Nanlalamig ako habang nakatunghay sa computer ni Enrico na
kung saan tumatakbo ang isang video.
“Bakit ka nagsinungaling?” ang sumbat niya sa akin.
Wala akong maisagot.
“Si Francis pa ang nakadiskubre sa panloloko mo.”
Napayuko na lamang ako. At nang hindi na makatagal,
tumalikod ako at umalis.
Hindi niya ako pinigilan o sinundan.
Nangyari na ang kinatatakutan ko.
Nabunyag na ang aking lihim.
***
Nagkakilala kami ni Enrico sa Boracay, sa after-party ng
Bikini Summit na sinalihan ng kaibigan kong si Steven. Nahila lang ako bilang
“plus 1”. Sosyal ang event. Mga lehitimong modelo ang kalahok at mga miyembro
ng alta-sociedad ang guests.
Ipinakilala ako sa kanya ni Steven bilang isang modelo rin.
Hindi iyon totoo pero hindi ko na kinorek. Nagkunwari na lang ako.
Buong gabi, naging magiliw sa akin si Enrico. Kausap siya
nang kausap. Hindi ako naging matapat sa pagsagot sa kanyang mga tanong dahil
ayokong malaman niya ang totoo. Ayoko siyang ma-turn off.
Guwapo si Enrico, mayaman, successful. Nasa early forties at
straight-acting. Tumutugma siya sa tipo ng gusto kong maging boyfriend.
Habang nag-uusap kami, sandali kong nalimot ang agwat ng
estado namin.
Nang mag-wind down ang party, niyaya niya ako sa kanyang
hotel.
He was sweet and gentle, almost caring. Masuyo at maingat
niya akong tinalik sa buong magdamag.
Hindi ko iyon malilimutan. It was great.
***
Malungkot ako nang pabalik na sa Maynila. Naiisip ko si Enrico. Naiisip ko ang maiksing sandaling namagitan sa amin.
Malungkot ako nang pabalik na sa Maynila. Naiisip ko si Enrico. Naiisip ko ang maiksing sandaling namagitan sa amin.
Hindi ko
naiwasang mag-confide kay Steven.
“Tinamaan ka,
pare?” ang tanong niya.
“Hindi ko maipaliwanag
ang nararamdaman ko,” ang sagot ko.
“Sabagay,
mayaman siya.”
“Hindi pera
ang habol ko sa kanya.”
“Kung ganoon
ay ano?”
“Gusto ko
siyang maging boyfriend.”
Napatingin sa
akin si Steven, hindi makapaniwala.
“Graduate na
ako sa pagiging user. Naghahanap na ako ng isang meaningful relationship.”
Napangiti si
Steven. “Maaari kong i-arrange na magkita kayong muli sa Maynila.”
Napansin ni
Steven ang aking agam-agam.
“Bakit, may
problema ba?” ang kanyang tanong.
Napabuntonghininga
ako. “Alam mo kung ano ako. Hindi kami nababagay.”
Muling
tumingin sa akin si Steven. “Pare, huwag mong maliitin ang iyong sarili. Pareho
lang tayo ng pinanggalingan. Tingnan mo ako ngayon.”
I cannot argue
with that dahil malayo na nga ang kanyang nararating at maituturing na rin
siyang successful.
“Huwag kang
matakot sumubok,” ang kanyang patuloy. “Sa mga kagaya natin, wala nang mawawala.
Mayroon pa ba?”
***
Hindi ko alam
kung kagagawan iyon ni Steven pero isang araw, nakatanggap ako ng tawag mula kay Enrico. Iniimbita niya akong
mag-dinner. Excited ako kaya kahit may
conflict sa schedule, pumunta ako.
Sa restaurant
iyon ng isang five-star hotel. Nakangiti siya nang dumating ako. Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Umorder siya
ng masasarap na pagkain at habang kumakain, napansin ko ang kakaiba niyang
titig na halos hindi lumalayo sa akin.
“Na-miss kita,”
ang sabi niya, maya-maya pa, nang tila ay hindi na makatiis.
Napatingin
ako sa kanya. Masaya ako sa aking narinig subalit hindi ako makapagsalita.
“Lagi kitang
naiisip,” ang sabi niya pa. “Mula nang magkakilala tayo sa Boracay, hindi na
kita nalimutan.”
Hindi ko iyon
inaasahan. Kung gayon, mutual ang aming nararamdaman. Hindi lang ako sigurado
kung katulad ng sa akin, pag-ibig ba iyon o libog lang.
“Are you in a
relationship?” ang kanyang tanong.
“No,” ang
maiksi kong sagot.
Napangiti
siya. “Good.”
Akala ko doon
iikot ang aming conversation subalit napunta iyon sa ibang topic. Mostly ay
tungkol sa higit na pakikipagkilala niya sa akin.
Pulos kasinungalingan
ang naging sagot ko sa kanyang mga tanong. Hindi ko nagawang magpakatotoo. Natatakot
ako na baka kung ano ang kanyang isipin. Ayokong mawalan siya ng interest.
