Wednesday, October 5, 2016

Reklamo

Muli kong narinig ang ating kanta mula sa mga nagvivideokeng lasing. Sa kabila ng sintunadong tono,  naramdaman ko ang kirot ng bawat salita. Sa lalim ng gabi, muli akong dinalaw ng iyong mga alaala. Muling binagabag ng pagsintang inakalang hindi magtatapos sa kabila ng mga pagsubok. Nagpabiling-biling ako sa higaan, pilit na isinasara hindi lamang ang tenga kundi pati ang puso, isip at pandama.

Tumawag ako sa Barangay at inireklamo ang maingay na kapitbahay.

2 comments:

Jay Calicdan said...

Ahahaha!!! Kagago, ayan kasi eh! Hahaha

Arvin U. de la Peña said...

anong kanta...Kumusta na..salamat sa pagiging bahagi sa walong taon ng blog ko..thank you....isa ka sa pinapasalamatan ko....

Happy 8 years......