Friday, March 15, 2013

Say Hello

We decided to hit Malate once again. Ako, si Axel at si Allen.

Parang nakakapanibago kahit hindi naman kami ganoon katagal umabsent. Sarado na ang O at hindi na ganoon ka-crowded ang Orosa-Nakpil.

Nakakapanibago rin na tatatlo na lang kami ngayon. Nag-drift na kasi ang iba naming kabarkada. Kaming tatlo na lang ang nananatiling solid.

Siyempre sa Silya kami nag-meet. Uminom at nagkuwentuhan. Wala namang masyadong balita dahil we’ve always kept in touch through text.

Medyo malainibay na kami when we headed off to Bed, our old haunt. Mag-a-alas dos na nang madaling araw pero konti pa rin ang tao. At sarado ang second floor. Nevertheless, naroroon pa rin ang magandang crowd – mga bagong mukha na nabibilang sa mas nakababatang henerasyon. Ang tingin ko mas pormal sila ngayon, kung hindi man reserved, compared sa amin noon.

Ang gulat naming tatlo nang makita naming naroroon ang ilan sa mga dati naming kabarkada. ‘Yung mga mas nakababata. At may bago na silang mga friends! We said hello, beso-beso, pero naramdaman ko na wala na ang dati naming closeness. Na nagkaroon na kami ng distansiya. Wala naman kaming pinagkasiraan, basta’t kusa na lang kaming nagkahiwa-hiwalay.

We didn’t hang-out with them. Nagtungo kaming tatlo sa bar at kumuha ng drink. Maya-maya, umakyat kami sa third floor upang manigarilyo. Habang naroroon, hindi ko naiwasang mapa-reminisce sa mga panahong buo pa ang barkada namin. Doon din sa lugar na iyon kami madalas mag-ipon-ipon. Laging ang dami namin noon at ang gulo! Nakaka-miss din pero hindi naman ako nalulungkot. Ganoon talaga, lumilipas ang panahon at ang tao ay nagbabago, nagma-mature. Ang dating nakakatuwa ay maaaring kalabisan na ngayon. Hindi na kami mga bata at ang kilos ay dapat iayon sa edad at sa kung ano ang tama.

But the verve is still there. Naroroon pa rin naman ang beat ng aming mga puso na sumasabay sa beat ng music. Naroroon pa rin naman ang kagustuhan naming sumabay sa galaw ng paligid at mawala. Hindi na nga lang kaakibat niyon ang pagpapaka-wild katulad noon. Para kasing hindi na bagay at nakakahiya na.

Pababa na kami nang siya ay makasalubong namin. A boy from the past. Somebody I dated for a while. Sa Bed din kami noon nagkakilala. Pumupunta pa rin pala siya. Well, he's younger. Our eyes met. I saw the recognition there. Pero hindi niya ako pinansin. Nilampasan niya ako na parang hindi kami magkakilala, na parang wala kaming nakaraan. Wala naman kaming pinagkagalitan. Basta’t nahinto na lang ang aming pagkikita. Nag-drift na lang kami nang walang dahilan. Napakibit-balikat na lamang ako. Ganoon talaga, they come and go. These boys and other people in our lives.

We decided to dance. Nagtungo kami sa dancefloor at nagsayaw kami katulad nang dati, although hindi na ganoon kaharot. Kung noon nagwawala kami, ngayon subdued na ang aming mga galaw. Masaya pa rin naman. Although, parang ibang tao na kami.

Then I saw him. Hindi ko alam kung bakit naagaw niya ang aking pansin gayong hindi na siya bagets na karaniwan kong kinagigiliwan noon. He was more of my age. At kagaya namin, subdued din ang kanyang mga galaw, trying to blend in and not to stick out.

At ang kanyang mga mata ay napansin kong nakadako rin sa akin. Matagal kaming nagtitigan from a distance. Hindi maipagkakaila ang mutual attraction. Subalit wala sa aming gumagalaw upang lumapit, upang mag-first move. The best we were able to manage was a shy smile na pasimple pa at ayaw pa-obvious.