Uminom kami
after dessert. Habang nalalasing, mas nakatiyak ako sa aking damdamin. Siya na
nga ang hinahanap ko. Siya na nga ang magpapaligaya sa akin.
Kaya nang magyaya
siya “upstairs”, sa isang silid na kanyang ipina-reserve, hindi na ako
nagdalawang-isip.
Nagniig kami.
And it was better than the first.
Naidlip ako
pagkaraan ng matatamis na sandali.
Nagising ako
sa kanyang mga yakap at halik.
Maulap man
ang aking isip dahil sa pagod at antok, malinaw kong narinig ang kanyang
sinabi.
“I love you. Will
you be my boyfriend?”
***
Iyon na ang
pinakamasayang kabanata ng aking buhay. Ano pa nga ba ang aking mahihiling?
Binabagabag
man ng aking lihim, hindi niyon mapagdidilim ang kaligayahang dulot sa akin ni
Enrico.
He was every
inch the perfect boyfriend. Maalaga, maalalahanin, mapagmahal. Ginagawa niya
ang lahat para sa akin.
Isa lang ang
kanyang sinasabi lagi: “Huwag mo lang akong lolokohin.”
At dahil
palalim na nga nang palalim ang relasyon namin, dinala niya na ako sa kanyang
circle. Ipinakilala
niya ako sa kanyang mga kaibigan na malugod naman akong tinanggap.
Maliban kay Francis,
ang kanyang best friend, na tila may reservations sa akin.
Nang
ipakilala ako kay Francis, napatitig siya sa akin nang mataman.
“Have we met
before?” ang kanyang tanong.
“No. I don’t
think so,” ang aking tugon.
“Para kasing
pamilyar ka. Parang nakita na kita somewhere.”
“Modelo siya,”
ang singit ni Enrico. “Baka sa magazine mo siya nakita o sa fashion show.”
“Most probably.
But I’m not sure.”
“Oh well,
does it matter? Now that you’ve met him, isn’t he gorgeous?”
“Oh yes, of
course. Very.” Ngumiti sa akin si Francis pero nahalata ko na parang hindi
siya sincere.
Ngumiti na rin
ako bilang pagpapakadisente. Pero ewan ko kung bakit later on, nang mahuli ko
siyang nakatingin sa akin, kinabahan ako.
***
Paglabas ko ng school (yes, working student ako), namataan ko sa tapat ng gate ang kotse at driver ni
Enrico. Pinasusundo raw ako. Pinapupunta sa condo. Hindi iyon araw ng pagkikita namin kaya naisip ko, marahil nami-miss niya lang ako.
Subalit seryoso at walang kangiti-ngiti ang mukha ni Enrico nang pagbuksan niya ako ng pinto. Yumakap ako sa kanya at humalik
pero malamig siya sa akin at agad na kumalas.
Nagtaka ako. “Something
wrong?”
Hindi siya
sumagot. Sa halip ay naglakad patungo sa kanyang office. Sumunod ako.
Sa ibabaw ng mesa,
nakita kong nakabukas ang kanyang laptop.
May pinindot
siya sa keyboard. At ilang sandali pa, napuno na ng nakagugulat na imahe ang
screen.
Doon na ako
nanlumo.
At nanlamig.
***
Nagdilim ang
paligid. Nag-anasan sa excitement ang mga manonood.
Pumailanlang
ang isang nakakikiliting tugtog.
Mula sa likod
ng tabing na kung saan nakasaad ang “Big Night”, lumabas ako at pumagitna sa
entablado. Tumutok sa akin ang spotlight.
Nalantad ang
kahubdan ko. Isang makipot at manipis na underwear lang ang suot ko.
Napasinghap ang
mga manonood, napapalakpak. Nagsindi ang camera ng mga cellphone.
Ako ang star dancer ng club na ito at muli, patutunayan ko iyon.
Ako ang star dancer ng club na ito at muli, patutunayan ko iyon.
Nagsimula
akong umindayog. Mapang-akit, mapanukso. Kumiwal-kiwal ako, kumadyot-kadyot.
Broken-hearted
or not, the show must go on.
8 comments:
as usual, may kurot sa puso. na-miss ko tuloy ang ibang mong series, idol.
sana naman may karugtong pa
@aboutambot: don't worry, my friend. anytime soon, magpapatuloy na uli ang mga series. :)
@rygel: why not? promise, kapag naging malikot uli ang utak ko para sa isang posibleng pagpapatuloy hehe! thanks, rygel. :)
whoa, emotionally drooling! kakawindang!
@tim smithson: hehe! thanks for dropping by. :)
Aw sayang naman...
Ano kaya mangyayari tatatanggapin kaya siya ni boyfriend kahit nalaman ang totoo?
The hopeless romantic in me is in tears.
Kampai!
@mac callister: minahal siya ayon sa kung ano ang kanyang naging pakilala. ngayong nabunyag na ang totoong siya, maaaring maunawaan at tanggapin siya kung tunay nga ang pagmamahal sa kanya. :)
@m2mtripper: aww! pasensya na kung naluha ka. salamat sa walang sawang pagsubaybay. :)
Post a Comment