, kung tutuusin? Wala naman kaming relasyon ni JV at kung mayroon man kaming nakaraan, walang malinaw na depinisyon kung ano ang ibig sabihin niyon. At saka, five years na ang nakalilipas at nakalimutan ko na nga siya.
Pero bakit ganoon, sa muli naming pagkikita ay tila may mga alaalang nanariwa at may nadama akong kakaiba. Hindi ko maintindihan. Nagseselos ba ako? Nasasaktan?
Maaari kayang itinatwa ko lang ang damdamin ko noon sa kanya? Na-in love ba ako nang hindi ko nalalaman? But I should have felt it before. Sa dami ng nangyari sa amin, bakit wala akong maalalang ganitong feelings? Nang maghiwalay nga kami, ni hindi ako nag-abalang kitain siya upang magpaalam. Bakit ngayon, kung kailan matagal nang tapos ang lahat, saka ako parang nababagabag?
Muli akong tumungga ng beer. Sana hindi na lang ako um-attend ng reunion. Sana hindi ko na lang muling nakita si JV. Nagulo pa tuloy ang isip ko ngayon.
May kaluskos akong narinig mula sa aking likuran. Napalingon ako at nakita kong nakatayo roon si JV.
"Hey," ang kanyang sabi.
Gulat ako, taka kung bakit siya naroroon.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" ang kanyang tanong.
"Nagpapahangin lang," ang aking tugon.
Naupo siya sa aking tabi.
"You got bored?"
"Yeah, I guess so. Ikaw, bakit ka naririto?"
"Just like you, na-bore din ako."
"Really?"
"No. The truth is, sinundan kita."
Napatingin ako sa kanya, pigil ang anumang emosyon.
"I think mayroon tayong unfinished business na dapat pag-usapan," ang kanyang patuloy.
"Unfinished business?"
"You know what I mean. 'Yung nangyayari sa atin noon."
"Kailangan pa ba nating pag-usapan iyon?"
"Kailangan. Dahil may gusto akong malaman at mayroon din akong sasabihin."
Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Yung nangyayari sa atin noon. Ano ang kahulugan niyon sa'yo?"
"Wala."
Tila may disappointment akong nabasa sa kanyang mga mata.
"I mean, hindi ko binigyan ng kahulugan." I felt the need to qualify my answer. "Noong nangyayari iyon, hinayaan ko lang. Admittedly, I liked it. I was enjoying it. At dahil siguro ayokong matigil iyon, hindi ko na lang pinag-isipan o hinanapan ng kahulugan. Ayokong ma-upset ka."
"Ma-upset?"
"Ayokong ma-turn off ka kung mahahaluan ng drama. Ang tingin ko sa'yo, you're not the type na gugustuhing lumalim ang namamagitan sa atin. Ang magkaroon ng relasyon, for example. Ang magkaroon ng commitment."
"You really think so?"
"Yeah. Alam ko naman na ginagawa natin iyon dahil sa libog lang. Na walang lugar ang feelings."
"Well, you're wrong."
Napatitig ako sa kanya, mataman.
Sinalubong niya ang aking mga mata bago muling nagsalita.
"May nararamdaman na ako noon. Pinigil ko lang. Nakiramdam ako. Hinintay ko na magpakita ka ng sign o magsalita na ganoon din ang nararamdaman mo. Natakot akong magsabi dahil ayokong magkamali. Subalit nanatili kang all-business, if you know what I mean. Sex lang talaga. We didn't even talk. Kaya hinayaan ko na lamang ang ganoon. Ayoko ring matigil tayo. Ayoko ring ma-upset ka dahil sa drama."
Nakikinig lang ako sa kanya. Saklot ng damdaming hindi ko matukoy.
"Sadly, we just ended," ang patuloy niya. "I started getting into terms with myself nang mawala ka. Na-realize ko na hindi talaga ako bakla. Na nagkakagusto rin ako sa babae. Bisexual perhaps pero lalaki pa rin. Nakilala ko si Anna at nalimot kita. At dahil okay naman kami, I decided to marry her. Afterall, gusto ko rin naman kasing magkaanak, magkapamilya. Gusto ko ring mamuhay nang tahimik at walang kumplikasyon lalo na at nanatili ako rito sa probinsiya. You cannot be that different, if you want to live here. Konserbatibo ang mga tao, relihiyoso, at ang anumang unconventional ay ikaliligalig nila."
