Thursday, February 25, 2016

Huwag


Huwag mo na sana akong paasahin pa kung hindi na maaaring muli ay maging tayong dalawa. Mahirap na parang pinaglalaruan mo pa rin ang pagmamahal ko na alam mong hindi nawala.
 
Huwag mo na akong kumustahin sa text na kapag sinagot ko ng pangungumusta rin, ika’y biglang tatahimik. Huwag mo nang sabihing nami-miss mo ako kung ang paghahayag ko rin ng pagka-miss sa’yo’y babalewalain mo lang din.

Huwag mo nang sabihing mahal mo pa rin ako, dahil alam mong hindi ako makakapagpigil at muling bubuhos hindi lang ang aking damdamin kundi pati ang idinulot mong sakit na hanggang ngayo’y pilit kong sinisikil.

Hayaan mo na akong magkaroon ng pagkakataong ika’y malimot dahil sabi mo nga, mayroon ka nang iba at ika’y masaya. Para saan pa at patuloy ang iyong panggagambala?  

5 comments:

Mugen said...

Maligayang pagbabalik, Aris.

Aris said...

@mugen: salamat, mugen. nakita ko kasing nagbalik ka na kaya nagbalik na rin ako. sana magbalik na rin sila. :)

Jay Calicdan said...

Medyo naka-relate ako sa ilang parts ah pero,
Kuya Aris! I really really miss you so much! Linggu-lingguhan akong naghihintay sa iyo and thank you dahil nandito ka na ulit!

Aris said...

@jay calicdan: i miss you too, jay. may mga pinagdaanan lang ako kaya nawala sandali. hindi ako aalis. i'm here to stay. :)

tadong daniel said...

Napadalaw ako sa blogsphere. Gaya mo, may dinaramdam din. Hahaha.

Welcome back. :)