December 28, 2015
Ano, ganito na lang ba tayo?
Wala talagang balak mag-reply?
I have nothing to say.
So ganito na lang tayo?
Ikaw ang may gustong patagalin ito, di ba?
E di kasalanan ko pala lahat?
Kung sa palagay mo ako ang may kasalanan, then so be it.
So ganito na tayo? Hindi na natin aayusin? Dumaan ang Pasko, magkagalit tayo.
Binati kita. Di ka nag-reply.
Wala akong natanggap.
Tinext kita.
Wala nga akong natatanggap.
So ganito na lang tayo? Hindi na natin aayusin? Palalagpasin natin ang bagong taon na di tayo nagkakaayos.
Ano ba kasing nagawa ko sa'yo for you to treat me like shit?
Silent treatment lang, shit na kaagad?
I'm at the barber's now. Later.
***
Siguro naman tapos ka nang magpagupit by this time...
Nasa mall ako with my pamangkins. May pasok ka, di ba?
Bad timing huh?
Pauwi na. Will text you when I get home.
***
Home na. Dinner lang with family. Anong oras pasok mo?
Office na ako.
Ano, kumusta ka?
Okay naman. Ikaw?
Nasa probinsya ako ngayon. Having a quiet stress-free vacation.
Kumusta na kayo ng coach mo? Sa kanya ka na naman ba natulog?
Sa kanya na ako nakatira. Satisfied?
Ito pa rin ba ang issue natin?
Okay, that explains it. Umamin ka rin sa relasyon n'yo.
Kaya pala ganon ganon na lang kung awayin mo ako.
Ano pang pag-uusapan natin eh live-in na pala kayo.
Patola ka rin ano? Gosh!
Ang bilis mong maniwala.
Ang hinihingi ko sa'yo, magpaliwanag ka nang maayos. Hindi yung inaaway mo ako kapag nakakanti ko yang coach mo.
Lagi na lang kasi yun yung issue eh. Kahit wala naman dapat pagtalunan, lagi mo syang bino-brought up.
Kung mas importante sya sayo, kanyang-kanya ka na. I wish you happiness.
Hindi kasi baleng masaktan ako, maipagtanggol mo lang sya.
Hindi naman kasi sya dapat pagtalunan eh.
Bakit kapag nagtatanong ako, hindi ka makasagot nang maayos. Umiiwas ka to the point na aawayin mo na lang ako kesa mag-explain. So anong maiisip ko?
At saka bakit lagi kang nakikitulog sa bahay nya? Ano bang ginagawa nyo?
Alam mong hindi okay sa akin na nakikitulog ka dun, sige ka pa rin.
At kapag natutulog ka sa bahay nya, itinatago mo sa akin. So ano ang maiisip ko?
Ano ba gusto mong malaman tungkol sa coach ko? Una, wala kaming relasyon. Pangalawa, dun kami madalas tumambay at matulog sa bahay nya kasi wala kaming ibang tambayan. At wala kaming ibang ginagawa. Satisfied?
Kaya nga. Kung saan ka masaya eh di doon ka. Nakakagulo lang ako senyo.
Alam mo napaka-petty nitong pinagtatalunan natin eh. Maliit na bagay, pinalalaki.
Ayoko na kasing maging doormat. You've been treating me like one.
Grabe ka naman.
Parang sabit lang ako sa buhay mo eh. I'm not even in your priorities. I have to beg for your time and attention. Parang libangan mo lang kapag wala kayong lakad.
Hindi mo ba naisip na napakalayo mo? Na napakalayo ng bahay mo? Ako nang ako ang pumupunta sayo. Bakit hindi ako naman ang puntahan mo?
Bukas na lang uli tayo mag-usap. Pagod na kasi ako at nasa trabaho ka na. Baka mapagalitan ka pa.
December 29, 2015
I can't believe we're still arguing about this.
May pag-asa pa bang maayos ito?
We can try. We can give ourselves one last chance.
Gusto mo pa ba?
Pauwi pa lang ako.
***
Anong nangyari sa atin? Bakit tayo nagkaganito?
