Monday, August 17, 2015

Ghost Town


Ang kalye ng masisiglang yapak ay naging malamig na at malubak. Nagdilim na ang mga ilaw-dagitab at kung may natitira pang ningas, aandap-andap na at kukurap-kurap. Ang musika sa bulwagan ng mga indak at halakhak ay inumid na ng kawalan ng paglingap. Naglaho na ang pag-asa, ang mga pangarap at pagbabaka-sakali sa walang katiyakang paghahanap.

Sa lamay ng dati kong kanlungan, sinupil ko ang dalamhati habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan at nagpapakalunod sa serbesang maligamgam.

4 comments:

Jay Calicdan said...

hAng lhungkhooohhhttt...

Anonymous said...

i didn't most of the words and phrases. However, i felt the loneliness on it. Good job!!

Aris said...

@jay calicdan: korek. ang dating masiglang lugar, ngayon ay wala nang kabuhay-buhay. :(

Aris said...

@anonymous: thank you. sana huwag kang magsawa sa pagbisita sa blog ko. :)