Monday, November 10, 2008

Whirlwind

Mabuti na lang hindi tayo naka-costume o naka-maskara kahit Halloween. Pareho tayong walang pagbabalatkayo nang gabing iyon.

Nakita kitang nakatayo sa tabi ng dancefloor, mag-isa. Inagaw kaagad ang pansin ko ng presence mo. You are so cute. I immediately hit on you and you responded with a smile.

“Ako si Aris,” ang sabi ko.

“Ako si GP,” ang sagot mo.

Up close, I realized how young you are. Kahit guwapong-guwapo ako sa’yo, I decided na hindi tayo bagay kaya ipinakilala kita sa isa sa mga kasama ko, si LM, na mas kaedad mo. I could tell na type ka ni LM dahil pinormahan ka niya kaagad at niyayang sumayaw. Lumayo ako.

Habang nagsasayaw kayo ni LM, tinatanaw ko kayo. Panay ang bulong ni LM sa’yo and his body was so close to you. I even saw him steal a kiss from you. Bigay na bigay si LM sa pagsasayaw pero ikaw, simple lang ang iyong mga galaw. Kahit may attraction ako sa’yo, I decided to let go dahil iba na ang hinahanap ko. “I am so done and over with twenty-year-olds,” ang sabi ko nga sa bestfriend kong si AC.

I was just starting to circulate, flirting with a hunky semi-kalbo, nang makita ko si LM na nasa tabi ko. It seemed na nag-disengage na siya sa’yo.

“What happened?” tanong ko.

“I don’t think he likes me,” ang sagot niya.

Pahapyaw kang hinanap ng mga mata ko pero hindi kita makita.

Kumalas ako kay hunky semi-kalbo at sinamahan ko si LM na pumunta sa kinaroroonan ng aming mga kabarkada. I stayed for a while pero parang hindi ako mapakali sa kinaroroonan ko. Parang may humihila sa akin sa dancefloor.

“Restroom lang ako,” ang paalam ko sa mga friends.

Pero sa halip na magtungo sa banyo, dumiretso ako sa dancefloor.

Saka kita uli nakita. Nakatayo sa tabi ng dancefloor, mag-isa.

Habang nagsasayaw ako sa saliw ng “Here I Am”, nagtama ang ating mga mata. We both smiled. May paanyaya ang aking mga galaw na kaagad mo namang tinugunan. Lumapit ka sa akin at nakipagsayaw.

“Are you alone?” ang bulong ko sa’yo habang nagsasayaw tayo.

“I am with friends,” ang sagot mo. “Kaya lang hindi ko na sila makita.”

“Ilang taon ka na?” ang tanong ko.

“Twenty one,” ang sabi mo. Ang bata mo pa nga!

“Ikaw, ilang taon ka na?” ang tanong mo.

Sinagot kita truthfully.

“Really? I like them older,” ang sabi mo sabay ngiti.

Napangiti rin ako sa affirmation na narinig ko mula sa’yo.

“Working ka na?” ang tanong ko uli.

“Nag-aaral pa,” ang sagot mo.

“Saan?”

“Mapua. Architecture.”

Sumagi sa isip ko ang ex ko na minahal ko noon. Mapua din siya, architecture din. Mas older nga lang sa’yo. Hindi ko alam kung dahil sa school at course mo pero pakiramdam ko, lalo akong na-endear sa’yo.

“Ikaw, what do you do?” ang tanong mo.

Sinabi ko sa’yo ang trabaho ko.

At dahil kanina pa tayo nagbubulungan para magkarinigan sa malakas na music, hindi maiwasang magkalapit at magkadikit ang ating mga mukha. Naramdaman ko ang malambot at makinis na balat ng iyong pisngi. Dinampian ko ito ng halik. Humalik ka rin sa aking pisngi. Nagtagpo ang ating mga labi sabay sa ating pagyayakap. Napapikit ako habang tayo ay naghahalikan. Nakalimot na ako sa pagsabay sa tiyempo ng tugtog na ating sinasayawan. Pakiramdam ko, lumulutang ako sa gitna ng dancefloor habang nilalasap ko ang init at tamis ng iyong bibig. Nang magbitiw tayo, napatitig ako sa mga mata mo at ako ay iyong nginitian. Humigpit ang yakap mo sa akin. Niyakap din kita nang mahigpit. Nagpatuloy tayo sa pagsasayaw na humahaplos ang ating mga kamay sa iba't ibang bahagi ng magkadikit nating katawan. Sa muli nating paghahalikan, natiyak ko ang pagkabuo ng isang connection sa pagitan nating dalawa.

“Aakyat sana ako sa restroom,” ang sabi ko pagkaraan.

“Sasamahan na kita,” ang sagot mo.

Hinawakan mo ang kamay ko and you led the way. May mga napapatingin sa atin habang umaakyat tayo sa hagdan. I felt proud dahil ikaw ang ka-holding hands ko.

Pagpasok natin sa restroom, doon ko higit na nakita sa liwanag kung gaano ka kaguwapo. Ang hahaba ng pilikmata mo at brown ang mga mata mo. Matangos ang iyong ilong at manipis ang iyong mga labi. Buo at mapuputi ang ngipin mo. Humarap tayo sa salamin at niyakap kita mula sa likod. Pinagmasdan ko ang reflection nating dalawa. Inspite of the age gap, napagtanto kong bagay tayong dalawa.

“We look good together!” ang bulalas ko.

“Yeah,” ang sagot mo at piniktyuran mo tayo sa celfone mo.

