Muli akong nagtungo sa may barandilya at dumungaw sa ibaba. Malamig ang hangin na bahagyang pumayapa sa damdaming hindi ko maipaliwanag – nasa gitna ako ng kasiyahan subalit may lungkot na namamayani sa aking kalooban.
Magkasalit ang ginawa kong paghithit sa sigarilyo at pagtungga sa beer. Pilit kong kinaklaro ang aking isip dahil apektado pa rin ako ng muli naming pagkikita ni Johann kanina.
Valentines na naman at muli, single ako. I refuse to feel sorry for myself kaya pilit kong binubura iyon sa aking isip. Hopefully next year, things will be different.
I was in deep thought nang mula sa aking likuran ay marinig ko ang kanyang tinig.
“Aris...”
Pumihit ako at naroroon siya, nakatayo, nakatingin sa akin.
“Johann…” ang sambit ko.
Saglit kaming nagkatitigan.
“Kumusta ka na?” ang tanong niya.
“Mabuti,” ang sagot ko. “Ikaw?”
“Mabuti rin.”
Pinagmasdan ko siya. He looked taller dahil pumayat siya. Nagkalaman din ang dibdib niya. Siguro nagdyi-gym na siya. I wondered kung ano na kaya ang pakiramdam sakaling mabibilanggo akong muli sa kanyang mga bisig.
Nakamasid din siya sa akin at naroroon sa kanyang mukha ang tender expression na pamilyar sa akin dahil nakita ko na iyon nang una niya akong sinabihan ng “I love you”. Tila higit na pinatingkad ng ekspresyong iyon ang kanyang kaguwapuhan na naghatid ng magkahalong kirot at pananabik sa akin.
It took me awhile bago ko naisatinig ang tanong na matagal ko ring kinimkim mula nang mawala siya sa akin.
“What happened to us?”
“I… I don’t know…”
“Hindi ko inakala na sa unang pagsubok, bibigay tayo.”
“Naguluhan lang ako.”
“Saan?”
“Sa’yo. Sa akin. Sa biglaang naging relasyon natin.”
“Ano ang naging magulo roon? Dahil nag-away tayo? Parte yun ng pakikipagrelasyon.”
“Nagkaroon ako ng mga tanong... ng confusion. Hanggang hindi ko na alam kung paano i-handle.”
“We could have at least talked about it.”
“I know. But it took me some time bago ko naintindihan. And it was already too late.”
“Naghintay ako. At kahit natanggap ko na, hindi ako nawalan ng pag-asa.”
“As I’ve said, huli na ang lahat.”
“Why, because you realized that you don’t love me anymore?”
“No, because I realized that I was still in love with you but I have already lost you.”
“Iyon ba ang naisip mo?”
“Oo. Kaya tuluyan na akong lumayo at hinanap na lamang kita sa katauhan ng iba.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“May bago na akong boyfriend. Parang kagaya mo rin siya kaya hindi naging mahirap sa akin na siya ay mahalin.”
Ang lalaking kayakap niya kanina. Natahimik ako habang dinadama ang masidhing kirot sa aking puso. Sana hindi niya iyon nakita sa aking mga mata.
“Aris, have I really lost you?”
“Johann, it was I who have lost you. But let’s not talk about that anymore dahil sabi mo nga, huli na ang lahat.”
“I’m sorry… for the pain I’ve caused you.”
“I’m sorry, too.”
“I hope we can still be friends.”
“Sure.”
Suddenly, there was nothing more to say.
“I have to go,” ang sabi niya. “Hinihintay na niya ako.”
“Sige.”
Tumalikod na siya subalit muling humarap sa akin.
“Aris…”
“Yes?”
“By the way, happy valentines.”
“Oh yes, happy valentines.”
Iyon ang naging closure namin.
===
Excerpt from Closure posted in 2011.
4 comments:
Kung sa akin lang niya sinabi yan, tangina mo! I-"Happy Valentines" mo yang pagmumukha mong mukhang paa! Mang-aagaw! Single siya, tapos babati siya ng ganoon sa kanya??? Oh, c'mon!
Wala lang. Nainis lang. Happy Valentines sa lahat! Ahahaha!!!
@jay calicdan: ang puso. haha! :)
Ang sarap sarap ;)
@simon: alin? siya? ay oo, masarap talaga. sayang nga. charot! haha!
Post a Comment