Niyakap mo ako sabay bulong ng "Paalam".
Hindi ako tuminag. Ito na nga ba ang katapusan?
Sa paglalapit ng ating mga mukha, nagsalubong ang ating mga mata. Hinaplos ako ng iyong buntonghininga.
Nanumbalik sa akin ang alaala ng ating nakaraan, ang maiksing panahon ng aking kahibangan.
Dahan-dahan, nagtagpo ang ating mga labi. Napapikit ako at dinama ang iyong dampi.
Sa paninigid ng malamig na hangin, hinanapan ko ng init ang iyong mga bisig.
"Alam na niya ang tungkol sa atin."
"Ano ang iyong sabi?"
"Inamin ko."
"Ano ang kanyang sabi?"
"Pinapili niya ako."
"Sino ang iyong pinili?"
Katulad ng haplit ng mga alon sa dalampasigan, hinaplit din ako ng mapait na katotohanan.
Higit na matimbang at may karapatan ang kaibigan na tinangka kong agawan.
Sa huling sandali, pilit pa rin kitang inangkin. Hinanapan ko ng tamis ang iyong mga halik.
Nais kong pigilan ang ating paghihiwalay.
Hindi ko matanggap.
Masakit.
15 comments:
hango sa kuwento ng isang kaibigan.
OH MAY GAWD!!!! Saklap nman nun... hnd ko alam kung makakarelate ako kasi it seems like im the other girl... tagos yun ah... very well done!
hahaha kala ko naman may kinalaman to dun sa may resort na post :D
@sweetish: thanks, ish. :) dobleng sakit ang mapagtaksilan ng minamahal at kaibigan.
@koro: iba naman. kuwento naman ng the mistress. hehe! :)
ang iksi na nga nitong post, sakit pa rin! haha
@rygel: nadarama ba? haha! :)
ikli pero tagos sa laman!!! paks na paks!!
sakit tlaga of ur just an option after the good relationship
@jei son: tama ka. :)
Sapul
Mahirap talaga yang bawal na pag ibig...minsan kahit tama nararamdaman natin pero nasa maling sitwasyon, hindi pa rin tayo lubos na mgiging maligaya....
masakit ang paghihiwalay lalo kung natutunan mo na talaga na siya ay mahalin.....kahit pa bawal ang siya ay mahalin...
@gaston francisco, mac callister, arvin de la pena: i agree. so true.
Happy Valentines idol!
@aboutambot: happy valentines. hugs and kisses. :)
Post a Comment