Sabay tayong nagtungo sa urinal pero nasa magkabilang side tayo. At dahil magkaharap, pilyo tayong nagngingitian habang nagkakatinginan at nagkakasilipan sa salamin ng aquarium na divider.

Kumuha muna tayo ng drink before we settled sa couch. Nag-usap tayo habang umiinom ng beer. We were seated so close na maya’t maya, naghahalikan tayo. Panay din ang yakap mo at hawak sa kamay ko. You were so sweet na hindi ko ma-resist. Gustung-gusto ko ang ginagawa mo sa akin. In fact, nararamdaman ko, gusto na kita.

“Do you have a boyfriend?” ang tanong ko.

“No,” ang sagot mo. “Ikaw?”

“Wala rin,” ang sagot ko.

“Ano ba hinahanap mo?”

Saglit akong nag-isip, gusto kong maging maingat sa pagsagot dahil ayaw kong ma-discourage ka. “Basta yung makakasundo ko… Yung makakaintindi sa trabaho ko… Mature… Sweet… Hindi matampuhin…”

Tumango-tango ka.

“Ikaw, ano hanap mo?” ang tanong ko.

Mabilis ang sagot mo. “Katulad mo!”

I could not help but smile.

You cupped my face in your hands at ginawaran mo ako ng halik. I kissed you back. Nang magbitiw ang ating mga labi, tumitig ka sa mga mata ko at nagtanong.

“Do you like me?”

Sumagot kaagad ako. “Yes, I like you.” Iyon ang totoo.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na tanong mo.

“Will you be my boyfriend?”

Natigilan ako.

“Are you serious?” ang tanong ko.

“Yeah,” ang sagot mo. “Gusto rin kita. Kailangan pa ba nating patagalin? I don’t believe in courtship.”

"Uhmm, ok. Sure,” ang sagot ko.

“So, mula ngayon, tayo na?” ang pag-confirm mo.

“Oo.”

Napangiti ka. Niyakap mo ako ng mahigpit at binulungan ng “I love you.”

Ang anumang reservation sa biglaang decision ko ay nilunod ng mga halik mo. I was actually happy to hold you.

I decided to take the risk to have you.

Nang tinugtog ang “Love At First Sight”, tumayo tayo at muling nagsayaw.

17 comments:

Anonymous said...

yipee! good luck sa inyong dalawa =)

MkSurf8 said...

wow bilis!

enjoy yet be cautious :-)

Anonymous said...

grabe! nakatutok ako! kala ko something weird is gonna happen, siguro nasanay ako ki mandaya. i like the kwento, relate na relate ako, although karamihan hanggang dancefloor lang ang lola, taz pag alas dos kelangang iwanan ko dahil di ko masikmura. makamandag ka! let us know kung ano nangyari!

Aris said...

@chuck suarez: thank you! mwah! :)

@mksurf8: paggising ko nga kinabukasan, parang di ako makapaniwala.

thanks again for dropping by. ingat always. :)

@reyna elena: hello! salamat sa pagbabasa at sa comment. happy ako na nakaka-relate ka sa mga kwento ko.

dance lang tayo nang dance sa dancefloor ng buhay habang inaabangan ang susunod na kabanata.

ingat po. :)

Anonymous said...

jackpot! so happy for you. Enjoy Aris ;)

Anonymous said...

awwww! in lab? :) napadaan lang po. :)

Aris said...

@benzgasm: hayy, sana lang maging successful! :)

@joshmarie: ganito pala ang ma-inlab hehe! salamat uli sa pagbisita. lagi ka pong welcome dito sa blog ko. :)

Anonymous said...

pa-ambon nang mga inayawan mo! leche! pasko na wala man lang akong kasip-sipang bagang grrr! dance lang nang dance!

Joaqui said...

Hey!

I'm happy for you! :)

I hope this is it for you! :)

Anonymous said...

oh really? at first can't tell if it's true. totoo nga!!!

haha, gudluck and God bless sa inyo.. i don't believe in courtship also..

cheers! Aris!
i added u in my links.. nice posts.
;)

canmaker said...

Live life to the fullest.....enjoy and good luck!

Anonymous said...

salamat po sa pagdaan sa blog ko. :) ingat. :)

Looking For The Source said...

Good luck aris!

Anonymous said...

ive been here a lot of times pero ngayon lang magcocomment...

its always nice to hear another kapatid finding his someone.

i am happy for u.

sana ako din...hehehe...

Aris said...

@reyna elena: wag ka po mainip, darating din siya. malay mo, siya ang gift sa'yo ni santa! :)

@joaqui-miguel: thanks, my dear friend! :)

@dylan dimaubusan: salamat po nang marami. mwah! :)

@canmaker: life is so full of surprises! enjoy lang natin. :)

@joshmarie: i enjoyed my stay. :)

@looking for the source: salamat. sana nga maging maswerte na ako! :)

@ewan: hello! salamat sa pagbabasa at sa comment. i wish na sana matagpuan mo na rin siya. please drop by again soon. take care. :)

Anonymous said...

sana...

i am complicated beyond comprehension...hihihihi


just the same, I am happy for you...

Jinjiruks said...

musta na po. bloghopping lang. ang sweet at cheesy naman ng entry na ito. sa totoo lang hindi ako makapaniwala na nangyayari ito and nagiisip na pwede kaya mangyari sa akin ito. i'm so happy for you aris sana makahanap rin ako ng kagaya niya.