Monday, August 31, 2015

Tag-Lagas


Naninigid ang lamig, tumatagos maging sa kanyang jacket. Tinatanaw niya ang tila maulap na lawa habang nakaupo sa bench. Tangay ng hangin ang mga dahon ng Maple na bumitiw na sa sanga.

Kanina niya lang nalaman. Pumanaw na si D. Si D na iniwan niya upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Si D na babalikan niya sana. Heart attack, ayon sa balita, na marahil ang sanhi ay ang sama ng loob na idinulot niya.  

Sa pag-ihip ng hangin, nanigid sa kanya ang lungkot. Sa pagpatak ng mahinang ambon ay pumatak din ang kanyang mga luha. Huli na ang pagsisisi. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Hindi na maitutuwid ang mga pagkakamali. 

Sa panahon ng tag-lagas ay dinudurog siya ng matinding pangungulila. Marupok na ang kanyang kapit. Nais niyang mag-hold on subalit hindi na niya magawa. Bibitiw na rin siya sa pagsapit ng tag-lamig. 

6 comments:

Jay Calicdan said...

Aray, ang sakit naman niyan. Ay nako, marami na akong experience sa ganyan. Yung iba, nakakagago pero sobrang sakit talaga. Buhay nga naman, parang life!

Anonymous said...

inamag napo ang plantation? asan na po ang kasunod? o baka wala ng aabangan

alvin

Jay Calicdan said...

Ahahaha!!! Aris, pasensya na kung hindi ako makapagpigil ngayon ha. Medyo di ko yata kinaya yung "Ulam" ah. Masarap kaya? Ahahaha!!!

Aris said...

@jay calicdan: masakit talaga yung mare-realize mo kung gaano kahalaga sa'yo ang isang tao kapag huli na ang lahat at wala na siya.

Aris said...

@alvin: i know. nasa back burner muna. pero itutuloy ko pa rin yan. thank you for wanting to read more of it. :)

Aris said...

@jay calicdan: i guarantee, masarap ang "ulam". haha!