Siguro dahil sa lamig ng aircon kaya tumabi ka sa akin at sumiksik.
Sa gilid ng mga mata, sinipat kita. Guwapo ka nga, katulad ng napagmasdan ko nang umakyat ka sa bus.
Sumiksik din ako at dinama ang iyong init. Nagdikit ang ating mga braso. Nalanghap ko ang iyong pabango. Pinakiramdaman kita. Pasulyap-sulyap ka at ako naman ay patanaw-tanaw sa bintana.
Maya-maya, inilabas mo ang iyong cellphone at nag-type ka. Pasimple, sinilip ko ang isinulat mo at binasa.
"Hello. Kumusta?" ang nakita ko sa screen. Para sa akin ba ang iyong message?
Humagod ang braso mo sa braso ko at nagdumiin ang binti mo sa binti ko.
Hindi na ako nakatiis kaya nang muli kang sumulyap sa akin, sinalubong ko na ang iyong tingin. At ako ay nabighani sa mga mata mong singkit at kayhahaba ng pilik.
Subalit bago ko pa nagawang tumugon sa iyong tila pang-aakit, biglang sumigaw ang kundoktor.
"Coastal! Coastal!' Yung mga bababa diyan! Coastal na!"
Nagulat ako at mabilis na tumayo. Kumiskis ang tuhod mo sa binti ko nang makiraan ako.
Narating ko ang pinto at ang bus ay tumabi at huminto.
Bago tuluyang bumaba, nilingon kita. Nakatingin ka sa akin at noon ko lang nagawang ngitian ka.
Sayang, hanggang doon na lang ang aking biyahe.
Sana magkasakay pa tayong muli.
At kapag nagkatabi, promise, hindi na ako magiging torpe.
19 comments:
ang cute naman!
bitin ng konti.... pero sana magkasabay ulit kayo sa bus?
:)
@nutty thoughts: hehehe! hayaan mo, babalitaan kita kapag may nangyari uli. :)
Sayang naman sana sumunod nalang siya sau if he really wants to know u hihihi
Sana may mga ganito ding mangyari sa kin kakakilig hahaha
aw! i do hope masakyan mo sya soon. ang bus! ang bus na kung saan nakasakay s'ya sayo. este masakyan n'ya yung sayo! i mean yung bus na sinasakyan mo! LOL :D char lang
i hope magkasabay uli kayo. hihi :)
@mac callister: hello mac. nalaman ko na naging napakasaya ng bakasyon mo nitong nagdaang pasko dito sa pinas. hindi ka lang daw gumimik, lumablayp pa. hehehe! sino kaya dun sa mga nakita kong kasama mo sa picture? :) anyway, i hope maulit uli ang naging happiness mo sa susunod na pag-uwi mo. ingat ka diyan palagi. :)
@sin at work: makasakay o masakyan. kahit ano, basta magkasakayan! hahaha! i hope so, too. kung hindi naman, "never mind i'll find someone like him" na lang (uma-adele?). choz! :)
hahaha relate :D kaso sakin sa jip naman nangyari... chinito din sya.... pero sya ung unang bumaba :D nagtaka nga ko sa pagsanggi nya ng binti ko ng bumaba sya.. aat ng amisipan kong bumaba at sumunod... there! nagkakilala kami :p
@amver: hahaha! sabi ko na nga ba, nangyayari rin ito sa iba. buti ka pa, may happy ending. :)
sakin din nangyari to! at sa Coastal din ako bumaba! hahaha :)
- Jv
@jv: sa moa din ba siya sumakay? hahaha! :)
hahaha! ikaw na ang uma-Adele! p'wes, i wish nothing but the best for you Aris! wahahaha :D
anyway buti ikaw may ganyang experience na sa bus. ako wala. mahiyain kasi ako so i really don't look at people, sa bus man o sa bar. hahaha :D
sabi nga ng mga koreanovela - fighting, fighting....next time, bawal ang torpe, sayang ang pagkakataon
sir aris, relate much! haha. ako naman nakasaBay ko s byahe papuntang baguio. kaso hanggang tingin lang ako. kunyari s bintana ako natingin peo sakanya pla.haha. ang cuTe2 nya pag 2log. nangi2ti nalang ako pag matagal magkadikit braso at binti namin at ninanamnam ang init ng katawan nya.hahaha. kaso pagdating ng baguio, nagmamadali bumaba. haha peo sapat n un sakin kht naman papanu ay kiniliG ako. wahaha. #landiKo lol
@gaston: i so agree. dapat sa susunod, wala nang patumpik-tumpik pa. karakaraka, *grab* the opportunity. hahaha! :)
@pasky: mahaba-haba ring biyahe iyon. hindi ba siya nagsumiksik sa'yo dahil sa lamig nung papasok na sa baguio? hehe! it was a pleasure knowing you at the book signing. thank you sa pagpunta. thank you rin sa pagbisita at sa follow. ingatz. :)
hndi po eh.. sa my bintana xa sumisiksik peo minsan dumidikit katawan nya sakin. ahaha.. thank u din po sir aris for signing my book.. and its my pleasure to meet u din po.. sana sa uulitin.. :)
@pasky: surely. basta ikaw. :)
nice ang cute napangiti ako
@jappy yuki: hello jappy. thank you. sana mag-enjoy ka rin sa iba ko pang mga kuwento. :)
Astig,ang cute,,npangiti tuloy ako,,
@anonymous: napangiti rin ako sa comment mo. salamat. :)
Post a Comment