Ang lambot ng lips niya.
Ito ang napansin ko nang halikan ko siya.
Hindi siya nag-resist. Sa halip, tumugon siya. Higit kong naramdaman kung gaano kalambot ang lips niya.
We kissed gently habang parang slow motion na sumasayaw sa maharot na “Gimme More”.
Nasa ledge kami ng Bed. The kiss was so enchanting na parang huminto ang pintig ng paligid at nakalimutan ko kung nasaan kami.
Gumalaw ang mga dila namin, pahagod na tinikman ang tamis sa loob ng aming mga bibig.
Nagyakap kami. Gumapang ang aming mga kamay, pahaplos na dinama ang contours ng aming mga katawan.
Nagdikit ang aming mga dibdib. Higit na naging madiin ang paglalapat ng aming mga labi at higit na naging maalab ang aming mga halik.
Si M. Matangkad. Moreno. Matikas.
Una akong nabighani sa kanyang tindig. Stand-out siya habang mag-isang nagsasayaw sa ledge. Lumapit ako at nagkatinginan kami. Parang magnet ang tsinito niyang mga mata. Parang may puwersang humihigop sa akin habang nagtititigan kami. Hanggang sa hindi ko na matiis ang tila pang-aakit niya at inilapit ko ang aking mukha sa mukha niya. Nalanghap ko ang mabango niyang hininga. At hinalikan ko siya.
Kasabay ng mga halik at yakap, ng pagkalasing at pagkalimot, ay ang unti-unti pagniningas at pagsisindi ng pag-asa at pangarap sa aking puso na baka siya na nga ang matagal ko nang hinihintay. Na sa wakas ay dumating na siya. At magiging masaya na ako.
Bumitiw ang mga labi niya sa labi ko. At tumitig siya sa mga mata ko. Ngumiti siya. Humigpit ang yakap niya, parang ayaw niya akong pakawalan, at nakaramdam ako ng comfort, ng paglingap na matagal ko ring hinanap at pinanabikan.
Huminto ang music. Dumilim ang ilaw. Showtime na ng mga drag queens. Our moment was rudely interrupted. Bumaba kami ng ledge at nanood ng show. He was holding my hand.
I had to pee. Nagpaalam ako sa kanya. “Ok. Make it quick,” ang sabi niya nang nakangiti. I waded my way through the crowd papunta sa restroom sa itaas. Along the way, I saw some friends and acquaintances. Beso-beso. Konting chika.
And who will I see sa restroom. Si N. A pretty young thing from my past. He seemed to be genuinely happy to see me. “Hey, Aris,” ang bati. He gave me a smack on the lips. Aaminin ko, nagka-feelings ako noon kay N. Muntik nang maging kami. Pero, ang bata niya pa kasi. Di ko masakyan ang mga hang-ups niya sa buhay. “Who’s with you?” ang tanong niya.
“My friends,” ang sagot ko.
“Sino yung guy?”
“Sinong guy?” ang ulit ko.
“Yung ka-kissing mo sa ledge.”
“You saw us?”
“Of course, I saw you.”
Hindi ako sumagot. May nagmamasid pala habang nagaganap ang moment namin ni M.
“Is he your new boyfriend?” ang tanong niya.
“No,” ang maiksi kong sagot.
Ngumiti siya. “Good. Then join me outside. Uminom tayo,” ang yaya niya.
“I can’t…”
“Why? Kailangan mo siyang balikan?”
“Yes.”
Nakaharap kami sa salamin ng restroom habang nagaganap ang conversation naming ito. Parang may nakita akong hurt sa kanyang mga mata. Pero hindi na siya nagsalita.
Nanatili kaming nakaharap sa salamin at nakatingin sa isa’t isa.
“I gotta pee,” ang sabi ko pagkaraan ng ilang sandali at tinungo ko ang urinal.
Paglabas ko ng restroom, naroroon si N. Nakasandal sa barandilya ng bridge overlooking the dancefloor. Hindi maikakaila na cute talaga siya. Hindi nga lang siya matangkad pero hindi mo na ito mapapansin dahil hahatakin na ang atensyon mo ng maganda niyang mukha. There is something sexy about the way he looks at you and the way he carries his lean body.
“Sayaw tayo,” ang yaya niya sabay hawak sa kamay ko.
“I am sorry, I can’t,” ang sabi ko. Binitiwan niya ang kamay ko pero inilapit niya ang mukha niya sa akin. Mahina, halos pabulong, tinanong niya ako: “Ayaw mo na ba?”