Muli akong tumungga ng beer, sunud-sunod hanggang sa ito ay maubos. Hindi ko inaasahan ang aking mga narinig. At dahil doon, natiyak ko kung ano ang bumabagabag sa akin. At ipinagpasya ko rin ang maging honest.
"I also have a confession to make," ang sabi ko pagkaraan.
Hindi siya sumagot, nakikinig lang.
"When I told you over the phone that I miss you, I really meant it. It was the first time na naging expressive ako sa'yo. I don't know pero kusa na lang lumabas sa akin iyon. Siguro dahil iyon talaga ang nasasaloob ko."
Nakatingin lang siya sa akin na parang nanunuot ang mga titig.
"Papunta rito, kinakabahan ako. Maybe because excited akong makita ka. I know, nagmistula akong unfeeling noon pero defense ko lang iyon dahil natatakot akong mabigo. Minahal kita nang mga panahong iyon, JV. In denial lang ako kaya hindi ko sa'yo nasabi. Ngayon ko lang na-realize at natiyak nang magkita tayong muli. Nang malaman kong nag-asawa ka na, nalungkot ako at nasaktan. Nalulungkot ako at nasasaktan ngayon dahil minahal kita, JV. Mahal pa rin kita hanggang ngayon!"
Katahimikan. Pigil ang aming paghinga. Maging ang huni ng mga kuliglig at ang hampas ng mga alon sa dalampasigan ay tila napipilan.
"Bakit ngayon mo lang inamin," ang kanyang sabi. "Sana kung noon pa, we could have taken a different direction. Siguro'y sumunod ako sa Maynila at nagpatuloy tayo doon."
"I didn't know better. And just like you, I was afraid," ang aking sagot.
"Huli na ngayon ang lahat. Nagsanga na ang ating mga landas."
"I know. But there's no room for regret. Ang sabi mo nga, you've already found yourself. You have decided kung ano ang gusto mong gawin. Lumagay ka na sa tahimik. Let's leave it at that. Huwag na nating guluhin."
Bumuntonghininga siya.
"We're not meant to be. At kung naduwag man tayo noon, parte iyon ng dapat mangyari. Hindi nangangahulugang dahil hindi tayo natuloy ay hindi na tayo maaaring maging masaya. You're happy now, hindi ba?"
"Ikaw, happy ka rin ba?"
"I will be. I'll get over this pagbalik ko sa Maynila. Kailangan naman kasi talagang magpatuloy ang buhay kahit nabigo ka."
Tumango-tango siya, napangiti. Pahiwatig ng kanyang pagsang-ayon at pagkaintindi.
"Finally, magkakaroon na tayo ng closure," ang aking dugtong. "Hindi na tayo magwa-wonder kung ano ba talaga ang namagitan sa atin noon. It wasn't just about sex. Minahal mo ako at minahal din kita."
"I will always love you kahit hindi na maaari," ang kanyang sabi. "Kahit bilang espesyal na kaibigan na lamang."
Ako naman ang napangiti. "Gayundin ako."
Nagyakap kami at hindi namin napigil ang paglalapat ng aming mga labi, bunsod marahil ng pagnanais na tuluyang maipahayag ang damdaming higit na malalim sa mga nasabi.
Minsan pa, inangkin namin ang isa't isa. At naging napakatamis ng mga sandaling iyon.
It was a fitting finale para sa aming pagtatapos.

Thursday, January 10, 2013
Missing
Today is your birthday
And I remembered
I sent you a greeting
And I waited
But there’s no answer
Not even a who’s this?
Maybe you’ve chosen to forget
About me
About us
About how we used to be
Sorry, I just can’t help it
Though we’ve long ended
I still think about you
I miss you
I miss us
I miss the love we’ve had.
Subscribe to:
Posts (Atom)