Wednesday, October 19, 2016

Social Climber

Sa nakikita ko, okay ka naman. Sosyal na sosyal pa nga eh dahil diyan sa kaibigan mong de-kotse na hatid-sundo ka kapag may gimik. At hindi sa kung saan-saan lang. Doon talaga sa mga sosyal na lugar. I wonder kung sino ang nagbabayad sa mga inoorder nyo. Nakikita ko sa FB mo na, aba, hindi na lang bote ng Tanduay Ice ang hawak mo ngayon kundi baso ng Jack Daniels na. Ang impluwensiya nga naman ng mayaman mong kaibigan. Maitanong ko lang: siya ba ang nagbabayad sa mga iniinom nyo? Dahil kung ikaw, wow, ang laking kabawasan niyan sa kinikita mo, na imbes ipunin mo na, ginagasta mo lang sa alak. At alam ko na bote-bote ang usapan diyan, hindi baso-baso lang. Kaya kumusta naman, hindi ka ba kinakapos sa pera? Napapansin ko kasi, maingay ka lang kapag bagong suweldo. Post dito, post doon ng mga sosyal na lakad nyo. Kapag mga alanganing araw, wala, tahimik ka. Dahil ba sa wala nang budget? Dahil ba sa naubos na sa isang gabi ang pinaghirapan mo sa loob ng 15 days? ‘Yan ang sinasabi na iayon sa payslip ang pagpapasosyal. In your case, wala, ubos-ubos biyaya. Yung friend mo, rich yun. E ikaw? Hindi naman sa pangmamaliit, pero hindi ka mayaman. Imbes na magbigay ka sa mga magulang mo ng pambayad sa ilaw at tubig, inuubos mo ang sweldo mo para lang maka-keep up sa lifestyle ng kaibigan mo.

At siyanga pala, bago ka magpakasosyal nang husto, bayaran mo muna yung matagal mo nang utang sa akin. One five lang yun. Kasing-presyo lang ng isang bote ng mamahaling alak na afford na afford mo.

4 comments:

Jay Calicdan said...

Ahahaha!!! Hala, lagot!

Arvin U. de la Peña said...

ang mga tao na kahit konti lang ang suweldo o kahit malaki pa at kung may sahod na ay sa mga gimik muna pupunta ay may pagka sosyal nga ang mga iyon.....marami ang ganun kasi ang nasa isip nila may trabaho pa at may darating pang pera...pero para sa akin din mayayabang sila..

Blithe said...

I sure a lot of people can relate. Sadly I am like that sometimes :-)

Blithe said...

I'm sure a lot of people can relate. Sadly I am like that sometimes :-)