Monday, June 30, 2014

Another Sad Love Song


Patay-sindi ang mga ilaw at bumabayo ang dance music nang makita ko siyang nakatayo sa isang sulok ng club. Lango ako sa Strong Ice at Red Horse kaya pilit ko pa siyang inaninag at kinilala bago nilapitan.

Napangiti siya pagkakita sa akin. Ngumiti rin ako at kaagad ko siyang niyakap. Yumakap din siya sa akin. Binati ko siya at hinalikan sa pisngi.

Nag-usap kami sandali. At dahil masyadong malapit ang mukha namin sa isa’t isa, nagtagpo ang aming mga labi. Humigpit ang yakap niya sa akin.

Habang naghahalikan kami, balisa ang aking isip dahil sa kabila ng aking pagkalasing, very much aware ako na mali ang ginagawa namin.

Saklot man ng pagnanasa, pilit akong kumawala sa kanyang mga bisig.

Nagmamadali akong lumayo sa boyfriend ng aking kaibigan.

***

Umakyat ako sa ledge at sumayaw sa “
Beautiful Nightmare”. I was feeling heady pero nagawa ko pa ring lumandi. Kung kani-kanino ako nakipaghalikan. At hindi katulad kanina, wala akong guilt na naramdaman.

Nakipaglaro ako. Subalit kinalaunan, pakiramdam ko, ako na ang pinaglalaruan. Overpowering na ang mga kahalikan ko at parang hindi na ako makahinga. Bumitiw ako at kaagad na bumaba.

Hinanap ko ang aking mga kaibigan subalit hindi ko sila makita.

Hazy ang kamalayan ko nang mga sandaling iyon. I was drunk and exhausted. Parang umiikot ang aking paningin. I steadied myself. Sumandal ako at pumikit.

***

May kamay na gumagap sa aking pisngi habang nakapikit ako.

Dumilat ako. Isang pamilyar na mukha ang tumambad sa akin.

Si Arthur. Ex ko.

Niyakap niya ako. I was feeling lost and his embrace was very comforting. Yumakap din ako sa kanya.

“Are you alright?” ang tanong niya.

Hindi ako sumagot subalit humigpit ang yakap ko sa kanya.

“I’ll get you some water,” ang sabi niya. Bumitiw siya sa akin at umalis. Kaagad din siyang bumalik with a bottle of mineral water.

Ininom ko ang tubig and I felt better. I smiled at him gratefully.

“Kumusta ka na?” ang tanong niya.

“Nothing has changed much. Katulad pa rin ng dati,” ang sagot ko.

“Masyado ka na namang wild. Kanina pa kita pinagmamasdan.”

“Hindi naman ako laging ganito. Ngayon lang.”

“You shouldn’t be that way.”

“Bakit, wala naman akong boyfriend. So walang masama, di ba?”

“Paano ka magkaka-boyfriend kung ganyan ka. You give people the wrong impression.”

Ouch, pinagalitan ako.

“Alam mo naman na hindi ako bad gurl, di ba?”

“Alam ko. Pero ang tingin sa’yo ng iba, bad ka dahil sa pinaggagagawa mo.”

Tumahimik ako.

“Ok ka lang?” ang tanong niya.

“I am fine,” ang sagot ko.

“Halika, magsayaw tayo.”

Habang nagsasayaw, hindi ko napigilang halikan siya sa lips. Tumugon siya at matagal bago nagbitiw ang aming mga labi.

Hinila niya ako sa isang sulok at doon, ipinagpatuloy namin ang paghahalikan.

Dama ko ang pananabik namin sa isa’t isa. Dama ko na naroroon pa rin ang damdamin ko para sa kanya.

Muli kaming nag-usap.

“Anong nangyari sa atin? Bakit bigla na lang tayong naghiwalay?” ang tanong ko.

“Hindi ko alam.”

“We just stopped communicating. No one bothered to ask why.”

“I guess it was pride.”

“But we loved each other, didn’t we?” ang tanong ko na tila naghahanap ng assurance.

“Yeah, I think so.”

Pause.

“Mabuti na lang we remained friends,” ang sabi ko pagkaraan.

