Wednesday, November 5, 2008

Beauty Disaster

Nakakahiya man, ikukuwento ko na.

After partying hard Friday night and spending a leisurely Saturday, I decided to pamper myself Sunday.

I had a whole body massage and a haircut.

Yung suki kong manggugupit, nag-resign na sa parlor na pinupuntahan ko, kaya naghanap ako ng bagong pagpapagupitan. I went to this famous salon.

Nakatagpo ako ng mahusay gumupit. Nagustuhan ko ang ginawa niyang style sa buhok ko. I was so pleased with my new look.

Nag-suggest siya ng hair spa. Ok, sabi ko, nandito na rin lang, lubus-lubosin na ang pagpapaganda.

So, nagpa-hair spa ako.

May inilagay na cream sa buhok ko. Minasahe ang scalp ko. Binalutan ng shower cap ang ulo ko. May bonus pa na shoulder and back massage habang nakababad ang ulo ko sa gamot.

After 30 minutes, hinugasan ang ulo ko. Uy, ang sabi ko, ang sarap ng feeling. Ang presko sa scalp at ang dulas ng buhok ko. Nagbigay ako ng malaking tip.

Nagsimba muna ako at namasyal sa mall bago umuwi.

Before going to bed, I bathed and did my usual rituals.

Nakahiga na ako para matulog nang magsimulang mangati ang ulo ko. Pati noo, tenga, mukha at leeg ko. Ang kati-kati na hindi ko kayang tiisin. Bumangon ako at humarap sa salamin.

Puno ng rashes ang mukha at leeg ko. Namumula at namamantal din ang anit ko.

I immediately applied Fluoderm, a cream prescribed by my derma the last time na nagka-allergy ako sa sabon. Uminom din ako ng anti-histamine. Nakaramdam ako ng relief kaya nakatulog ako.

Paggising ko kinabukasan, pakiramdam ko, nangangapal ang mukha at anit ko. May intense throbbing sa ulo ko. Masakit din ang anit ko na parang sinabunutan ang buhok ko.

Humarap kaagad ako sa salamin at nagulat ako sa nakita ko. Parang lumaki ang ulo ko dahil sa pamamaga ng anit at noo ko (think hydrocephalus!). Naging parang chicharon ang tenga ko. Halos magsara ang mga mata ko dahil sa pamamaga sa paligid nito. Naiba ang hitsura ko na halos di ko na makilala ang sarili ko!

Oh my God, it must have been the hair spa! Na-allergy ako!

Nagmamadali akong nag-shower. While shampooing, nasalat ko ang mga blisters sa anit ko. My God! My God! Ano ito? Katatapos lang ng allergy ko sa sabon, may bago na naman akong allergy. At mukhang grabe ito!

Uminom uli ako ng anti-histamine.

Pagkabihis, I went downstairs to report for work. (Yes, my office is just downstairs.) I was greeted by my staff with shocked expression on their faces. “What happened to you?” ang sabay- sabay nilang tanong. I realized that I looked worse than I thought.

After an hour, lalong lumala ang pamamaga ko. I was also in pain. My business partner drove me to the doctor.

The dermatologist confirmed na na-allergy nga ako sa hair spa. She assured me, though, na wala akong dapat ipag-alala. “It’s nothing serious.” That was the good news. But the bad news: “Mas mamamaga pa yang mukha mo for the next two days dahil sa fluid build-up dala ng allergic reaction mo.” Niresetahan niya ako ng Claricort para sa pamamaga.

More bad news: “Kailangan mong hugasan ng boiled guava leaves (cooled, of course!) ang anit mo twice a day for 20 minutes.” Gosh, saan ako kukuha ng dahon ng bayabas? And who has the time to wash scalp for 20 minutes twice a day?

Fluoderm was also prescribed for topical application to affected areas on the scalp. Paano ko ito ia-apply e hindi ko naman nakikita ang mga sugat sa anit ko?

Anyway, nagawan ko rin ng solusyon ang mga ito. Nagpabili ako sa Quiapo ng dahon ng bayabas. At nagpatulong ako kay Inday sa paglalagay ng gamot.

Sinusulat ko ito, effort na effort na ibukas ko ang mga mata ko dahil sa higit na pamamaga nito. Kakatingin ko lang sa salamin at magang-maga rin ang mukha ko. Mukha ng isang alien ang nakikita ko sa reflection ko at hindi na ako!

“Yan kasi,” ang sabi ng bestfriend ko habang naghihinagpis ako sa phone. “Hindi ka na nakuntento sa likas na ganda mo kaya pinapangit ka tuloy!” Jokingly, of course.

For the next seven days, I will just be confined at home and in my office. I don’t even intend to accept visit from friends. Hindi ako maaaring lumabas dahil kapag may nasalubong akong mga kakilala, tiyak na masisindak sila sa itsura ko. Sabagay, baka hindi rin nila ako mamukhaan. Magtatanong nga lang sila sa isip nila: Ano kaya ang nangyari sa mamang iyon?

Hay naku, the price I have to pay for beauty! Kung alam ko lang na magdudusa ako nang ganito dahil sa simpleng hair spa, sana nagpa-cosmetic surgery na lang ako!

11 comments:

joelmcvie said...

Juzkoh. Next time.... =)

(Thank god I have zero allergies.)

MkSurf8 said...

oh my! Hassle! :-(

Luis Batchoy said...

OMG kawawa ka naman. Next time po, mag patch test muna always pag me chemicals involved. Ingat po kayo...

Joaqui said...

Be well soon. :)

Aris said...

@joelmcvie, mksurf8, luis batchoy, joaqui_miguel: thank you for your comments and get well wishes. in no time i will be up and about. miss ko na ang outside world!

Looking For The Source said...

ayan ayan kasi!

joke!

pagaling ka ha!

canmaker said...

you should have returned to the saloon and complained....hindi naman para magtaray pero para na din hindi mangyari its sa ibang tao...

kung sa states iyan, nag-demanda na ang saloon na iyan

keep well....

Anonymous said...

aw! ang lungkot naman. nakakainis yung ganun. sobrang hassle!

Aris said...

@looking for the source: hehehe! tenchu mah fwend! :)

@canmaker: i was planning to but i lost my receipt. wala akong proof na nag-avail ako ng kanilang services. hayy, charge it to experience na lang. thanks. :)

@joshmarie: hello! oo nga, almost one week na akong hindi makalabas ng bahay! thank you very much for dropping by. sana pasyal ka lagi dito. :)

lucas said...

nyak! nako naman allergic ka pala sa ganun! hehehe!

guso ko sanang i-try ang hair spa kaya alng wala nakong buhok. hahaha!

angels05 said...

tnx! sana effective ang bayabas herbal medecine pra s anit ng ank ko!