Friday, February 27, 2015

Giit

Sa una’y masakit,
Para akong pinupunit
Sa iyong pagpupumilit.

Subalit kinalaunan,
Para na akong nahihibang
Sa iyong pagduruyan.

At ika’y naglabas-masok;
Nag-agaw ang ginhawa’t kirot
Hanggang sa maabot ang rurok.

Niyakap mo ako nang mahigpit;
Pag-ibig ay sinambit-sambit
Sabay sa muling paggiit.

4 comments:

AnonymousBeki said...

Parang nakararamdam ako ng "init". Ang lakas ng imagination ko!

Anonymous said...

Sa konting salita, gumana nang husto ang imahinasyon ko! Hehehe! :)

Anonymous said...

hot!!! nice. :))

Jay Calicdan said...

Nagbabaga ang mga sandali sa pag-iisa ng dalawang katawang sabik sa laman ng isa't isa.

My gosh! Ang init! Hooo...