Hindi kami nagbabad nang matagal sa dancefloor. Muli kaming bumalik sa bar at kumuha ng bagong drink. At doon sa sidelines, nag-stay kami habang umiinom. Pinagmamasdan ang nagsisimula nang uminit na action sa dancefloor. May mga nagsiakyat na sa ledge at nakipagsayaw sa mga gogo boys. May mga nagsipagtanggal na ng damit at idinisplay ang kanilang katawan. I saw some of our old friends join in, nakipagsayaw na rin sa mga bagets, tila kinakatas ang huling patak ng kanilang mga kabataan. I just felt na parang hindi ko na iyon kayang gawin, na parang hindi ko na mahanap sa aking sarili ang lakas ng loob na bumida at magpapansin. Kuntento na ako sa pagiging audience.

Sinulyapan ko sina Axel at Allen. Nakangiti sila, may ningning sa mga mata habang nanonood. We may have become older pero gorgeous pa rin ang aking bestest friends! Kung bakit nakatayo lang kami sa tabi at hindi nakikipag-compete sa ledge, kailangan pa ba namin iyong gawin hanggang ngayon upang makahanap ng affirmation?

Lahat naman kami ay may boyfriend na. Opps, maliban nga pala sa akin dahil kaka-break ko lang last week. Ang rason nga pala ng pagpunta namin sa Malate ay upang ako ay aliwin. Pero wala namang problema sa akin. Hindi naman ako depressed. Sina Axel at Allen lang naman ang insistent na ako ay libangin. My relationship may have ended but it did me awesome good. Naiba ang perception ko sa sarili at sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa buhay at pag-ibig.

Nag-excuse ako sandali upang mag-restroom. On my way there, nakabangga ko ang isang lalaki. And who would it be but him. Ang lalaking nakaapuhapan ko ng tingin sa dancefloor.

Higit pala siyang guwapo sa malapitan. Matangkad, maputi, makinis.

“Hello,” ang sabi niya sa akin.

Nagkatitigan kami at nagkangitian.

“Hello,” ang sabi ko rin.

Suddenly, I was overwhelmed by an old familiar feeling.

8 comments:

Soul Yaoi said...

:) Goodluck!
Saan na ang magandang GLBT bar and club sa Manila if not BED?

Mac Callister said...

Ito ba ang recent happening sa buhay mo aries? I hope u are ok there :-)

At oo nga iba ka na now dati dati thru ur post alam kong maharot ka nun kapag nasa bar hehehe

rudeboy said...

What does "malainibay" mean?

Also, rumor has it that BED Malate's days are numbered.

And the number is March 25.

Aris said...

@knoxxy: obar in ortigas. thanks. :)

@mac callister: i'm fine. my friend. behave na ako ngayon. hehe! :)

@rudeboy: malainibay = tipsy

ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bed. sinasabi ko na nga ba, isang araw, mangyayari ito dahil pakonti na nang pakonti ang mga nagpupunta. naku, baka tuluyan nang mamatay ang malate.

Anonymous said...

Naku, Sir Aris!

Single ka na pala. Hugs hugs hugs.

Sila rin ba ang kasama mo noong signing?

We miss you. MS on the 31st. :)

Rovi Yuno. :)

Aris said...

@rovi yuno: yup, sila yun. i miss you too. thanks, rovi. :)

The Golden Man from Manila said...

It is true. Old friends may drift way. Find other path and groups. Friendships become acquaintances na lang. How ironic ! That sometimes I would like to believe that friendships today is superficial. But then, there is no one to blame as we have our own cycle and we just follow them.

I miss my old friends of yonder days, the happiness was incomparable. But then, we drift. we bide. and hopefully at the end - we will still be friends.

I have stopped going to Bed, I miss Tata , and Tony but I am uncomfortable going there. At 52, I would like to act my age. I prefer to be a homebody, read , watch TV, do the garden, or just stare the whole day on Sundays without doing anything. Good thing, my Saturdays are reserved for school as I hie off to Letran Abucay to educate the young people of Bataan ! hahahaa

Anyway - siguro nga that;s life. We mellow until we find equilibrium. And if we have achieved whatever was our objective, then I set another, hoping to find meaning again in life.

Aris said...

@the golden man from manila: minsan nararamdaman ko na rin iyong parang hindi na ako nababagay sa aking kinaroroonan, na parang lipas na ang aking panahon at kailangan ko nang bumitiw at hanapin ang lugar na kung saan ako ay muling magiging masaya. tama ka, sabay sa pagkawala ng dating mga kaibigan ay ang paglalaho rin ng mga bagay na may kinalaman sa ating kabataan. subalit kaakibat niyon ang pagkatuklas at pagkatuto sa higit na magbibigay kahulugan sa ating buhay. :)