“Wala naman tayong pinag-awayan. Basta nag-drift lang tayo.”

“Maybe we should give it another chance...”

Tumingin siya sa akin. May lungkot akong nakita sa kanyang mga mata.

“I think it’s too late for that,” ang sabi niya.

“Why?”

“Kasi, paalis na ako. And I will be away for a while.”

Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

“Mabuti na lang, nagkita tayo ngayong gabi,” ang sabi niya. “I can formally say goodbye.”

“Goodbye?”

“I am leaving this Wednesday.”

“Saan ka pupunta?”

“Sa Saudi. Doon na ako magtatrabaho. Nag-resign na ako sa bangko.”

Natigilan ako.

“Three years ang kontrata ko. Medyo matagal.”

“Bakit ka aalis?”

“I don’t know. Siguro may hinahanap ako. O tinatakasan.”

I stared at him. Hindi ko alam kung ano pa ang aking sasabihin. May lump akong naramdaman sa aking lalamunan.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at muli niya akong hinalikan. Pumikit na lamang ako habang parang ginugutay ang aking kalooban sa halik ng kanyang pamamaalam.

***

Muli akong umakyat sa ledge. Nagsayaw ako at nakipaglandian. Nagpalipat-lipat ang aking mga labi sa kung sinu-sino.

Patay-sindi ang mga ilaw at oblivious ang lahat sa aking lungkot at pagkukunwari habang umiindak at nagpapaka-wild.

Masaya ang tugtog but all I could hear was just another sad love song playing.


===

A repost. Originally published in 2009.

9 comments:

Unknown said...

I love your stories. Actually this and yung Hangganan pa lang ang nababasa ko. Babasahin ko lahat ng posts mo. Naiiklian lang ako sa kanila. Mas gusto ko sana yung mas mahaba para mas na-flesh out sana yung characters, yung parang mas makikilala ko sila and not just rely on flashbacks. Yun lang, so I guess size does matter. Hahahahaha.

Unknown said...

I forgot pala to say dun sa una kong comment na, yung last part ng story mo reminded me of the ending nung final episode ng Queer As Folk, yung nagsasayaw mag-isa sa dancefloor si Brian Kinney.

Aris said...

@elmer dela cena: hello elmer. happy to know na nagustuhan mo ang stories ko. salamat sa iyong interes na basahin ang iba ko pang mga kuwento. hayaan mo, baka yung mga padating ay mas mahaba-haba na.

apir tayo sa QAF. i so love it too! :)

Unknown said...

I downloaded yung Best Man eBook at magaling ka, Aris. Believable ang characters kasi natural yung dialogues. Mas gusto ko sana na mas mahaba yung story pero hindi para mas maintindihan ang kwento o ang mga characters kundi mas gusto ko na mas maraming beses mo ma-ookray yung si Girl Bitch. Hahahaha. Pero ayoko nung ending. Mas gusto ko na napanindigan yung tough facade nung main character at sa bahay na lang sana sya umiyak. Parang marami akong reklamo no? Hindi bale, cute ka naman. Hahahahaha. Delete mo na lang tong comment if you find it too juvenile for you. Hahahaha.

Anonymous said...

“Anong nangyari sa atin? Bakit bigla na lang tayong naghiwalay?”  haha my nalala ako dito s lines n toh :)
macky boy*.*

Lysa said...

Hi, its my first time sa blog mo. and wow. Nakakalungkot ang story >.< well, medyo nakarelate ako. lol. Muling nagkita tapos akala ko *its a start of something new* kaso di pala </3 Masyado kasi akong imaginative lol.

Aris said...

@elmer dela cena: ba't ko naman ide-delete? nakakatuwa nga eh. haha! salamat sa appreciation mo sa best man. sana lang magawa ko uling makapaglabas ng bagong ebook. kapag di na masyadong busy. :)

Aris said...

@macky boy: hmm... ikuwento mo naman sa amin. hehe! :)

Aris said...

@lysa: hello lysa. welcome to my blog and thank you for the visit. sana ma-enjoy mo pa ang iba kong mga kuwento. kahit medyo malungkot kagaya nito ang karamihan sa kanila. :)