Wala akong maisagot.
“Anong nangyari? Hindi mo na ba ako gusto?” ang dugtong niya.
“Hey, you’re drunk,” ang sagot ko, paiwas.
“Gusto pa rin kita. Bakit ayaw mo na sa akin?”
“Alam ko, naiintindihan mo kung bakit. We are just so… different,” ang sabi ko sa kanya. Gusto kong idugtong: “Kasi pakiramdam ko, ang dami-dami mong problema, parang ang bigat-bigat mong dalhin. Nahihirapan akong intindihan ka. Ang laki kasi ng agwat ng age natin,” pero tumahimik na lang ako.
He must be aware kung gaano ka-expressive ang kanyang mga mata. Tumingin siya nang diretso sa akin at doon nabasa ko ang lungkot, pagkabigo, pag-iisa at iba pang mga bagay na nais niyang sabihin. Umiwas ako ng tingin.
“I have to go,” ang paalam ko. “We will always be friends naman, di ba?”
Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Umalis na ako. Walang lingon-likod.
I realized na parang ang tagal ko yatang nag-restroom. Baka naiinip na si M. Nagmamadali akong bumaba.
Tapos na ang drag show. Nagsasayawan na uli sa ibaba.
Dumiretso ako sa lugar na kung saan iniwanan ko si M. Wala siya doon. Iginala ko ang aking mga mata. Sa dami ng tao, hinanap ko siya.
Di ko makita.
Sinuyod ko ng tingin ang dancefloor.
Inisa-isa ko ang mga nagsasayaw sa ledge.
At doon sa bandang likuran na kung saan medyo madilim ang ilaw, naaninag ko ang makisig niyang hugis.
Excited akong umakyat sa ledge para lapitan siya. Pero bigla akong napahinto.
Si M. My sweet, beautiful M.
Hindi siya nag-iisa. May kasama siyang iba. At hindi lang sila basta nagsasayaw o nag-uusap.
Naghahalikan sila.
Nanlumo ako. Parang biglang hinipan ang kanina’y nagsinding pag-asa at pangarap sa puso ko.
May naramdaman akong masakit.
Matagal ko silang pinagmasdan. Matagal kong sinaksihan ang mapait na katotohanan.
Tumugtog ang “It’s Not Right But It’s OK”. Para akong biglang natauhan. Nagsimula akong umindak. Iginalaw ko ang aking katawan, sabay sa maharot na tugtog. Sumayaw ako palayo sa kinaroroonan ni M.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Pilit kong binubura sa aking isipan ang imahe ni M na nakikipaghalikan sa iba.
Matagal akong nagsayaw na nakapikit. Pilit kong pinapayapa ang aking damdamin. Pilit kong itinatakwil ang sakit.
Maya-maya naramdaman ko, may humawak sa kamay ko. It was a familiar touch.
Dumilat ako.
Si N.
Napakaamo ng mukha ni N. Napakaganda ng kanyang mga mata.
Nagtama ang aming paningin. Nakita ko sa kanyang mga mata ang reflection ng aking lungkot, pagkabigo, pag-iisa at iba pang mga emosyon na hindi ko masabi.
Niyakap niya ako. Mahigpit. Kumapit ako sa kanya na parang nalulunod at sinasagip.
Tumugtog ang “Shining Star”. Pumagitna kami sa ledge at nagsayaw.
And we kissed.
10 comments:
isa lang ang masasabi ko. "sh*T"...
ouch yun ha.
pero looking at the bright side of things, at least nahuli mo na xa ng hindi pa kau. mas masakit kung kau na and nahuli mo xang gnun...
***the timing of the song (its not right, but is ok) was so perfect with the scene.. i can just visualize what was happening..
wow'ang masasabi ko kaibigan.
ang galing ng flow ng istorya...
nadala ako ng emosyon sa sinulat mo (",)
@aj: salamat naman at nagustuhan mo. :)
nagustuhan ko rin ^^
@seth: wow, talagang nag-backread ka. thanks. :)
Naaalala ko ang O-bar. LOL
This is the 3rd time I will go through all your works again. just cant get enough. Idol!
@anonymous: wow, thank you. sana magkaroon ako ng sapat na oras upang makapagsulat ng iba pang mga kuwento for your enjoyment. :)
i love this entry. medyo masakit sa umpisa pero happy ending naman. ayiie. kinilig ako :D
@sephy ganzon: sabi nga ang pag-ibig ay may dalawang mukha -- malungkot at masaya. pero sana, palaging masaya ang ending. :)
Post a Comment