Hindi kasi tayo nag-uusap.
Wala kasi tayong
bonding. Ilang ulit na kitang niyayang mag-dinner sa labas, manood ng sine,
ayaw mo.
Mas gusto mong kasama
ang mga kaibigan mo kesa sa akin. Mas gusto mong gumala kasama sila kahit di ka
matulog at di makapasok sa trabaho.
Before I sleep, I think about you. Gumigising pa ako in the middle of the night to check kung may message ka. When I wake up, you're the first thing I think about. And when I'm working, ikaw ang inspirasyon ko. Kaya kung nasa party ka o nasa team building o nasa Baler na hindi nagtetext, ano sa palagay mo ang nararamdaman ko? The moment na kasama mo ang mga kaibigan mo, nalilimutan mo ako. I feel unimportant, insignificant and taken for granted in your life.
Maybe I wasn't a good boyfriend after all. I'm sorry, I really am sorry. Maybe I don't deserve all the love that you can give. Sorry. Sorry for all the heartaches that I've caused you.
Nung nag-Baler ka, di ka nagpaalam sa akin. Basta lumarga ka. No text whatsoever. Nung nandoon ka na, saka ka nagtext: "Baler na ako." Then nothing. Kaya ako nag-Obar dahil masama ang loob ko sa'yo. Dahil kasama mo mga kaibigan mo, wala ka na namang pakialam sa akin.
Sorry. Yun lang masasabi ko. It's hard growing up with only a few friends. Kaya siguro nung dumami sila, mas napahalagahan ko sila. Even to the point na nakakalimutan kita. And am sorry. Maybe ako talaga ang may problema. Ako itong maarte, immature.
Hindi mo ako iniisip at ang mararamdaman ko. Pati sa mga tweet mo, nakakasakit ka. Okay, bumibida ka sa mga followers mo but at my expense? Alam mo kung anong tweet ang tinutukoy ko. You posted it nung time na may away din tayo. It was very wrong to do that at that particular time. Aaminin ko, hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang tweet na yun.
Anong tweet?
"When I found love in someone else's arms."
Pagbali-baliktarin ko man I can't seem to shake off its implication.
Ah. Can I really be honest with you? Yes, tama ka. I've slept with my ex-GF that day.
Just what I thought.
I'm sorry. I know you're really mad at me right now.
Ex-GF or ex-BF?
Ex-GF.
It still hurts, you know...
Lahat ng sinabi ko sa'yo nung kinumpronta mo ako is true. She said that she still loves me and wants me back. It's just that I didn't tell you that we slept together.
I'm sorry. I really am.
Anong nangyari sa atin? Bakit tayo nagkaganito? I think we have the answers.
Yeah. Ako rin pala makakasagot sa mga tanong ko.
For what it's worth, I am sorry. I am really sorry I cheated on you. Can you still forgive me?
I can forgive. But can I still trust you?
I don't know, really.
I don't think we can still save this relationship. Napakarami kong pagkakamali.
You don't know if you can trust yourself not to cheat on me again?
Are you giving up on us now?
Hindi yun eh. Sa tingin ko kasi, I still need to have a little time for myself. To think things over. I don't want to hurt you again.
This is what you want, right?
Sige, pag-isipan mo muna. Then maybe we can talk about it pagbalik ko sa Manila. Don't worry, hindi kita papupuntahin sa bahay. Ako ang pupunta sa'yo.
Tulog muna ako.
(May Karugtong)
6 comments:
ang sakit tangina :(
nararamdaman ko.. #feels #relate
Parang bigla akong namanhid huhuhu sorry na
ang sakit. sobrang sakit.
@christian, jay, anonymous: it really was painful. parang sasabog ang dibdib ko noon nang makumpirma ko ang pagtataksil nya. pero matagal na akong naka-move on. ngayon, wala na akong nararamdaman pagdating sa kanya. :)
On my.
Nailed it. The feels. Thank you. Break ups are always hard. It's good to realize, however, how am not very alone in this.
@your regular average guy: hello. thank you for dropping by and for leaving a comment. visited your blog too. naka-relate din ako. :)
Post a Comment