Bakit nga ba?
Unang-una na, well, dahil hugis-mushroom ang kanyang
alam-mo-na.
Pangalawa, dahil paborito ko ang mushroom. At sa
lahat ng aking mga nakasiping, pinakapaborito ko siya.
Ang mushroom kasi, kahit walang sahog, igisa mo lang
sa butter o oyster sauce, masarap na.
Parang siya, hindi na kailangan ang kung anu-anong panimpla. Masarap siya sa kama lalo na kung sex lang talaga.
At pangatlo, katulad ng kabute, pasulput-sulpot din
siya.
Darating siya sa taglamig at ako ay aaliwin.
Subalit sa tag-init – kapag masidhi na ang damdamin at hindi na lang ang
mushroom niya ang madalas kong sakalin – bibitiw
siya at aalis.
Ayaw niya raw kasi ng pag-ibig.
Sisibol siya sa piling ng iba pero muli ring magbabalik. Hinahanap-hanap niya raw kasi ang aking pansin.
Kung mushroom siya sa lata, “Narcissus” ang tatak niya.
Kung mushroom siya sa lata, “Narcissus” ang tatak niya.
Hinahanap-hanap din siya ng aking panlasa.
11 comments:
Ang ganda. Iilan pa alng ang nabasa ko sa yong mga akda pero masasabi kong ito na ang pinakamaganda.
Aris!
Ang saya. mushroom here, mushroom there, mushroom everywhere.
Al Funghi sounds more palatable? or not.
@gaston francisco: thanks, gaston. buti na lang, hindi ka nabastusan. hehehe! :)
@bien: hello, friend. hindi ba mahalay? hahaha! :)
ang mushroom, bow! :)
@aboutambot: hahaha! :) happy valentines sa'yo. :)
Malamang malaki ulo? Charrr
Nako basta wag ka mainlab sa knya ok lang yan hehehe
@mac callister: friend, ang bastos mo. choz! hahaha! don't worry, natuto na ako. hehe! :)
I love mushrooms! lol
@knoxxy: pareho tayo. haha!
uy, welcome back. :)
hindi pa rin kita nkikita.
@chuckito: maybe one of these days. :)
Post a Comment