Mga linyang hinabi sa mga hibla ng lungkot at ligaya...
***
Maalinsangan ang gabi
Na sinisiklot-siklot
Ng hangin
Habang ang aking puso
Ay sinusundot-sundot
Ng mga alaala
Sa pag-iisa.
Maalinsangan ang gabi
Na tinutukso-tukso
Ng buwan
Habang ang aking kabuuan
Ay dinadampi-dampian
Ng pananabik
Sa mga halik.
Maalinsangan ang gabi
Na umaandap-andap
Ang liwanag
Habang ang aking katawan
Ay umiinda-indayog
Sa tugtog
Ng paghahanap.
***
Isang gabi iyon
Na lahat ay nagpapatianod
Sa maharot na tugtog
At ilaw na humahaplos.
Isang gabi iyon
Ng pakikipagtuos sa lungkot
At pag-apuhap ng ligaya
Sa malamig na pag-iisa.
Isang gabi iyon
Na ikaw ay naghandog
Ng mapang-akit na mga titig
At maalab na mga halik.
Isang gabi iyon
Na ako ay nagpakalunod
Sa mapusok mong pag-indayog
At nakababaliw na mga hagod.
Maalinsangan ang gabi
Na sinisiklot-siklot
Ng hangin
Habang ang aking puso
Ay sinusundot-sundot
Ng mga alaala
Sa pag-iisa.
Maalinsangan ang gabi
Na tinutukso-tukso
Ng buwan
Habang ang aking kabuuan
Ay dinadampi-dampian
Ng pananabik
Sa mga halik.
Maalinsangan ang gabi
Na umaandap-andap
Ang liwanag
Habang ang aking katawan
Ay umiinda-indayog
Sa tugtog
Ng paghahanap.
***
Isang gabi iyon
Na lahat ay nagpapatianod
Sa maharot na tugtog
At ilaw na humahaplos.
Isang gabi iyon
Ng pakikipagtuos sa lungkot
At pag-apuhap ng ligaya
Sa malamig na pag-iisa.
Isang gabi iyon
Na ikaw ay naghandog
Ng mapang-akit na mga titig
At maalab na mga halik.
Isang gabi iyon
Na ako ay nagpakalunod
Sa mapusok mong pag-indayog
At nakababaliw na mga hagod.
7 comments:
One night you are sad, then the next you are happy. That's life! I hope happiness will go on and on and on...
I guess, somehow hibernation did you good. :)
Mga linyang hinabi sa mga hibla ng lungkot at ligaya...-ASTEG NAMAN. MAKATANG MAKATA! :)
haay sarap naman magpakalunod sa sarap! ;-)
ayos! nakakainit ng katawan din...hehehe
Nice poem. Loved it.
@joaqui_miguel: sana nga mula ngayon, lagi nang masaya. wish ko rin yan para sa'yo. :)
@joshmarie: balagtasan ba? lol! :)
@mksurf8: i agree hehe! :)
@dodong: salamat po sa pagbisita. it is an honor! binabasa ko rin ang blog mo. :)
@hammed: thank you very much. i am happy to hear from you. please drop by again soon. :)
Thank you! :)
Post a Comment