“Sino’ng kasama mo?” ang tanong mo.
“Barkada,” ang sagot ko. “Ikaw?”
“Ako lang mag-isa.”
“Hindi mo siya kasama?”
“Hindi.”
“Kayo pa rin ba?”
“Oo.”
I was hoping otherwise. Masakit malaman na hanggang ngayon matatag pa rin ang inyong relasyon. Who would ever think na mas tatagal pa kayo kaysa sa atin gayong on the rebound ka lang noon?
“Ikaw? Kayo pa rin ba?”
“Hindi na.”
Tumingin ka sa akin pero hindi ka na nagsalita.
Tahimik nating ipinagpatuloy ang paglalakad. Nagpapakiramdaman, nag-iisip. Tila inaapuhap ang susunod na sasabihin. May pag-aalinlangan kung kailangan bang muling balikan ang nakaraan.
Subalit pagsapit natin sa batuhan, hindi iyon naiwasan. Napakapamilyar ng lugar na iyon upang balewalain ang naging kahulugan niyon sa atin.
“Parang kailan lang, dito tayo nagkakilala,” ang iyong sambit habang pinagmamasdan ang kulumpon ng malalaking batong nakausli sa buhangin.
“Two summers ago, to be exact,” ang aking tugon.
Nagkakilala tayo noon sa panahon ng paghahanap. Nang magtagpo tayo sa batuhang iyon, hindi na natin kailangang magsalita. Sapat na ang mga titig upang ipahiwatig ang kagustuhang makipagniig.
One night stand lang iyon dapat. Subalit pagkaraan nating mag-alab, niyaya mo akong uminom. Nag-usap tayo at nagkapalagayang loob. Papasikat na ang araw, hindi pa rin tayo naghihiwalay. Nakaupo tayo sa beach, nag-uusap pa rin. At nang magyakap tayo upang magpaalamanan, alam natin na may magic na naganap. Sa isang hindi inaasahang lugar at pagkakataon, natagpuan natin ang pag-ibig.
***
Dahil hindi ako nakapagbakasyon nitong September, ngayong summer dalawang beses akong magbe-beach.
End of March, naririto ako with friends...
At sa April, dito naman ako magliliwaliw...
Parang hindi na ako makapaghintay. I'm so excited!
6 comments:
hi kuya aries, I changed my url from ladymyx.info to myxilog :) can you relink me? please :D thank you and have a great day!
Myxilog
@lady_myx: surely. basta ikaw. :)
salamat kuya :D
Myxilog
@lady_myx: salamat din. :)
i envy this escapade of yours. and your language in your latest post is kinda a little nakakahawa. but you are the original. dunno how to make it up to your level. viva arriba! wahaha
@ester yaje: napaka-stressful ng buhay ko sa kasalukuyan. kailangang mag-unwind. :)
wow naman, salamat sa papuri at appreciation. dahil diyan, pagbubutihan ko pa para sa susunod, hindi ako mapahiya. hehe! :)
Post a Comment